Share

Chapter 5

Author: Reiner
last update Last Updated: 2023-02-16 05:40:08

“Sigurado ka bang mas mainam sa’yo na magbaon kaysa bumili sa cafeteria niyo?”

It was Mommy Lexie. Pang-ilang ulit na niya akong tinanong tungkol dyan. Ang para sa kaniya kasi ay mas maganda kung sa campus na ako bibili, pero mas ok siguro kung magbabaon nalang ako. Kung sakaling maubusan man ako ng benta, may makakain pa rin.

“Lexie, let her be.” saway naman sa kaniya ni Daddy Al. “Ilang buwan nalang at mag di-dise otso na siya, tapos pinapakielaman mo pa? Edi sana ikaw nag aral.”

“Mama mo aral.”

Hindi pa sana sila titigil sa pagbabangayan nang malakas na bumusina ang sasakyan ni Kuya Ash na nasa labas. “Ano na? Papasok ka pa ba o makiki-chika?”

I rolled my eyes and opened the front door of our home. “Papunta na po!” nilingon ko ang aking mga magulang at nagpaalam. “Babye, Mommy and Daddy!”

“Good luck sa first day, ‘nak!”

Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad kong binuksan ang pintuan ng kotse ni Kuya Ash. Hindi raw sasama si Ate Miranda dahil nag aayos daw siya ng mga papeles, kaya't kaming dalawa lang ni Kuya ang pupunta sa campus ngayon.

Napahawak ako sa aking bulsa, masaya ako nang maramdaman kong nandoon pala ang cellphone na ibinigay niya at ang papel na sinulatan ni Ate Domaine kagabi. Nandoon din ang aking pitaka, may laman iyong isang libong piso, iyong kulay blue talaga. Pang resbak lang daw, kung sakali, sabi ni Mommy.

Habang nagmamaneho si Kuya Ash ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ko ang mga posibleng hantungan ng unang araw ko sa school.

Common thoughts? P’wede maging memorable at baunin in the near future.

Good things that might happen? Baka makatagpo ako ng panibagong friends, kakilala, o maka catch up ako sa mga lessons nila. Makagala ako sa campus, for the first time, at makaramdam ako ng kaligtasan.

Sa bandang bad things naman ay medyo mas marami kaysa sa good things. Maaaring maging memorable siya dahil baka pagtawanan ako o pagkatuwaan ng mga taga campus. Baka asarin nila ako at i-bully dahil first time kong pumasok sa totoong campus at mag-aral.

“Daig mo pa machine gun sa sobrang ingay mo kasama sila sa bahay pero kapag ako, mukha kang pinutulan ng dila.”

Biglang umakyat ang kahihiyan sa aking sistema nang marinig kong magsalita si Kuya Ash. Kaagad akong umiling. “H-Hindi naman po.. May iniisip lang, Ku..” naalala ko ang sinabi niya noong nakaraang araw kaya halos pabulong na ang huling katagang sinabi ko. “..ya.”

Narinig ko siyang napabuntong hininga. “I'm sorry.”

“Ha? O-Okay lang po ‘yon. Naiintindihan ko naman po. Hindi po madali pala sainyo ‘yong desisyon nila.”

“No,” he insisted. “it was never an excuse to be rude and impulsive in front of you. Dapat naging open-minded ako, dapat nakinig ako sainyo.” dagdag pa niya, naririnig ko ang pagsusumamo.

Tumango nalang ako. “Kuya, naiintidihan ko po kasi ang sabi ni Ate Miranda ay ikaw ang naglilihi para sa kaniya. It was an excuse, and I understand that.”

His grumpy face softened. And for the first time, I saw him smile. I mean, nakita ko siyang nakangiti sa litrato nila ni Ate, but in person, this is the first time. Nginitian ko siya pabalik, at nagkausap kami hanggang sa huminto ang kaniyang sasakyan sa harapan ng malalaking berdeng gates ng bagong campus ko.

“Kapag inaway ka nila, sabihin mo isa kang Travosco, and they'll never mess you with again. Even in eternity!”

Bago siya magpaalam sa akin ay tinuruan niya ako ng mga direksyon sa loob ng paaralan para hindi ako mahuli at mawala sa una kong klase. Hindi ko kaagad na gets ang mga subjects na nakasulat sa note dahil hindi ko pa ito nakasalamuha dati.

Una sa subject list ko ay ang Creative Writing. Umagang-umaga palang ay mapipiga na talaga ang aking utak.

Nang mahanap ko ang kahuli-hulihang room sa unang building ay alam kong ito na ang section kung saan ako naka enroll. Ang nakalagay doon ay Section Faraday, iyon din ang nakalagay sa papel noong pina enroll ako nila Mommy.

“Hi!” biglang lumabas sa gilid ang isang babae, kumaway ito sa akin. Naka uniform ito at may kulay ang kuko. “Kung si Nehemiah hinahanap mo, hindi pa dumadating. Kung si Grant naman, nasa office–”

I shook my head. “Wala akong hinahanap.”

Kaagad naman siyang tumalikod at umirap sa akin. Nang makakita ako ng bakanteng upuan sa tabi ng pintuan ay doon na ako kaagad na umupo.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang ginang na may bitbit na sandamakmak na papel. The class went silent, as if something or someone died the moment her shadow and presence entered the room.

“Dahil wala ako sa susunod na semester ay aagahan ko na ang creative writing na subject.”

Narinig ko ang d***g ng mga estudyante. May iilang pang nagrereklamo na, hindi ko naman maintindihan. Hindi rin naman ako makapagreklamo dahil hindi ko naman alam kung gaano kahirap ang subject na ito.

“Sorry kung late ma'am!” Naggulat ako nang may magsalita sa aking likuran. Hinahabol pa nito ang kaniyang hininga, tila ba'y mawawalan na ng hininga sa susunod na segundo.

Napairap ang guro sa aking direksyon. “Hindi ko alam bakit ginawa kang campus crush e palagi ka namang late. Akala ko ba isa ka sa advocates ng Watch club?” sermon pa nito sa kaniya. “Maupo ka.”

Umupo sa aking tabi ang lalakeng nakausap ng ginang. Amoy sabon pa ito, at mukhang kakaligo lang dahil may dalang mug sa kaniyang kaliwang kamay. Habang nagsasalita ang ginang sa harapan ay iniintriga naman ako ng lalakeng katabi ko sa upuan.

“Alam mo bang walang gustong tumabi sa akin dito kasi baka dumugin ng fan's club ko?”

As if I care?

Pilit ko siyang binabalewala. May sinusulat ang ginang sa harapan kaya't kinuha ko ang aking binder at ballpen. Kailangan ko makahabol sa mga lessons nila, lalo na noong nakaraan, baka bumagsak ako at maging repeater.

“The first thing we'll do this week, very simple lang class. I want you to create a poetry, kahit anong topic na gusto mo. Of course, this is Creative Writing subject, so I want all of you be to creative.”

Sinulat ko sa binder ang sinabi ng ginang. Napaisip tuloy ako kung kaya ko bang magsulat ng tula? Marami akong nabasa at nakita, pero hindi ko pa nasubukang gumawa rati.

“I'm sorry to interrupt,” biglang lumitaw sa harap ng pintuan ang isa pang guro. Ang pinagkaiba nito sa naunang guro ay mas bata siya at mas matangkad. “Nandito na ba si Asheia Dian Travosco?”

Itinaas ko ang aking kaliwang kamay. “Nandito po.”

She nodded. “Siya ay bagong kaklase niyo sa semester na ito. Sana'y maging mabait kayo sa kaniya, lalo na't matatanda na kayo.” Ngumiti ang ginang bago nagpaalam sa mga estudyante at umalis.

“Travosco siya?”

“Kuya niya ‘yong magaling mag soccer, ‘diba?”

“Ang pogi pa naman ng kuya niya, sabi ng mommy ko. Kaso, si Ate Miranda raw ang nakatuluyan niya e.”

Kuya Ash was famous way back highschool? T'yaka soccer player din siya? Bigla kong naalala ang sinabi ni Kuya Ash kanina bago siya magpaalam. It all makes sense now! Si Ate Miranda at Kuya Ash naman ay noon pa talaga magka love team.

“So..” it's the annoying boy once again. “You're the little sister of Engineer Travosco, huh?”

I nod. “Yeah.”

“Pasabi magpapa drawing ako para sa Arts natin.”

Napatingin ako sa binata. Mula sa magulo niyang buhok, sa nakabukas niyang polo at ID. His name is Nehemiah De Guzman. Siguro ay siya iyong sinasabi ng babae kanina na sumalubong sa akin. He's not that handsome for me, but as he have said, may sariling fan's club siya. Pakiramdam ko ay nabubulag ang mga babaeng ito. Ano ang nakikita nila sa lalakeng iyon?

