ELLIE
NAGMAMADALI ako sa pagpasok sa unang klase ko ngayong araw, hindi na ako sumabay pumasok kay Daniel dahil tanghali na ako nagising, napuyat kase ako kakaisip tungkol sa larawan.
"Hi Babe!" sigaw na Alex habang tumatakbo palapit sa akin.
"Ay butete! Ano ka ba 'Lex wag ka nga nanggugulat, at tsaka wag mo nga akong matawag tawag na babe, kelan pa ako naging biik?" gulat na gulat na wika ko. Hindi maiwasang mapatawa ni Alex.
"Ikaw ang pinakamagandang biik na nakita ko" anito na tumatawa. "Bakit ba ang sungit mo ngayon? masyado mo ba akong namiss?" nang aasar na turan ni Alex.
"Asa ka pa!" ingos ko sabay binilisan ang aking lakad dahil baka mahuli ako sa klase.
"Bakit ka ba nagmamadali hindi ka pa naman late sa first subject mo?" hinihingal na turan ni Alex "Ang bilis mong lumakad, may lahi ka bang amasona?" dagdag pa nito. Hindi ko maiwasang bumunghalit ng tawa sa sinabi nito. Kahit napakakulit nito hindi ko magawang mainis ng tuluyan dahil napakapalabiro nito. Isa si Alex sa masugid kong manliligaw, nagtapat na eto ng damdamin sa akin dati pero sarado na ang puso ko para sa ibang pag-ibig. Mula ng ligawan ako ni Alex wala ng nagkalakas loob na lumapit pa, which is pabor na pabor sa akin dahil ayaw ko ng distraksyon, gusto kong patunayan sa mga Del Mundo na hindi nasayang ang lahat ng kabutihan nila.
"Nakita kase kita, akala ko multo!" ganting biro ko kay Alex.
"Sabi ko na miss mo rin ako eh!" wika ni Alex sabay akbay sa akin. "Akin na nga yang mga dala mo baka hindi ka pa lumaki, mas malaki pa ang mga libro sayo" sabay kuha sa hawak nyang libro.
Inirapan ko lang si Alex at tinaliman ng tingin.
"Wag kang tumingin ng ganyan sakin Ellie, baka mahalikan kita" seryosong wika ni Alex.
"Puro ka kalokohan, akin na nga yan!" ganting biro ko sabay agaw sa mga libro
Nagkukulitan kami habang papunta sa unang klase ko.
PAGPASOK ni Ellie sa Canteen nagtataka sya dahil busing busy ang lahat habang meron pinapanood sa kanilang mga Cellphone. Ang iba ay halos kinikilig at tumitili pa.
"Ehh nakakakilig! Bagay na bagay sila!" tili ng mga babaeng studyante.
"Hi Ellie, dito ka na sa table namin, hinihintay ko rin si Daniel" tawag pansin sa kanya ni Ruth, kasintahan eto ni Daniel na parehong Medisina rin ang kinukuha kaya laging magkabuntot ang dalawa. Mabait ang dalaga kaya nakapalagayang loob na rin nya.
"Ano ba yun pinagkakaguluhan nila?" curious na tanong ni Ellie.
"Hindi mo ba Alam? Akala ko alam mo, si Kuya Nathan ikakasal na sa nobya nyang Modelo!" wika nito
Gulat na napatingin si Ellie kay Ruth.
"H-Ha?"
"Eto oh panoorin mo, nakakakilig!" sabay abot sa kanya ng Cellphone
Nakita nya si Nathan katabi ang napakagandang at seksing babae, nakasuot eto ng red gown na bumagay sa maganda nitong kutis. Lalong nadagdagan ang gandang lalaki ni Nathan sa pagdaan ng mga taon. Nakatingin ang babae kay Nathan, may ibinulong eto sa babae na parang nagpakilig dito sabay hilig sa dibdib ng lalaki.
"Ms. Trixie, pwede po ba kami magtanong ng ilang katanungan?, okay lang din po kung hindi nyo sasagutin" magalang na tanong ng reporter.
"Oh Sure darling, no problem" mahinhin nitong sagot.
