MARIANNE
“Anica!” halos tumalon ako sa lakas ng boses ni ninong at nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko at seryoso niyang mukha habang naglalakad palapit sa amin ng anak niya.
“Late na ako, dad.” sabi nito kay ninong na para bang naiinis pa.
“Mag-uusap tayong dalawa mamay–”
“Whatever!” bastos na putol niya sa sasabihin ng daddy niya.
Ako naman ay nakatingin lang sa malditang anak ni ninong. Nagkatinginan kaming dalawa ni ninong at ngumiti na lang ako sa kanya.
“Good morning po,” bati ko sa kanya.
“Good morning, kumusta naman ang tulog mo?” tanong niya sa akin.
“Okay naman po, nakatulog po ako agad.”
“It’s good to hear that,” sabi niya sa akin.
“Salamat po,” sabi ko sa kanya.
“I’m sorry, I’m sorry sa naging attitude ng anak ko,” sabi niya sa akin.
“It’s okay, ninong.”
“Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sabi niya sa akin at naglakad na siya papunta sa dining area.
“Magbreakfast na tayo,” lumingon siya sa akin.
“Si Alden po?”
“Mamaya na lang siya kapag nagising na siya,” sabi niya sa akin.
“Hihintayin ko na lang po siya. Sabay po kami,” sabi ko sa kanya.
“Are you sure? Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong niya sa akin at umiling naman ako bilang sagot sa kanya.
“Okay, sabay na lang kayo. May pasok pa kasi ako sa city hall,” sabi niya sa akin.
“Mauna na po kayo,” sabi ko sa kanya at naglakad ako palabas para pumunta sa garden.
Gusto ko kasi na maglakad-lakad dito sa labas. Nais ko rin na magpa-araw para naman pagpawisan ako. Ang ganda ng mga bulaklak dito. Talagang inaalagaan nila ang mga halaman dito. Hindi naman ako puwedeng lumabas kaya dito na lang muna ako sa garden nila.
“Good morning po, Ate ganda.”
Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Alden.
“Good morning,” nakangiti na bati ko sa kanya.
Tumatakbo siyang lumapit sa akin. Sinalubong ko naman siya at binuhat ko siya.
“Magbreakfast na po tayo, ate ganda. May pasok pa po kasi ako sa school,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“‘Anong grade ka na po ba?” tanong ko sa kanya.
“Grade one po,” sagot niya sa akin.
“Tara na, kumain na tayo. Baka ma late ka pa sa school,” sabi ko sa kanya.
“Nagkita na po ba kayo ng ate kong m*****a?” tanong niya sa akin.
“Pumasok na siya sa school,” sagot ko sa kanya.
“Lagi naman po ‘yun nagmamadali at hindi po sumasabay sa amin kumain.” sabi niya sa akin.
“Ganun ba?”
“Opo, ayaw po kasi niya dito. Mas gusto po niya kay mommy. Kaya lang po busy rin po si mommy kaya po nandito kami kay daddy,” sabi pa niya sa akin.
“Saan ang mommy mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman.
“Nasa Paris po” sagot niya sa akin.
“Okay, tara na kumain na tayo.” sabi ko na lang sa kanya at pumasok na kami sa dining room.
Nakaupo pa rin si ninong at hindi pa siya tapos kumain. Lumapit sa kanya si Alden at yumakap sa kanya. Ang sweet talaga ng batang ito. Kahit si ninong ay sweet rin sa anak niya. Nilagyan ko ng pagkain ang plato ni Alden at nagsimula na kaming kumain.
“Daddy, puwede po ba akong ihatid ni Ate Yanne sa school?” tanong ni Alden sa daddy niya.
“No, hindi puwede.” mabilis na sagot ni ninong.
“Why po?” malungkot na tanong ni Alden.
“It’s not safe for her to leave the house,” sagot naman ni ninong sa anak niya.
“Pero po–”
“Alden, next time na lang po.” sabi ko sa kanya.
“Okay po,” sagot niya at muling kumain.
Naging tahimik kaming tatlo at kalansing ng mga kubyertos ang tanging naririnig sa hapagkainan. Hanggang sa natapos na lang kami ay wala ng nagsasalita sa amin. After kumain ay umakyat na silang dalawa ako naman ay naiwan dito.
“Ma’am, kami na po d’yan.” sabi sa akin ni Manang Tiray.
“Ako na po, kayang-kaya ko na po ito.” sabi ko sa kanya
“Huwag na po, baka mapano pa ang mga kamay mo.”
“Sanay naman po akong maghugas ng plato. Sa US po ay mag-isa lang po ako at ako po ang gumagawa ng mga gawaing bahay,” sabi ko sa kanya habang nakangiti.
“Kahit na po, magagalit si Mayor kapag po nalaman niya ito.”
