تسجيل الدخولTotoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo nito na ngayon nga ay kasama namin patungong ospital.
Pag dating namin sa ospital ay agad kaming nilapitan ng medical health workers sa emergency room at inasikaso ng mga ito si Kimmy. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Basta ang pakiramdam ko ay halos di na ako makahinga dahil sa sobrang kaba na ngayon nga ay nararamdaman ko. “Dyos ko, kayo na po ang bahala sa anak ko.” Taimtim na dasal ko habang inaasikaso nila si Kimmy. Wala akong tigil sa pag paroo’t parito ng paglalakad sa hallway ng biglang mabangga ako sa isang matigas na bagay kaya agad na napahimas ako sa noo ko at saka tiningala kung sino o ano ang nabangga ko ng hindi ko namamalayan. “Calm down, she’s gonna be alright.” Sabi sa akin ng taong nakayuko sa akin ngayon at nakahawak sa magkabila kong balikat para pahintuin ako sa paglalakad. “H-How can I do that?”. Naguguluhang tanong ko dito na may kasama nang inis sa aking boses. “You can! Because you’re her mother. You have to be strong for her.” Sabi nito sa nakakaunawang boses. “S-Salama... I mean, t-thank you.” Para akong biglang nahimasmasan sa sinabi nito ngunit agad din na naunahan ang traydor kong mga luha na lumabas mula sa aking mga mata. Niyakap ako nito at bahagyang tinapik tapik ang aking likod sa paraan ng pagpapakalma. Hindi ko alam ngunit dahil sa ginawa nito, pakiramdam ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng taong masasandalan sa mga panahong mahina ako para sa anak ko. Kaya inalis ko ang aking hiya at hinayaan ko ang aking sarili na umiyak sa mga bisig nito. “Hush now... She’ll be fine...” Sabi pa nito na ipinagpatuloy ang mahinang pag tapik tapik sa likod ko hanggang sa kumalma ako. Maya maya pa ay may lumabas nang doctor kasama ang isang nurse. “Where’s the guardian of patient ‘Kimmy Reyes’?” Tanong ng nurse pag labas nito na agad namin nilapitan ng lalaking kasama ko at kasalukuyang umaalalay sa akin. “M-Me!” Sagot ko sa nurse pag lapit ko dito na may pag taas pa ng isang kamay. Magkasabay kaming lumapit ni Gab dito. “Are you the parents of Kimmy?” Tanong sa amin ng Doctor na kasama ng Nurse at saka nakangiting tiningnan kaming dalawa ng kasama ko. “I’m the mother.” Sagot ko dito na binalewala ang tanong nito. “Hi, don't worry anymore, the child is doing fine. She just fainted, probably because of fear. But I ran some tests because I found out in her records that the patient is almost always being admitted here. Right now, her heart condition is not good. She may need blood at any time because I also found out that the child is anemic. Her blood type is AB negative, which is very hard to find, so we need to prepare for it. I am just informing you about her current health condition right now.” Imporma nito ng dare-daretso sa amin. “What should I do?”. Muli akong naiyak dahil sa sinabi ng Doctor. “Well, we need to prepare what is needed for your daughter. Right now, the hospital blood bank has no stock of that blood type. I have to go now and check the other patients. If you have any more questions- please let the nurses know.” Sagot ng doctor at saka nakaka unawang tinapik nito ang balikat ko bago ito umalis. “I’ll help you.” Biglang salita ng lalaking nasa tabi ko. “W-What?” Nagtatakang tanong ko dito. “I said, I will help you. I dont have the same blood type as your daughter. But I have wide connections here in Paris. Can you give me your number?” Tanong nito sa akin. “N-No... I-it’s fine. My problem is not your problem.” Nahihiyang sagot ko dito. “ Are you really doing that right now?” Namamanghang tanong nito sa akin. “What?” Muling patanong na sagot ko dito. "Putting your ego ahead of your daughter's life." Direktang sagot nito sa akin habang naa-aliw na titig na titig ang kulay berde nitong mga mata sa akin. Natameme ako sa sinabi nito. Hindi na ako tumanggi pa dahil tama ito. Aanhin ko ang hiya ko kung buhay na ng anak ko ang nakasalalay? Kaya tinanggap ko na din ang alok na sinasabi nitong tutulungan ako nitong makahanap ng dugo para sa anak ko. “E-Eh k-kasi...” Naputol na salita ko. “Kasi ano?” Slang na sagot nito sa salitang tagalog na ikinabigla ko. “Nagtatagalog ka? Naiintindihan mo ako?” Nagulat na tanong ko sa kanya. “Oo kaya. Kanina pa. Lalo na sa sasakyan.” Natatawang sagot nito sa akin. “G*go ka!” Nadulas ang dilang sabi ko dito. “Namura pa nga!” Natatawang sabi nito. “B-bakit di mo sinabi na nagtatagalog ka? At saka hindi halata na marunong ka mag tagalog?!” Sabi ko dito na may kasamang panunuri sa itsura nito. Berde ang kulay ng mata nito, matangos ang ilong, maputi at napaka tangkad. Kaya hindi ito papasa bilang isang pinoy. “Sasabihin ko sana sa kotse. Kaso, kung ano ano mga pinag sasasabi mo sa akin na ikinaaliw ko kaya nanahimik na lang muna ako.” Natatawang tumingin ito sa akin. “Nakakahiya!” Natawa na