Share

Chapter 3

For the record, I was wrong.

Nagising nalang ako dahil sa malakas na katok sa aking kwarto, at naalala ko nalang na naka lock ito kaya't walang makakapasok.

Kinusot ko ang aking mata at pinagbuksan ang taong kumakatok. It was Ate Miranda, still on her PJ's and silk shirt, panting heavily like they was someone after her. Halos magkabaliktad pa ang mga salita nito sa sobrang pagmamadali.

“Oh ate,” tawag ko sa kaniya. “kalma lang. Ano po ba ang nangyayari?”

Imbes na sagutin niya ako ay bumaba siya dahil tinawag siya ni Mommy Lexie. Suot parin ang pantulog, dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at nakita ko namang nakaupo ang aking mga magulang sa sala. Si Ate naman ay nasa kusina, may pinipindot at parang heater ata iyon.

Gulong-gulo pa rin ang aking buhok dahil nakabraid iyon kagabi bago mapigtas ang pantali nito.

Okay naman ang lahat-lahat. Wala naman akong nakitang masama. Hindi rin naman nawawala ang mga kagamitan dito sa bahay, at hindi naman nawawala ang mga magulang ko.

Nang huling hakbang ko na sa hagdan ay naisipan ko silang batiin. “Good morning. Bakit po–”

“Ninety Nine.”

What the actual hell?!

Sa sobrang pagkagulat ko ay halos manigas na ako sa akuang kinatatayuan. He is here, he is freaking here! Anong ginagawa niya rito? Paano niya ako nahanap? Bakit niya alam kung saan ako nakatira?

Heins Cyan Xenia is here.

Preteng nakaupo sa tanggapan ng aming bahay habang nakaharap sa telebisyon. Suot pa rin ang kaniyang paboritong pormal na damit, ngunit ang iba lang ngayon ay naka shades ito at hindi reading glasses.

“Asheia Dian,” my mom called me. “may bisita ka ‘ata, napaaga ang dalaw.”

“Asheia?” pag uulit naman niya.

Gumagawa siya ng gulo rito!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sala at kumpirmado ngang siya nga. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang magiliw siyang tinatanong ni Mommy kung nagugutom na ba siya o nauuhaw dahil isasabay daw siya sa aming hapagkainan.

“W-Why are you here this early?” Pilit kong pinapatatag ang aking boses para hindi maiyak sa kaniyang presensya. I am now talking to him like I know him well. I want to ask him his purpose and leave my family alone.

Tumawa naman ang aking ama. “Pasensya ka na hijo, mahiyain talaga ‘yang girlfriend mo. Kahit kami na pamilya niyan, nahihiya pa.”

Girlfriend?!

Si Ate Miranda naman ang nagsalita. “Naku! May pa ‘It’s been weeks, I miss my girlfriend.’ effect pa!” kahit na nasa kusina siya ay rinig na rinig ko ang bawat salitang binabanggit ng kaniyang bibig.

“P’wede bang mag usap tayo sa labas?” tanong ko sa kaniya na ngayon ay napatayo na.

Mommy Lexie giggled. “She wants to be with you, hijo. Go on, tutal miss niyo naman ang isa't-isa.”

Nauna siyang maglakad papalabas ng bahay at kitang-kita kong dumiretso siya sa kaniyang kotseng nakaparada sa labas. I gulped and followed his footsteps. Bawat hakbang ng paa ko ay nanginginig ito at hindi mapigilang mabahala sa kaligtasan ng pamilya ko.

How did he find me?

Why is he here?

Nakabukas ang pintuan ng front seat at doon ako pumasok. Nang maisara ko ang pintuan ay t'yaka ko pa narinig ulit ang kaniyang boses.

“I told you to run, Ninety Nine.”

Ano bang ibig sabihin nito? I was too scared to even share the same air as him, I chose to close my mouth and shut my eyes. Pinipigilan ko ang aking sarili na maiyak, pilitin siyang layuan ako, kahit ang pamilya ko nalang, kausapin siya na pabayaan nalang ako.

He sighed and I could smell his mint scented breath from here. He is really up to something.

