MARIANNE
“Ahhhhh! Bastos!” sigaw ko at hindi alam ang gagawin ko.
“What? Bastos? Ako?” tanong niya sa akin.
“Opo, ikaw.” sagot ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumawa.
Kaya inalis ko ang kamay ko sa mga mata ko. Pero kaagad ko rin namang tinakpan ulit dahil wala pa rin siyang kahit na anong suot. Feel na feel niya yatang ibalandra ang katawan niya sa akin. Pasaway siya.
“May kailangan ka ba? Bakit pumasok ka na lang dito sa room ko ng hindi man lang kumakatok?” tanong niya sa akin.
“Kumatok po ako,” sagot ko sa kanya at tumalikod na ako para sana lumabas na.
“Where are you going?” tanong niya sa akin.
“Lalabas na p–”
“Stay,” sabi niya sa akin.
“Magbihis ka po muna,” pabulong na sabi ko sa kanya.
“Puwede naman tayong mag-usap kahit hindi pa ako nakabihis. Nakita mo na kaya wala ng dahilan para itago ko pa,” sabi niya sa akin kaya bigla na lang uminit ang pisngi ko.
Hindi ko inaasahan na may ganito siyang side. Pero alam ko rin alam kung seryoso ba siya o inaasar lang niya ako.
“Mamaya na lang po,” sabi ko sa kanya at bubuksan ko na sana ang pintuan pero bigla itong nagsara.
Naramdaman ko na nasa likuran ko na ang ninong ko. Napalunok ako dahil feeling ko nanunuyo ang lalamunan ko ngayon. Nasa likod ko na nga talaga ako. Hindi na ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Baka kasi may mangyari na hindi inaasahan o baka may makita o masagi ako.
“Sabihin mo na ang kailangan mo,” sabi niya sa akin na parang pabulong.
“Magpapaalam po sana ako,” sabi ko sa kanya.
“Magpapaalam?”
“Gusto ko pong lumabas, if papayagan mo po ako. Gusto ko pong pumunta sa bar,” sabi ko pa sa kanya.
“No,” mabilis na sagot niya sa akin.
Nang lumingon ako ay sobrang lapit namin sa isa’t isa. Umatras ako ng kaunti pero umabanti naman siya palapit sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko kaya nais kong umiwas. Para kasing hindi ko kaya na nakatitig ako sa mga mata niya.
“Bakit po? I mean, hindi naman po nila ako mahahanap doon.” sabi ko sa kanya.
“Paano mo nasabi na hindi? Sa tingin mo ba hindi sila nakamatyag sa ‘yo. Sa paglabas mo pa lang sa gate ng bahay ko ay asahan mo na nakamasid lang sila sa paligid.” sabi niya sa akin.
“Hindi naman po siguro 24/7,” sabi ko sa kanya.
“Sumunod ka na lang sa akin at ‘wag ng matigas ang ulo. I’m doing this for your own good,” sabi niya sa akin.
“Kapag ba nakuha na ang hustisya para sa daddy ko ay hahayaan mo na akong umalis dito?” tanong ko sa kanya.
“No—”
“Bakit naman hindi?” putol ko sa sasabihin niya.
“Dahil sa akin ka na iniwan ng daddy mo,” sagot niya sa akin.
“Kung ayaw mo ‘di ‘wag.” sabi ko sa kanya at binuksan ko na ang pintuan para lumabas pero napatigil ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.
“Gusto mo ba talagang pumunta sa bar?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
“Papayagan mo na ako?” tanong ko sa kana na may halong excitement.
“Hindi, tinatanong ko lang.” sagot niya kaya napasimangot ako.
“Paasa,” sabi ko tuluyan na akong lumabas.
Bumalik ako sa room ko at mahimbing pa rin na natutulog si Anica sa kama ko. Lumabas na ako para pumunta sa kusina. Gusto kong tumulong kila manang. Habang nag-iisip ako ng paraan kung paano ako tatakas dito. Walang mangyayari kung magkukulong lang ako dito.
“Manang, puwede po ba akong tumulong sa inyo?” tanong ko sa kanya.
“Kung gusto mo,” sagot niya sa akin.
“Opo, gusto ko pong matuto magluto. Puwede niyo po ba akong turuan?” tanong ko sa kanya.
“Oo naman, iha.” sagot niya sa akin habang nakangiti.
Napangiti naman ako dahil gusto kong magluto. Naisip ko lang kapag ako ang nagluto ngayon ay baka bigla na akong payagan ni ninong na lumabas dito sa bahay niya. Dahil sa naisip kong ito ay ganado akong tulong kay manang.
Natutuwa rin ako dahil ang bait ni manang magturo sa akin. Mabilis ko naman naintindihan at hindi naman siya mahirap gawin. Ang bango habang naggigisa ako nitong mga gulay. Sabi ni manang ay mahilig sa ginisang gulay ang ninong ko. Kaya baka biglang magbago ang isip niya kapag natikman niya ito. Tinikman ni manang ang luto ko kaya nakatingin ako sa kanya para hintayin ang verdict niya.