“Bakit mo katabi ang baby Nehemiah ko?”

“Who's this bitch? Lumayo ka please.”

“Akin lang siya!”

Hindi pa tapos ang pangalawang subject ngunit sobrang dami nang babae ang nakahilera sa classroom namin at hinahanap si Nehemiah. Galit na galit pa ang mga ito sa akin dahil katabi ko ang kanilang mahal, umasa nalang ang tanga kung may pakielam ako sa kaniya.

Thinking all the advantages I have and I know, I can easily poison everyone this afternoon.

What are you thinking, Asheia?

Napailing ako sa aking iniisip. Bakit ko ba naisip iyon? Sa huling check ko sa sarili ko ay hindi naman ako nagmana sa pamilyang Xenia. Hindi naman ako brutal, kahit manok ay hindi ko magawang patayin. Ngunit.. hindi naman imposible na manahin ko ngayon ang mga ginawa nila sa mansyon.

Kalma lang, Asheia. Hindi mo gagawin ang mga bagay na iyon. That's bad, brutal and sick.

く⁠コ⁠:⁠彡

Nang mag lunch time ay naisipan kong lumabas ng classroom at kumain sa payapang lugar. Ang malawak na soccer field ang unang pumasok sa isip ko kaya doon ako nagtungo. Bitbit ang tupperware na lalagyan ng aking baon, tinahak ko ang maingay na hallway ng paaralan.

“Grabe ang hirap ng GenMath! Muntik na ako ma zero!”

“Naubusan ako ng benta! Share nalang us?”

“Ang strict talaga ni Ma'am Anie! Nawa'y hindi niya ako ibagsak this semester!”

Matapos ko malagpasan ang iilang kumpol ng mga estudyante, narating ko na rin sawakas ang tahimik na soccer field ng campus. Iilang estudyante lang ang nakatambay doon, hindi iniinda ang init ng araw.

Nakahanap ako ng makulimlim na pwesto ay kaagad kong inilapag ang dala kong panyo at inupuan iyon. Nagsimula akong kumain.

Kalahating araw palang ng unang pasok ko ay masasabi kong nakakapagod nga mag-aral. Hindi ako nakapag-aral ng kinder o elementary, ngayong senior high school lang talaga. Ang sabi ni Mommy Lexie ay isa akong matalinong bata, kaya kahit basic math lang ay hindi ko na kailangang malaman pa.

May iilang libro rin akong nabasa sa loob ng aking kwarto kaya nagkaroon ako ng ideya kung ano ba talaga ang mga dapat kong matutunan sa taong ito. May mga bagay na hindi ako pamilyar, ngunit mukhang madali lang naman kung pag-aaralang mabuti.

“Do you mind?”

Nasa pang-limang subo na ako nang biglang may umupo sa aking tabi. Hindi ako kumibo at hindi na rin naman ito nagsalita pang muli.

Tanging katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa at nang matapos na ako sa aking pagkain ay dahan-dahan akong nagligpit upang lisanin ang tahimik na lugar.

“Ikaw lang ‘ata ang babaeng hindi naging madaldal sa akin.”

Napalingon ako sa kaniya. Prente itong nakaupo sa damuhan, may kubyertos pa sa bawat kamay. Naka gel na buhok, mabangong amoy, sobrang linis tignan. Suot ang itim na shades, uniform ng eskwelahan at vest ng isang committee president.

“Ano namang meron?” Naguguluhan kong tanong sa binata.

Tumawa lang ito at umiling. “Wala. I'm Grant Riege.” pakilala pa nito sa akin at mataman akong tinignan. “Anong pangalan mo?” He asked and patiently waited for my answer.

“I'm Asheia Dian.” Pakilala ko pa. Maglalakad na sana ako paalis doon nang marinig ko ulit siyang magsalita.

“You're interesting, Asheia.”

Interesting my ass, Mr. Grant. Siguro kapag napikon ako sa mga taong ito ay hindi ako magdadalawang isip na padanakin ang dugo sa lugar na ito at amuyin ang lahat ng iyon.

く⁠コ⁠:⁠彡

Nang matapos ang lahat afternoon period ay naisipan kong magpunta sa library upang manghiram ng mga libro na maari kong magamit sa taong ito.

