thank you po sa inyong lahat and God bless you po!
THEA FAITH“Happy birthday, hon! Sorry, I’m late!” napatingin ako sa pinagmulan ng boses ng isang babae.Matangkad, maputi at maganda ang babaeng ito. Nasa kanya ang atensyon ng mga tao dito. Lalo na ako dahil sa narinig ko na hon ang tawag niya sa asawa ko. Sino siya? Bakit hon? Mga tanong ko sa sarili ko.“Hindi niyo man lang ako hinintay bago kayo nagsimula,” sabi pa ng babae.“Tigilan mo nga ‘yang pa-grand entrance mo. Ako ang may birthday,” sabi ng asawa ko sa babae kaya naman naguluhan ako sa kanila.“Happy birthday, hon.” sabi ng babae at humalik ito sa pisngi ng asawa ko.“Hon mo mukha mo,” sabi ng asawa ko.“Bakit, honey?”“Bwisit ‘to! Ipahamak mo pa ako sa asawa ko,” sabi ng asawa ko.“Asawa mo? Nag-asawa ka na? Bakit hindi ko alam? Paano na ako? Paano na ang anak natin?” natatawa na sabi niya sa asawa ko.“Sino siya?” tanong ko kay Noah dahil gusto ko lang malaman kung sino ba ang babaeng ito.“Love, sorry sa mga sinasabi ng babaeng ito. She’s Savi, my cousin na sobrang kul
THEA FAITH“Bakit hindi na kailangan? Sino ba ang may birthday?”“Dahil ang may birthday ay–”“Daddy, I’m ready na po.” bigla na lang nagsalita si Elli kaya hindi na natapos ng asawa ko ang sasabihin niya.“Ang ganda naman ng baby ko. Manang-mana ka sa mommy mo dahil pareho kayong maganda,” nakangiti na sabi niya.“Opo, daddy mana po talaga ako kay mommy.” nakangiti naman na sabi ni Elli.“Alis na tayo dahil hinihintay na nila tayo,” sabi niya at inalalayan kaming bumaba ni Elli sa may hagdan.Ako naman kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari sa akin doon mamaya. Pero umaasa pa rin ako na magiging okay ang lahat lalo na kasama ko si ninong, na kasama ko ang asawa ko. Magtitiwala lang ako sa kanya.Habang nasa daan kami ay tahimik lang ako at silang dalawa lang ang nag-uusap. Lumilipad kasi ang isipan ko, hindi ako mapakali dahil nga hindi ko alam ang gagawin ko.“Mommy, ang tahimik mo po?”“Sorry po, may iniisip lang si mommy.”“Love, just relax. Just be yourself, h
THEA FAITH“Kung hindi mo talaga maalala ay ipapaalala ko na lang sa ‘yo,” nakangisi na sabi niya at mabilis na lumapit sa akin na walang kahit na anong saplot sa katawan.Mukhang kahit pa magkunwari ako na wala akong naalala ay gagawa pa rin siya ng paraan para matuloy ito ngayong gabi lalo na ang sinabi ko sa kanya na tuwing weekend lang kami mag-makelove na dalawa.“Love, hindi ka ba pagod ngayon?” tanong ko sa kanya.“Hindi po,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Ako kasi, pagod ako.”“Talaga?” nakangiti na tanong niya sa akin.“Opo, gusto ko ng matulog–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ang labi ko. Ako naman ay napapikit agad sa ginawa niya. Mabilis rin naman akong tumugon sa halik niya sa akin. Hindi ko rin naman kayang pigilan ang sarili ko dahil nga tuwing hinahalikan niya ako ay nakakapanghina ng tuhod.Nagugustuhan ko lagi ang paraan ng halik niya sa akin. Kapag ganito siya ay laging safe ang pakiramdam ko. Ganito talaga siguro kapag mahal mo ang
THEA FAITH“Iiwan mo ako?” tanong niya sa akin.“Bakit naman ako mananatili kung hindi mo naman ako pinapahalagahan. Kung lolokohin mo lang naman ako,” sabi ko sa kanya.“Mahalaga ka sa akin kaya ‘wag mo na sana sabihin na iiwan mo ako. Nangako tayong dalawa na bibigyan natin ng isang masayang pamilya si Elli diba? Kaya ‘wag kang magsasalita ng ganyan,” sabi niya sa akin at alam na alam niya talaga ang kahinaan ko.“Sinasabi ko lang naman kapag ako niloko mo. Hindi naman kita iiwan ng walang dahilan kahit pa alam ko na–”“Na ano?”“Na hindi mo sinasabi na mahal mo ako,” gusto ko sanang sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang na sarilihin.“Wala,” sabi ko na lang dahil hindi ko kayang sabihin.“Walang dahilan para lokohin kita. Kahit pa nagsimula lang ang lahat ng ito sa kasunduan natin ay kalimutan mo na ‘yon dahil seryoso ako. Lasing ako kagabi at may mga kalokohan ang mga kaibigan ko pero never kitang ipagpapalit sa kahit na sinong babae,” sabi niya sa akin.“Talaga?”“Opo, love
THEA FAITH“Love, may sasabihin ako sa ‘yo.”“Sasabihin? Tungkol saan?” tanong ko sa kanya at kumunot ang noo ko.“Sa naging lakad ko kagabi,” sagot niya sa akin.“Sabihin mo nga sa akin, may ginawa ka bang kalokohan kagabi?” tanong ko sa kanya dahil may gusto siyang sabihin eh. “Wala po pero ang mga kaibigan ko ay may mga kalokohan,” sagot niya sa akin.“Kung magiging dahilan ‘yan para masira ang araw ko ay mas mabuti pa na mamayang gabi mo na lang sabihin sa akin,” sabi ko sa kanya.“Are you sure?” tanong niya sa akin kaya talagang kumunot ang noo ko.“So, ibig sabihin ay maiinis ako sa sasabihin mo dahil nagtatanong ka ng ganyan?” seryoso na tanong ko sa kanya.“Hindi ko alam, love. Pero sa tingin ko ay oo,” sagot niya sa akin.“Okay,” sabi ko na lang.“Alin ang okay, love?” tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot sa kanya dahil ayaw ko na siyang kausapin pa.Nagsisimula na kasi akong mainis sa kanya. Siguro nga hindi talaga siya behave kagabi at wala naman akong magagawa tungk
THEA FAITH“Akala ko aalis ka, love?” tanong ko sa asawa ko nang makarating na kami sa bahay.Kanina pa kasi siya nakaupo sa kama namin. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa lalo na nakasimangot lang siya.“Love, ano pa ang hinihintay mo? Alis ka na,” sabi ko sa kanya.“Hindi na ako aalis,” sagot niya sa akin.“Ang arte mo naman po,” natatawa na sabi ko sa kanya.“Hindi mo man lang kasi ako pinipigilan. Parang hinayaan mo lang ako, parang wala kang pakialam sa akin,” sabi niya sa akin.“Okay, sige na sasama na lang ako sa ‘yo.” sabi ko sa kanya para lang tumigil na siya.“Really?” tanong niya sa akin.“Opo, sasama na ako. Baka kasi hanapin ka nila kapag hindi ka pumunta,” sabi ko sa kanya.“Pero, pagod ka diba?” tanong niya sa akin.“Opo, pero kung hindi ka pupunta dahil sa akin ay sasamahan na lang kita. Hindi naman tayo magtatagal doon diba?” tanong ko sa kanya.“Sige ako na lang, mas gusto ko na magpahinga ka, I’m sorry, love.” sabi niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo na–”“Masyad