din na sagot ko dito. “No! It’s fine really. You’re a cute mom. Hindi ko akalain na anak mo si Kimmy. Akala ko ay tiyahin ka lang.” Komento nito. “Paanong nangyari na ganyan ka?” Namamanghang di ko napigilan na tanong dito. “Well, my mom is pure Filipina and my dad is pure Spanish. We own lots of businesses here in Paris and a few in the Philippines.” Imporma nito sa akin. Nakaramdam ako ng kahit papaano ay kaunting hiya dito lalo na sa estado ng buhay nito. Ngunit hindi nito ipinaramdam sa akin ang layo ng agwat ng pamumuhay namin kaya naging komportable ako kay Gab. “Hmm, lahat ng features mo nakuha mo sa Dad mo.” Komento ko na agad nitong ikinangiti. Ibinigay ko ang number ko kay Gab at dito nag simula ang pagkakaibigan namin. Wala akong inilihim ni isa dito. Mula sa pag ta-trabaho ko sa cruise ship hanggang sa maikasal, mabuntis at maipanganak ko si Kimmy at kung paano kami napadpad dito sa Paris. Ano ang trabaho ko ngayon dito at ang kasalukuyang estado ng buhay namin mag ina.“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May lalaki ka ba?” Nag ngangalit ang ngipin na napatiim bagang na lamang ako.“Hindi pa ba ako sapat Mylene? Bakit kailangan mo akong iwan at saktan?” Puno ng katanungan na nai-isip ko.Mylene’s POV...Nakarating ako sa ospital kung nasaan ang anak ko. Doon ko ibinuhos ang atensyon ko. Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang ama ni Kimmy.Ramdam ko ang kaba na para ba ako hinahabol ng isang daang kabayo. Ngunit kahit na ganoon ay ayaw ko pa din magpahabol dito.Hindi ako maaaring magpatalo sa aking damdamin. Matagal na kaming wala. Limang taon na kaming hindi nagkikita kaya malamang baka may ibang asawa na ito...Nakatulog ako sa kakaisip sa tabi ng anak ko habang nag babantay dito.KINABUKASAN...Wa
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin ngayon kaya nagkaroon ako ng sapat na oras para maayos na malinis at maihanda ang silid nito.Alam kong hindi lang basta VIP ang darating na guest kung hindi SUPER VIP. Kasi lahat ay natataranta. Mahigpit ang management ngayon dahil ayaw mapahiya sa padating na bisita.Magulong magulo ang utak ko habang nag lilinis sa Presidential suite room ng guest namin kaya wala sa sariling dinampot ko ang lalagyanan ng mop na may tubig at mabilis na umikot para sana dalhin ito sa CR at linisin ng mabangga ako sa biglang lingon ko at bumuhos lahat ng laman na maduming tubig na pinang punas ko sa sahig sa taong nabangga ko.Napapikit ako at nakaramdam ng malakas na kabog sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ulo at ilong.Ilang linggo lamang ang lumipas pagkatapos ng insidente sa pagitan namin ni Gab at ng anak ko ay nangailangan na nga kaagad ni Kimmy ng dugo. At dahil wala talaga akong mahanap na blood bank na may stock ng katulad sa blood type ng anak ko ay napilitan akong tumawag at humingi ng tulong kay Gab. Agad naman ako nitong tinulungan ng walang kahirap hirap.Na-supplyan kaagad si Kimmy ng dugo mula sa connection ni Gab. Lumipas pa ang ilang buwan patuloy ang pag tulong ni Gab dahil kailangan pa din ng dugo ni Kimmy hanggang sa tumawag ito at inimporma ako na malapit na maubos ang stock ng blood type ng anak ko sa mga connections na meron si Gab.“Hi Gab! What’s their suggestion?” Tanon
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo nito na ngayon nga ay kasama namin patungong ospital.Pag dating namin sa ospital ay agad kaming nilapitan ng medical health workers sa emergency room at inasikaso ng mga ito si Kimmy. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Basta ang pakiramdam ko ay halos di na ako makahinga dahil sa sobrang kaba na ngayon nga ay nararamdaman ko.“Dyos ko, kayo na po ang bahala sa anak ko.” Taimtim na dasal ko habang inaasikaso nila si Kimmy.Wala akong tigil sa pag paroo’t parito ng paglalakad sa hallway ng biglang mabangga ako sa isang matigas na bagay kaya agad na napahimas ako sa noo ko at saka tiningala kung sino o ano ang nabangga ko ng hindi ko namamalayan.“Calm down, she’s gonna be alright.” Sabi sa akin
MYLENE’S POV:“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak.“Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang teddy bear na may puso.Nag aalalang hinabol ko ito, kahit pa ilang dipa lamang ang layo nito mula sa akin. Limang taon pa lang si Kimmy, at aaminin ko, mahirap ang maging isang single mother, lalo na sa sitwasyon ng anak ko ngayon. May sakit si Kimmy, mahina ang puso nito kaya kumuha ako ng nanny na mag babantay at mag aalaga dito sa mga araw na wala ako at may pasok. Nagba-barko ako noong dalaga pa ako, nakaipon naman ako ngunit dahil sa tagal na din ng pamamalagi namin ni Kimmy dito sa Paris ay paubos na din ang naipon kong pera, kaya kung dati ay relax lang ako sa pagbabanat ng buto at pagkayod para sa kalagayan ni Kimmy, ngayon ay doble, minsan pa nga ay triple na ang sipag ko sa pag ka







