Natuloy ang pag d-decorate namin sa bahay. Kasama ang aking mga magulang, nagtulungan kaming isabit lahat ng magagandang disenyo sa paligid ng aming bahay. Tuwang-tuwa pa nga ang aking ina dahil kasama na nila ako sa paskong ito, same lang naman kami ng nararamdaman, sobrang saya ko rin. Ang theme ng bahay namin ay pula't puti, na may kasamang asul. Nagtayo rin kami ng Christmas tree, ako na ang nagsabit ng mga christmas balls at ang star ng pasko. Ilang araw na lang, pasko na. Ilang araw nalang ay mararanasan ko na ang paskong kasama ang pamilya. Napangiti ako nang makita ang panghuling isasabit ko sa decoration, iyon ay ang candy cane sa may sulok. Mag a-alas otso na pala ng gabi noong matapos ko lahat. Maaga kong pinagpahinga ang aking mga magulang, lalo na't nagtabas kami ng hardin kanina at bumili ng mga bagong kagamitan. Napakamot ako sa aking ulo at napahikab. Hindi lang ‘ata sila Mommy Lexie ang napagod, pati na rin siguro ang katawan ko. Dati-rati sa mansyon ay kinakaya
It's been three days after my master, Heins Cyan Xenia confessed his feelings for me. Kinuha ko ang spare key na nasa kabinet at nagpaalam sa aking mga magulang. Ngayon kasi ang araw na mamamasyal kami ni Heins sa malayong lugar upang makapag relax ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyang relax dahil hindi ko maramdaman ang aking mukha tuwing nasisilayan ko siya. Paano ako marerelax no’n? Pakiramdam ko nga ay magiging bato ako tuwing hinahawakan niya ang kamay ko o kahit buhok ko lang.Lumabas ako sa aming bahay at doon tumambad sa akin ang nakasandal na Heins sa kaniyang itim na kotse. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa aking direksyon, may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. Kumaway ako sa kaniya at dahan-dahang naglakad papalapit. “Hi!” bati ko sa kaniya. “Saan tayo ngayon?” Tanong ko pa at hinawakan ang slingbag na aking bitbit.“Church.”I titled my head. “Huh?” Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Inalis niya ang kaniyang pagkakasandal sa kotse at lumapit sa akin.
A day before Christmas.Abalang-abala ang aking mga magulang sa pagluluto ng handa para sa pasko nang biglang tumunog ang aming doorbell. Suot-suot ko pa ang apron na nadungisan na ng mga sauce sa kusina. Tinakbo ko ang distansya mula sa kusina hanggang sa tanggapan ng aming bahay, at doon, nakita kong nakatayo sa aking harapan ang nakangiting Ate Miranda at Kuya Ash. Sumigaw lang ako upang ipaalam sa mga magulang ko na nandito na ang aming pinakahihintay na bisita. Hindi ko rin magawang mayakap ang aking kuya dahil sobrang dumi ko nga at nag do-doble ingat din ako dahil maselan ang pagbubuntis ni Ate Miranda. “Ang ganda mo talaga kahit kailan, Asheia!” pagpuri pa ni Ate at kinurot ang aking pisngi. Sa sobrang diin no'n ay halos maiyak na ako, kung hindi pa siya sinuway ni Kuya, baka nagkasugat na itong pisngi ko. “Sorry! Ang cute mo kasi! Sarap mong kurutin!”Nagtungo ulit ako sa kusina at kumuha ng meryenda para sa kanilang dalawa. May naihanda na rin kasi kaming mga pagkain, kung
Kinabukasan ay napag-isipan nila Mommy Lexie at Daddy Al na tumungo sa kanilang couple vacation sa China.Ako naman? Napagdesisyunan ko na tanggapin ang payo ni Ate Miranda na sumama muna kay Ate Nami sa kanilang lugar upang magpaturo ng iba't-ibang uri ng sining. Marami raw kasing mga painting doon at kung anu-ano pa na ginawa mismo ng kaniyang asawa, si Kuya Nebuchadnezzar.Binuksan ko ang aking messenger at pinindot ang group chat kung saan nakapaloob naming tatlo nila Grant at Nehemiah.Asheia:Pupunta kami sa kabilang city. Masasarap ba pagkain doon?Kaagad namang nag reply ang mga kaibigan kong loko-loko.Nehemiah replied to you:Oo, ingat lang baka makakain ka ng gayuma, uso pa naman ‘yon ngayon.Grant replied to you:Ingat ka! Have a safe trip and holidays! Pasabi sa Mommy mo ang sarap ng spaghetti, ginate keep ko talaga.Pababa na ako ng hagdan nang tumunog ang notification aking Facebook at nakita kong may panibagong tagged photo ako galing sa, kanino pa nga ba? Sa nag-iisan
