Share

Kabanata 160 Escape for A While

last update Last Updated: 2025-05-19 19:09:15
“Hindi ninyo ba kami kilala? Shipment ito ni Don Manuel,” mayabang na sabi ni Patrick. Lima ang mga lalaki. Apat ang grupo ng tauhan ni Don Manuel. Mukhang lalaban ang mga ito.

Hinablot si Mayumi palabas ng truck. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit mabilis tinali ang kanyang mga kamay at piniringan siya. Nangilabot siya. Baka magkaroon ng engkwentro. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.

“Huwag kayong kikilos ng masama kung gusto ninyo pang mabuhay!” anang lider. Sumenyas ito at may dumating pang sampung kasama ang humarang sa kanila. Walang nagawa ang grupo nila Patrick.

Sa likod, kinukuha nang mga lalaki ang mga crate papunta sa isang closed van.

“Isakay lahat ‘yan. At etong babae, dalhin. Maaari siyang testigo.”

Naghintakutan siya sa maaaring sapitin. Sapilitan siyang isinakay sa isang van.

Nakaupo siya sa loob ng sasakyan. Nakapiring at nakatali ang mga kamay.

“Huwag kang matakot, Mayumi,” anang tinig at inalis ang takip niya sa mata at ang tali sa kanyang kamay.

Tumambad sa harapan ni
Maria Bonifacia

Dear readers, sa hindi pa nakakapagbasa ng Love for Rent (1.1 Million Views), please read po. A million thanks sa walang sawang suporta. Godbless po!

| 18
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you so much po.
goodnovel comment avatar
Mara Rodriguez
Next na po agad ... Istorbo tumatawag hehe
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thank you so much po.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 274 Sorry Is Not Enough

    Tahimik na nagkakape si Gab sa opisina, pinipilit aliwin ang sarili kahit mabigat ang dibdib. Hindi siya mapakali. Masama ang kutob niya na hindi niya mawari. Hawak niya ang cellphone, pero iniiwasan niyang buksan ang social media accounts. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Pamela, hawak-hawak ang tablet."Ma’am Gab! Kailangan mo po itong makita,” anitong kita ang pag-aalala sa mukha."Anong nangyari?" aniyang napatayo mula sa kinauupuan.Ipinakita ni Pamela ang tablet, naka-open sa isang viral peybuk video ng isang batang pumagitna sa kasal at ipinahayag na anak siya ng groom! May libo-libong views na ito. Pinindot ni Gab ang video at nakita ang mismong eksena, si Nathaniel, lumuluhang pumagitna sa seremonyas.Nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang kamay. At hindi niya napigilang mapamura."Si... si Nathaniel... anong ginagawa niya sa kasal ni Justin?!”Humiwalay ang tingin niya sa video at napalunok. Namamanhid ang kanyang dibdib,

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 273 Saving the Day

    Tahimik at solemn ang paligid. Nasa harap ng altar sina Justin at Camille, habang hawak ng pari ang Bibliya at binibigkas ang mga panalangin ng kasal. Nagsisimula na ang mahalagang bahagi ng seremonya, ang pagbigkas ng mga panata.“Justin Aragon, tinatanggap mo ba si Camille Reyes bilang iyong asawa...”Nakatingin sa altar si Nathaniel at biglang tumakbo papasok sa gitna ng simbahan!Bago pa man siya makasagot, isang malakas na sigaw ang gumambala sa katahimikan.“Nathaniel! Huwag!” aniyang muntik himatayin sa ginawa ng pamangkin.Pero huli na. Sumisigaw na ang bata habang tumatakbo sa gitna ng aisle.“Daddy Justin! Daddy!”Nagulat ang lahat ng bisita. Napahinto ang pari. Lumingon si Justin at doon niya nakita si Nathaniel na patakbong papalapit. Tumigil siya sa gitna ng aisle, humihingal ngunit determinadong makarating sa altar.“Daddy! Huwag ka magpakasal! Hindi siya mommy ko,” anang batang nakakapit sa kanyang hita at umiiyak na.Umugong ang bulungan. Nanlilisik ang mata ni Camille