Nahihirapan akong makisabay sa mga classmates ko, lalo na sa GenMath, mahina kasi ako sa mga numero. Habang sa assignment naman na pinagawa ng creative writing teacher namin ay marami na akong nakukuhang ideya galing sa paligid.

It was already five o'clock in the afternoon when I roamed the school to search for their school library. Kaunti nalang ang mga estudyante rito, karamihan ay nasa soccer field, nagpapahangin after class. Maaga naman akong lumabas sa classroom dahil ayaw kong dumugin ng mga fans ng seatmate ko.

Natatanaw ko rin ang mga boyscouts na nakahilera sa kabilang banda ng soccer field, mukhang may ginagawa ito. Nandoon din ang dalawang dalaga, sa kanilang harapan, may pinag uusapan siguro. Ilang hakbang nalang ang gagawin ko para matahak ang kabilang banda ng school nang marinig ko ang sigawan mula sa field.

Ang dalawang babae kanina na nasa harapan lang ng scouts, ngayo'y nakalapit na at inuulan na ng tukso. Hindi malinaw ang mga sinasabi nito dahil nasa malayo ako, ngunit nakikita ko ang kanilang mga ngiti.

Bakit pati sila ay napapansin mo, Asheia?

It's always me and my sharp senses against the world. Kahit maliliit lang na bagay ay napapansin ko, hindi ko ito naiwasan. Bigla ko tuloy naalala ang pangyayari sa mansyon bago ko tuluyang lisanin ang lugar na iyon.

The smell of blood.

It makes me feel alive. Parang nabubuhay ang kalamnan ko kapag nakakakita ako no’n at nakakaamoy. Hindi naman siguro ako bampira ‘no?

Hindi pa ako nakakapasok sa school library nang mapansin kong may nakatago sa bawat sulok ng building na nadaanan ko. At first I thought it was just random student, but it wasn't just that. Kung normal na mga estudyante lang ito, hindi naman ito magtatago. Isinuot ko ang aking itim na mask at nagpatuloy.

Nang makapasok ako ay humina ang hinala ko. Binati ko ang librarian at nagtanong tungkol sa iilang bagay. Nasa kasagsagan kami ng pag-uusap nang biglang bumukas ang tarangkahan ng library at iniluwa no'n ang isang magandang dilag.

“Oh hija, ang creative writing books, nasa stall D. Pinakataas.”

Tumango ako at nagpasalamat, kahit na hindi halata ang aking mga salita dahil sa mask na nakatakip sa aking bibig at ilong. Noong umalis ako sa table ng librarian ay narinig ko pa ang masungit na pagbati ng dalaga sa kaniya, but surprisingly, she didn't protest.

Naglakad ako at patuloy na hinahanap ang stall D na sinabi ng librarian. Lumilinga pa ako para hindi ko malagpasan kung sakali ang stall numbers and letters, baka mas lalo pa akong matagalan dahil lang sa katangahan ko.

And there I saw the stall D. Pero ang kakaiba lang ay hindi ito naka-ayos, kagaya ng ibang stall. Magulo ito, halos mabura na nga ang letrang nakatatak sa itaas ng stall dahil sa sobrang luma at maalikabok.

May iilang libro akong nakita na mukhang maganda basahin. Gawa ng mga tanyag na manunulat, at ang iba naman ay hindi ko kakilala. Malay ko bang manunulat si Shakespeare at hindi pala musikero? Ilang sandali pa ay umupo ako saglit at nagbasa. Masaya akong may natutuhan ako sa mga bagay na ito, kahit papano ay hindi na ako mahuhuli sa mga lessons.

Nang maglalakad na ako pabalik sa table ng librarian upang magpalista, nakaramdam ako ng kakaiba. Parang.. may nakamasid sa akin, mula sa loob.

And then suddenly, I felt a sharp object on my neck. I was shocked and too stunned to speak nor move.

The first thing I scented was the sweet scent of candy, but the more I smell the scent, it becomes deadly, like the scent was enough to choke me. The woman behind me spoke. “Move, and I'll separate your head from your body.”

Hindi ako gumalaw. Pakiramdam ko ay nanginginig na ang buong kalamnan ko. Iniisip ko palang na may matulis na bagay sa aking leeg ay nakakaamoy na ako ng kamatayan.

