LOGIN"Sasakyan pa talaga ang bungad mo?!" putol agad ni Aria, tila ba napuno na siya sa narinig. Ang boses niya ay tumaas nang ilang key kaya't mas lalong napalingon ang mga dumadaang estudyante. "Iyon ba ang pinagmamalaki mo ngayon, ha?!""Oo," sagot ko nang diretso at walang pag-aalinlangan."Ini-report mo kami sa pulis, Jun! Sa pulis! Inabot kami ng ilang oras sa presinto! Napahiya kami sa mga pamilya namin!""Dahil kinuha ninyo ang sasakyan ko nang walang pahintulot ko," mahinahon ko ring sagot, kahit ramdam ko ang pag-init ng mga tainga ko sa galit na pilit kong kinikimkim. "Anong gusto mong gawin ko? Magpasalamat habang kinukuha ninyo ang pagmamay-ari ko nang patago?""Borrowed lang iyon!" sigaw ni Renz na kanina pa tahimik pero ngayon ay sumasali na rin sa galit ni Aria. "Hiniram lang namin! Hindi naman carnapping ang ginawa namin!""Hiniram?" Napatawa ako nang mapait. "Tinawag ninyong hiniram yung basta ninyo kinuha ang susi at hindi man lang ako hinintay na sumagot?"Natahimik si
Biglang huminto sa paglakad si Jayzel. Ang tono ng boses niya ay bahagyang nagbago—nawala ang pagiging mahadera niya at napalitan ng pagiging alerto.Napatigil din ako at lumingon sa kanya. "Bakit? May naiwan ka ba sa room?"Hindi siya sumagot agad. Sa halip, ang mga mata niya ay nakatuon sa unahan, matagal na nakatitig sa direksyon ng kanto ng pasilyo malapit sa science building. Ang mukha niya ay biglang sumeryoso, ang mga kilay ay nagtagpo.Sinundan ko ang tingin niya.At doon ko sila nakita.Sina Aria. Si Romnick. Si Elle. At si Renz.Nakatayo sila sa kabilang bahagi ng wide pathway, tila ba naghihintay talaga sa amin. Hindi ko alam kung gaano na sila katagal doon o kung kanina pa nila kami pinapanood habang naglalakad at nagtatawanan ni Jayzel. Pero sa mga mukha pa lang nila, kitang-kita ko na ang nag-aapoy na galit—mga matang tila gustong pumatay, mga panga na mahigpit na nag-aagawan sa diin, at mga katawang nanginginig sa matinding poot.Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Jay
POV; JunIsang buwan na ang lumipas mula nang muntik nang makulong sina Aria, Romnick, Elle, at Renz dahil sa kasong pagnanakaw at pagkuha ng sasakyan ko nang walang pahintulot.Sa loob ng isang buwan na iyon, maraming bagay ang nagbago sa paligid ko. Ngunit ang pinakamalaking pagbabago ay naganap sa loob mismo ng kaibuturan ko—hindi na ako natatakot na maglakad sa campus nang mag-isa.Dati, ang bawat hakbang ko sa university grounds ay may dalang kabigatang animo’y pasan ko ang buong mundo. Palagi akong may iniisip, laging nag-aalala, at laging alerto sa paligid. Baka tawagin ako ni Aria para sa isa na namang utos na hindi ko naman obligasyon. Baka biglang mag-text si Romnick na may kailangang i-print o ipagawa. Baka may bago na namang research o thesis chapter na kailangang tapusin nang magdamag habang sila ay nagpapasarap sa gimik. Baka may kailangan na naman sila. Baka may utos na hindi ko matanggihan dahil natatakot akong mawala sila sa buhay ko. Baka kailangan kong bilhin ang m
Nanigas ako. Tumalim ang aking mga mata habang tinitingnan si Renz na parang gusto ko itong patayin sa titig lamang. "Anong sabi mo? Uulitin mo nga ang sinabi mo?!"Umiling si Renz at umiwas ng tingin. Hindi na siya nagsalita pa. Ngunit sapat na ang mga binitawan nitong salita para lalong kumulo ang dugo ko at parang maabo ang kalooban ko sa tindi ng galit."Fine," ngumiti ako nang mapait, nanginginig ang mga labi sa labis na poot. "Fine! Kung ganoon pala ang tingin ninyo... kung pumanig na rin kayo sa gagong iyon..."Huminga ako nang malalim, ang aking dibdib ay nag-aakyat-baba sa tindi ng galit. "Then so be it. Kung gusto niyang magmatigas, ipapakita ko sa kanya kung sino ang kinakalaban niya."Mula noon, tuluyang nagbago ang galit ko. Hindi na lamang ito simpleng init ng ulo o panandaliang tampo. Naging tahimik ito, malamig, at mas lalong naging delikado.Tuwing may magtatanong tungkol kay Jun sa campus, agad na tumitigas ang mukha ko at namumula sa galit. Tuwing may magsasabing n
Nanlaki ang mga mata ko sa galit. "Don't say that, Romnick! Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng hayop na iyon dito!""Bakit, totoo naman ah?" asik ni Romnick. "Dati, isang tawag lang natin, gagawin na niya lahat ng ito habang tayo ay nagpapasarap sa mall. Ngayon, eto tayo, nagkakamot ng ulo dahil hindi natin alam kung paano sisimulan ang simpleng data analysis na ito! Put*ng ina, ang hirap palang mabuhay kapag walang inuutusang alipin!""Hindi natin siya kailangan!" sigaw ko, pilit na pinapaniwala ang sarili. "Kaya nating gawin ito nang wala ang gagong iyon!""Really, Aria?" baling ni Romnick sa akin, seryoso at puno ng sarkasmo ang mukha. "Talagang kaya natin? E tatlong araw na tayong paulit-ulit na binabagsak ng propesor natin! Sige nga, kung kaya mo, ikaw ang gumawa nitong buong chapter ngayon nang mag-isa mo!"Napatitig ako sa laptop screen kung saan nakasulat ang pulang-pulang mga puna ng aming professor. Tahimik. Walang masabi.At doon, naramdaman ko ang isa pang kla
"T*ngina, nasaan na ba ang gagong iyon?" basag ni Romnick sa katahimikan habang mariing kinukuskos ang mukha niya sa sobrang inis. "Wala pa ba tayong balita kung anong pinaggagagawa ng hayop na Jun na iyon sa buhay niya ngayon?"Umiling si Renz habang nakayuko, madilim ang mukha. "Wala. Parang naglaho na siya sa Engineering department. Ang hirap ding hagilapin dahil laging kasama ang mga bago niyang kaklase na tila mga bantay-sarado.""Ikaw, Elle? May nalaman ka ba?" tanong ni Romnick.Umiling din si Elle, halatang takot na madamay pa ulit. "Wala rin. Sobrang tahimik niya ngayon. Pero… balita ko, nakuha niya na naman ang mataas na grado sa isang major subject nila."Napabuntong-hininga ako, ang mukha ay parang binaboy sa tindi ng sama ng loob. "Hmp! napakayabang na niya talaga ngayon.""Kailangan na nating tanggapin na ayaw na talaga tayong makita ng gagong iyon," mahinang sambit ni Elle, nanginginig ang boses. "Baka dapat tumigil na tayo sa kakahabol sa kanya."Biglang tumalim ang m
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul







