LOGINNalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ulo at ilong.
Ilang linggo lamang ang lumipas pagkatapos ng insidente sa pagitan namin ni Gab at ng anak ko ay nangailangan na nga kaagad ni Kimmy ng dugo. At dahil wala talaga akong mahanap na blood bank na may stock ng katulad sa blood type ng anak ko ay napilitan akong tumawag at humingi ng tulong kay Gab. Agad naman ako nitong tinulungan ng walang kahirap hirap. Na-supplyan kaagad si Kimmy ng dugo mula sa connection ni Gab. Lumipas pa ang ilang buwan patuloy ang pag tulong ni Gab dahil kailangan pa din ng dugo ni Kimmy hanggang sa tumawag ito at inimporma ako na malapit na maubos ang stock ng blood type ng anak ko sa mga connections na meron si Gab. “Hi Gab! What’s their suggestion?” Tanong ko dito mula sa kabilang linya. “Myles, I’m sorry, but the suggestion is to find the child’s father.” Sagot nito sa akin. “Y-You know I d-don’t want to do that d-diba?” Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko dito. “Well, kung para kay Kimmy... Myles, you have to do it. Limited na lang ang dugo na pwede maibigay kay Kimmy.” Seryosong sagot nito sa akin. “A-anong gagawin ko?” Tanong ko dito na unti unti nang sumusungaw ang luha mula sa aking mga mata. “Don’t cry Myles. Kung alam mo lang... Ayaw ko din na magkita pa kayo. Pero mahal ko na din ang anak mo.” Nahihirapang sagot sa akin ni Gab sa kabilang linya. “H-Hindi nya deserve ang malaman pa ang tungkol kay Kimmy! Okay na si Kimmy, ikaw na naman ang kinikilala nyang ama. At masaya akong masaya sya ng nandyan ka.” Sagot ko dito at di ko na napigilan pa ang pag hikbi ko at tuluyang pag agos ng aking mga luha sa pisngi ko. “Hush now Myles... It’s also hard for me now...” Sagot nito sa akin. “Napaka buti mong kaibigan Gab. Anong gagawin ko? Namin ni Myles kung hindi ka dumating sa buhay namin?” Sabi ko na may kasama pang pag singhot singhot dahil sa sipon na bumabara sa ilong ko gawa ng pag iyak. “You know how much I want for us to be more than just a friend?”. Pahapyaw na sabi nito sa akin. “Gab...” Nahihirapang sagot ko dito. “I know! But I will still wait for you Myles. Maghihintay ako hanggang sa mahalin mo na din ako.” Madamdaming sagot nito sa akin. “I-I have to go now Gab. P-Papasok pa ako.” sagot ko dito na umiiwas. “Okay sige... Ingat ka...” Napabuntong hiningang sagot nito sa kabilang linya. Ibinaba ko na ang tawag at saka napahawak ako sa aking dibdib. Kasalukuyan akong nasa Hotel kung saan ako nagtatrabaho. Nasa locker ko ako ngayon at magpapalit na dahil morning duty ako ngayon. Mabait si Gab, pero kasi... Hindi ko alam, pero... Naiisip ko pa din sya... At isa pa, kasal pa din ako sa... Pilipinas. Napapailing na nag simula na akong mag bihis. At saktong pagtapos ko ay tinawag na ako ni Ms. Claire ang aming Housekeeping Supervisor para ibigay kung saan ako assigned ngayon. Dahil inimporma ako nito kahapon bago ako mag out na mayroon daw kaming VIP guest at gusto nyang ako mag asikaso ng silid nun dahil maganda daw ang performance ko sa trabaho. Sigurado daw na hindi sila mapapahiya. Kaya mas inagahan ko ang pagpasok ko ngayon dahil dito. Sa Presidential Suite Room ako na-assign ngayon kaya agad na nagtungo na ako sa silid para mag simula nang linisin ito. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko kung sino ang tumatawag at agad akong kinabahan ng makita na ang Daycare na pinapasukan ni Kimmy ang natawag. Agad na sinagot ko ito kahit na bawal ang cellphone sa trabaho, ngunit ipinakiusap ko ito ng may halong pagmamakaawa dahil nga para kay Kimmy. Mabuti na lamang at mabait ang management ng Hotel at pinayagan akong magdala ng cellphone kahit na nag ta-trabaho ako sa kasunduan na hindi ako pwedeng mag text o sumagot ng tawag kung hindi emergency. Dahil pag may nakakita sa akin ay agad na tatanggalin nila ako sa trabaho. Isinugod daw si Kimmy sa Ospital dahil bigla na