แชร์

NMITM Chapter 4

ผู้เขียน: Pusa
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-02-25 10:34:04

Naomi's Pov

HINDI ko maintindihan si Sir Jax. Para siyang tanga!

Ang sabi niya ibili ko siya ng preskang isda, ngayon naman na nakabili na ako at naluto ko na, mukhang hindi naman niya nagustuhan!

Alam mo iyon, naghirap ako maghanap ng buhay na isda sa palengke para lang masabi na preska ito–dahil preskang-preska naman talaga, tapos ang ending mukhang palpak pa rin.

Ang mahal pa ng pagkabili ko sa isda na iyon na nakabalot pa mismo sa isang plastic na may tubig sa loob na binebenta ng matanda sa talipapa.

Maraming klase iyon, nakabalot, pero ang pinili ko ay pinakamalaki sa lahat, at orange na orange ang kulay!

Buhay na buhay.

Gaya ng sabi ni Sir Jax na preska!

Hindi ko nga iyon pinaalam sa driver niya dahil surprise ko iyon kay Sir Jax.

Pero nakakasakit na ng loob si Sir Jax. Ang sakit ng heart ko!

Halos tumulo na nga ang uhog ko sa kakahiwa ng sibuyas para lang ipaghanda siya ng preskang sinabawan na isda tapos ni tikman ay hindi man lang niya ginawa!

Huhuhu!

Ayaw ko na sa earth!

Masyado na silang mapanakit!

Nakakaiyak. Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilang mapapadyak sa sobrang inis!

"Argh!"

Pumadyak-padyak ako sa magarbong damo na nasa hardin.

Pero teka, papalapit si Lola Flor. Tumaas ang kilay niya sa akin. Umayos ako at baka ako'y makatikim ng kurot sa kaniya.

"Naomi, hija, pinapatawag ka ng Sir Jax mo sa taas," wika ni Lola na tumingin pa sa langit habang hinihimas ang sentido niya.

Nangunot ang noo ko sabay na napatingin din sa langit.

"As in sa langit, Lola?" tinuro ko ang langit, "nasa langit na pala si Si–aray lola naman!"

"Bata ka talaga maaga akong mamamatay sayo!"

Umiling-iling ako. Ayoko mamatay si Lola Flor ng maaga, kitang-kita iyon, mas okay siguro kung gabi nalang, iyong tulog na ako para hindi masyadong masakit.

"Lola, ayoko mamatay ka sa umaga, sa gabi nalang, lola, para hindi ko makita kong paano ka–"

"Naomi!"

"Aw!"

Ang sakit ng sampal ni Lola. Parang umikot yata ang paningin ko.

"Lola, bakit mo naman ako sinampal? Masama ba ang sinabi ko? Ayoko naman talaga mamatay ka ng uma–"

"Tama na, diyos kong bata ka!"

Si Lola napahilot sa dibdib niya.

"Naninikip ang dibdib ko sayong bata ka, Naomi!"

Hinawakan ko ang dibdib ni Lola kasi sabi niya naninikip.

"Lola, sinungaling ka. E, wala naman laman ang dibdib mo kaya paano maninikip iyan!" Sabi ko na tinaasan siya ng kilay. Pero binatukan naman niya ako.

"Lola, naman, bakit mo naman ako binatukan? Kanina sampal, ngayon batok?"

"Batok iyan ng pagmamahal! Hala sige na at puntahan mo na si Sir Jax mo sa taas–sa kwarto niya. Talagang batang 'to! Baka kung saang taas ka pa pupunta e!"

"E, lola, bakit mo naman ako sinampal?" Tanong ko pa sa kaniya.

Binalingan ako ni Lola at tiningnan ng masama ang mukha. "Tang–kasi–sampal din iyon ng pagmamahal!" Saka siya mabilis tumalikod at naglakad.

Napabuntonghininga na lamang akong sinundan ng tingin si Lola na pahilot hilot sa dibdib niya habang binabagtas ang daan papasok sa loob ng mansion.

Ang sakit ng sampal at batok niya ah! Nakakawala ng ulirat!

Saka mayron palang batok at sampal ng pagmamahal?

Heheheh!

*****

Kumatok ako sa pinto ng kuwarto ni Sir Jax. Mga tatlong beses at sunod-sunod.

Kahit masama ang loob ko dahil hindi niya tinikman ang niluto ko ay nakangiti pa rin ako kahit na hindi pa nakabukas ang pinto.

Nang bumukas ang pinto ay sumungaw si Sir Jax doon.

Basa ang buhok niya, bagong ligo ito. Wala siyang pang itaas na suot pero may pambaba naman. Naka jogger pants lang siya.

"Come in."

Binuksan niya ng malaki ang pinto kaya pumasok na ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Maganda ang kuwarto niya, mabango.