“Hindi po, ako na po ang bahalang magpaliwanag sa kanya.” sabi ko sa kanya.
“Kung hindi po kita mapipigilan ay sige po. Ikaw ang bahala,” sabi niya sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya at dinala ko sa kusina ang mga hugasin. Mabo-bored lang ako dito kaya kailangan kong libangin ang sarili ko. Ayaw ko naman na wala akong ginagawa. Masaya akong naghuhugas ng mga hugasin ng marinig ko na tinatawag ako ni Alden. Pinatay ko muna ang gripo at nang lumingon ako ay halos atakehin ako dahil nakatayo sa harap ko si ninong.
“Bakit ikaw ang gumagawa niyan?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Gusto ko po na may ginagawa ako,” sagot ko sa kanya.
“Huwag ka po sanang magalit sa kanila dahil ako po ang nagpumilit,” sabi ko sa kanya.
“Hindi mo kailangan na gawin ‘yan,” sabi niya sa akin.
“Naiinip po kasi ako na wala akong ginagawa,” sagot ko sa kanya.
“Kung iyan ang gusto mo pero ‘wag mong pagurin ang sarili mo. Trabaho nila ‘yan kaya hayaan mo na lang sila.” sabi niya sa akin.
“Aalis na kami ni Alden, tumawag ka kapag may problema o kung may gusto ka.” sabi niya sa akin.
“Ingat po kayo,” sabi ko sa kanya.
“Bye, Ate Yanne!” nakangiti na sigaw ni Alden at kumaway pa siya sa akin.
“Bye,” sabi ko sa kanya.
Bumalik na ako sa ginagawa ko hanggang sa natapos na ako. After ko dito sa kusina ay umakyat na ako sa room ko para maligo. Dahil sa wala naman akong gagawin ay nagbabad na lang ako dito sa bathtub. Habang nakalublob ako dito sa tubig ay marami ang pumapasok sa isipan ko. Maraming tanong pero hindi ko pa rin alam ang sagot.
Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong narito sa bathtub. Nakaidlip na pala ako dahil ang bango ng bodywash dito. Umahon na ako at naligo na. After kong magbihis ay tinawagan ko ang abogado ni daddy para ayusin ang sahod ng mga tauhan niya. Gusto ko silang bigyan ng pera para magamit nila if ever na gusto nilang magnegosyo. Wala na ang daddy ko at wala na rin ako sa bahay kaya wala ng dahilan para manatili sila doon.
After naming mag-usap ng abogado ni daddy ay may tinawagan rin ako. Ang mga taong sa tingin ko ay makakatulong sa akin.
“Daddy, hindi ko po hahayaan na hindi ko makuha ang hustisya na para sa 'yo. Anuman ang mangyari ay gagawin ko ang lahat para pagbayaran nila ang ginawa nila sa ‘yo.” kausap ko sa larawan ni daddy sa phone ko.
LIBBY“May pasalubong ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko pero kaagad rin akong ngumiti lalo na may mga tao na nandito ngayon.“Talaga, mister ko? Ano naman ito?” tanong ko sa kanya pero hinila niya ako papunta sa likurang parte ng pick-up niya at nagulat ako sa bumungad sa akin.“Bakit may—”“Sabi mo kagabi, gusto mo ng aso, kaya bumili ako para sa ‘yo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Pero pinag-iisipan ko pa lang naman at wala pa naman akong balak na–”“Hayaan mo na po, misis ko. Gusto ko na ibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi lang aso ang binili ko kundi pati na ang parrot,” sabi niya sa akin.“Hindi mo naman kailangan na–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi para patigilin na ako sa pagsasalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako patahimikin.“Mister ko, hindi mo kailangan na gumastos ng malaki. Alam ko na mahal ang bullmastiff at baka maubos na ang savings mo,” pagkukunwari na sabi ko pero syempre sa loob loob ko ay
LIBBY“Bakit? Mahal mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya at nakatingin ako sa mga mata niya.“Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo kung ikaw nga mismo hindi mo ako mahal,” sagot niya sa akin.“Tama ka naman,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Wala na akong tanong kaya tumalikod na lang ako.Hindi ko alam kung bakit ba feeling ko disappointed ako. Eh ano naman kasi ang inaasahan ko na isasagot niya sa akin? Na mahal niya ako? Tapos siya hindi ko naman mahal, may point rin talaga ang sagot niya sa akin.Kahit naman siguro ako ay same kami ng isasagot na dalawa. Pumikit na ako para matulog na pero naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin. Ang init ng yakap niya na para bang hinihili niya ako kaya bumibigat naman ang talukap ng mga mata ko.“Good night, misis ko.” narinig ko na bulong niya bago pa dumilim ang lahat.Nagising ako na ako na lang ang nandito sa kama namin. Tama na nga siya, safe ako sa kanya dahil wala siyang ginawa na kahit ano sa akin. Wala na rin dito ang mg
LIBBY“Inaakit mo ba ako, misis ko?” nakangisi na tanong sa akin ni Arthur.“What are you–Ano naman kung oo?” tanong ko sa kanya at nilakasan ko ang loob ko.“You win,” sabi niya sa akin at mabilis niya akong hinila papunta sa kanya kaya natumba kaming dalawa dito sa kama. Nasa ibabaw niya ako ngayon at nasa baywang ko ang kamay niya.“Ang sexy mo, misis ko,” pabulong na sabi niya sa akin pero nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Matagal na,” medyo mataray na sabi ko para naman alam niya na hindi ako takot sa kanya.“Ikaw lang talaga ang sexy na mangkukulam na nakilala ko,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Oo kasi ‘yong isang kilala mo–”“May iba pa ba ako? Parang wala naman,” nakangiti na sabi niya at hindi niya ako hinayaan na ipagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.“Arthur,” sambit ko sa tunay niyang pangalan.“Bakit mo ba iniisip na may ibang babae? Ikaw lang naman eh, ikaw lang at wala ng iba pa, Libby.” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“What do you mean by that?
LIBBY“Kuya, tayong tatlo lang naman ang nandito pero bakit naman misis–”“Dahil siya naman talaga ang misis ko,” nakangiti pa na sabi ni Arthur sa babae.“What? Paano mo–”“Kumain ka na lang d’yan. Masarap ang luto ng ate mo, hindi ko alam na may talent pala ang asawa ko, mukhang tataba ako kapag siya ang laging magluluto,” sabi niya at nakangiti pa talaga siya.“Mag-aaral rin akong magluto, kuya.”“Maganda ‘yan para kapag nag-asawa ka na ay magluto ka para sa asawa mo,” sabi naman ng lalaking ito.Eh siya nga itong tinutukoy ng isang ito.“Opo, kuya. Para sa susunod ay luto ko na ang pupurihin niya. At kapag natapos ko na ang trabaho ko ay sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya para hindi na makuha ng iba,” sabi pa niya.Siguro nga ay ang iniisip niya na mag-asawa lang kaming dalawa sa misyon na ito. Kaya hindi na nagkukulit na magtanong dahil sa sinabi ni Arthur na asawa niya ako. Pero hindi naman ito magtatagal kaya siguro baka matuto na siyang magluto kapag naghiwalay na kamin
LIBBY“What are you doing?” tanong ko sa kanya.“A–Ate,” nauutal na sambit niya.“Akala ko ba marunong kang magluto. Mukhang hindi naman,” sabi ko sa kanya dahil kung ano-ano ang ginawa sa mga rekados niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o hindi. Paano ba naman kasi? Mukhang rich girl ang mana na ito.“Akala ko po kasi ay madali lang. Sa video kasi ay ang dali lang,” sabi pa niya sa akin kaya ako naman itong hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. Nagmamagaling lang naman pala siya. Hindi pala talaga totoo na marunong siya.“Ibigay mo na lang sa kanya ang tubig sa labas. Ako na ang magluluto ng dinner natin para naman makain pa natin,” sabi ko kay Cherriepie dahil naawa ako sa isda na nilagay na niya sa loob ng kaldero eh hindi pa naman niya ito nilinisan.Baka magkasakit ako ng dahil sa kanya. Mas mabuti pa na ako na lang. Bida-bida na babae. Akala ko naman ay, kawawa naman pala ang mukhang paa na ‘yon kapag ito ang naging asawa niya. Maliban sa magugutom siya ay kung ka
LIBBY“Lib,” tinawag na niya ako sa pangalan ko.“Okay lang, walang problema, hindi mo kailangan na magpaliwanag sa akin. Sabi ko nga sa ‘yo diba, hahayaan kita na gawin mo ang mga gusto mo. Sa papel lang naman tayo mag-asawa,” mahinahon na sabi ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap.“Bakit mo ba ako niyayakap?” tanong ko sa kanya pero kalmado lang ako. Ayaw ko rin kasing sumigaw o sigawan siya.“Don’t be like this. Huwag kang ganito ka kalmado,” sabi niya sa akin.“Ha? Why?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Dahil mas gusto ko pa na galit ka sa akin lagi. Walang ibang kahulugan ang nakita mo, natumba lang kaming dalawa,” paliwanag niya sa akin.“Bakit ka ba nagpapaliwanag? Wala namang dahilan para magpaliwanag ka, hindi naman kailangan eh,” sabi ko sa kanya.“Asawa mo ako kaya dapat lang na magpaliwanag ako,” sabi niya sa akin.“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na–”Hinalikan na naman niya ako sa labi. At nagulat pa ako dahil binuhat niya ako. At na