“Who are you?” tanong ko sa kaniya ngunit tinawanan lang ako nito. “A-Anong kailangan mo?” Dagdag ko pa, mas lalo pa niyang diniinan ang matalim na bagay sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang pagkabaon nito.

She sighed and tightened her grip on my shoulders. “Last one on earth. But the eight one in the alp–”

Hindi pa siya natatapos sa kaniyang sinasabi nang ihampas ko sa kaniyang mukha ang hawak kong libro.

“Bitch!” sigaw niya at nabitawan ako. Hinawakan niya ang kaniyang mukha at hinabol ang kaniyang hininga. “Sana pala mas pinadali ko ang buhay mo.”

I smirked.

“Mapapaaga ‘ata ang meet up niyo ni San Pedro ah.”

Napakunot ang kaniyang noo. “What are you talking about, bitch?!” kumuha siya sa kaniyang bulsa ng panibagong patalim at itinutok iyon sa akin, ngunit natigilan siya nang makita ang hawak kong libro.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at dahan-dahang napahawak sa kaniyang ulo. “Y-You bitch, w-what did you..”

Itinaas ko ang librong hawak ko. “Oh? This?” umiling ako at binuksan ang unang pahina ng aklat. “Emerald green, also known as Paris green, Vienna green and Schweinfurt green, is the product of combining copper acetate with arsenic trioxide, producing copper acetoarsenite.”

Narinig ko ang kaniyang nanghihinang sigaw bago siya mawalan ng malay sa sahig ng library. Kinuha ko ang gamit niyang patalim at ipinasok iyon sa aking bulsa. Binuklat ko ang pangalawang pahina at binasa.

“If you inhale or ingest particles that contain arsenic, it could make you feel lethargic and light-headed. It can cause irritations and lesions in your skin. Serious cases of arsenic poisoning can lead to heart failure, lung disease, neurological dysfunction..”

I smiled as I read the last word and remove the gloves and mask I used to avoid physical contact with the poisonous book.

“..and death.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nefarious Love    Special Chapter

    Henriesh Cedie Xenia's Point of ViewFirst born of the Xenia. Malamang marami silang aasahan sa akin. I don't want to disappoint my mom nor my dad because of my illness, that's why everyday, I try harder and always do my best to make them happy. Simula pa noong pagkabata, nahiligan ko na talaga ang musika. I am eager to learn it, that's why I always ask my parents to buy me different kinds of instruments everytime I achieved something they wanted me to have. Pero sa lahat ng instrumentong nasa bandroom ko, isa lang talaga nag umakit ng puso ko, iyon ay ang piano. Naglalakad ako papasok ng school's bandroom nang mabangga ko ang isang babae na mas maliit sa akin. Nang mag angat ito ng tingin sa akin ay napansin kong may iilang butil ng luha ang pumapatak sa kaniyang mga mata. And me, Henriesh Cedie, being the cognitive empath Henriesh Cedie, malamang ay dadamayan ko siya sa nararamdaman niyang sakit sa oras na ito. “Are you okay, miss?” I asked. She nodded her head. I

  • Nefarious Love    Special Chapter

    Asheia Dian's Point of View“Henriesh! Henrietta!” nagmamadali akong tumakbo papasok ng kaniyang kwarto nang makauwi ako galing fashion show. Hindi kasi nila sinasagot ang telepono at nag aalala ako sa kalagayan ng mga anak ko. “Where on earth are you?!” My voice thundered the whole house.Noong makapasok ako sa kwarto ng aking panganay na anak na si Henriesh Cedie ay kaagad kong namataan na nag pi-pinta ito sa isang malaking canvas. May hawak pa itong palette sa kaniyang kaliwang kamay at brush. Punong-puno ang kaniyang apron ng mga pintura at may iilan din na natapon sa kaniyang mukha. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. “Mommy! I painted this on my own! May magic pa nga ‘yan e, wait!” humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin at pinindot ang switch ng ilaw sa kaniyang kwarto. Noong ginawa niya iyon ay nag iba ang mukha ng painting. “Look!”Mabilis na bumaba ang lahat ng dugo ko sa aking katawan nang makita ko ang kaniyang painting. At the age of seven, napa

  • Nefarious Love    Epilogue

    Heins Cyan's Point of View“Babae ang anak ko!”As a six year old kid, I clapped my hands like a proud brother to let my Tito Russell Fuente know that I was glad with his news. My mom, Creshian Xenia, kissed my cheeks at giggled. Pati ang mga nakababatang kapatid ko ay tuwang-tuwa. “May naisip na ba kayong pangalan para sa kaniya, Russ?” My dad, the intimidating Henderson Xenia asked. Tito Russell just shrugged his shoulders and told my dad that Tita Bernice, her wife, will be the one to decide that. May iilang bisita na bumati sa akin, of course, it is my party, after all. Pakiramdam ko nga ay may excited pa akong makita at mahawakan ang anak nila Tito Russell kaysa buksan ang mga regalo nila para sa akin. Hindi ba't nakakatuwa na may kasabay na akong mag birthday taon-taon? Hindi lang ako mag-iisa sa mahabang mesa sa kusina, may kasama na ako!Tinawag na ako ng aking mga magulang upang pumunta sa labas para tignan ang fireworks display na inihanda nila sa aki

  • Nefarious Love    Chapter 30

    Noong lumabas ako sa aking kwarto ay wala na siya sa unit ko. Dali-dali akong nagluto ng hapunan para sa sarili ko dahil gutom na gutom na ako. Ilang oras na akong nakakulong sa kwarto at pinipigilan ang sarili na lumabas upang hindi makausap o makaharap ang taong iyon. Napagdesisyunan kong magluto ng fried chicken buti naman ay may stock ang refrigerator dito, siguro ay namili siya o kung ano mang ginawa niya. Ang pinagtataka ko lang ay kung condo unit ko ito, bakit may access siya sa pagmamay-ari ko? After all these years, why is he doing this to me? Playing pretend na parang walang nangyari?Baka naman nanalo na siya sa dare at kailangan niya akong paibigin ng ilang buwan para manalo sa pustahan?Erase, erase! Kakanood ko na ito ng telebisyon, nagiging madumi na ang utak ko at hindi na ako ang dating Asheia Dian Travosco ng mga magulang ko. Umupo ako sa counter ng kusina at nagsimulang papakin ang manok habang nag aalab pa ito. Sa sobrang init nga nito ay muntik na akong mapaso!

  • Nefarious Love    Chapter 29

    “Tita Ashe!”Napangiti ako nang makita ang aking pamangkin na si Hannah Nira na kinakaway ang kaniyang maliliit na daliri sa akin. I smiled and waved back too, kahit na sa malayo ay nasisilayan ko pa rin siya kasama sila Ate Miranda.It was the launching day of my company. My parent's company. Ilang taon ang ginugol ko para maibalik ito sa dating ayos. Nag-aral ako nang mabuti para lang matutuhan paano ang pamamalakad nito. Of course, hindi ko ito magagawa kung wala ang tulong ni Heins. Hindi niya ipinull out ang kaniyang shares dito sa nagdaang taon, dahil alam niyang balang araw ay magagamit din iyon sa larangang ito. Wearing the only gown my parents left me, I held my head high and gracefully made my way to the stage. May iilang palakpakan pa akong narinig mula sa madla, may hiyawan at syempre, hindi mawawala ang mga photographers. “Ano po ang suot niyo?” Tanong ng isang reporter.Napangiwi ako sa kaniyang tanong. “Damit.”Nagtawanan ang ibang reporters sa aking sagot, hindi nagt

  • Nefarious Love    Chapter 28

    Naguguluhan ko siyang tinitignan. Ang mga kamay niyang nakahawak sa aking pulso ay nakapirmi pa rin doon, magkalapit pa rin ang aming katawan. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang mainit na hininga. Hinanap ko ang tamang salita na maari kong sabihin ng ilang segundo.“What do you mean, Heins?” Naguguluhan kong tanong. “Of course, hindi mo alam.” he scoffed. “The day I left for another country was the day I almost lost you, Ninety Nine. Iyon ang araw na nalaman kong hindi sila ang mga magulang na nag alaga sa akin. They're after you but I beg them not to.”Uminit ang magkabilang sulok ng mata ko. I remember that day! Iyon ang araw na pinangako niyang babalik siya sa akin! Na babalik siya upang i-celebrate ang birthday namin ng sabay! “Pero nandoon ka para itaguyod ang kompanya niyo–”“Yes!” tinaasan niya ako ng boses. “That was for your own damn good! Pinalago ko ang kompanyang hindi sa’kin para lang hindi ka nila saktan, Ninety Nine! I suffered from everything! I was homesick! I wanted

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status