FAZER LOGINMARIANNE
“If okay lang ay puwede ko bang itanong kung saan ang mommy mo? Bakit hindi niyo siya kasama?” tanong ko sa kanya.
“Si mommy po ay nasa Paris. Iniwan po niya kami,” sagot niya sa akin.
“Iniwan? Bakit?” tanong ko sa kanya dahil curious ako.
“Hindi ko po alam ang reason. Wala pong sinabi si daddy kaya po ako naiinis sa kanya. Naghiwalay po sila at hindi sinabi sa amin kung ano po ang dahilan. Kaya po ako naiinis kay daddy kasi tinatanong ko po siya ay sinabi niya na hindi naman daw kami iniwan. Na sabi niya nagbabakasyon lang si mommy. For four years po?” parang naiiyak na sagot niya sa akin kaya bigla na lang tuloy akong nagsisisi kung bakit ko pa siya tinanong.
“I’m sorry, sorry nagtanong ako. Pero baka may reason sila, lalo na ang daddy mo. Baka gusto niyang sabihin sa ‘yo kapag malaki ka na, kapag malaki na kayo. Kapag naiintindihan niyo na. Kapag lumalalaki kasi ang isang tao ay nagiging kumplikado ang lahat. Minsan nga mas gugustuhin mo na lang na sana bata ka na lang forever.”
“Kaya po alam mo po, binabantayan ko ng maigi si daddy kasi ayaw ko na mapunta siya sa iba. Baka po magalit si mommy. Baka po lalo niya kaming iwan at hindi na siya bumalik talaga. Sorry po, sorry po kung napagkamalan po kita na babae ni daddy. Kasi po marami talaga ang may gusto sa daddy ko dahil mabait na gwapo pa.” sabi niya kaya napangiti na lang ako sa kanya.
“Kalimutan mo na ‘yon. Okay lang sa akin, hindi naman kasi ako nagpakilala sa ‘yo agad kaya napagkamalan mo ako. Kasalanan ko rin naman,” sabi ko sa kanya kasi ayaw ko na naiilang siya sa akin.
“Ate may boyfriend ka na po ba? Ang ganda-ganda mo po kasi, mas maganda ka pa nga sa mommy ko.” sabi niya sa akin kaya nagulat ako.
“Wala pa, wala pa naman akong nagustuhan. Kasi naging focus ako dati sa sarili ko noong nasa US ako. Gusto ko kasi na maka-graduate muna para naman ang daddy ko ay maging proud sa akin. Pero kasi ngayon, wala na siya. Pero alam ko na noong araw ng graduation ko ay sobrang proud siya sa akin. If ever man na may dumating ay gusto ko na maging katulad siya ng daddy ko. Gusto ko ang mabait at mapagmahal na lalaki,” sabi ko sa kanya.
“Anak ka po talaga ni Tito Marlon, pareho po kayong mabait. Noong wala ka pa dito ay marami siya laging kwento tungkol sa ‘yo. Proud na proud siya sa ‘yo, ate. Kaya po nakakalungkot po na bigla na lang siyang nawala. Hindi po ako nakapunta dahil po may sakit kami ni Alden. Bigla na lang po kasi kaming nagkalagnat,” sabi niya sa akin.
Hinaplos ko naman ang buhok niya. Ngayon ko naiintindihan ang pinanggalingan ng inis niya. Maganda at medyo m*****a pero mabait naman siya. Minsan kasi ang akala ng ibang tao ay kapag m*****a ay hindi na mabait. Misan ang mga taong m*****a ay sila pa ang totoo. Kasi minsan nilalabas nila kung ano ba ang tunay na nasa loob nila. Hindi sila natatakot na sabihin ang thoughts nila sa iba.
Si Anica ay ganun siya. Mahal niya ang mommy niya kahit pa iniwan sila. Kahit pa hindi niya alam ang dahilan. Iyon ay dahil umaasa siya na dumating ang araw na babalik ito at mabubuo sila. Pero hindi ko alam itong nararamdaman ko ngayon. Bigla akong na lungkot na baka hindi ako tanggapin ng ex-wife ni ninong dito. Pero hindi rin naman talaga ako dapat na narito sa bahay na ito. Naging sampid na ako sa buhay nila.
Habang hinahaplos ko ang buhok niya ay bigla na lang siyang nakatulog. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko siya. Dahil sa mag-isa na lang ako at dahil wala naman akong makasama sa buhay ko ay gusto ko rin ng tao na magmamahal sa akin.
Nang pamilya na matatawag ko na akin. Pero paano ko ‘yun gagawin kong nakakulong ako dito? Paano ko rin makakamit ang hustisya kung hindi ako pinapayagan ng ninong ko na lumabas dito? Siguro ay kailangan ko na talaga na mag-isip ng paraan.
Akitin ko kaya? Eyy? Bakit? Tumigil ka nga, Yanne! Kung ano-ano na lang ang naiisip–
“Are you okay?”
Bigla akong napaangat ng ulo ko dahil nandito na pala ang ninong ko. Narinig niya kaya ako? Baka mamaya ay bigla ko pa lang nailabas ang nasa isipan ko lang. Kinakabahan tuloy ako ngayon.
“O–Okay lang po ako,” nauutal na sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman at magkasundo na kayo ngayon ni Anica,” sabi niya sa akin at bigla na lang siyang ngumiti.
“Opo, mabait naman po siya.” sagot ko sa kanya at umiwas ako ng tingin.
“Dadalhin ko na siya sa room ni–”
“Huwag na po, dito na lang po siya. Ang sarap po ng tulog niya, baka po magising.” sabi ko kay ninong habang nakatingin ako kay Anica.
“Okay lang ba na nandito siya?”
“Opo, okay lang po.” sagot ko sa kanya.
“Okay, labas na muna ako.” sabi niya at lumabas na siya sa room ko.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil kung anu-ano ang naiisip ko kanina. Gusto ko pa siyang akitin? Para ano? Para saan? Pero mas okay na kausapin ko na lang siya ng mahinahon dahil mukha naman siyang mabait. Alam ko na papayag naman siguro siya kapag kinausap ko lang siya ng maayos.
Gusto kong pumunta sa bar. Gusto ko lang mag-relax dahil kapag ako lang ang mag-isa ay nalulungkot ako. Maingat kong inayos ang ulo ni Anica sa unan. Mahimbing pa rin ang tulog niya kaya tumayo na ako para puntahan ang ninong ko. Lumabas na ako sa room ko at kumatok ako sa pintuan niya. Pero wala namang sumasagot.
Aalis na sana ako pero hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako. Baka kasi nasa balcony lang siya kaya hindi niya ako narinig. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ko ang pintuan. Pero nagulat ako sa pagpasok ko dahil palabas ang ninong ko sa banyo na wala siyang kahit na anong suot na damit. As in hubo’t hubad siya ngayon. Nakabalandra sa akin ang maganda niyang katawan.
“Ahhhhh! Bastos!” sigaw ko at hindi alam ang gagawin ko.
THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS YOU ALL!
THIRD PERSON POV“Pasalamat ka talaga at naawa pa ang asawa ko sa ‘yo dahil kung hindi hinayaan na kita na mabulok ditong g*go ka!” sabi ni Arthur kay Jonny habang inaalis niya ang tali sa kamay nito.“Pasalamat ka rin dahil hindi ko kayo sinuplong.”“Kung sinuplong mo kami ay wala ka na ngayon sa mundong ito,” sabi sa kanya ni Arthur.“Bakit mo pa ako tinulungan? Sana ay hindi na lan–”“Mas gusto mo ba na mamatay dito? Sige, puwede naman. Wala namang problema kung talagang mas gusto mo dito.”“Saan mo ako dadalhin?”“Sa kung saan ka nagsimula,” sagot ni Arthur.“Fvck!”“Tara na nga, baka mahuli pa tayo. Hindi pa tayo makaalis,” nauubos na ang pasensya niya sa lalaki.Dahil hindi pa nito kayang maglakad ng mag-isa ay inalalayan niya ito. Si Libby ang abala ngayon sa silid ni Rego. Binibigyan niya ito ng isang masahe ang ilan sa mga katulong na hindi na rin nakakapagsalita ay isasama na rin ni Jonny sa pag-alis niya para maging ligtas ang mga ito.“Bakit pa natin sila isasama?”“Mas dap
LIBBY“Ano ba ang plano mo para sa atin? Gusto mo ba na ganito tayo habang buhay?”“Gusto ko na magkaroon tayo ng isang masayang pamilya,” sagot niya sa akin kaya nakatingin lang ako sa kanya.“Iyon rin ang gusto ko. Alam ko kasi na hindi tayo habang buhay na ganito,” sabi ko sa kanya.“Ayaw ko rin naman na ganito ka habang buhay. Gusto ko pa rin na magkaroon ng normal na buhay, ng normal na pagsasama. Kaya kapag ready ka na ay magsettle na tayong dalawa. Malayo sa ganitong mundo,” sabi niya sa akin.“Kung ‘yan ang gusto mo,” sabi ko sa kanya.“Iyon talaga, misis ko,” malambing na sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.Hanggang sa inangkin niya ang labi ko at humantong kami sa isang mainit na tagpo. Nakatulog siya at ako itong gising pa. Sa tingin ko ay napagod talaga siya. Nawala ang antok ko kaya nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. I never imagined na magiging ganito na kami ngayon.Sure ako na matutuwa ng husto si Lavinia kapag nalaman niya na ganito pala ang nangyari sa ami