The couple never failed to amaze me. During my stay, they both kept me entertained with their talents. Kung gaano ako kananginig sa awra ni Kuya Nebuchadnezzar, ay bawing-bawi naman noong tinuruan niya ako ng mga bagay na may kaugnayan sa sining.Sa pangalawang araw ko roon ay tinuruan akong magpinta ni Kuya at Ate. Tuwang-tuwa nga sila dahil mabilis lang daw ako maka gets ng mga tricks sa pagp-pinta. Ngunit sino ba namang tao ang mag aaksaya ng oras sa kanila kung isang Tsunami De Guzman Ignacio at Nebuchadnezzar Ignacio ang magtuturo sa’yo?Ngunit sabi nga nila, lahat ng bagay ay may hangganan.I stepped closer to the gate of Ignacio's mansion. Bitbit ko ang aking bag, kagaya noong nakaraan. Ngunit ang kaibahan lang ngayon ay may dala na akong painting na ako mismo ang gumawa. Dalawang maliliit na canvas iyon; isang painting naming lima, nandoon ang aking mga magulang, ako, si kuya at kaniyang asawa. Sa pangalawa naman ay ipininta ko si Master Heins. Half face lang iyon, hina-highl
“Three, two, one..”“Happy New Year!”Hindi ko maiwala sa aking pananaw ang mga nagliliparang ilaw sa kalangitan, iyon ay ang fireworks. May mga torotot din akong naririnig, hiyawan mula sa kalapit na kalsada ng aming bakuran. Matapos ang isang oras naming picture taking kanina, sawakas, no interruption na ang makukuha namin from the activities we want to enjoy. Noong huminto na ang ingay sa labas ay dahan-dahan na silang pumunta sa mga gawain nila. Mommy Lexie was talking to Ate Miranda. Daddy Al's was cooking with Kuya Ash, laughing. Ako naman ay nakangiting nakatingin sa kuntentong pamilya. Kung hindi kaya ako dumating, magiging masaya ba sila, higit sa kasiyahan na nararamdaman nila ngayon na nandito na ako?I shook my head to erase my negative thoughts. Dapat ay positive mindset lang ako, lalo na't bagong taon. Kailangan ko maging malakas at mapagpasensya lalo na't nandito na ako sa kanilang pamilya. My past is not important of who I am now. Hinihintay ko si Master Heins sa
Hindi ko magawang umiyak. Kung kanina ay nagmamakaawa ako sa taong iyon na huwag patayin ang ama ko, hinihiling ko nalang na sana binaril ko siya sa ulo at hindi sa braso. He's a monster, he deserves it. Shortly after, I called Kuya Ash, but Ate Miranda answered the call. Nasa ospital na kami matapos ang ilang minuto, laking pasasalamat namin ni Mommy Lexie dahil mabilis rumesponde ang rescue team. Kalmado lang si Ate Miranda habang inaalo si Mommy at kami naman ni Kuya ay nautusang bumili ng kakainin.Kuya and I decided to have burgers for breakfast. Busog pa naman kami dahil kakakain lang namin kaninang madaling araw. Of course, I received lots of sermon because of what happened, especially the call I made.“So, what happened?”Blangko akong nakatingin sa aking kapatid na ngayon ay dinaluhan ako sa pag-upo sa counter ng burger place na ito. Abala pa kasi ang staffs sa paghahanda ng order namin, lalo na't binili namin ang mga masasarap sa menu.I sighed. “I was out, went to grab s
Hindi ko magawang gumalaw nang maayos matapos ko marining ang lahat ng iyon galing sa kaniya. Dad was recovering from the wounds and got discharged after few days. Inaalagaan namin siya ni Mommy sa bahay at dumadalaw naman paminsan-minsan sila Kuya. ‘Yon nga lang, tapos na ang break namin sa school, kaya't kailangan na naming maghanda para sa pasukan. I also told Mom that I want to join the camping that Grant discussed to us that meeting and she said yes. Gusto ko ngang huwag na dahil baka makadagdag ngunit ayon pa sa aking ina ay dagdag experience nalang daw iyon. Tinanong niya rin ako tungkol sa relasyon namin ni Heins dahil hindi na niya nakikita ang binata ngunit ang sinabi ko lang ay busy siya. Sumakay ako ng tricycle papunta sa campus dahil ayaw kong iwanan ni Mommy si Daddy, natatakot kasi ako na baka maulit iyon. Buti nalang at maaga pa, hindi ako maaagawan ng tricycle sa highway kung sakali. Noong makapasok ako sa campus ay pakiramdam ko lahat ng kulay nito ay hinigop at