“Bakit mo naisipang tumakas sa mansyon, Ninety Nine?” nanatili akong tahimik at walang kibo sa kaniyang tanong nang bigla niyang hampasin ang manubela ng kaniyang kotse. “Who the hell told you to shut your mouth, Ninety Nine?!”

“K-Kasi gusto kong lumayo!” kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon. “K-Kaya please lang! Huwag mo saktan ang pamilya ko! Huwag mo silang pakielaman! Ako nalang! Please, huwag sila!”

Tears started to roll down on my face. I even covered my mouth to hid my sobs, but it was too hard.

Pinapangunahan ako ng takot at kaba. I don't want to lose them, kahit ako nalang ang saktan nila sa pagtakas sa mansiyon, ayos lang sa akin. Kahit ako nalang ang pahirapan, huwag lang silang malayo sa akin. Kung kaligtasan ko o ang kaligtasan nila, mas pipiliin kong mamatay kaysa makita silang naghihirap.

“You've been a bad girl after I left the mansion, Ninety Nine. I don't even know you anymore.”

Parang tinusok ng ilang daang karayom ang aking damdamin sa kaniyang sinabi. Sa paraan na kung paano niya sinabi ang mga salitang iyon, nakakapanibago, nakakapanglumo. Pero kagaya nga ng sinabi ko, siya ang pinakadelikado sa magkakapatid. The moment he took of the sunglasses he wore, was the moment I remembered everything. Of where I came from, who I was and what is my purpose in this world.

He was my first master.

The first Xenia I worked for. He was my first scold, first punishment, first in everything. He knew who I was or where I came from. But, he never tells me. He never told me.

“I am your family, Ninety Nine. Even if you try to find your way back in this world, you'll never obtain the peace you've been longing for. Please don't worry, I did not cameback to hurt you nor your new family.”

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay gumalaw siya. I watched him as he leaned closer and locked me in his arms. Sa sobrang gulat ko ay halos hindi ko na marinig ang sarili ko dahil tanging naririnig ko sa mga oras na ito ay ang tibok ng puso ko. Nakakabingi ang tibok ng puso ko. Napakabilis, nagwawala, gustong kumawala.

“You are mine, Ninety Nine. Mine alone.”

Ilang sandali ang lumipas nang magkayakap kami. But then I suddenly remembered that it was time for breakfast. I was the one who pulled out from our embrace and cleared my throat.

“I-I need to go. Baka hinahanap na ako nila Mommy.” pinunasan ko ang aking mga luha at inayos ang aking buhok.

He sighed and fixed his hair. “Bakit ba takot na takot ka sa akin? I'm the most harmless in our family and you know that, Ninety Nine.” napatingin siya sa akin at kaagad naman akong nag iwas ng tingin.

His ash eyes reminds me of the years I've been living in hell. Reminds me of how his family treated me the moment he left the mansion and abandoned me as his personal maid. Lahat sila ay may kulay abong mata, lahat sila ay nakakatakot, lahat sila ay sakim. But it was all in the past now, I am now free.. even though he knew about my new family.

“B-Baka nagugutom ka na, may nakahanda roon sa loob, kumain ka muna.” I offered, almost chocking on my own saliva. Traydor na mga pandama! Si Heins lang ‘yan, h‘wag na tayong matakot!

Pumasok kami ni Master Heins sa tahanan namin at nakita kong nasa kusina na ang aking pamilya. Pilit kong ibinabalik ang sigla sa aking mga mata at ngiti para hindi nila mapansin ang nangyari.

“Oy! Umiyak siya sa jowa niya!”

Humagikhik buong mesa at napuno ako ng asaran, maliban nalang kay Kuya Ash na ngayon ay nakasimangot at hindi ata maganda ang gising.

Nagsimulang kumain ang lahat at nagsimula ring mag imbestiga ang aking pamilya kay Master Heins, na kung tawagin nila ay boyfriend ko. Tanong sila nang tanong ng mga bagay-bagay at nagpupustahan pa sila kung tatama ba sa sagot ni Master Heins.

It was Daddy Al's turn now to ask a question. “Anong bulaklak ba ang gustong-gusto niya?”

“All of it.”

“Lahat ng bulaklak.”

