thank you po sa inyong lahat! God bless po!
THEA FAITH“Ninong, may gusto akong itanong sa ‘yo.” sabi ko sa kanya.“What is it? And please, stop addressing me as your ninong. Dahil asawa mo na ako,” sabi niya sa akin.“Mahal mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya.“Paano kung sabihin ko sa ‘yo na–”“Sorry, ‘wag mo ng sagutin.” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko ng marinig pa. Natatakot ako dahil alam ko naman ang sagot. “Hindi pa nga ako sumasagot, ayaw mo na agad.” sabi niya sa akin na may ngiti sa labi.“Alam ko na kasi ang sagot sa tanong ko. Noon pa man ay alam ko na ang sagot sa tanong na ‘yan. Alam ko naman kung saan ang lugar ko sa buhay mo,” sabi ko pa sa kanya.“Babae ka nga talaga, love.” sabi niya at bigla na lang siyang tumawa ng malakas.Ako naman itong nakatingin lang sa kanya habang nakakunot ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung saan banda ba ang nakakatawa sa sinabi ko at alam naman niya na babae ako pero sinabi pa niya na babae nga ako. Itong lalaking ito talaga.“Anong nakakatawa?” tanong ko sa kanya.“Sorry
THEA FAITH“Love!” narinig ko na tawag sa akin ng asawa ko at nakatingin siya sa akin.Mabilis naman akong pumasok sa loob ng banyo. Pero sumunod siya sa akin.“Love, what happened?” tanong niya sa akin.“Wala,” sagot ko sa kanya.“Anong ginawa nila sa ‘yo? Anong sinabi nila?” tanong niya sa akin.“Wala–”“Okay, itatanong ko na lang sa kanila.” sabi niya sa akin kaya bigla na lang akong nataranta.Mabilis akong lumabas sa dahil hahabulin ko siya pero nandito lang siya sa labas mismo at hindi naman siya umalis. Halatang tinakot lang niya ako para lumabas ako.“What happened?” tanong niya sa akin.“Nothing–”“Wala na naman, iyan rin ang sagot mo kanina. Gusto mo ba talaga na itanong ko na lang sa kanila para malaman ko?” seryoso na tanong niya sa akin.“Love, please. Hayaan mo na lang sila–”“Hayaan? Bakit ano ba ang sinabi nilang masama sa ‘yo?”“Gusto mo talaga malaman ang mga sinabi nila?”“Say it–”“Sabi nila sa akin na masyado akong plain para sa ‘yo. Na hindi tayo bagay na dalawa
THEA FAITH“Happy birthday, hon! Sorry, I’m late!” napatingin ako sa pinagmulan ng boses ng isang babae.Matangkad, maputi at maganda ang babaeng ito. Nasa kanya ang atensyon ng mga tao dito. Lalo na ako dahil sa narinig ko na hon ang tawag niya sa asawa ko. Sino siya? Bakit hon? Mga tanong ko sa sarili ko.“Hindi niyo man lang ako hinintay bago kayo nagsimula,” sabi pa ng babae.“Tigilan mo nga ‘yang pa-grand entrance mo. Ako ang may birthday,” sabi ng asawa ko sa babae kaya naman naguluhan ako sa kanila.“Happy birthday, hon.” sabi ng babae at humalik ito sa pisngi ng asawa ko.“Hon mo mukha mo,” sabi ng asawa ko.“Bakit, honey?”“Bwisit ‘to! Ipahamak mo pa ako sa asawa ko,” sabi ng asawa ko.“Asawa mo? Nag-asawa ka na? Bakit hindi ko alam? Paano na ako? Paano na ang anak natin?” natatawa na sabi niya sa asawa ko.“Sino siya?” tanong ko kay Noah dahil gusto ko lang malaman kung sino ba ang babaeng ito.“Love, sorry sa mga sinasabi ng babaeng ito. She’s Savi, my cousin na sobrang kul
THEA FAITH“Bakit hindi na kailangan? Sino ba ang may birthday?”“Dahil ang may birthday ay–”“Daddy, I’m ready na po.” bigla na lang nagsalita si Elli kaya hindi na natapos ng asawa ko ang sasabihin niya.“Ang ganda naman ng baby ko. Manang-mana ka sa mommy mo dahil pareho kayong maganda,” nakangiti na sabi niya.“Opo, daddy mana po talaga ako kay mommy.” nakangiti naman na sabi ni Elli.“Alis na tayo dahil hinihintay na nila tayo,” sabi niya at inalalayan kaming bumaba ni Elli sa may hagdan.Ako naman kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari sa akin doon mamaya. Pero umaasa pa rin ako na magiging okay ang lahat lalo na kasama ko si ninong, na kasama ko ang asawa ko. Magtitiwala lang ako sa kanya.Habang nasa daan kami ay tahimik lang ako at silang dalawa lang ang nag-uusap. Lumilipad kasi ang isipan ko, hindi ako mapakali dahil nga hindi ko alam ang gagawin ko.“Mommy, ang tahimik mo po?”“Sorry po, may iniisip lang si mommy.”“Love, just relax. Just be yourself, h
THEA FAITH“Kung hindi mo talaga maalala ay ipapaalala ko na lang sa ‘yo,” nakangisi na sabi niya at mabilis na lumapit sa akin na walang kahit na anong saplot sa katawan.Mukhang kahit pa magkunwari ako na wala akong naalala ay gagawa pa rin siya ng paraan para matuloy ito ngayong gabi lalo na ang sinabi ko sa kanya na tuwing weekend lang kami mag-makelove na dalawa.“Love, hindi ka ba pagod ngayon?” tanong ko sa kanya.“Hindi po,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Ako kasi, pagod ako.”“Talaga?” nakangiti na tanong niya sa akin.“Opo, gusto ko ng matulog–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ang labi ko. Ako naman ay napapikit agad sa ginawa niya. Mabilis rin naman akong tumugon sa halik niya sa akin. Hindi ko rin naman kayang pigilan ang sarili ko dahil nga tuwing hinahalikan niya ako ay nakakapanghina ng tuhod.Nagugustuhan ko lagi ang paraan ng halik niya sa akin. Kapag ganito siya ay laging safe ang pakiramdam ko. Ganito talaga siguro kapag mahal mo ang
THEA FAITH“Iiwan mo ako?” tanong niya sa akin.“Bakit naman ako mananatili kung hindi mo naman ako pinapahalagahan. Kung lolokohin mo lang naman ako,” sabi ko sa kanya.“Mahalaga ka sa akin kaya ‘wag mo na sana sabihin na iiwan mo ako. Nangako tayong dalawa na bibigyan natin ng isang masayang pamilya si Elli diba? Kaya ‘wag kang magsasalita ng ganyan,” sabi niya sa akin at alam na alam niya talaga ang kahinaan ko.“Sinasabi ko lang naman kapag ako niloko mo. Hindi naman kita iiwan ng walang dahilan kahit pa alam ko na–”“Na ano?”“Na hindi mo sinasabi na mahal mo ako,” gusto ko sanang sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang na sarilihin.“Wala,” sabi ko na lang dahil hindi ko kayang sabihin.“Walang dahilan para lokohin kita. Kahit pa nagsimula lang ang lahat ng ito sa kasunduan natin ay kalimutan mo na ‘yon dahil seryoso ako. Lasing ako kagabi at may mga kalokohan ang mga kaibigan ko pero never kitang ipagpapalit sa kahit na sinong babae,” sabi niya sa akin.“Talaga?”“Opo, love