Share

Kabanata 159 The Shipment

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-19 16:52:25

“Mayumi, kailangan nating mag-usap. Hindi mo alam ang pinapasok mo. Masama ang hangarin sa’yo ni Don Manuel.”

Gustong gusto niyang umalis at sumama kay Cayden ngunit hindi ito ang tamang panahon.

“Tumigil ka na, Cayden. Paulit-ulit tayong bumabalik sa topic na ito. Nakakapagod ka na,” aniyang mahina ang boses.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi ang totoo. Sabihin mo kung bakit mas gustong mong sumama sa matanda kaysa sa akin. Kaya din kitang bigyan ng magandang buhay.”

Humarap siya sa binata. Matigas ang kanyang mukha at malamig ang boses.

“Dahil wala akong nararamdaman para sa’yo. Dahil pangarap ko ang lahat ng meron ako ngayon, ang buhay sa mansyon, ang atensyon ni Don Manuel, at higit sa lahat ang pera. Hindi ko na magiging problema ang pera kahit kailan.”

“Hindi ko akalain na ganyang klase kang babae,” ani Cayden na hindi makapaniwala.

Diretso ang tingin niya, nanginginig ang boses ngunit hindi ipinapakita.

“Oo. Mas pinili ko ang maginhawang buhay. Naging wais lang ako.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May new episode pa po mamaya. Thanks a lot po!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 280 Winning Her Back

    Nabuo ang desisyon ni Gab. "Para kay Nathaniel, papayag ako. Pero may mga kondisyon ako na ilalagay natin sa kasulatan para malinaw.”Napatingin si Justin, parang nabuhayan ng loob at kumislap ang mga mata."Anumang kondisyon, Gab. Gagawin ko, basta makasama ko lang si Nathaniel.”"Una, walang biglaang pagpunta sa bahay o eskwelahan niya. Gusto kong maramdaman niyang ligtas siya at hindi nagugulat sa biglaang pagsulpot mo. Ako ang magtatakda kung kailan at saan kayo pwedeng magkita.”"Oo, sige. Walang problema,” anitong tumango agad."Pangalawa, kung may plano kang dalhin siya sa kahit saan, ipagpaalam mo sa akin nang maaga. Hindi puwedeng basta mo lang siya isasama lalo ng walang permiso ko.”"Gab, pangako, magpapaalam ako sa’yo palagi,” anitong itinaas pa ang isang kamay."At panghuli... huwag mo akong kakausapin ng hindi tungkol kay Nathaniel. Ayokong kukulitin mo ako tungkol sa ibang bagay.”Natigilan si Justin. Hindi agad nakasagot."Gab, aaminin ko, umaasa akong ---"“Sshhhhh! Pu

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 279 A Second Chance

    Matindi ang tibok ng puso ni Justin habang nakaabang sa labas ng AM Corporation, tangan ang isang malaking bouquet ng red roses kahit hindi siya sigurado kung tatanggapin ito ni Gab. Lalo na pagkatapos ng pagsuntok niya kay Kian at masakit na salitang binitawan niya, pero determinado siyang humingi ng tawad.Dumating si Gab, suot nito ang corporate attire, maayos ang buhok, ngunit halatang pagod. Napahinto ang dalaga nang makita siya na nakatayo malapit sa sasakyan nito. Nalukot ang mukha nito pagkakita sa kanya.“Wala akong oras para sa drama mo, Justin. Pagod ako kaya please lang, umalis ka na.”“Gab, please. Kausapin mo ako. Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko.”“Alin sa mga ginawa mo noon at ngayon ang inihihingi mo ng tawad?”Lumapit siya at iniabot ang bulaklak.“Alam kong nasaktan kita. Hindi ko dapat sinuntok si Kian. Hindi ko rin dapat pinagdudahan ka. Galit lang ako… sa sarili ko.”Napatingin ito sa bulaklak, pero hindi tinanggap.“Tapos na tayo, Justin. Mag-move on

