LOGINJalina POVWow, natulog at nagpahinga lang kami ni Aira saglit, pero nagulat na lang kami kasi nakatali na ang mga kamay at paa ng mga koreanong assassin na tauhan ni Tita Hera sa mga upuan dito malapit sa may lake ng hacienda ni Tita Vana. May mga takip din ang kanilang mga mukha kaya hindi ko makita ang mga ekspresyon nila. Kahit ganoon, halata sa kanilang mga kilos na natatakot na sila ngayon.Akala ko tatlo lang, pero napakabilis mag-hire ni Tita Hera dahil may bago agad. May limang Koreanong assassin na agad siya.“Ate, ang bilis naman nilang nahuli ang mga ‘yan," bulong ko.Napangiti si Aira. “Hindi mo pa kasi nakikita kung paano kumilos ang mga tauhan ni Tita Vana,” proud niyang sagot.“Jalina, Aira.”Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ng aming tiyahin.Pumasok si Tita Vana sa room namin. Kahit hindi siya nagsasalita, halatang natutuwa siya kasi nasunod siya nang maayos ng mga tauhan niya.“Halika kayo rito.”Lumapit kami sa kaniya. Pagkatapos ay itinuro niya ang lim
Hera POVHanggang sa unti-unting nawala ang mga ingay. Wala nang sigawan. Wala ng mga yabag. Wala na rin akong naririnig na anumang kaguluhan.Napatingin ako sa relo ko. Ilang minuto na rin ang lumipas mula nang magsimula ang lahat.“Tapos na ba ang buwisit na kaguluhan?” tanong ko sa sarili ko.Maingat akong tumayo at lumapit sa pintuan.“Hello, may tao ba diyan?”Walang sumagot kaya dahan-dahan ko nang binuksan ang safe room. Sumilip muna ako sa maliit na siwang bago tuluyang lumabas kasi baka nandoon lang ang mga kalaban, naghihintay na lumabas ako, pero tahimik.Napakatahimik na ng buong hacienda ko. Wala na rin ang makapal na usok sa paligid. Unti-unti ko nang nakikita ang hardin mula sa pasilyo.“Nasaan na kayo?” tanong ko sa mga assassin ko.Wala pa ring sumagot, kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa loob. Inaasahan kong makikita ko roon ang limang Koreanong assassin ko na inutusan kong protektahan ang hacienda, ngunit wala na ni isa sa kanila ang sumalubong sa akin.“Mg
Hera POVIba ang pika ko kanina nung magpakitang buhay si Jalina, pero lalo akong napika nung lumabas pa ang tunay na kulay ni Aira. Biruin mo, nag-aksaya ako ng oras sa kaniya. Pinag-training ko at pinalakas, pero ang pinaghahandaan pala niyang iyon ay pangta-traydor sa akin.Sa tingin ko, may alam na siya. Sa tingin ko ay alam na niyang hindi ko siya tunay na anak, kaya ganitong palihim na pala niya akong pinagpaplanuhan.Maya maya, habang hindi ako mapakali sa office room ko, nakarinig ako ng parang mga tao sa labas ng hacienda. “Ano na naman ‘yun?”Lumapit ako sa malaking bintana ng opisina ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang makasilip sa labas, napansin kong may mga lalaking nakasuot ng itim na nagtatakbuhan sa paligid ng hacienda.May ilan sa kanila ay nakapuwesto sa harapang bahagi ng bakuran ko, habang ang iba naman ay unti-unting pumapalibot sa likod ng hacienda. Itim ang kanilang mga damit at tila organisado ang bawat kilos nila.Kinabahan agad ako kasi mukhang may panibago