"Matagal na po umuugong ang balita sa lihim na relasyon nyo ni Mr. Del Mundo, meron na po ba kaming aasahang magaganap na kasalan? by the way po, bagay na bagay po kayo" tanong ng reporter. Mahinhing ngumiti si Trixie at sumulyap muna kay Nathan bago sumagot.
"oh Thank you!Actually, Hindi naman sekreto talaga ang aming relasyon, masyado lang pribado etong fiance ko, di ba Hon?" tugon ni Trixie sabay yakap kay Nathan. Meron ibibulong si Nathan kay Trixie na nagpangiti sa babae.
"And Yes!" baling ni Trixie sa reporter " We will be announcing our upcoming wedding soon!" nakangiti nitong sagot.
Palakpakan at sigawan ang lahat ng tao. Ang iba ay kilig na kilig.
"Excuse us!" magalang na paalam ni Nathan sa mga reporter habang nakahawak sa bewang ng babae.
Halos madurog ang puso ni Ellie sa napanood nya. Gusto nyang umiyak ng malakas kaso pinipigilan nya dahil nakakahiya.
Humahangos na dumating si Daniel habang hawak hawak ang cellphone na parang merong kausap. Dahan dahan nya etong ibinaba at mabilis lumapit kay Ellie.
"Ellie, ayos ka lang?" marahang tanong ni Daniel. Tiningnan sya nito na parang nakikisimpatiya.
"A-Ayos lang! Ano ka ba, paano mo naman naisip na hindi ako okay" kunway tumatawa nyang sabi. "Hindi ako dapat masaktan, dahil wala naman akong karapatan na masaktan" sabi nya sa isip nya.
"Why love?, is there any problem? nagtatakang tanong ni Ruth na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Ewan ba dyan sa Boyfriend mo, parang praning!" kunway bale walang sagot ni Ellie.
"Wala love, natanong ko lang kase hindi sya sumabay sakin pagpasok kanina" sagot ni Daniel na nakatingin pa rin kay Ellie na tila ba binabasa ang damdamin nya.
"Oh okay, kumain na tayo, gutom na ako!" wika ni Ruth sa kasintahan.
ELLIE
Hanggang sa pagtatapos ng klase sa araw na iyon parang nakalutang pa rin ang isip ko. Hindi ko matanggap na ang lalaking pinapangarap ko ay ikakasal na sa iba. Nagpasya akong magpunta sa pinakamalapit na mall upang maglibang at magpalipas ng oras. Napakunot ang noo ko habang naglalakad, nakakita ako ng pigura ng babae na pamilyar na pamilyar sa akin.
"Lorna!" bulong ko sa sarili ko, bigla syang na-excite na makita ang kaibigan.
"LORNA!!" malakas kong tawag sa kaibigan na biglang nagpalingos sa dito. Katulad nya gulat na gulat din eto.
"Ellie!!" tumatakbong lumapit sa kanya at nagyakap sila ng mahigpit.
"Ang ganda ganda mo lalo, Ellie!" tuwang tuwang turan nito
"Ikaw kumusta ka na? Saan ka ngayon nakatira? Saan ka nagwo-work? " sunod-sunod kong tanong.
"Talaga lang, kailangan talaga madaming tanong? hindi ba pwedeng isa-isa lang?" nangaasar na wika nito. Hindi ko maiwasang mapatawa, namiss nya talaga ang kaibigan nya.
Ang dami nilang napagkwentuhan, nagta trabaho daw eto sa isang restaurant bilang Extra, nakakuha ng libreng paaral sa TESDA, Culinary ang kinuha nito para daw madaling matapos at makatrabaho. Hindi nya maiwasang humanga sa kaibigan, nakapamakadiskarte nito sa buhay, nagpa-part-time din daw etong tagalinis ng mga condo unit para mag maipadala sa Tatay at mga kapatid.
Hanggang sa mapadako ang usapan namin sa kwentong pag-ibig.
"Kuuu sinasabi ko na nga na yang inis mo noon kay senyorito may pupuntahan eh, may pa tsungo-tsungo ka pang nalalaman ah, iibig ka rin pala!" sabay kurot sa tagiliran ko. Napatawa ako pero bigla rin nalungkot.
"Eh wala ng pag-asa na mapansin ako nun kase, may nobya na at ikakasal na!" malungkot kong kwento.
"Ano ka ba, hanggat di pa natatali yan, may pag-asa pa ang pag-ibig mong purorot!" sulsol pa nito
"Paano?" napapantastikuhan kong tanong.
"Alam mo Friend matalino ka, pero kulang ka sa diskarte, kapag ayaw sa dasalan, daanin sa santong paspasan!" sabay tawa ng malakas ni Lorna.
"Alam mo puro ka talaga kalokohan!" nakangusong kong wika.
"Maganda ka Ellie, kaunting lilis lang ng palda mo madami na maglalaway sayo, kaunting talop lang ng damit mo walang santo na di maaakit sayo!" kumukindat kindat pa nitong sabi sabay bungisngis.
"Ewan sayo, ang halay mo talaga!" natatawang hinampas ko eto ng mahina sabay irap. Sabay silang nagkatawanan,
MADILIM na ng makauwi ako ng bahay. Gumaan-gaan ang pakiramdam ko ng makausap ang kaibigan. Sobrang namiss ko eto kaya bago sila naghiwalay nagbigayan sila ng contact number, pati na rin sa social media account. Dere-deresto sya sa kanyang kwarto.
"Saan ka galing?" natigilan ako ng marinig ang boses ni Nathan hindi pa man nya nabubukssan ang pinto ng kanyang kwarto.
Napapikit sya ng mariin dahil sobrang namiss nya ang boses nito.
**********
Itutuloy...
SENYOR ALFRED POV Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar, napakaganda nito sa suot na puting pangkasal bagay sa busilak nitong puso. Napatingin sya sa altar “Elizabeth, siguro ay masaya ka na, natupad na ang hiling mo, hindi na ako mahihiyang humarap sayo kapag nagkita tayong muli sa kabilang buhay” FLASHBACK "Senyor umalis po si Ellie" imporma sa kanya ng taong nagbabantay sa kilos ng dalaga "Sundan mo, wag mong aalisin ang paningin sa kanya" kapagdaka ay ibinaba na ang tawag. "Senyor, sa isang club po sila pumunta kasama ng kaibigan nya" muling imporma nito. Nakasilip ako ng magandang pagkakataon na isagawa ang plano, parang umaayon sa kanya ang panahon hindi sya mahihirapan na kumbinsihin ang dalawa na magpakasal sa naiisip nyang plano. Sinabihan nya eto na lagyan ng gamot ang inumin ni Ellie at siguraduhuhin na maiinum eto ng dalaga, bahala na kung paano ko isasagawa eto, matyaga kong hinintay na dumating ang dalaga pero nagulat
“SIR, you need to watch this!” nagmamadaling pasok ni Jeff sa Opisina habang inaabot ang gadget. Napakunot ang nuo ni Nathan habang pinapanood ang video. Ang dami ng nakapanood ng video pero wala syang pakialam iisa lang ang pumasok na isip nya. “Ellie” “Ask someone to take that down this post, bayaran nyo kung sino ang dapat bayaran!” utos nya kay Jeff. Wala akong pakialam sa video, mas concern ako sa mararamdaman ni Ellie. Tumango lang si Jeff at nagpaalam na sa kanya. Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Daniel. “Hello Kuya, Did you watch the video?” agad na tanong nito pagkasagot sa call. “Where is Ellie?” balik tanong nya. “She is with Ruth, papunta na ako dun!” sagot ni Daniel Alam ko sa oras na eto napanood na rin nya ang video, ayoko mag-isip sya ng iba at lumayo sya sakin. Napagpasyahan kong umuwi sa mansyon, nainis ako ng hindi ko sya makita ang sabi ni Manang hindi pa daw umuuwi, naiisip ko na baka kasama nya ang Alex na yun, naninibugho ako dahil kaedad nya an
MASAYA ang lahat sa ibinalita ng mga doctor, lalong lalo na ako.Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong ligtas na ang aking mag-ina, sa loob ng anim na buwan na walang malay ang aking asawa, araw-araw akong nagpapasalamat sa Dyos, kahit ang mga doctor ay nawawalan na rin ng pag-asa na gigising eto, hinihintay na lang na sumapit ang ika-7 buwan ng tiyan ni Ellie para isilang ang aming anak. Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakatitig sa natutulog kong asawa. Akala ko nung una etong mag flatline ay mawawala na eto sa amin base sa hitsura ng Doctor ng lumabas eto, nakahinga lang ako ng maluwag ng magsalita eto. “She keep holding on!!” sabi nito.“Nathan..” paos na tawag ni Ellie sa akin habang nakayupyop ako sa gilid ng kama. Mabilis akong nagising at napatayo.“May masakit ba sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sunod sunod na tanong ko.Umiling lang si Ellie bilang sagot, tinitigan ako ng aking asawa. Nagmamadali akong tumawag ng doctor na agad naman pumasok upang tingnan si Ellie.