"Ano'ng gagawin ko rito, sir?" Ani ko.

Naagaw ng atensyon ko ang malaki at malapad niyang higaan. Siguro masarap mahiga roon dahil mukhang malambot na malambot. Malambot din naman ang kama namin ni Lola, pero mukhang kakaiba ang kay Sir Jax.

"Maupo ka at may pag-uusapan tayo." Naupo si Jax sa isang swivel chair. Ang mga mata ay natuon sa dalaga na hindi mapakaling nakatitig sa higaan niya.

Naupo ako sa kama ni Sir Jax. Ang lambot nga. Hindi ko napigilan ang sariling humiga roon. Hindi pa ako makontento sa higa lang, kaya tumayo ako sa kama at lumundag-lundag.

"Woah! Ang galing! Ang ganda naman dito, sir! Ang lambot-lambot ng kama mo!"

Halos habulin ko ang paghinga ng ma satisfied ako sa ginagawa. Binalingan ko si Sir Jax. Nakaawang ang labi nito na napatitig sa kama na nagulo na dahil sa ginawa kong paglundag-lundag. Napangiti ako.

"Pasensya na po, heto't aayusin ko na, hehehe!" Inayos ko ang higaan ni Sir. Saka ako naupo sa kama paharap sa kaniya.

"Sir Jax," Pinalantik ko ang daliri ko sa kaniya kaya napakural-kurap ito. Natulala kasi siya.

Nakita ko ang klase ng paninitig niya sa akin. Iyon bang hindi ito makapaniwala. Nakakunot ang noo niya na para bang may malalim siyang iniisip.

"Okay. Pinatawag kita dito para kausapin hindi para gawin mong playpen ang higaan ko," aniya na napakamot pa sa batok nito.

Nginitian ko lang si Sir Jax. Kahit pa nakakunot ang noo niya ay gwapo pa rin ito. Kamukha nga niya ang crush actor ko na si Henry Cavil.

May superman!

Siguro kapag nagalit ito sa akin ay isang hagis lang ako nito sa pader dahil malaki ang katawan niya saka matangkad siyang tao. Mamaw ba, mamaw.

Hehehe!

"Sabi ko nga kanina, sir, sorry lang. Paano kasi, kasalanan iyan ng kama mo inakit ako kaya iyon, napalundag tuloy ako, hehehe!"

Napailing si Sir. Hindi maintindihan ang reaksyon ng mukha niya. Parang maaga siyang tatanda kung palaging nakakunot ang noo niya. Pero kahit tumanda man siya ay guwapo pa rin sa paningin ko.

"Enough of this nonsense discussion. Pinapunta kita rito para sabihin na mag-i-enrol ka na next week sa Roberts University at ako ang tutustos sa lahat ng pangangailangan mo habang naririto ka sa pamamahay ko."

Napaawang ang labi ko sa tinuran ni Sir Jax.

Roberts University?

Pangalan palang mukhang magarang paaralan na!

Saka totoo nga ang sinabi ni Lola na paaaralin ako ni Sir Jax!

Mukhang matutupad na nga ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho soon sa isang five star hotel!

Kapag nakapagtapos ako sa kursong Hotel And Restaurant Services Technology ay makapagtrabaho na ako, at matutulungan ko na si Lola Flor. Magpapaalam ako kay Sir Jax na papahingain ko na si Lola. Papatayuan ko rin siya ng bahay at bibigyan ng negosyo. Iyon ang pangarap ko!

At matutupad lamang iyon kapag tuloy-tuloy ang pag-suporta ni Sir Jax sa pagpapaaral sa akin.

Napangiti ako ng malapad na niyakap si Sir Jax. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko. Agad siyang kumalas at mahina akong tinulak palayo sa katawan niya.

Pero hindi pa ako nakontento sa pagyakap lang.

Sa sobrang tuwa ko pa ay malakas kong binatukan si Sir Jax.

"Maraming salamat po, Sir Jax! Batok po iyan ng pagmamahal!"

Hindi pa ulit ako nakontento, sasampalin ko rin sana siya ng pagmamahal nang bigla niyang inagaw ang palad ko at walang ano-anu'y itinulak niya ako sa kama saka siya pumaibabaw sa akin habang hawak ng mahigpit ang palad ko na pininid sa itaas ng uluhan ko.

"Sumusobra ka na, young lady..."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong halikan ni Sir Jax sa labi.