lamang ito hinimatay at nangitim. Kaya agad na iniwan ko ang post ko at sumugod sa ospital kung saan dinala ang anak ko. Nakita ko ang tuyong tuyong labi at nagingitim na daliri ng anak ko. Hindi ko napigilan ang umiyak dahil sa sobrang takot. Kinausap ako ng Doctor na ano man oras ay maaring kailanganin ni Kimmy ng dugo kaya kailangan na makahanap ako ng donor sa lalong madaling panahon lalo at wala na din halos maibigay ang mga koneksyon ni Gab. Nang maging stable na si Kimmy ay siyang dating naman ni Gab sa ospital. Tinapos lamang nito ang meeting nya at sumunod din ito nang sabihin ko ang nangyari kay Kimmy. “P-Pwedeng bantayan mo muna si Kimmy?” Tanong ko kay Gab. “Sure. Babalik ka pa sa Hotel?” Nakakaunawang tanong nito sa akin. “K-Kailangan... May VIP guest kami ngayon at ako ang naka assign.” Direktang sagot ko dito. “Sige. Ako na bahala dito. Pina-cancel ko na naman ang susunod na dapat na meeting ko.” Imporma nito sa akin. “P-Pasensya ka na Gab ah... Nagiging pabigat kaming mag ina sayo.” Malungkot na sabi ko dito. “Alam mong hindi kayo pabigat sa akin Myles.” Sersyosong sagot nito sa akin at saka hinawakan ang ulo ko. “Sige na, anong oras na oh... Ako na bahala kay Kimmy.” Nakangiting sagot nito sa akin at saka tinggal ang kamay nyang ipinatong nya sa ulo ko. Habang nasa taxi ako pabalik ng hotel ay walang tigil ang pag luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Tama nga sigurong puntahan ko na ang ama ni Kimmy. “Tama nga ba?” Malalim na buntong hininga ko. “You okay Miss?” Sabi sa akin ng driver na nagtaka siguro dahil sa malakas na pag buga ko ng hangin. “Yes Sir, I’m okay... I’m sorry...” Nahihiyang sagot ko dito.Nakahawak pa rin si Kim sa aking baywang habang mabilis kaming naglalakad palabas ng school clinic. Ang bawat hakbang namin ay puno ng pagmamadali—wala nang ibang nasa isip ko kundi ang makarating agad sa ospital upang masuri si Kimmy. Subalit paglabas na paglabas namin sa malaking pinto ng main building patungo sa may courtyard, agad na humarang sa aming daan ang mag-inang Sta. Maria.Kasama na nila ngayon ang isang matangkad at may edad na lalaki na nakasuot ng mamahaling Italian suit. Halatang nagmamadali rin itong dumating dahil bahagya pang nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang isang mamahaling leather briefcase.Agad kaming dinuro ng babae nang makita kami."Silang dalawa, Hon!" histerikal na sigaw ni Mrs. Sta. Maria habang nakaturo ang kanyang daliri nang halos isang dangkal na lang mula sa mukha ko. "Sila ang nambastos at nanakit sa akin! Sinampal ako ng babaeng 'yan habang nakatingin ang mga tao rito! Ipalugi mo ang negosyo nila, Hon! Iganti mo kami ng anak mo! K
Nang bumukas ang pinto ng clinic, tila huminto ang ikot ng mundo sa loob ng maliit na silid na iyon. Unang pumasok si Kim Sanchez—ang kanyang tindig ay nag-uumapaw sa matinding awtoridad, habang ang kanyang mga mata ay parang kumukulong apoy sa galit. Kasunod niya ang Headmaster ng paaralan na halatang nanginginig at pawisan, ang dalawang abogado ng pamilya Sanchez, at ang aming Pranses na nanny na si Celine.Hindi man lang tiningnan ni Kim ang sinuman sa paligid. Ang kanyang mga hakbang ay diretsong naglakad patungo sa kama kung saan nakahiga ang aming anak."Kimmy... baby," mahabang lumuhod si Kim sa tabi ng kama. Kinuha niya ang maliit na kamay ng bata at maingat na hinalikan ang noo nito."Daddy..." umiiyak na bulong ni Kimmy. "My chest hurts..."Awtomatikong napatiim-bagang si Kim. Bago pa man kami tuluyang nakauwi ng Pilipinas mula sa Paris, nakaligtas na ang aming anak sa isang operasyon noon, at ang matinding pagbagsak sa semento ay pwedeng magdulot ng masamang epekto sa kanya