Jalina POV“Kapatid ba kita, Aira?” tanong ko na agad sa kaniya habang nakakunot ang noo.Hindi pa makasagot si Aira sa akin. Iniiwasan niya ako nang tingin kaya humarang ako sa harap niya. “Kapatid ba kita?” tanong ko ulit.Wala siyang balak sumagot, kaya si Tita Vana na ang nagsalita. “Oo, kapatid mo siya, Jalina. Kinuha siya ni Hera sa Nanay Hira mo para may gawing plano. At iyon ang maagaw ang alam niyang manang maaaring makuha ni Hira sa lola Ira ninyo. At dahil tunay na anak ni Hira at Joel, ayon, nung mahina na si Ira, sinamantala niya ang pagkakataon na kuhanin na ang mana ni Hira at iyon ay dahil kay Aira. Dahil nabaliw si Hira nung mga panahong iyon, anak ang puwedeng mag-claim ng mana, kaya si Aira ang ginamit ni Hera para magawa iyon.”Napatingin ulit ako kay Aira. Wala siyang kibo. Hindi rin siya tumututol sa mga sinabi ni Tita Vana.“Kaya ba tinutulungan mo na ako ngayon, Aira?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko kasing magsalita siya. Kapag nagsalita siya, saka lang ako mani
Jalina POVHalos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa sobrang bilis ng pagtakbo namin ni Aira. Ilang minuto na kaming palayo sa Hacienda La Hera, pero hindi pa rin kami tumitigil. Panay ang lingon ko sa likuran namin dahil baka may mga tauhan ni Tita Hera na sumusunod.“Aira, sigurado ka ba talaga sa pupunta natin?” tanong ko habang hinihingal.“Oo, sure na sure ako. Doon na talaga tayo pupunta sa Hacienda La Vana.”Parang joke time pa rin talaga pero parang seryoso rin siya.“Basta, keep running, Jalina!”“Aira, seryoso ka ba talaga kasi?”“Yes! Kapatid nga kasi siya ng Tatay mo. Ibig sabihin, tita mo siya.”Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang narinig iyon. Wala kasi akong natatandaan na sinabi iyon sa akin ni Nanay Hira. Marami kasing bagay ang hindi ko naitanong kay Nanay noon, at may mga kuwento ring hindi niya nagawang sabihin sa akin.Pero si Madam Vana, tita ko ba talaga? Naalala ko pa tuloy nung nakaraang buwan. Siya ang babaeng nakilala ko sa labas ng hacienda niya. Si
Jalina POV“Let’s see kung totoo ang sinasabi mo.”Iyon ang huling sinabi ni Tita Hera bago siya tuluyang tumalikod sa akin.Nakaluhod pa rin ako sa sahig habang sinusundan ng tingin ang bawat hakbang niya. Akala ko ay pagbibigyan niya ako. Akala ko ay papayag siyang mag-stay ako sa hacienda kahit pansamantala lamang.Pero nagkamali ako. “Get up.”Napatingala ako nang marinig ang cold niyang boses. Dahan-dahan akong tumayo.“Thank you, Tita. I promise na hindi na po ako gagawa ng anumang ikagagalit ninyo.”Hindi siya ngumiti. Sa halip, tumingin siya sa tatlong Koreanong assassin na nasa likuran namin. “Patayin ninyo siya.”Napakunot-noo ako. “Po?”“Did you hear me? Patayin ninyo ang babaeng ‘yan!”Agad na lumapit sa akin ang dalawang lalaki.“Wait, Tita. Akala ko po ay papayagan ninyo akong manatili rito?”Humalakhak siya. “Do you really think I’m stupid enough to let you live under my roof again?”Napatigil ako. “Pero sinabi ko naman pong hindi na ako lalapit kay Rainn—”“SHUT UP!”N
Janessa POVPagod na pagod si Tita Merbella pag-uwi nila ni Uncle River dito sa bahay. Ni umakyat sa itaas ng bahay namin ay hindi na nito nagawa. Kaya ang ginawa namin ni Uncle River, binigyan namin siya ng higaan sa may sala. Doon na namin ito pinahiga kasi maging si Tita Merbella ay ayaw na raw
Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan
Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H
Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma