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 272 The Wedding Day

    "Ngayon po?”"Oo. Ang daming post ng fiancée niya sa social media. Bonggang kasalan daw sa simbahan. Baka nga nandoon na siya ngayon.”"Pero, hindi ko pa siya nakakausap. Hindi pa niya alam daddy ko siya.”"Ay nako, Nathaniel. Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin. Dapat mong matutunan ‘yan habang bata ka. Tanggapin mo na lang.”"Tara, Tita Gianna, puntahan natin si daddy, please.”"Anong gusto mong gawin, sumugod tayo sa kasal?! At ano? Sabihin mong anak ka niya?!”“Gusto ko makita si daddy,” pamimilit ni Nathaniel.Natigilan siya sa determinasyon ng pamangkin sa murang edad nito."Hindi mo naiintindihan ang pinapasok mo, Nathaniel. Pero kung talagang gusto mo pa rin, sige. Pupuntahan natin. Pero titignan mo lang, ha? Hindi ka mangugulo doon,” kabadong sabi niya para sa limang milyon."Opo, Tita Gianna.”Sinundo niya si Nathaniel at ginawa ulit ang ginawa niya dati upang maitakas ang pamangkin. Parang kulang ang limang milyon kapag nabuko siya ni Gab. Ti

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 271 Letting Go and Moving On

    "Salamat sa tiwala, Kian. Pero kung may dapat makaalam niyan, si Justin ‘yon. Hindi ako. Ayokong maging dahilan ng gulo sa buhay ni Justin. Ayokong makialam,” aniyang buo na ang desisyon.Tumango ang binata tanda ng pang-unawa, bagama’t may lungkot sa mukha."Naiintindihan ko. Siguro kaya ko lang sinabi ‘to, kasi hindi ako mapakali. Pero tama ka. Ayoko na siyang habulin sa mga desisyon niya. Matanda na si Justin. Kung pipikit siya sa mga katotohanan, problema na niya ‘yon.”"Kumain na tayo. Baka kung saan pa tayo dalhin ng usapang ‘to,” aniyang nagsimulang sumubo ng pasta.Nagpakawala muli ng malalim na buntong-hininga si Kian, tila may isa pa itong gustong sabihin."Actually, may isa pa akong dahilan kung bakit kita niyaya ngayon,” anang binatang nakangiti."Naku, Kian. Parang ang dami mong kwento.”Napakamot ito sa batok."Oo nga eh. Eto medyo mas personal ang sasabihin ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako,”"Sige na. Sabihin mo na. Huwag ka ng mahiya.”"May ipapakasal sa akin ang mga

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 270 Ending Their Story

    Natapos na ang mahaba at tense na meeting tungkol sa subway project. Isa-isang lumabas ang mga opisyal. Naiwan si Gab sa boardroom upang ayusin ang kanyang laptop at mga dokumento. Habang palabas siya, ay naabutan niya si Justin na nakatayo sa gilid ng lounge area, tila may hinihintay."Gab,” tawag nito.Napalingon siya. Saglit siyang natigilan."Bakit? May gusto ka pa bang linawin tungkol sa project?”"Gusto kitang kausapin… kahit sandali lang.”Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang pumasok sa lounge at isinara ang pinto. Nahulog sa katahimikan ang buong paligid."Congrats, Gab. You handled the meeting well. Magaling ang mga suggestions and insights mo.”"Thanks. You, too. Maganda ang subway project mo. Madaming mamamayan ang makikinabang.”"Hmmm. Malapit na akong ikasal.”Hindi agad siya nakakibo. Tumingin siya sa sahig. Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit mas masakit kapag sa bibig nito galing mismo? Ngumiti at tumango.“Nadinig ko nga, binati ka nila kanina,” aniyang hindi

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 269 Not Meant To Be

    Sinundo ni Gianna si Nathaniel sa mansyon. Kabado siya sa gagawin. Ipinagpaalam niya si Nathaniel na pupunta sa mall na katabi ng Aragon Towers. Dinala niya ito sa palaruan at sinabihan ang security na hintayin sila sa labas ng playground. May tracker ang bata kaya dinala ni Gianna ang anak ng kaibigan at inilagay ang tracker dito upang hindi malaman na umalis sila. Abot abot ang dasal niya. Sa ngalan ng milyones, tutulungan niya ang pamangkin.Matao at abala ang buong gusali, may mga empleyado na nagmamadaling pumasok at lumalabas, habang sa isang sulok, naroon si Nathaniel, suot ang polo shirt na may cartoon print, at siya na kabado habang hawak ang cellphone. Naka-shades siya at halos itabing ang buhok sa mukha.“Ay, pamangkin, napakahirap netong pinapagawa mo sa akin. Sandali lang tayo dito ah? Tapos, hindi ako pwedeng makita ng daddy mo.”“Salamat po Tita Gianna. Gusto ko lang po siyang makita at magpapakilala po ako tapos uwi na po tayo.”“Basta pag lumabas siya, ikaw na bahala.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status