Halik ba ito ng pagmamahal?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Naive Maid in the Mansion   NMITM Chapter 4

    Naomi's PovHINDI ko maintindihan si Sir Jax. Para siyang tanga!Ang sabi niya ibili ko siya ng preskang isda, ngayon naman na nakabili na ako at naluto ko na, mukhang hindi naman niya nagustuhan!Alam mo iyon, naghirap ako maghanap ng buhay na isda sa palengke para lang masabi na preska ito–dahil preskang-preska naman talaga, tapos ang ending mukhang palpak pa rin.Ang mahal pa ng pagkabili ko sa isda na iyon na nakabalot pa mismo sa isang plastic na may tubig sa loob na binebenta ng matanda sa talipapa. Maraming klase iyon, nakabalot, pero ang pinili ko ay pinakamalaki sa lahat, at orange na orange ang kulay!Buhay na buhay.Gaya ng sabi ni Sir Jax na preska! Hindi ko nga iyon pinaalam sa driver niya dahil surprise ko iyon kay Sir Jax.Pero nakakasakit na ng loob si Sir Jax. Ang sakit ng heart ko!Halos tumulo na nga ang uhog ko sa kakahiwa ng sibuyas para lang ipaghanda siya ng preskang sinabawan na isda tapos ni tikman ay hindi man lang niya ginawa!Huhuhu!Ayaw ko na sa earth!

  • Naive Maid in the Mansion   NMITM CHAPTER 3

    Jax Pov PARANG maagang puputi ang buhok ko sa apo ni Nanay Flor dahil sa katangahan nito. I know she's smart but too innocent as well. Parang bata. Malayo ang isip. Literal na klase ng tao. At hindi ko alam kung ano pa ang itatawag ko sa kaniya. She literally a pain in my ass. I heave a deep sigh. Ang lalim nang pagbuga ko ng hangin kasing lalim ng pag-iisip ng babaeng ito na ngayon ay sumasayaw-sayaw habang hinihiwa ang sibuyas. Kahapon lang siya dumating sa mansion pero pakiramdam ko ay matagal na siyang naririto. Her presence makes me feel uncomfortable at sa tingin ko ay komportable naman siya dahil hindi yata siya marunong mahiya. Just right now. Nakasuot lang siya ng malaking t-shirt na puti at hindi ko masilip kung may short ba siyang suot sa loob nito. And I don't know why I'm here–stalking without her being. Nakatago ako sa bukana ng pinto sa kitchen at sinisilip siya. Mayamaya pa'y nangunot ang noo ko nang makita siyang bigla na lamang humagulhol ng iyak. Wh

  • Naive Maid in the Mansion   NMITM Chapter 2

    Jax PovNakarating ako sa mansion alas dyes na ng gabi. Damn!Napagod ako hindi dahil sa meeting kanina kundi dahil sa ingay sa club. Kainis naman kasi si Charlie inaya ako, at dahil best friend ko siya, hindi ako nakatanggi.Pagpasok ko sa mansion nakita ko si Lola Florentina naghahanda ng hapunan ko. Ganito palagi ang scenario tuwing gabi na ako nakakauwi. She will patiently wait for me at ipaghahain ako ng pagkain pagdating ko.Hindi na iba si Lola Florentina sa akin. She's my family. Our family.My mom is in the Italy with dad. They living there. líAt ako? I stay here. But planning to leave soon.Para makasama sina mom and dad.At ang mansion?I will leave it to Lola Florentina.Ibibigay ko sa kaniya ang mansion.And also bibigyan ko rin siya ng pangkabuhayan to start a new life.Para kahit magkalayo kami hindi siya mabo-boring.But I think boring isn't problem at all to Lola Florentina, dahil sa apo niyang wala yata madalas sa sarili nito.At speaking of that young woman

  • Naive Maid in the Mansion   NMITM Chapter 1

    Naomi PovHello everythinggg! And I am Naomi Esguerra, 22 years old, still fresh as a coconut tree and young as eggplant!I'm riding in tandem with my lola Florentina sa bus. Pupunta kami ngayon sa mansion kung saan si Lola Florentina nagtatanim ng palaka. Naiinip na nga ako at nangangalay na ang mga binti ko kakaupo, kaya tumayo muna ako.Malawig ang biyahe mula Bicol papuntang... teka saan nga pala kami pupunta ni Lola?Binalingan ko si Lola Flor, mahimbing ang tulog niya kaya gigisingin ko ito."Lola, lola!" Niyugyog ko nang malakas ang balikat niya para magising ang diwa niya. Tulog siya kasi nang tulog baka tuluyan siya at 'di na magising. HahahahaNagmulat ng mata si Lola sabay na napakislot. Tiningnan niya ako. "Oh, apo, bakit? Bakit ka nakatayo riyan? Maupo ka nga at baka ika'y matumba. Mabilis pa naman ang takbo nitong sinasakyan natin." Hinila ako ni Lola paupo sa tabi niya.Napanguso naman ako. "Eh, lola, nakakangalay ang maupo eh, kaya tumayo ako. Saka tumatakbo pala ang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status