Grace Estrella-Lopez
UHAW ANG GUMISING sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at agad ring napapikit nang masilaw ako sa liwanag. Lumunok ako, sinubukang tumikhim saka muling nagmulat ng mga mata.
Tumingin ako sa paligid. Isang magarang silid. Nasaan ako?
Nahagip ng aking paningin ang isang taong nakatayo sa aking paanan. Nakatalikod siya sa akin ngunit batid kong babae siya. Isang matandang babae. May kung ano siyang ginagawa at nang humarap siya sa akin ay nahulog ang mga telang hawak niya. “Ay puday!”
Dali-dali niya akong nilapitan. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin saka ako tinitigan. Nang kumurap ako ay nanlaki ang mga mata niya at suminghap. “Mahabageng Diyos! Geseng ka na!”
Tumalikod siya saka tumakbo kasabay ng sunod-sunod niyang pagsigaw. “SER! SER! SER!”
Sinubukan kong bumangon pero para akong lantang gulay. Ni hind
Grace Estrella-LopezMAAGA AKONG NAGISING kinabukasan. Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Nabasa ko si Clint, mabuti na lamang at hindi siya nagalit sa akin kundi ay basa nasa kalsada nanaman ako ngayon. Bumuntong-hininga ako. Kung ako ang tatanungin ay nais ko na lamang dito kaya kahit anong trabaho ang ibigay sa akin ni sir Clint ay tatanggapin ko.Tok tok tokNapatingin ako sa pintuan nang may kumatok mula sa labas nito. “Baet, geseng ka na ba?”Dali-dali akong tumayo at tumakbo upang pagbuksan si nana Berta, ngumiti ako nang makita ko na siya at ganoon din naman ang kaniyang ginawa bago nagsalita, “Mabote at geseng ka na. Malego ka na, baet.” iniabot niya sa akin ang hawak niyang mga damit. “Eto na mona ang gameten mo. Damet kong penagleetan 'yan. Maayos naman ang mga eyan kaya presentable ka pa ren mamaya pagponta naten sa devesorya.&r
Grace Estrella-Lopez“MASELAN ANG pagbubuntis niya, Mr. Silvano. I suggest na alaagan at bantayan mong mabuti ang misis mo.”“Thank you very much, doc.”Nagising ako dahil sa mahihinang pag-uusap. Tumingin ako sa paligid nang sandaling imulat ko ang aking mga mata. Naroon sa aking tabi si sir Clint, nakatalikod siya sa akin at kaharap ang isang doktor.Hospital. Anong nangyari? Bakit ako nasa hospital. Inisip ko ang nangyari bago ako magising dito, saka ko lamang naalala na nawalan nga pala ako ng malay sa bisig ni sir Clint.Nang umalis ang doktor ay humarap sa akin si sir Clint. Ngumiti siya matapos makitang may malay na ako. “Grace, kumusta ang pakiramdam mo?”“A-Ano pong pinag-usapan ninyo ng doktor?” may palagay na ako tungkol sa kanilang pinag-usapan ngunit nais ko pa ring kumpirmahin.
Grace Estrella-LopezMAHIGIT ISANG BUWAN ang matulin na lumipas at sa loob ng mga araw na iyon, napagnilayan at napag-isipan ko nang mabuti ang mga desisyon ko. Sa loob rin ng mga nagdaang araw ay mas naging maalaga at maalalahanin sa akin si sir Clint dahilan para mas mapagtibay ko ang kalooban ko sa desiyong pinili ko. Kakapalan man ng mukha ngunit nais kong kunin ang kaniyang kalooban. Gusto kong ibigay ang aking sarili bilang kapalit. Ako na buong-buo.“Grace, anong ginagawa mo dito? Pahapon na, pumasok ka na sa loob.”Nilingon ko si sir Clint at nginitian. Napakaguwapo niya talaga. Sobrang bait pa.“Nagpapahangin lamang po ako.”Tumango sya at tumabi sa akin. Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang mga halaman sa hardin.“Sir..” bahagya ko siyang nilingon. “Napag-isipan ko na po ang desisyon ko.”Tumango s
Grace Estrella-LopezHINDI KO ALAM ANG mararamdaman ko. Narito ako sa isang silid. Dinala ako ni Clint sa isang lugar na kami-kami lamang ang tao. Ang sabi niya ay isa itong beach resort na pag-aari ng pamilya ng kaibigan ng kaniyang kaibigan. Napakaganda ng lugar na ito. Kagabi kami dumating dito ngunit nakita ko kaagad ang ganda ng lugar.“Baet, baket ka naman nakatolala deyan?”Napatingala ako kay nana Berta. Nasa likuran ko siya habang nakaupo ako sa harap ng isang malaking salamin.“Masaya po ako, nana Berta.”Totoong masaya ako. Gusto kong baguhin ang kapalaran ko kaya naman nagpasya akong magpakasal kay Clint. Alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si Blaze ngunit mas pipiliin ko ngayon si Clint dahil siya ang mayroon ako. Sa mata ng ibang tao, maaring sabihin nila na ginagamit ko lamang siya upang pagtakpan ang aking kabiguan ngunit alam kong matututunan ko
Grace Lopez-Silvano“YOU WANT ice cream?” napalingon ako kay Clint at natawa. Nakatingin kasi ako sa ale na nagtitinda ng dirty ice cream. Narito kami sa loob ng kotse, papunta kami sa isang restaurant kung saan nya imemeet ang isang client nya. He's an architect, by the way. A very respected architect and businessman. He's also in partnership with S&G Corporation and owns an architectural firm and i admire for that. He's very responsible and workaholic.“Architect Clint Silvano..” mahinang pagbigkas ko sa pangalan nya.Mahina syang natawa. “What's with my name, hon?”Nilingon ko sya at nginisihan. “Wala naman. I'm just proud to have you as my husband.” tumingin ako sa unahan saka muling nagsalita. “A very respected Architect and businessman is my husband. That's an honor.”Humalakhak sya. &ld
Grace Lopez-SilvanoAS SOON AS I reached the disciplinary office, i wasted no time. Agad akong pumasok at naabutan ko doon ang panganay kong babae na nakaupo sa harap ng table ng disciplinary officer. Sa harap nya ay nakaupo ang isang babaeng kaedad nya na umiiyak, magulo ang buhok at punit ang uniporme.I almost gasped. Anong nangyari?“Mrs. Silvano?”Natauhan ako at tiningnan ang disciplinary officer na tumayo at lumapit sa akin. “Yes?”“I am Mrs. Caballes, the one who called you. Please have a sit, Mrs. Silvano.”Tumango ako at naupo sa upuang katabi ng anak ko. She looked at me with her stoic face. Pinaningkitan ko sya ng mata. “What did you do, Alesana Grace?”“She tripped and put the blame on me, mom.”Napangiwi ako saka tiningnan si Mrs. Caballes na nakikin
Grace Lopez-SilvanoMAKULIMLIM ang kalangitan nang magising ako kinabukasan. Maaga akong nagdilig ng mga halaman sa bakuran. Alas kuwatro palang ay marami na akong nagawa. Nagluto ng agahan at inihanda ang babaunin ni Ales.Pinakain ko rin ang alaga kong tigre sa likod ng bahay. Ang ahas, pusa at aso. Napakasarap lang sa pakiramdam na mag-alaga ng mga hayop. Pakiramdam ko ay naiintindihan nila ako.“Mom..”Nilingon ko si Ales na nagkukusot ng mata. I smiled at her at inakay sya papasok ng bahay. “Si daddy mo, gising na ba, how about Grae?”Grae is our little boy. Ang bunsong anak namin ni Clint na apat na taon palang.“Tulog pa sila, mom. Nakadapa nanaman si Grae sa dibdib ni dad.” nakanguso nyang sabi.Natawa ako. Noon ay sya ang palaging nakadapang natutulog sa dibdib ni Clint pero nitong mga naaraang
Grace Lopez-SilvanoTHREE DAYS had passed mula nang pumunta si Blaze sa opisina. Hindi na sya nagparamdam mula noon at hindi ko na rin tinanong si Clint tungkol sa sadya nya. Wala na akong pakialam sa kanya. Hindi ko na dapat sya hinahayaang sirain nanaman ang buhay ko. Ayoko na. Tapos na ako sa kanya kaya tama na. Tama na! Tama na, Grace!“Baet, aales ka na ba olet?”Nilingon ko si nana Berta na syang nagbabantay kay Grae. Nakaupo sya sa sofa habang nanunuod ng tv ang senyorito na agad lumingon sakin. “My my, pasalubong ko chicken joy haaa!”Lumapit ako sa senyorito namin. I kissed his cheeks. “Opo, senyorito.” natatawang sabi ko.Humagikhik sya saka muling humarap sa tv. Nilingon ko si nana Berta. Bumalik lang talaga ako dito para kunin ang planner na naiwan ko. “Nana Berta kayo nang bahala kay Grae ha.”“Ay oo naman,