LOGINRainn POVPagdating namin sa villa, agad kong ipinatawag ang lahat ng kasama ko. Halos lahat sila ay may mga sugat mula sa naging labanan. Mabuti na lamang at hindi naman ganoon kalala ang mga ito, pero halatang kailangan nilang magpahinga.Tinawag ko rin agad sina Liam at Javen para matulungan gamutin ang mga assassin ko.Nang makita kong papasok na rin si Delany sa loob, pinigilan ko muna siya.“Delany, wait. I need to talk to you.”Huminto siya at humarap sa akin. “Yes, sir?”Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. “You shouldn’t have done that to Aira.”Napakunot ang noo niya. “Sir, I thought she was part of the enemy. She brought us there, and those three men attacked you.”“That’s not the point.”“Then what is it, sir?”Tinitigan ko siya nang diretso. “Dahil kapatid si Aira ng taong mahal ko. Kapatid si Aira ni Jalina. Mahalaga siya sa taong mahal ko, kaya dapat ko ring protektahan ang kapatid niya.”Napatigil siya, e. Halatang nagulat.“Si Aira ang kapatid ni Jalina, Delany, kay
Rainn POVHanggang sa biglang kumilos si Delany.Matapos niyang mapaatras ang kalaban niya, hindi siya muling sumugod dito. Sa halip, mabilis siyang lumihis at dumiretso sa kinaroroonan ni Aira.Nanlaki ang mga mata ko doon.“Delany!” sigaw ko. Nagulat si Aira nang mapansing papalapit sa kaniya si Delany. “Wait—”Hindi na natapos ni Aira ang sasabihin niya. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Delany sa mukha niya.Natabingi ang ulo ni Aira sa lakas ng pagkakatama ng kamao ni Delany. Bago pa siya makabawi, nawalan siya ng balanse at napaatras hanggang sa bumangga ang kaniyang likod sa pader.Pagkatapos, tuluyan siyang bumagsak sa sahig.Hindi na siya gumalaw pagkatapos nun.“AIRA!”Natakot pa rin ako siyempre dahil kapatid ‘yan ng babaeng mahal ko. Kapatid ni Jalina si Aira.Hindi ko na inisip ang mga taong nasa paligid ko. Agad akong sumigaw kay Delany.“NO! Huwag! Huwag mong saktan si Aira!”Pero huli na ang lahat. Nakatayo na lang si Delany sa harap ng walang malay na si Air
Rainn POVHindi ko alam kung gaano katagal na silang naglalaban-laban sa lugar na ito. Ang alam ko lang, hindi pa rin humuhupa ang tensiyon at tila walang gustong umatras sa magkabilang panig.Natatangahan lang ako sa sarili ko kasi ang laki-laki kong tao, pero wala akong magawa. Ni hindi manlang akong sanay gumamit ng kahit anong armas o kahit lumaban. Hindi maganda kung ganito lang ako, walang silbi.Hindi rin kasi basta-basta ang tatlong lalaking Koreano na sumugod sa amin. Kitang-kita ko sa bawat galaw nila na sanay sila sa ganitong klase ng labanan. Mabilis e, saka malalakas talaga.Pero hindi rin naman basta-basta ang mga taong ipinadala sa akin ni Kenji.Si Jett ang unang nakipagsabayan sa isa sa mga Koreano. Pareho silang may mga sugat na sa mukha at braso, pero walang gustong magpakita ng kahinaan. Si Wolfe naman ay halos hindi na makaiwas sa mga suntok ng kalaban niya. May dugo na sa gilid ng kaniyang labi, pero patuloy pa rin siyang lumalaban.Si Delany ang pinakanagulat ak
Rainn POVHabang namamahinga sa bedroom ko rito sa villa ni Marica, nakatanggap ako ng message kay Aira. Gusto raw niya akong makausap dahil mayroon kaming mahalagang pag-uusapan. Hindi niya sinabi kung tungkol saan, pero gusto ko rin talaga siyang makita at makausap dahil baka may balita na rin siya kay Jalina.Hindi ako nagdalawang-isip na pumayag. Alam kong kakampi namin si Aira.Pero kahit pinagkakatiwalaan ko siya, hindi ko naman puwedeng kalimutan na delikado ang sitwasyon namin ngayon. Lalo na matapos ang nangyari sa hacienda.“Sir, handa na po ang sasakyan,” sabi ni Jett habang papasok sa bedroom ko.Tumango na lang ako nang tahimik. “Sumama kayong lahat.”Napatingin siya sa akin. “Lahat po?”“Oo. Kayo nina Delany, Wolfe, Arlo, at Caden. Sa lahat ng oras, kailangan talagang kasa-kasama ko kayo.”“Understood, Sir.”Lumakad na ako at sumakay sa sasakyan pagdating sa labas. Ako ang nasa likuran habang sina Jett at Wolfe ang nasa unahan. Nasa isa pang sasakyan naman sina Delany, A
Aira POV“So, anong plano mo, Mama Hera?” tanong ko sa kaniya habang nasa sala na kami.“Ang plano ko, hanapin si Rainn at ibalik dito sa hacienda!” galit niyang sagot. “Malaki na ang inilabas kong pera. Six digit ang bayad sa bawat isa nitong tatlong koreanong assassin na na-hire ko, kaya sigurado akong hindi na siya makakaalis pa sa kamay ko kapag nahuli siya.”Kinabahan ako for Rainn. Kailangan niyang malaman ito sa lalong madaling panahon.Kung titignan kasi ang tatlong assassin na iyon, mukhang hindi nagbibiro si Mama Hera.“Grabe, Mama, handang-handa ka na ngayon ah,” puri ko sa kaniya kunyari. Hindi niya kasi puwedeng mahalatang nagpaplano na rin ako sa utak ko.Maya maya ay lumapit ang isang tauhan niyang assassin. “Ma’am Hera, heto na po ang pinapahanap ninyong balita sa Krovana lake nitong nakaraang mga araw lang,” sabi nito at saka binigay ang tablet.Agad namang kinuha ni Mama Hera ang tablet para tignan iyon. Matagal niya itong tinitigan bago ako tinapunan nang tingin. Ak
Aira POVDalawang araw nag-stay sa ospital si Mama Hera dahil sa matinding allergy na umatake sa kaniya. Hindi ko alam kung saan siya nakakain ng hipon, pero feeling ko, bago umalis si Uncle Rainn dito sa hacienda ay siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Mama Hera.Ilang beses ko na rin siyang tinanong kung ano ang huli niyang kinain bago siya dinala sa ospital, pero wala siyang matandaan na may pagkaing may lamang hipon, kaya malakas talaga ang kutob kong kagagawan iyon ni Uncle Rainn.Mabuti na lamang at nakalabas na siya ngayong araw kasi gusto ko na ring iparating sa kaniya ang ginawa ko.Nasa sala ako ng Hacienda La Hera nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan niya. Agad akong tumayo at sumilip sa malaking bintana. Nakita kong bumaba si Mama Hera habang inalalayan ng isa sa mga bago niyang tauhan.Kahit kakamatay lang nung tatlong kumag na tauhan niya ay may bago na naman. Kung titignan, mukhang maayos na ang lagay nito. Hindi na gaya noong huli ko siyang makita sa ospital
Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan
Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H
Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma
River POVNakapasok na ako sa bakery ngayong umaga. Sabi ni Merbella ay kaya naman niyang mag-isa sa bahay kahit wala kami ni Janessa. Ang bilin ko sa kaniya, kapag nagkaroon ng problema o kailanganin niya ako ay tumawag lang siya sa cellphone ko.“Ano bang nangyari at ilang araw kang hindi nakapas







