تسجيل الدخولAckkkk! Piste ang oa ko ulit, kinikilig ako!
Series Finale Special: Series Ending.“Masyadong tahimik,” seryosong tugon ni Angel, biglang nawala ang ngiti sa labi niya.Nagkatinginan silang tatlo.Kapag magkakasama ang mga anak nila at biglang naging sobrang tahimik ng paligid, isa lang ang ibig sabihin noon.“The kids are up to something,” sabay-sabay nilang nasabi.Sa kabilang bahagi ng barko, sa isa sa mga hindi masyadong mataong pasilyo patungo sa open deck, may apat na maliliit na bulto ang tahimik na naglalakad sa ilalim ng mga anino, parang mga trained na ninja.Si Dark Angelo ang nasa unahan, seryoso ang mukha, nagmamasid sa kaliwa't kanan bago sumenyas gamit ang kamay—isang tactical signal na natutunan niya sa panonood sa mga security teams ng kaniyang ama.“Clear,” mahinang bulong ni Dark Angelo, nagsenyas na sumunod ang iba.Mabilis na gumapang mula sa likod ng isang malaking vase si Brylle. May suot pa rin itong leather jacket na pilit niyang pinapa-cool, pero puno ng mantsa ng tsokolate ang gilid ng labi. “This is a
Kinagabihan, matapos ang nakakapagod na pag-aayos sa kani-kanilang mga luxury cabins, nakahanap ng pagkakataon ang tatlong lalaki na tumakas pansamantala.Ang exclusive VIP cigar and whiskey lounge ng barko ay nai-book nang buo para lang sa kanila.Madilim ang ilaw, tumutugtog ang isang mahinang jazz music, at ang amoy ng mamahaling tabako at alak ay nagbibigay ng pamilyar na pakiramdam ng kanilang lumang mundo.Nakasandal si Black sa isang leather couch, hawak ang isang baso ng bourbon. Si Hunter ay nakaupo sa tapat niya, iniikot-ikot ang yelo sa sariling inumin, habang si Darken ay nakatayo malapit sa bintana, pinagmamasdan ang madilim na karagatan.“I still think putting Krysta in ballet is a mistake,” biglang basag ni Black sa katahimikan, isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa labi niya. “She needs combat training. Did you see how she looked earlier? She was calculating his weak points.”Inis na tiningnan siya ni Hunter. “She was looking at the ice cream, Black. And she is doing
Limang taon matapos ang lahat, umalingawngaw ang malakas na busina ng isang dambuhalang luxury cruise ship sa buong daungan ng Puerto Prinsesa Palawan.Ang araw ay tirik na tirik, ang hangin ay maalat at presko, ngunit sa VIP terminal ng naturang pantalan, ang atmospera ay magulo, maingay, at halos maging isang warzone.Hindi dahil may sumugod na mga armadong sindikato.Kundi dahil ang pinakamakapangyarihan at pinakakinatatakutang mga pamilya sa underground society ay magsasama-sama para sa isang simpleng salita na hindi kailanman naging parte ng kanilang vocabulary noon…Family Vacation.Sa entrance ng private terminal, nakatayo ang dose-dosenang mga lalaking nakasuot ng itim na suit. Mga batikan at malalamig ang mga mata.Ngunit sa halip na mga baril ang bitbit ng mga ito, karamihan sa kanila ay may mga nakasabit na pink na backpack, malalaking baby bags na puno ng diapers, at mga laruang hugis dinosaur.“I told you, we don't need five suitcases for a three-day cruise!” sigaw ni Rye
SPECIAL:Matapos ang isang mabilis ngunit masayang intimate dinner reception sa mismong hardin ng Saviano Estate, mabilis na idineklara ni Hunter na tapos na ang gabi para sa amin.“We’re leaving,” malamig na anunsyo ni Hunter kay Gregor na kasalukuyang ngumunguya pa ng steak.“Pero boss, kaka-serve lang ng dessert—”“Eat it all. The car is waiting outside,” putol ni Hunter bago niya inipit ang braso niya sa baywang ko at dahan-dahan akong iginiya palabas. Narinig ko pa ang malalakas na panunukso nina Sir Black at Hannah, pero hindi na lumingon si Hunter.Buong byahe pabalik sa penthouse, hindi bumitaw ang isang kamay ni Hunter sa hita ko. Ang isa naman ay maingat na nagmamaneho. Walang nagsasalita sa aming dalawa, pero ang tensyon at init sa loob ng sasakyan ay halos makapaso.Nang makarating kami sa penthouse at makapasok sa loob ng pinto, awtomatikong itinapon ni Hunter ang susi ng kotse sa side table at mabilis na humarap sa akin.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Yumuko siya at b
THE DAY.Pakiramdam ko, parang lumilipad ang oras.Nakatingin ako ngayon sa malaking salamin ng private dressing room sa likod ng kapilya. Suot ko ang isang simpleng silk off-shoulder wedding dress na perpektong yumayakap sa umbok ng tiyan ko.Walang mabibigat na beads, walang mahabang buntot na sasabit saan man, gaya ng gusto ko. Simple, pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo ngayon.“Oh my gosh, Rye! Wag kang iiyak, masisira ang makeup mo!” umiiyak na saway ni Ana habang pinapaypayan ang sarili niyang mukha.“Ikaw nga 'tong umiiyak diyan eh!” natatawang sagot ni Mia sabay abot ng tissue kay Ana. “Pero seryoso, Rye... ang ganda-ganda mo. Sino ba namang mag-aakala na yung babaeng nakatapon ng kape sa suit ng isang mafia boss dati, eh asawa na niya ngayon?”Napangiti ako nang malawak. Oo nga naman. Kung binalikan ko ang sarili ko ilang buwan na ang nakakaraan at sinabing papakasalan ko ang kinatatakutan at pinakamasungit na lalakeng na
Halos ilang buwang preperasyon ang nagdaan.Huling gabi bago magsimula ang wedding week, nagkaroon ng intimate dinner sa penthouse.Naging mas maingay at puno ng buhay ang lugar kaysa sa inaasahan ko. Andoon si Yna at si Sir Black na karga-karga ang maliit nilang baby. Andoon din sina Ana at Mia na hindi magkamayaw sa kakapicture sa malaking diamond ring ko.Siyempre, hindi mawawala ang kanang kamay ni Hunter na si Gregor.Pero ang nagpadagdag talaga sa sigla ng gabi ay ang mga espesyal na bisitang sadyang pinauwi pa ni Hunter. Mula sa States, kararating lang ng biological na nakababatang kapatid ni Hunter na si Hannah. Katulad ni Hunter, pino at may awra itong nakaka-intimidate, pero kanina pa niya walang-awang tinutukso ang kuya niya.“I still can't believe it. The great Hunter Saviano, whipped and domesticated,” natatawang pang-aasar ni Hannah habang sumisimsim ng wine, nakatingin sa kung paano maingat na hinihiwa ni Hunter ang steak sa plato ko. “Thank you for taming this monster,







