Heto na po ang umpisa ng Love story nila Mayumi at Cayden. Samahan natin sila sa kanilang pag-iibigan. Maraming salamat po sa suporta!
Pag-alis ni Lance ay dumating si Gab. Agad na tumayo si Justin ng makita ang dalagang mukhang mainit ang ulo."Gab? Bakit naparito ka?” aniyang halos mautal."Kailangan nating mag-usap,” deretsong sabi niya.Pumasok siya, hindi na hinintay ang paanyaya. Umupo siya sa visitor's chair sa harap ng mesa habang si Justin ay nanatiling nakatayo, pinagmamasdan siya.“Ano ang gusto mong sabihin? Makikinig ako.”"Justin, kung ayaw mong ituloy ang kasal, kung ginagawa mo lang ‘to dahil tinakot ka ng daddy ko, pwede kang umatras.”Tumitig si Justin sa kanya, seryoso. Hindi ito agad nagsalita. Lumapit sa harap ang lalaki. Yumuko, at tumukod ang dalawang kamay nito sa mesa, palapit sa kanya. Halos magdikit ang mukha nila."Hindi ako aatras, Gab. I wanted to marry you again. Gusto kong mabuo ang pamilya natin.”"Look, alam kong napipilitan ka lang. Tutulungan kitang magtago para hindi ka habulin ng daddy ko.”"Oo, pinuwersa ng daddy mo ang sitwasyon. Pero hindi ang nararamdaman ko.”Tumayo siya dah
"Anong kabalastugang ito, Aragon?!” bulyaw ni Don Antonio.Nagulat si Gab, napabalikwas sa pagkakahiga. Mabilis ding bumangon si Justin, ngunit huli na. Kasunod ng matanda ang limang tauhan, pawang may malalaking katawan na tila bouncer sa club.“Dad! Nagkakamali po kayo. Hindi ito ang iniisip n’yo!”“Tumahimik ka, Gabriella! Hindi ko hahayaang maagrabyado ka!”Lumapit si Justin sa matandang tila torong manunuwag, kalmado ngunit may kaba sa dibdib.“Don Antonio, please, hindi ko po sinamantala ang anak ninyo. Wala pong masamang intensyon sa ---”"Bugbugin 'yan!” utos ni Don Antonio sa mga tauhan.Agad nagsilapitan ang mga ito at pinagtulungan si Justin. Tumumba ito, sinuntok, at tinadyakan. Si Gab ay napasigaw sa takot. Kilala niya ang ama. Malambot lamang ang puso nito sa kanila ni Nathaniel. Ngunit walang awa ito sa ibang tao lalo sa kalaban. Baka mapatay nito si Justin!"Tama na po!”Ngunit hindi alintana ni Don Antonio ang pakiusap niya. Naglabas ito ng isang baril mula sa loob ng
Dumating ang inorder na pagkain ni Justin. Isang napakasarap na dinner at may wine pang naka-serve.“Tara, let’s eat,” yaya ng binata.Nagulat siya ng hindi tumanggi si Gab. Una nilang tinikman ang wine. Masarap at mas lamang ang tamis kaysa pait. Parang relasyon nila. Sa kabila ng pait, mas lamang pa din ang tamis na dulot ng kanilang pagsasama. Napansin niyang napadalas ang tungga ng dalaga.“Teka, baka malasing ka tapos kung ano ang gawin mo sa akin. Alam mo namang hindi kita tatanggihan,” biro niya.Inirapan siya nito at sinimulang tikman ang soup.“Masarap ‘tong soup,” anitong naubos ang nasa lagayan.Inabot niya ang isa pa. “Special daw ang soup na ‘yan, heto pa.”“There’s something sa soup. It’s addictive. Napakasarap.”Napatungga ito ulit ng alak hanggang sa namumula na ang pisngi nito at mukhang hilo na.“Okay ka lang Gab?” anitong napansin ang pagbabago sa babae.Tumayo ito at tila balisang hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Tila nauuhaw itong muling uminom ng alak at nagl
Nasa rooftop garden ng AM Corporation si Gab na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mapag-isa. Malapit nang lumubog ang araw. Maraming gumugulo sa kanyang isipan.Dumating si Justin."Gab,” anang tinig mula sa likuran.Napalingon siya sa pamilyar na boses. Nagulat siya. Mabilis na ibinulsa ang cellphone at umasim ang mukha."Justin? Anong ginagawa mo rito? Usapan natin na hindi mo ako kakausapin kundi rin lang tungkol kay Nathaniel. Sumunod ka sa usapan natin.”Hindi siya sinagot ng lalaki kaagad. Sa halip, tumingin ito ng diretso sa mga mata niya, may lungkot at pagkalito siyang nabanaag."Gab, ikaw ba si Athena?”Napasinghap siya. Mabilis siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi niya naintindihan ang tanong."Ano? Anong sinasabi mo?” aniyang tinarayan ang boses."Huwag mo na akong lokohin, Gab. Narinig ko ang boses mo ng kausap mo si Lance. Ikaw si Athena, ang taong matagal ko nang gustong makilala at pasalamatan. Ikaw ang babaeng nagligtas sa buhay ko noon.”"Hindi ko a
Palubog na ang araw. Tahimik ang paligid ng mansyon. Halos magkasabay na huminto ang dalawang mamahaling sasakyan sa harapan ng gate.Una ang itim na luxury car ni Justin. Sumunod ang matte blue sports car ni Ryder.Nagkatinginan ang dalawa sa mismong driveway. Parehong may dalang regalo. Si Justin ay may bouquet ng imported roses at designer toy set para kay Nathaniel. Si Ryder naman ay may dalang custom-made cookies para kay Nathaniel at isang eleganteng silk scarf na naka-box para kay Gab.“Uy, mukhang sabay tayong may special delivery ah,” nakangisi si Ryder.Tumango lamang siya at pinigil ang pag-init ng ulo. “Gusto ko lang bisitahin ang mag-ina ko,” aniyang idiniin ang huling salita.“Mag-inang pinabayaan mo?” maanghang na sabi nito. Tinignan niya ito ng masama.“Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! Hindi ko alam na may anak kami ni Gab. Hindi ko sila pinabayaan.”“Sinabi niya pero hindi mo pinaniwalaan. Anong tawag mo doon?”“Gago ka pa din! Bihis at porma mo lang ang nabago! Hindi
Desidido na si Justin na manliligaw kay Gab. Dapat ng kalimutan ang masalimuot nilang nakaraan. Magsisimula silang muli. Pagdating ni Gab sa opisina ng AM Corporation, sinalubong siya ng receptionist na nagpipigil ng ngiti.“Ma’am Gab, may delivery po para sa inyo.”Napakunot-noo siya at napatingin sa malaking bouquet ng flowers. Pagbukas ng card sa bulaklak ay nakita niya ang munting mensahe na galing ito kay Justin.Napailing siya. Nagulat ang receptionist ng deretso sa basurahan ang mga bulaklak.Kinabukasan, pag-akyat niya sa rooftop ng opisina para magpahangin na ginagawa niya araw-araw bago magtanghalian, nagulat siya sa picnic setup, may mesa, bulaklak, at paborito niyang ulam mula sa isang sikat na restuarant. Walang ibang tao. Nasa gitna ng mesa ang card. Galing na naman kay Justin.Dumating ang binata may dalang cake. “Lunch is ready.”Nakataas ang kilay niya.“Justin, Chairman ka ng malaking kumpanya. For sure busy ka, hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na ito. Nagsa