LOGINHala?!
“Huh?” awang ang labing tanong ko sa matinding pagkabigla.Nag-hang ang utak ko. Anong ibig niyang sabihin?Nagseselos siya? Kanino? Kay Baby Dark?! Sa isang taong gulang na bata dahil... dahil natulog ito sa kandungan ko?!Gusto kong matawa sa sobrang absurd at kabaliwan ng ideyang iyon, pero bago pa man ako makapagsalita, sinagot niya ang pagkabigla ko ng isang malambot, madiin, at mapang-angking halik.Mabilis akong naparalisa nang maramdaman ang malambot at mainit niyang labi. Isang direktang pag-angkin na nagpapabaliw sa mismong katinuan ko. Ang mga labi niya ay gumagalaw nang may awtoridad laban sa mga labi ko, hinihingi ang pagtugon ko, nilalasap ang bawat sulok ng bibig ko na parang siya lang ang may karapatang gumawa niyon.Kusang nanlambot ang mga tuhod ko at napakapit na lamang ako sa kwelyo ng itim niyang polo para hindi tuluyang matumba.Nang bitawan niya ang mga labi ko, pareho kaming naghahabol ng hininga. Ang mga mata niya ay lalong umapoy, pero ngayon ay hindi na sa g
Hindi na ako sumagot. Buhat-buhat ang mahimbing na bata, sumunod ako sa kaniya papasok sa loob ng malawak at madilim na mansyon. Walang katulong na sumalubong sa amin. Walang guards na nakikita sa loob. Kaming tatlo lang talaga.Dahil tulog na ang bata, sinabi ni Black na ilagay na ito agad sa kama sa isa sa mga malalaking guest rooms sa ikalawang palapag.Pagkapasok namin sa kwarto, maingat kong inilapag si Baby Dark sa gitna ng malambot at king-sized na kama. Inayos ko ang mga unan sa paligid niya para hindi siya mahulog, at dahan-dahang kinumutan ang maliit niyang katawan.Nakahinga ako nang maluwag nang hindi man lang ito nagising.Dahan-dahan akong tumayo, pinapagpag ang damit ko na nagusot dahil sa matagal na pagkakandong sa bata. Pagtalikod ko, muntik na akong mapatili.Nakatayo si Black sa mismong likuran ko, igting ang panga at naniningkit ang mga mata.Hindi man lang siya gumawa ng tunog! Nakasandal siya sa hamba ng pinto, nakapamulsa. Para akong nauubusan ng hangin dahil sa
Isang oras ang lumipas, nahanap ko na lang ang sarili ko sa loob ng marangya at itim na SUV ni Black.Nakuha na namin si Baby Dark mula sa mansyon nina Sir Darken, at tulad ng inaasahan, dahil malapit ako sa bata at madalas ko itong makalaro tuwing dinadala ito ni Ma'am Angel sa opisina, mabilis itong kumportable sa akin. Sa katunayan, tahimik itong nakatulog sa kandungan ko.Ang mabilog at inosenteng pisngi ng bata ay nakasubsob sa dibdib ko, habang ang maliliit nitong mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa tela ng damit ko.Hinahaplos ko ang malambot na buhok ni Dark para masigurong mahimbing ang tulog niya.Pero kahit gaano kapayapa ang bata sa mga bisig ko, kabaligtaran naman nito ang nagwawalang bagyo sa loob ng dibdib ko.Tahimik sa loob ng sasakyan. Walang music. Walang nagsasalita. Tanging ang ugong lang ng makina at ang mahinang paghinga ni Baby Dark ang naririnig.Pero ang katahimikang iyon ay nakakabingi. Nakakasakal.Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. Anong gul
“A-Ako na lang po...”Natigilan ang tatlo. Napatingin silang lahat sa akin. Maging si Black ay kumunot ang noo at matalim na bumaling sa akin, tila binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko.“A-Ako na lang po muna ang magbabantay kay baby Dark, Sir Darken, Ma'am Angel...” lakas-loob na suhestiyon ko, pilit na iniiwasan ang nakamamatay na titig ng lalaking nasa tabi ko. “H-Habang nasa Brazil kayo. Para po matuloy kayo sa honeymoon niyo. Sanay po ako sa bata... ma-maaasahan niyo po ako.”Gumaan ang mukha ni Angel, parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. “Talaga, Yna? Naku, sobrang laking tulong niyan! Hindi na namin alam kung kanino iiwan ang anak namin nang biglaan! Babayaran ka namin ng extra, sagot ko na ang leave mo sa trabaho—”“Right,” biglang putol ni Black.Ang boses niya ay malamig, mabagal, at punong-puno ng panganib. Dahan-dahan siyang sumandal sa upuan niya at nag-krus ng braso.Tumingin siya sa kapatid niya, pagkatapos ay bumaling sa akin, at unti-unting ngumisi. Isang
Kaunting galaw lang ng katawan ko ay sandali akong napapadaing kasabay pa mismo ng mga pagdaing din ni Ma’am Angel. Pareho tuloy kaming napatingin sa isa’t sa isa.Mukhang pareho kaming masakit ang katawan. Mukhang pareho kaming nabugbog ang katawan ng nakaraang gabi. Pareho ding nagkatinginan ang dalawang lalaki kaya mas lalong umakyat ang hiya sa mukha ko!Napalunok ako. Normal lang na sumakit ang katawan ni Ma’am Angel, lalo pa’t kasal nila kahapon… pero ako? Anong iisipin ni Ma’am Angel sa akin?Nang sulyapan ko si Black sa tabi ko, nakita kong nakatingin na din ito sa akin, may pamilyar at nakakalokong ngisi sa mga labi na para bang nababasa nito ang nasa isip ko.Pinandilatan ko siya ng mata at pasimpleng kinurot sa hita, pero tinawanan lang niya ako nang mahina.Ilang segundo pa nang maalala kong dominante nga pala ang lalaking kasama ko kaya hindi ko siya pwedeng kurot-kurotin, baka bigla akong patayin nito!“So, this is Angel,” basag ni Black sa katahimikan habang umiinom ng
“And where do you think you're going?” madilim ang mga matang saad niya, ang boses ay seryoso at mababa.“A-ano ba... pwede ba, t-tantanan mo na ako...” nanginginig ang boses ko. Naiihi na naman ako sa takot, idinagdag pa ang matinding hiya dahil sa lapit ng hubad niyang dibdib sa mukha ko, lalo na’t alam ko kung anong ginawa ng dibdib na iyan sa akin kagabi!Ngumisi lang si Black. Isang mapanganib at mapagmataas na ngisi na lalong nagpakaba sa akin.“Not that easy, woman. Did you really think I’d just let you walk out of my door pagkatapos kong mawala ng halos isang taon?”Ano ba? Bakit ba kung makapagsalita siya ay para siyang may karapatan? Masyadong mapag-angkin ang lalaking ito! Kung hindi man siya criminal tulad ng una kong akala nang hindi ko pa alam na kapatid siya ni Sir Darken, may attitude at nakakatakot pa rin siya!Umayos siya ng tayo, lumayo nang kaunti, at may kinuha mula sa gilid ng sofa. Inihagis niya sa kandungan ko ang isang eleganteng paper bag na may tatak ng isan







