MATAMANG tinitigan ni Gael ang cupcakes na nasa harap niya na binili ni Tallulah para sa kaniya. Sa kabila ng galit at poot niya rito, hindi pa rin niya maiwasang hindi makonsensiya at ma-guilty sa mga ginagawa niya sa dalaga dahil may pinagsamahan pa rin naman sila. Alam niya kung gaano kabuti si Tallulah at alam din niyang nabulag lang ito sa labis na pag-ibig para sa kaniya kaya naging ganito ito.Napailing siya at napangiti, saka kumuha ng isang cupcakes. Tumango-tango siya dahil masarap iyon, marahil dahil paborito talaga niya ang vanilla flavor ng kahit ano'ng matatamis na pagkain.Bumuntong-hininga siya at napawi ang ngiti nang maalalang bukas na pala ang kasal nila ni Tallulah pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya naghahanda man lang para roon, 'ni hindi niya iyon iniisip at kung sana nga lang huwag nang mag-umaga pa. Binitawan niya ang cupcakes at nilagay ulit iyon sa lalagyan. Hindi pala siya dapat maawa o ma-guilty sa ginagawa niya kay Tallulah dahil ito dapat ang makara
Nakita niya ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Tallulah habang bakas ang sakit at labis na lungkot sa mukha nito pero wala na siyang makitang awa o kaunting simpatiya para sa dalaga dahil sa galit niya.Sinubukan nitong hawakan siya pero marahas niyang piniksi ang kamay nito. "Hindi kita pakakasalan, Tallulah dahil hindi kita mahal. Alam mo kung ano'ng nararamdaman ko sa iyo? Pagkamuhi! Galit at poot na hindi mo na matatanggal pa kahit lumuhod ka sa harap ko. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mo na naging dahilan ng pagkasira ng lahat!" sigaw niya rito. Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg niya dahil sa galit.Tumalikod siya at akmang hahakbang palabas ng bahay nang yakapin siya ni Tallulah mula sa kaniyang likod. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at marahas na inalis ang mga braso nito sa katawan niya."Nagkamali ka ng lalaking minahal, Tallulah dahil wala kang mararamdamang pagmamahal mula sa akin. Poot at galit ko ang ipapadama ko sa iyo!" Kahit pa paano'y nakontrol pa
Makalipas ang pitong taon..."OH? You're too early, Kendric," bungad ni Tallulah sa binata nang makita niya itong pumasok sa bahay nila. "Seven pa ang pasok ni Callum, 'di ba?" Iniwan niya ang ginagawa niya para harapin ang binata.Ngumiti ito sa kaniya. "Si Callum lang ba ang pinuntahan ko rito, Talu? Gusto rin kitang makita that's why I'm here earlier than you expected." Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.Tumingala siya sa binata. 'Di hamak kasi na mas matangkad ito sa kaniya. "Bakit biglang ang sweet mo ata, Kendric?" nagtataka niyang tanong.Ngumiti ang binata. "Sweet? Everyday naman akong sweet, ah?" natatawang anito. "Alam mo, palagi kong gustong iparamdam sa iyo ang pagmamahal at pagkalinga na kaya kong ibigay dahil ganoon kita kamahal, Talu," seryoso nitong sambit.Natigilan siya saglit pero agad din siyang napangiti. Sa loob ng pitong taong nakalipas, natutunan din siguro niyang i-appreciate ang lahat ng efforts ni Kendric, ang pagmamahal nito. Natutunan din niya itong ma
TAHIMIK na tumingin si Tallulah sa isang malaking bahay sa tapat niya kung saan siya magtatrabaho bilang isang tagapag-alaga ng bilyonaryong lalaki. Ayon sa agency, bulag ito at kailangan ng mag-aalaga dahil kauuwi lang nito sa Pilipinas, pero bukod doon, wala na siyang alam sa pagsisilbihan niya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa bagong trabaho niya. Kaya ba niya ang pag-aalaga sa isang bulag na lalaki?Humugot siya nang malalim na hininga bago nagpasiyang humakbang papasok sa malaking bahay. Nakausap na niya ang agency at ang nagkuha sa kaniya bilang caregiver nang nagdaang araw at ngayon siya pinapunta sa mansyon para i-discuss ang magiging trabaho niya at makilala ang aalagaan niya.Dama niya ang mabilis na tibok ng puso niya habang papasok siya sa magarbong bahay. Naalala niya noong panahong nakatira pa siya sa ganoong klaseng tirahan, lahat ng gusto niya nabibili niya. Nakadama siya ng lungkot dahil malayong-malayo na sa dati niyang buhay ang sitwasyon niya ngayon at alam