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 278 Wrong Accusation

    “Hello, Nathaniel!” masiglang bungad ni Justin.“Daddy, nasa loob ako ng CR. Hiram ko cellphone ni Yaya.”“Anak, gagawin ko ang lahat para makita at makasama ka.”“Daddy, sasabihin ko po house namin. Pero secret lang po natin.”“Promise. Secret lang natin,” aniyang nabuhayan ng loob.“Sa likod po restaurant na kinainan namin, may bahay na nakapakataas bakod. Doon po kami nakatira. Aabangan po kita mamaya 8PM.”“Talaga, anak? Sige pupuntahan kita.”“Opo, gusto ko din po kayo makita, pero sa likod po kayo dadaan may small door, ako po mag-open.”“Okay, anak. Salamat sa tiwala. I love you, Nathaniel,” aniyang natuwa ng alam na kung saan nakatira ang mag-ina.“I love you too, Daddy. See you soon! Huwag mo po awayin si mommy ko.”“Oo anak,” aniyang natawa sa bilin ng anak.Nag-end ang tawag. Napasandal siya sa upuan, hawak ang cellphone. Mixed emotions, galit kay Gab at pananabik sa anak.Wala siyang inaksayang oras. Agad niyang pinuntahan ang bahay nila Gab. Nasa loob siya ng kotse bago pa

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 277 Legal Action

    Matapos ang isang tahimik at awkward na hapunan na pinilit ni Justin, papalabas na sina Gab at Nathaniel mula sa lobby. Hawak nito sa kamay ang anak na tila antok na.Humahabol siya sa hakbang, may bitbit siyang paper bag na may lamang takeout.“Gab, ihahatid ko na kayo. Late na rin. Delikado sa labas,” aniyang ang pakay ay malaman kung saan nakatira ang mag-ina.“Justin, makakauwi kami. Ayan lang ang bahay—” agad itong napatigil.“Huwag mo kaming sundan. Please lang, leave us alone.”“Gab, wala akong ibang balak kundi siguraduhin lang na safe kayong makauwi.”“No need. We’re safe,” anitong ibinaba ang tingin, saka muling hinawakan si Nathaniel sa kamay at inakay papasok sa kotse.“Bye, Daddy…” anang paslit.“Bye, anak. See you again!” aniyang pinasigla ang boses.Hinatid niya ng tanaw ang kotseng paalis. Pagliko sa kanto ay agad siyang pumasok sa sasakyan upang sumunod.Tahimik na sinusundan niya ang sinasakyan nina Gab. Makalipas ang ilang kanto, napansin niyang na dumaan ang kotse s

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 276 Courting His Ex-Wife

    Malamlam ang ilaw sa kwarto ni Justin, nakahiga siya sa kama, hawak pa rin ang cellphone. Hindi mapakali at magulo ang isip. Hindi niya mahanap ang peysbuk ni Gab. Hindi niya makita. Mukhang na-block na siya. Napabuntunghininga siya. Kailangan niyang makaisip ng paraan para mapalambot ang puso nito.Nang biglang tumunog ang cellphone niya, unknown number. Napakunot ang noo niya. Hindi niya inaasahang ang tawag mula kay Nathaniel.“Hello, daddy!” masiglang bungad nito.“Hello, Nathaniel! Buti nakatawag ka,” aniyang nabuhayan ng loob ng madinig ang boses ng anak.“Nanghiram po ako ng cellphone kay Yaya kasi kinuha ni Mommy ang tablet ko. Parang galit po siya sa’yo.”Napalunok siya at hindi agad makasagot.“Anak, may hindi lang kami pagkakaintindihan ng Mommy mo. Pero ayusin ni Daddy ‘yan.”“Bakit po kayo away? Dahil po sa akin?”Napakagat-labi siya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman.“Hindi anak. Wala kang kinalaman sa hindi namin pagkakaunawaan ng mommy mo.”“Daddy, makipagbati k

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 275 Make Her Fall Again

    Nakaupo si Justin sa isang leather couch ng bahay niya habang may hawak na folder na may lamang paternity legal options. Tahimik ang paligid. Dumating si Lance mula sa kusina, dala ang dalawang bote ng beer. Umupo ito sa tapat niya.“Bakit kailangang umabot sa korte ang issue ninyo?” ani Lance habang iniaabot ang isang bote sa kanya.“Hindi na ito basta legal issue, Lance. Anak ko si Nathaniel. Ilang taon siyang lumaki na wala ako. Ngayon na may pagkakataon ako, hindi ko hahayaang mawala uli siya.”“Legal options? Paternity case? DNA test?”Tumango-tango siya habang tumitikim ng beer.“Bro, hindi ba parang masyado kang nagmamadali? Pag-isipan mo munang mabuti. Tandaan mo hindi na ang dating Gab ang kalaban mo. Maimpluwensya na din siya,” ani Lance.“Anong gusto mong gawin ko? Umupo lang at maghintay? Hindi niya ako bibigyan ng karapatan sa bata kahit gustuhin ko man. Ipinagtabuyan na nga ako,” himutok niya.“May karapatan ka bilang ama. Pero huwag mong simulan ang laban sa korte. Hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status