Maraming salamat po sa pagbabasa, comments, at munting gems na ibinibigay nito ngunit malaking bagay para sa akin.Godbless po!
Napatigil si Henry. “Sir? Okay lang po ba kayo?”“Walang tawag, walang meeting.” Inubos ni Cayden ang laman ng baso, saka agad nagbuhos muli.Tahimik na tumango si Henry.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, biglang bumulong si Cayden habang nakatitig sa baso."Henry, paano mo mababawi ang isang pagkakamaling halos sirain ang buhay ng taong mahal mo?”Hindi agad sumagot si Henry. Lumapit ito at marahang inilapag ang clipboard sa gilid ng mesa.Hinilot ni Cayden ang sentido niya.“Pinaniwalaan ko ang mali. Tinalikuran ko si Mayumi. Sinaktan ko ‘yung taong totoo kong mahal. Sinayang ko ang pagkakataong protektahan siya. Bagkus ay sinaktan ko pa.”Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang panginginig ng boses.“Paano ko babawiin ‘yon, Henry? Paano ako makakabalik sa buhay ni Mayumi?”Tahimik lamang si Henry. Pagkatapos ng ilang sandali, marahan siyang nagsalita.“Sir, hindi ko po alam ang lahat ng detalye. Pero kung talagang mahal po ninyo si Mayumi, gagawin ninyo ang lahat para ip
Tahimik si Cayden habang nasa loob ng kanyang opisina matapos ang ilang araw na hindi pagpasok, hawak ang isang tasa ng kape na baka makatulong sa hangover niya. Ngunit hindi niya iniinom kaya lumamig na. Halos hindi siya nakatulog mula nang malaman niyang buntis si Mayumi. Gulo pa rin ang isip niya, mga tanong, hinanakit, at ang bigat ng pagkakabigo.Biglang tumunog ang kanyang telepono. Unknown number.Nagdalawang-isip siyang sagutin, pero pinindot din niya ang accept.“Hello, good morning po. Sir Cayden Villamor?”“Speaking.”“This is Carla from customer service sa Central Mall. A wallet was found at the lost and found section. May calling card po kayo sa loob kaya po namin kayo natawagan.”Napatayo siya. “Wallet? As in… Hermes black leather wallet?”“Yes po, sir. Naiturn over po ito matagal na. Kung gusto n’yong kunin, anytime po kayo makakadaan.”“Thank you. Pupuntahan ko ngayon sa assistant ko.”Ilang oras ang lumipas ng papuntahin niya si Henry. Hindi na niya inasahang makikita
Kumabog ang dibdib ni Mayumi sa isiping magpapang-abot ang dalawa. Nagtutulakan na ang mga ito.Ngunit ilang saglit lang bago pa siya makaawat, unti-unting lumabo ang paningin niya. Uminit ang kanyang katawan, sumikip ang dibdib, at hindi na siya makapagsalita, napahawak siya sa ulo at buti na lang ay nasalo siya ni Justin bago bumagsak sa sahig.Humingi sila ng tulong upang maisugod sa ospital si Mayumi. Dumating ang service vehicle. Dali-daling isinakay ang dalaga. Sa loob ng sasakyan, parehong sumama sina Cayden at Justin.Habang inaasikaso ng mga nurse si Mayumi, naglalakad-lakad si Cayden sa labas ng ER, nakasalubong ang galit na si Justin na galing sa admission.“Bakit sinusundan mo pa din si Mayumi? Ikakasal ka na pero ginugulo mo pa siya! Tignan mo ang nangyari!”“Negosyo ang habol ko at hindi babae!”“Kung ganoon, umalis ka na. Ako na ang bahala kay Mayumi! Hindi ka niya kailangan. Kapag may nangyaring masama sa kanya, mananagot ka sa akin!”Biglang bumukas ang pinto ng emerge
Napansin marahil ni Don William ang pag-aalangan sa mukha ni Mayumi.“Alam kong hindi madali. Pero hindi ko ito iniaalok dahil anak kita. Iniaalok ko ito sa’yo dahil nakita kong may kakayahan kang mamuno, tumayo sa harap ng kahit sino, at ipaglaban ang prinsipyo mo. Napakagandang training din na makatrabaho mo ang kagaya ni Mr. Villamor.”Saglit na katahimikan. Ramdam ang kabigatan sa loob niya. Takot at alinlangan, ngunit may halong sigla ng hamon. Para sa ama ay tatanggapin niya ang proyekto.“Sige po. Tatanggapin ko,” aniyang marahang tumango.Ilang araw ang lumipas. Dumating si Cayden sa Aragon Tower. Tahimik siyang nagbabasa ng report.“Effective today, ako na ang bagong Project Director ng Alta Verde. Magkakasama tayo sa trabaho. Pero kagaya ng sabi mo trabaho lang at walang personalan. Professional ka naman at ganoon din naman ako kaya wala akong nakikitang problema,” bungad niya.“Of course, Ms. Aragon. Business lang at walang personalan.”***Unang joint site visit nina Mayumi
Lahat ng tao sa conference room ay napatingin kay Mayumi. Natigilan siya. Anong alam niya sa ganito? Nakinig siya kaso hindi siya handang mag-comment agad. Napatingin siya kay Don William na nakangiti sa kanya. Kinuha niya ang kopya ng proposal na Villamor Realty Corporation.“Yes, it’s i- it’s promising pero may ilang bagay akong hindi nagustuhan. Hayaan ninyo munang pag-aralan kong mabuti ang proposal bago ako magsalita sa inyong lahat,” aniyang muntik ng matumba sa kinakatayuan. Bihasa si Cayden sa ganitong bagay. Wala siyang laban. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito.“Alright, Ms. Aragon. I would like to hear from you tomorrow. We really need to review all the proposals thoroughly,” anang Chairman.Nakahinga siya ng maluwag. Kailangan niyang araling mabuti ang proposal. At hanapan ng butas. Napapadyak siya paglabas ng conference room. Mukhang perfect ang proposal. Naalala niya ang proyektong ito noong nagtatrabaho pa siya sa Villamor Realty Corporation. Hindi lang niya inasahan
Ang babaeng inakala ni Cayden na gold digger ay siya palang tunay na anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.“Paano nangyari ito? Kailangang malaman ‘to ni Mama. Nakakagulat naman,” palatak ni Naomi at bakas ang inggit sa mata.Si Cayden, tahimik na nakatingin kay Mayumi.“Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinagagalak kong makasama kayo sa kaarawan ng aking ama. Ang hiling ko lamang ay mahabang buhay at mabuting kalusugan para sa aking Daddy William.”Palakpakan ang mga bisita at pinapalibutan na siya ng mga kaanak, kaibigan, at mamamahayag. Pinilit niyang makibagay sa mga taong naroon.Katatapos lamang ng selebrasyon, palabas na ang mga bisita. Napansin niya si Cayden na nakatayo sa gilid, hindi pa ito umaalis.Nakita nitong lumabas siya sa may side door, papunta sa veranda. Tahimik siyang naglalakad, kailangan niya ng hangin at hindi siya sanay sa mga ganitong pagtitipon.Agad na sumunod si Cayden. Ngunit bago pa ito makalapit, dalawang bodyguard na naka-itim ang humarang sa