Napalingon ako sa kaniya nang sabay kaming magsalita. Questions started to fill my head. How did he know? Ano na namang pakulo ito para mauto ako at umuwi sa mansiyon? P’wede naman siguro na sabihin niyang rosas o gumamela, bakit lahat pa?

Biglang kumalabog ang buong mesa nang hampasin ni Kuya Ash ang hapagkainan.

“Enough!” his voice thundered. “Paano niyo nagagawang patuluyin silang dalawa sa pamamahay na ito matapos pumasok ng isang ‘di kilalang tao rito!”

“Paano kung magnanakaw ‘yan na pinaghahanap ng mga pulis? You didn't even asked for my permission if I want her here! Inampon niyo siya, nakakabit na ang apilyedo natin sa kaniya! And now she has a boyfriend without your knowledge, nag aaral ba ‘yan? Get out!”

Napatayo ako sa kaniyang sinabi. “K-Kuya–”

“Don't you ever call me that disgusting word, orphan! I am not your brother and I will never be!”

“Ash Drix!”

It was too late. Kahit salita ng kaniyang asawa at ina ay hindi niya pinakinggan. He stood up and left the kitchen. Rinig na rinig ko pa ang yabag ng kaniyang mga paa papunta sa kanilang kwarto. I shut my eyes and sighed.

He was right.

Mommy Lexie and Daddy Al barely know me yet they adopted someone like me; a slave, an orphan. I wasn't hurt of what he said, because he was just stating facts.

Ate Miranda immediately followed him and slammed the door shut.

I and him, Master Heins was left on the table, eating the silence they left for us. Ang mga magulang ko naman ay pumunta sa kwarto nila at nag usap.

“Are you sure you wanted to stay here?”

Tumango lang ako at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan. Mga problema ay normal lang sa pamilya, at ito ang unang beses na naranasan ko iyon. Kasi wala naman talagang perpektong pamilya, lahat naman nagkakamali, nag aaway, nagsisigawan at nagtatampo. And I understand that.

This is way better than the mansion. Way more peaceful and happy. Kahit na nag aaway ay hindi naman sila nagbabarilan, nagpapatayan, hindi kagaya sa mansyon.

Hindi ako kumikibo sa kahit anong sinasabi ni Master Heins sa akin. Kahit tulungan pa niya akong maglinis ay hindi ko pa kayang makipag usap sa tao. Lalo na sa mga nangyari.

Kasama kong naglinis si Master Heins sa buong kusina. Siya ang naghugas ng mga pinggan at ako naman ang nag ayos ng mesa't lutuan. Hindi na rin naman ito kumibo sa akin, nakikiramdam siya sa akin. Nakikiramdam siya sa nararamdaman ko bilang parte ng pamilya sa kauna-unahang pagkakataon.

Nang matapos na kami ay napag isipan kong lumabas at magpahangin.

“You can live with me, if you want to.” si Master Heins iyon. Napatingin ako sa kaniya. Ang kaniyang black suit ay nakalagay sa kaniyang balikat at nakatupi ang kaniyang white long sleeves hanggang siko.

I shook my head. “Thanks, but I can't. I have my family now, Sir. I just can't left them behind.”

“Family oriented ka na pala ngayon?”

Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi habang siya naman ay tumatawa dahil hindi ko raw siya na gets. Nagbibiro ba siya? Hindi naman joke ang dating no’n.

May bigla siyang binunot sa kaniyang bulsa kaya napataas ang kamay ko sa ere. Alam na alam ko ang mga eksenang ito, kaya niya ako hinanap upang patayin ako, upang manahimik ako sa maruming sikreto ng pamilya nila.

Then suddenly, I heard his chuckle.

“What the actual hell are you doing, Ninety Nine?” dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay at napantingin sa kaniya. I thought it was a gun, just like he did before, it was just his phone. “Gusto ko lang naman ibigay sa’yo ‘to.”

I was confused for a moment.

Why is he acting strange? Sa naalala ko pa ay muntik na niya akong barilin sa mansiyon, sa gabing naisipan kong lisanin ang lugar na iyon. Ngunit ngayon? Why is he acting like he knew me? Bakit ngayon lang? Bakit kakaiba? It really freaks me out.

What's your purpose, Heins?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status