“Kumusta po, manang?” tanong ko sa kanya.
“Hmmm…”
“Masarap,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya natuwa naman ako.
“Talaga po?” nakangiti na tanong ko sa kanya.
“Oo, masarap. Sigurado ako na magugustuhan nila ito.” sabi niya sa akin.
“Sana po, manang.” sagot ko sa kanya.
Kailangan pang magprito ng isda kaya nagpresenta na rin ako. Gusto ko na tapusin ang lahat. Baka sakaling may himala na mangyari mamaya.
“Kami na, iha. Baka matalsikan ka ng mantika,” sabi sa akin ni manang.
“Ako na po, manang. Kaya ko po ito, ‘wag po kayong mag-alala sa akin.”
“Sige, kung ‘yan ang nais mo.” sabi niya sa akin at iniwan na nila ako dito.
Pinainit ko ang pan at nilagyan ko ng mantika. Hinintay ko na uminit ang mantika bago ko nilagay ang mga isda sa kawali. Nagulat ako dahil tumatalsik ang mga mantika. Pero mas nagulat ako nang bigla na lang may humila sa akin.
“What the h*ll are you doing?” galit na boses ni ninong ang narinig ko.
“Nagpiprito,” sagot ko sa kanya.
“Bakit ikaw ang gumagawa nito? M–”
“Nagvolunteer ako,” putol ko sa sasabihin niya dahil ayaw ko na pagalitan niya si manang.
Baka kasi hindi na nila ako kausapin kapag pinagalitan siya ni ninong.
“Why are you doing this?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya.
“Ang alin?”
“Ito, bakit ka nagluluto? Trabaho nila ito,” sabi niya sa akin.
“Dahil ba trabaho nila hindi ko na puwedeng gawin? Kung hindi ko pala puwedeng gawin ay ikaw na lang ang gumawa,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako.
“Akala ko mabait, m*****a pala.” narinig ko na sabi niya kaya lumingon ako sa kanya.
“Narinig kita,” sabi ko sa kanya.
“Alam ko,” sagot niya sa akin at pa-cool niyang binaliktad ang mga isda.
“Matalsikan ka sana,” sabi ko kasi naiinis na ako sa kanya.
“Gusto mong magpakitang gilas para payagan kita. Pero kahit pa anong gawin mo ay hindi mangyayari ang nais mo. Hindi ka makakalabas dit–”
“Malalaman natin, ninong.” nakangisi na sabi ko sa kanya.
THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!
MARIANNE (WEDDING DAY)Nagsimula na ang kasal naming dalawa. Hindi nga ako makapaniwala na kasal ko talaga ngayong araw dahil sa kagagawan ng mga kaibigan ko. Nataranta talaga ako kanina. Araw ng kasal ko na muntik ko ng pagsisihan kung hindi ako nakinig sa kanila. Mabuti na lang talaga at hindi ko pinasok ang sniper gun ko dito sa lobb. Dahil kung ginawa ko ‘yon ay baka talaga grabeng kahihiyan na ang nangyayari sa akin ngayon. Baka malaman na ng lahat kung sino ako at nakakahiya ito para sa iginagalang nila na mayor.Nagsimula na ang seremonya at hawak ni Andrew ang kamay ko. Ang higpit ng hawak niya na para bang ayaw niya na mawala ako sa kanya. Ayaw niya na tumakbo ako at hindi na ituloy ang kasal naming dalawa. “Mahal, ang higpit ng hawak mo. Takot ka ba talaga na tumakbo ako palabas?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Baka kasi dalawin ka ng topak mo sa araw ng kasal natin at bigla ka na lang lumayas,” sabi niya sa akin kaya pinigilan ko ang sarili ko na tumawa kahit pa ang totoo
MARIANNE Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na isuot pa itong wedding gown ko. Naiinis ako dahil sa araw sana ito ng kasal ko. Pero wala na eh, dapat lang talaga tumuloy ako para hindi maikasal sa iba ang lalaking ‘yon. Malilintikan talaga siya sa akin mamaya. Uunahin ko talaga siyang babarilin kapag nag “I DO” siya sa iba.Dapat ay sa akin lang siya mag-I DO. Ako lang dapat at walang iba. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na pumili ng iba. Pagkatapos niya akong buntisin ay magpapakasal siya sa iba.“Pretty, kumalma ka lang. Hindi ka puwedeng magwala agad doon ha,” sabi sa akin ni Libby.“Sa tingin mo talaga ay kaya ko pang kumalma ngayon?” tanong ko sa kaibigan ko.“Opo, alam namin na galit ka na. Alam rin namin na nagpipigil ka lang ng galit mo. Pero tandaan mo, nandoon ang presidente. Anong laban natin sa kanya?” sabi pa ni Gene.“May laban tayo, at kung gugustuhin natin ay baka mawala na siya sa mundong ito.”“Agent ka po, hindi ka kr*minal,” paalala sa akin ni Libby.“Al
MARIANNENakakabagot dahil mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. I mean may kasama naman ako pero wala dito ang fiancee ko at wala rin ang mga bata dito. Pumunta sila sa bahay ni Mama Ana. Hinayaan ko na lang dahil alam ko na miss na niya ang mga apo niya.Ang mga kaibigan ko naman ay busy sa kung ano ba ang mga ginagawa nila. Ganito pala mabagot kapag nasa bahay lang. Laging ganito, napansin ko na para bang ang busy nila lagi. Lalo na si Andrew, sobrang busy niya dahil gabi na siya umuuwi. Gusto kong magduda pero alam ko naman na loyal sa akin ang lalaking ‘yon. Subukan lang talaga niya dahil babalian ko siya ng buto.“Baby, parang ang sarap kumain ng singkamas,” kausap ko sa tiyan ko habang nakatambay kami dito sa balcony.Pero saan naman ako bibili? Parang hindi pa naman kasi season ng singkamas ngayon. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano kaya naman tinawagan ko na si Andrew para siya na ang mag-isip.“Mahal, gusto ko ng singkamas,” sabi ko agad sa kanya.“Singkamas? Saan naman ako
THIRD PERSON POV“Wala na bang ibibilis ang pagmamaneho mo? Ang bagal mo!” galit na sigaw ni Ayra sa driver niya.“Mabilis na po ito, ma’am.”“Bwisit! Mas bilisan mo pa!” sigaw nito.“Ma’am, bakit po hindi niyo na lang harapin ang mga pulis? Kung inosente po kayo ay hindi ka dapat tumakas–”“Shut up! Hindi kita binigyan ng pahintulot na magsalita o magbigay ng opinyon mo!” sigaw niya sa driver niya.“Sorry po–”“Gawin mo ang trabaho mo! Kung gusto mo pang mabuhay ay alam mo dapat kung kailan itikom ang bibig mo!”Mas pinili na lang ng driver niya na manahimik dahil wala naman siyang magagawa lalo na may hawak itong baril. Baka bigla na lang siyang barilin kaya hindi na siya nagbigay pa ng opinyon niya.“What the–”Nagulat si Ayra dahil bigla na lang tumigil ang sasakyan.“May humarang po,” sagot ng driver.“Sagasaan mo!” sigaw niya.“Po?”“I said sagasaan mo!” sigaw niya.“Ma–”Bang..! Putok ng baril.Bigla na lang binaril ni Ayra ang driver niya kaya naman duguan na ito ngayon.“Bwis
MARIANNESafe kaming nakauwi sa bahay. Ngayon ay maluwag na ang pakiramdam ko. Magaan, sobrang gaan. Masaya ako na kahit pa wala na ang daddy ko ay binigyan ni ninong ng oras na makasama namin siya, makausap nami kahit pa alam namin na hindi naman ito sasagot.Alam ko na kahit wala na siya ay naririnig at nakikita niya kami. Alam ko rin na nasa tabi ko lang siya palagi. Masaya ako, sobrang saya ko pero may lungkot rin. Ang lungkot na wala ang daddy ko sa araw ng kasal ko.Pangarap ng bawat babae na makasama ang parents nila sa araw ng kasal nila. Pero hindi ko na ‘yon mararanasan pa. Pero kahit na ganun ay sisikapin ko na maging masaya para maging masaya rin ang daddy ko kung nasaan man siya ngayon.Bukas ay magsisimula na kaming maghanda sa magiging kasal namin. Kung ako nga ang tatanungin ay mas gusto ko sana ang intimate wedding at kaunti lang sana ang mga guest. Pero kasi malaki pala ang pamilya ng asawa ko. Malaki ang angkan nila.So, we decided na papuntahin na silang lahat at b
MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Hindi naging madali ang pinagdaanan namin dalawa pero masaya ako na ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Wala naman akong pakialam sa magiging opinyon ng ibang tao. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Yanne. Ang mahalin niya ay sapat na sa akin.Nagpaalam ako sa kanya na aalis muna ako dahil kailangan kong samahan si daddy. May kailangan lang kasi kaming puntahan at iyon ang ibang kamag-anak namin. Ayaw ko sana pero sabi ni daddy ay maganda na ako ang mismong mag-imbita sa kanila.“Masaya ako na makita na masaya ka, son.” sabi sa akin ni daddy.“Thank you, dad.”“In love na in love ka talaga kay Yanne,” natatawa na sabi niya.“Opo, sobra po, daddy. Kahit pa nakakatakot siya ay mahal ko siya. Parang ikaw, mahal na mahal mo si mommy,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Naman, dapat talaga mahal na mahal mo ang asawa mo at may takot ka sa kanya. Lagi mong tandaan na masaya ang buhay kapag laging tama ang asawa mo. Lagi mong tandaan ang mga