Share

Chapter 10.2

Stacey's POV

Nagising ako kinabukasan na sumasakit ang ulo ko. 

Pesteng hangover 'to!

Teka! Hangover? Pa'no ako nagkaroon ng hang-over? 

Napamulat ako ng mata. Awtomatikong iginala ko ang aking paningin.

Kulay puti ang pintura ng dingding. May closet sa loob na katamtaman ang laki. Sa tabi ng kama ay may maliit na bedside table. 

Teka! Nasaan ako?

Sigurado akong hindi ito ang hotel room namin ni Venice.

"Gising ka na pala." Awtomatiko akong napatingin sa barotinong tinig.

"Zach!"

Tinanguan ako nito.

"Where am I?" 

Magsalubong ang makapal nitong kulay.

"Di mo naaalala?"

Napaisip ako. Pilit kong binalikan sa isip ko ang nangyari.

Ano bang nangyari?

Nang tumama ang paningin ko sa kulay pulang talulot ng rosas na nasa sahig ay tila pelikulang nag-replay sa utak ko ang nangyari.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status