MAHIGPIT nyang niyakap ang anak na parang takot na takot na mawala eto, saglit na niluwagan nya ang yakap dito parang haplusin ang mukha nito para siguraduhing hindi sya nanaginip lang! “Hey buddy!” sabi nya dito na umiiyak sa sobrang tuwa. “Hi, Daddy” nakangiting tawag nito sa kanya. Mahina syang napatawa, ganun din ang nakapaligid sa kanya sa sagot ng anak. Muli nya etong niyakap. “I thought I couldn’t see you again!” bulong nya sa anak. “I guess we’re even!” singit ni Gerald sa kanilang mag-ama. Napatingin naman si Nathan sa kaibigan bago tumawa ng mahina. “SURE IT IS!!” Nagpatango-tango si Gerald. Ilang saglit lang nagsalita ulit eto. “Can I have a word with you?” sabi nito na tila may nais sabihin, saglit syang nagpaalam sa anak at nilapitan ang kaibigan. “It would be better if you had Marcus check-up. He wakes up in the middle of the night screaming at the top of his lungs.” punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Naawang muli syang napatingin sa anak na kasalukuya
KINAKABAHAN sya sa ibinalita ni Karlos tungkol kay Marcus, hindi nito kinumpirma kung si Marcus ang natagpuang bata malapit sa isla kung saan naganap ang pagsabog, ngunit nagbabakasakali sya na ang anak ang batang tinutukoy nito. Halos hilahin nya ang oras para makarating sa lugar. Isang concerned citizen ang nagparating sa mga pulis na may napulot silang bata, halos wala daw etong damit, wala ring galos or kahit anong sugat eto kaya inakala ng lahat na naanod lang eto dun. Nasa pangangalaga daw eto ng DSWD sa lugar. Ngunit nadismaya sila pagdating sa lugar. “May nagclaim na sa bata, sinabi nito na sya ang Uncle.” paliwanang ng babaeng nangangasiwa dito. “Maraming salamat po.” wika ni Karlos. Tumalikod si Nathan at tumanaw sa mga batang naglalaro. “Kelan po sya kinuha?” muling tanong ni Karlos. “Kahapon lang po, hindi na kami nagdalawang isip na ibigay eto dahil kilala sya ng bata” sabi muli ng babae na kanina pa pasulyap-sulyap kay Nathan. Napansin eto ni Karlos, tila napahiya n
HALOS himatayin sya sa warning shot na pinaputok ni Trixie. Pinagpapawisan ngayon sa takot si Ellie dahil sa baril na nakaumang sa kanya. Kitang-kita nya ang galit sa mukha ng babae na parang wala sa sariling isip. Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang babaeng hawak- hawak ng isa nyang tauhan, "Lorrie?" sigaw ng isip nya, napaawa sya sa babae. “Nasan ang kasama mo? Tatakas ka pa? ” Galit sa sigaw ni Trixie kaya muling bumalik ang atensyon nya dito, marahil ay hindi nito napansin ang babaeng hawak ng tauhan nya. Umiling ng malakas si Ellie habang nakataas ang dalawang kamay. "Ang tapang-tapang mo! Ngayon ipakita mo sakin ngayon ang galing mo!" napatingin si Ellie sa dulo ng baril na nakaumang sa kanya na umuusok pa. “Parang awa mo na, wala kaming kasalanan sayo, pakawalan mo na kami” “Sorry dahil hindi ko kilala ang salitang awa!” sigaw nito, napangisi eto ng makita ang babaeng duguan na hawak ng tauhan nya na halos hindi na makatayo dahil sa sugat nito. “Dalahin nyo sa loob s