Napatigil ako sa gitna ng aking paghakbang.Ang babaeng nakatayo sa aking harap—na akala ko nitong unang tingin ay isang matapobreng Pranses dahil sa kanyang ayos at postura—ay dahan-dahan ding humarap nang tuluyan sa akin. Nang lumapit ako, doon ko pormal na nakita ang kanyang mga tampok: sariling atin. Isang Filipina. Nakasuot ng mamahaling European designer dress, nakataas ang kilay, at may bakas ng matinding pagmamataas sa kanyang mukha habang hawak ang kamay ng kanyang anak na lalaki."Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, ha," mataray at malamig niyang wika, may halong maarte at kayabangan na tono. " Naglalaro lang ang mga bata, masyado ka namang maarte. Drama lang 'yang anak mo para makuha ang atensyon mo."Para akong binuhusan ng gasolina sa gitna ng nag-aalab na apoy.Mas lalo akong nagalit nang mapag-alaman kong sarili pa nating kababayan ang may lakas ng loob na magsalita nang ganito sa akin at maliitin ang sakit na nararamdaman ng aking anak."Drama?!" nanginginig sa galit
Lumipas ang isang linggo na puno ng kapayapaan at paninibago sa aming buhay dito sa Paris. Sa loob ng pitong araw na iyon, tila unti-unting nabubura ang mga bakas ng lungkot at takot na namayani sa amin sa loob ng anim na taon. Ang bawat umaga ay nagsisimula sa mga ngiti, mga halik ni Kim, at sa masayang kwentuhan habang nag-aalmusal kami kasama ang aming anak.Bumalik na sa school si Kimmy upang ipagpatuloy ang kanyang huling tatlong buwan sa Kinder. Habang si Kim naman ay naging abala sa personal na pag-asikaso sa turn over ng management sa kanyang mga trusted European managers sa kanyang opisina rito sa Paris. Gusto niyang masigurado na magiging maayos ang lahat bago kami tuluyang bumalik at mamalagi sa Pilipinas matapos ang graduation ng bata.Naiwan ako sa penthouse ngayong umaga upang mag-ayos ng aming mga gamit.Nakatayo ako sa gilid ng malaking walk-in closet, tahimik na nag-aayos ng mga damit at nagtutupi ng mga maliliit na blouse at palda ni Kimmy na ilalagay ko sa mga bagon
Ramdam na ramdam ko ang Bilis ng tibok ng aking puso habang dahan-dahang humaharap ang aking katawan sa kanya.Ang mainit niyang kamay na nakapatong sa aking balikat ay dahan-dahang gumapang patungo sa gilid ng aking mukha. Ibinaba niya ang kanyang daliri sa aking ibabang labi, hinahaplos ito nang napakalambot, habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakatitig sa akin nang may purong pananabik at matinding pagmamahal.Unti-unting naglalapat ang aming mga labi.Ang unang dampi ay isang napakainit at nanginginig na haplos—isang pakiusap ng isang lalaking matagal na nauhaw sa pagmamahal ng kanyang asawa. Ngunit nang hindi ako lumayo at sa halip ay ipinikit ko ang aking mga mata upang salubungin ang kanyang mga labi, naging mas malalim at mas masidhi ang aming halikan.Ang bawat paggalaw ng aming mga labi ay puno ng mga emosyong hindi kayang ipahayag ng simpleng salita lamang: ang anim na taon ng pangungulila, ang sakit ng nakaraan, ang pait ng pagtataksil na napalitan ng pagpapataw
POV: MyleneMatapos ang aming pag-uusap sa library at ang pagsasalo namin sa agahan kasama ang aming anak, naramdaman ko ang panlalambot ng aking buong katawan. Ang matinding pagod at tensyon ng nakalipas na magdamag ay parang dahan-dahang gumagapang sa aking mga kalamnan. Pumasok ako sa master bathroom upang maligo at linisin ang aking sarili.Sa ilalim ng malamig na buhos ng shower, ipinikit ko ang aking mga mata. Hinihimas ng tubig ang aking balat habang inaalala ko ang lahat ng nangyari ngayong umaga—ang mga luha ni Kim, ang kanyang mga pangako, ang mga rehas na ginawa para lamang sa kanyang takot, at ang aming kasunduan na mananatili muna kami rito sa Paris nang tatlong buwan bago tuluyang umuwi sa Pilipinas.Ito na marahil ang totoong simula ng aming paghilom.Nang matapos akong maligo, nagbalot ako ng isang malambot at puting bath robe. Nagpatuyo ako nang bahagya gamit ang tuwalya bago dahan-dahang inikot ang doorknob ng banyo upang lumabas ng silid.Paglabas ko, agad na napako
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga







