Sa mga hindi pa po nakakabasa ng The Ex-Convict Billionaire, please read, completed na po ang aklat. Maraming salamat po!
Nasa rooftop garden ng AM Corporation si Gab na madalas niyang puntahan kapag gusto niyang mapag-isa. Malapit nang lumubog ang araw. Maraming gumugulo sa kanyang isipan.Dumating si Justin."Gab,” anang tinig mula sa likuran.Napalingon siya sa pamilyar na boses. Nagulat siya. Mabilis na ibinulsa ang cellphone at umasim ang mukha."Justin? Anong ginagawa mo rito? Usapan natin na hindi mo ako kakausapin kundi rin lang tungkol kay Nathaniel. Sumunod ka sa usapan natin.”Hindi siya sinagot ng lalaki kaagad. Sa halip, tumingin ito ng diretso sa mga mata niya, may lungkot at pagkalito siyang nabanaag."Gab, ikaw ba si Athena?”Napasinghap siya. Mabilis siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi niya naintindihan ang tanong."Ano? Anong sinasabi mo?” aniyang tinarayan ang boses."Huwag mo na akong lokohin, Gab. Narinig ko ang boses mo ng kausap mo si Lance. Ikaw si Athena, ang taong matagal ko nang gustong makilala at pasalamatan. Ikaw ang babaeng nagligtas sa buhay ko noon.”"Hindi ko a
Palubog na ang araw. Tahimik ang paligid ng mansyon. Halos magkasabay na huminto ang dalawang mamahaling sasakyan sa harapan ng gate.Una ang itim na luxury car ni Justin. Sumunod ang matte blue sports car ni Ryder.Nagkatinginan ang dalawa sa mismong driveway. Parehong may dalang regalo. Si Justin ay may bouquet ng imported roses at designer toy set para kay Nathaniel. Si Ryder naman ay may dalang custom-made cookies para kay Nathaniel at isang eleganteng silk scarf na naka-box para kay Gab.“Uy, mukhang sabay tayong may special delivery ah,” nakangisi si Ryder.Tumango lamang siya at pinigil ang pag-init ng ulo. “Gusto ko lang bisitahin ang mag-ina ko,” aniyang idiniin ang huling salita.“Mag-inang pinabayaan mo?” maanghang na sabi nito. Tinignan niya ito ng masama.“Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! Hindi ko alam na may anak kami ni Gab. Hindi ko sila pinabayaan.”“Sinabi niya pero hindi mo pinaniwalaan. Anong tawag mo doon?”“Gago ka pa din! Bihis at porma mo lang ang nabago! Hindi
Desidido na si Justin na manliligaw kay Gab. Dapat ng kalimutan ang masalimuot nilang nakaraan. Magsisimula silang muli. Pagdating ni Gab sa opisina ng AM Corporation, sinalubong siya ng receptionist na nagpipigil ng ngiti.“Ma’am Gab, may delivery po para sa inyo.”Napakunot-noo siya at napatingin sa malaking bouquet ng flowers. Pagbukas ng card sa bulaklak ay nakita niya ang munting mensahe na galing ito kay Justin.Napailing siya. Nagulat ang receptionist ng deretso sa basurahan ang mga bulaklak.Kinabukasan, pag-akyat niya sa rooftop ng opisina para magpahangin na ginagawa niya araw-araw bago magtanghalian, nagulat siya sa picnic setup, may mesa, bulaklak, at paborito niyang ulam mula sa isang sikat na restuarant. Walang ibang tao. Nasa gitna ng mesa ang card. Galing na naman kay Justin.Dumating ang binata may dalang cake. “Lunch is ready.”Nakataas ang kilay niya.“Justin, Chairman ka ng malaking kumpanya. For sure busy ka, hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na ito. Nagsa
Nabuo ang desisyon ni Gab. "Para kay Nathaniel, papayag ako. Pero may mga kondisyon ako na ilalagay natin sa kasulatan para malinaw.”Napatingin si Justin, parang nabuhayan ng loob at kumislap ang mga mata."Anumang kondisyon, Gab. Gagawin ko, basta makasama ko lang si Nathaniel.”"Una, walang biglaang pagpunta sa bahay o eskwelahan niya. Gusto kong maramdaman niyang ligtas siya at hindi nagugulat sa biglaang pagsulpot mo. Ako ang magtatakda kung kailan at saan kayo pwedeng magkita.”"Oo, sige. Walang problema,” anitong tumango agad."Pangalawa, kung may plano kang dalhin siya sa kahit saan, ipagpaalam mo sa akin nang maaga. Hindi puwedeng basta mo lang siya isasama lalo ng walang permiso ko.”"Gab, pangako, magpapaalam ako sa’yo palagi,” anitong itinaas pa ang isang kamay."At panghuli... huwag mo akong kakausapin ng hindi tungkol kay Nathaniel. Ayokong kukulitin mo ako tungkol sa ibang bagay.”Natigilan si Justin. Hindi agad nakasagot."Gab, aaminin ko, umaasa akong ---"“Sshhhhh! Pu
Matindi ang tibok ng puso ni Justin habang nakaabang sa labas ng AM Corporation, tangan ang isang malaking bouquet ng red roses kahit hindi siya sigurado kung tatanggapin ito ni Gab. Lalo na pagkatapos ng pagsuntok niya kay Kian at masakit na salitang binitawan niya, pero determinado siyang humingi ng tawad.Dumating si Gab, suot nito ang corporate attire, maayos ang buhok, ngunit halatang pagod. Napahinto ang dalaga nang makita siya na nakatayo malapit sa sasakyan nito. Nalukot ang mukha nito pagkakita sa kanya.“Wala akong oras para sa drama mo, Justin. Pagod ako kaya please lang, umalis ka na.”“Gab, please. Kausapin mo ako. Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko.”“Alin sa mga ginawa mo noon at ngayon ang inihihingi mo ng tawad?”Lumapit siya at iniabot ang bulaklak.“Alam kong nasaktan kita. Hindi ko dapat sinuntok si Kian. Hindi ko rin dapat pinagdudahan ka. Galit lang ako… sa sarili ko.”Napatingin ito sa bulaklak, pero hindi tinanggap.“Tapos na tayo, Justin. Mag-move on
“Hello, Nathaniel!” masiglang bungad ni Justin.“Daddy, nasa loob ako ng CR. Hiram ko cellphone ni Yaya.”“Anak, gagawin ko ang lahat para makita at makasama ka.”“Daddy, sasabihin ko po house namin. Pero secret lang po natin.”“Promise. Secret lang natin,” aniyang nabuhayan ng loob.“Sa likod po restaurant na kinainan namin, may bahay na nakapakataas bakod. Doon po kami nakatira. Aabangan po kita mamaya 8PM.”“Talaga, anak? Sige pupuntahan kita.”“Opo, gusto ko din po kayo makita, pero sa likod po kayo dadaan may small door, ako po mag-open.”“Okay, anak. Salamat sa tiwala. I love you, Nathaniel,” aniyang natuwa ng alam na kung saan nakatira ang mag-ina.“I love you too, Daddy. See you soon! Huwag mo po awayin si mommy ko.”“Oo anak,” aniyang natawa sa bilin ng anak.Nag-end ang tawag. Napasandal siya sa upuan, hawak ang cellphone. Mixed emotions, galit kay Gab at pananabik sa anak.Wala siyang inaksayang oras. Agad niyang pinuntahan ang bahay nila Gab. Nasa loob siya ng kotse bago pa