"MOM, who's here?"Hindi makagalaw si Tallulah sa pagkakatayo niya habang nasa harap niya ang nag-iisang binatang minahal niya ng labis. Ang ama ng anak niya at ang lalaking nang-iwan sa kanilang dalawa pero imbis na galit ang naramdaman niya, awa para sa binata dahil sa kalagayan nito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap na niya si Gael matapos ang pitong taong lumipas. Naramdaman ulit niya ang sakit na parang kahapon lang lahat ng iyon. Pero bakit may saya at pananabik siyang nakapa nang marinig ang boses nito?"Hija, are you ok?" pukaw ni Donna sa kaniya.Napapitlag siya. Agad niyang pinahid ang luha sa kaniyang mga pisngi. Bahagya siyang tumingala. Kinalma niya ang sari bago iwas na bumaling sa ginang.Ngumiti siya. "O-ok lang po ako, Madam," sagot niya na nakapukaw ng atensyon ni Gael. Humarap ito sa kaniya na tila nagtataka sa boses niya at tila nag-iisip. Kinabahan siya dahil baka makilala siya nito. Hindi niya magawang tumingin sa binata kahit alam niyang hindi naman
"SIGURADO ka na ba talaga sa desisyon mo, Tali? I can give you a job better than this, more comfortable at hindi mo kailangang pagsilbihan ang ibang tao," muling ani Kendric habang tahimik lang siyang nakaupo at bahagyang nakayuko. Simula nang makauwi sila ng kaniyang anak sa bahay, hindi pa rin siya makaimik at makapaniwala sa nangyayari at sa kalagayan ni Gael. Ukupado ng binata ang isip niya sa buong araw na lumipas dahil hindi niya lubos maisip ang hirap na pinagdaanan nito sa loob ng lumipas na pitong taon. Hindi niya maiwasang isiping kasalanan niya iyon. "You don't need to work hard for you to earn money, pwede kong ibigay iyon sa iyo or you can work with my company and besides, in the end 'yong mayroon ako, magiging sa iyo rin kapag kasal na tayo, 'di ba?" patuloy nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil maging siya, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Gael pero isa lang ang gusto niyang gawin, ang pagsilbihan ito, ang alagaan ang binata para mabawasan ang na
NAIHILAMOS ni Tallulah ang mga palad sa kaniyang mukha nang makalabas siya sa silid ni Gael. Habang kasama niya ito, pakiramdam niya'y nasa hot seat siya na ano mang sandali'y iiyak na lang siya dahil sa nararamdaman niyang sakit at konsensiya. Mahirap para sa kaniya na makita kung gaano kahirap para rito ang naging sitwasyon nito, na siya ang dahilan."Hey! You ok? You look so stressed."Napapitlag siya nang marinig ang boses ng isang lalaki. Umayos siya ng tayo at nag-angat ng tingin dito. Kumunot ang noo niya nang tumambad sa kaniya ang kasama ni Gael nang nakaraang araw. Inalala niya ang pangalan nito. "Y-you're Hiro, right?" tanong niya.Ngumiti ito. Saglit itong yumuko habang nakapamulsa. "Ow! I'm glad you still recognize my name." Napakamot ito sa noo. "Ok ka lang ba talaga, T-Tali, right? Mukhang natikman mo agad ang bagsik ni Gael, ah."Alangan siyang ngumiti. Saglit siyang kumiling at bumuga ng hangin. "I'm fine, Hiro. Pinasok ko ang trabaho itong kaya handa ako sa mangyayar
"KUNG gusto mo, Tali you can stay here para hindi hassle sa iyo ang pagpunta sa mansyon at pag-uwi," presinta ni Donna sa kaniya habang nasa sala sila. Iniwan niya si Gael sa taas habang kasama nito si Hiro.Nahihiya siyang ngumiti. "Hindi po maaari, Madam, dahil hindi po sanay ang anak ko na Hindi ako katabi sa kagabi," dahilan niya na siyang totoo. Nasanay na kasi si Callum na nasa tabi siya nito at hinihele niya."Oo nga pala, 'no? Mayroon ka nga pa lang anak na naghihintay sa iyo pero ok lang ba sa iyo ang ganitong set up? Hindi ka ba napapagod?" tanong nito. "Kasi pwede namang i-allow ko na isama mo ang anak mo rito sa mansyon o kaya weekly ang uwi mo sa inyo," patuloy nito.Bahagya siyang nagulat sa narinig. Bumakas ang labis na pagtutol sa mukha niya. Hindi pwedeng magkita si Gael at Callum dahil baka mas lalong maging komplikado ang sitwasyon. Hindi pa ngayon ang panahon para magkita ang mag-ama."H-hindi na po, Madam ok na po ako sa ganito," pagtanggi niya. "Hindi ko po talag