LIBBY“Ang galing mo talaga, sexy,” sabi sa akin ng kaibigan ko sa kabilang linya. Nandito ako sa silid ko dahil nagpapahinga ako. “Mauubos na nga yata ang luha ko eh,” sabi ko sa kanya at dinaan ko sa biro.“Naku, kailangan mo talagang humingi ng extra bayad para d’yan,” natatawa na sabi niya sa akin.“Sa tingin ko rin, ang hirap kayang umiyak. Baka talonin ko na ang mga best actress na artista sa mga drama ko,” natatawa rin na sabi ko sa kaibigan ko.“Kaya nga, pero maiba tayo. Sabihan mo na lang si Arthur na sabihan kami kung kailan namin kukunin ang mga bata doon,” sabi niya sa akin.“Sa tingin ko ay kailangan na nating tapusin ito,” sabi ko sa kanya.“Kapag kasi pinatagal pa natin ay baka may mawala pa na mga bata. Kailangan nating siguraduhin na safe sila at ang mga bata maibalik sa mga pamilya nila.”“Tama ka, kailangan natin na malaman natin ang iba pa nilang hideout at alam ko naman na magagawa ‘yon ng asawa mo. hangga’t kumikilos siya ay hindi kami kikilos para naman hindi
THIRD PERSON POVNagulat si Libby dahil bigla na lang siyang tinulak ni Cherriepie kaya naman tumayo siya at lumapit sa babae. Mabilis niyang hinila ang buhok nito para sabunutan niya ito. Ang mga kalalakihan naman sa paligid ay nakatingin lang sa kanila. Gusto sana ni Arthur na awatin ang mga ito pero kilala niya ang asawa niya. Hindi ito magpapa-utang kaya naman hinayaan na lang niya.Nang tumingin siya sa boss niya ay nakatingin lang rin naman ito. Wala rin namang balak si Rego na pigilan ang mga ito dahil sa nais niyang gumanti si Maria. Alam niya kasi na may pagkamahinhin ito at hindi niya hahayaan na matalo ito.Gumulong-gulong ang mga ito sa damuhan at walang pakialam sa mga nanonood sa kanila. “P*tangina ka! Kasalanan mo ito,” minumura ni Cherriepie si Libby.“P*tangina ako? Ikaw naman p*ta ka. Kung sana hinintay mo ako na utusan ka ay sana hindi nangyayari ito ngayon, pero kagustuhan mo ito kaya ‘wag mo akong sisingin.”“Hindi talaga dahil ipapakita ko sa kanila kung sino ka
LIBBY“Babe, ano ba ang gusto mong gawin ko?” tanong ni Rego.“Kung gusto mo na patawarin kita ay gusto ko na paalisin mo ang babaeng ‘yan. Hindi ko kayang makita at makasama siya dito sa bahay mo. Kung ipipilit mo na dito siya ay ako ang aalis,” sabi ko pa sa kanya.“No, don’t leave. Siya ang aalis.”“Boss, paano po ako? Paano po kapag nabuntis ako?” umiiyak na tanong ni Cherriepie.“Hindi ko na problema kung ano man ang problema mo. Ang dapat mong gawin sa ngayon ay iligpit ang gamit mo at umalis ka sa pamamahay ko–”“Siya ang tunay na traydor kaya bakit ako ang aalis? Bakit ba naniniwala ka sa pangit na ‘yan?”“What did you say?”“Ang sabi ko siya ang tunay na sinungaling. Ginagamit ka lang niya,” sabi niya pa.“Bakit mo sinasabi na traydor ako? May alam ka ba na hindi namin alam?” tanong ko sa kanya dahilan para mamutla siya.“W–Wala,” sabi niya pero nauutal siya.“Wala kang alam pero sinasabi mo na traydor ako. Dapat may ebidensya ka, dapat ay patunayan mo kasi ako wala naman ako
THIRD PERSON POV“Lumayo ka nga sa akin! Bakit hindi mo gisingin ang babae na ‘yan at siya ang halikan mo,” naiinis na sabi ni Libby sabay tulak sa asawa niya.“Ayaw ko sa kanya. Ikaw ang asawa ko. Nagseselos ako kaya ko nagawa na pagselosin ka. Kanina ko pa gustong baliin ang leeg ng bwisit na ‘yon,” lasing na sabi ni Arthur.“Alam mo naman na trabaho nga lang ito eh. Hindi mo rin talaga maintindihan. Wala akong gusto sa lalaking ‘yon dahil ikaw lang ang asawa ko. Kaya tama na ‘yang pagseselos mo at ‘wag mo rin akong pagselosin dahil baka putulin ko ‘yan,” naiinis na sabi ni Libby sa asawa niya.“Kapag ito pinutol mo ay parang pinutol mo na rin ang kaligayahan mo.”“Para hindi na pakinabangan ng iba,” sabi pa ni Libby.“Wala naman kasing iba. Palabas lang ‘yon at wala akong balak na pumatol sa kanila. Hindi ako pumapatol sa mga bilasa na. Gusto ko sa fresh, maganda at sexy ko na asawa. Siya lang talaga ang gusto ko at wala ng iba pa. Kaya sorry na, hindi na mauulit,” nakangiti na sabi







