Tumawag si Cayden sa agency habang naglalakad papunta sa kotse.“This is Cayden Vasquez. Sino ang driver na pinadala n’yo para kay Mayumi Aragon?”“Sir, si Arnold Sarmiento po. Kakapasok lang, pero kompleto po ang background check --”“Siguraduhin mong totoo ang background niya. Dahil kung hindi, babalikan ko kayo. At kapag may nangyari kay Mayumi, papasabugin ko ang buong agency ninyo!” aniyang gigil.Pinatay niya ang tawag at sumakay sa sasakyan. Tinawagan niya si Henry.“Henry, nasaan si Mayumi? Gumana ba ang tracking device sa kotseng sinasakyan niya? Send the details!”“Kasalukuyan na pong hinahanap. Ipapadala ko po agad ang details kapag meron na.”Mabilis ang takbo ng sasakyan kahit wala siyang patutunguhan. Pinakonekta niya agad sa GPS system ng sasakyang sinasakyan ni Mayumi na may tracker.Umuusal siya ng dasal na sana ay mali ang hinala niya.***Maaga pa lamang ay magkikita na sila Mayumi at Kristel. Na-miss na din niya ang kaibigan. Nagpaalam siya kay Cayden. Buti na lang
Sabay taas ni Henry ng maliit na kahon ng tsokolate na tila bagong lagay sa eleganteng gift box. Hinihingal pa ito. Bakas na bakas sa mukha ni Cayden ang inis sa naudlot na halik.Matagal na niyang ninanais mahalikan ulit si Mayumi at naudlot dahil sa assistant. Tinignan niya ito ng masama. Itinulak siya ni Mayumi upang maglayo sila.“Henry, sakto ang dating mo, perfect timing!” aniyang halos hindi bumuka ang labi.“Miss Mayumi, this is a special chocolate, mula sa puso ng CEO ng Villamor Realty Corporation.”“Effort ah. Salamat at pati ikaw inaabala ni Cayden.”Nagkatinginan silang muli ni Mayumi, parehong natawa at may kilig.“Henry, makakaalis ka na. Naibigay mo na ang chocolate. Goodnight!” taboy niya sa assistant.“Sir, hindi mo man lang ba ako iimbitahing kumain? Gusto ko din ng bilo bilo,” anitong naupo pa sa table. Walang pakiramdam ang peste.Inambaan niya ng kamao si Henry. “Heto? Gusto mo? Aalis ka na o lulumpuhin kita?”Binalikan niya si Mayumi pag-alis ni Henry.“Umalis n
Malapit ng mag-uwian, hindi mapakali si Cayden sa loob ng opisina. Hawak niya ang phone ngunit hindi makapag-type ng message para kay Mayumi. Ilang beses niyang binura isinusulat na mensahe.Pumasok si Henry, dala ang tablet at ilang papeles, pero agad na napangiti nang mapansing nag-aalangan ang boss.“Sir, mukhang hindi business ang iniisip ninyo ngayon ah. Si Miss Mayumi ba ‘yan?”“Gusto ko sanang gawing espesyal ang gabi. Pero ayokong magmukhang pilit. Gusto ko ‘yung something simple, pero ramdam niya kung gaano siya kahalaga sa akin.”Nakangising umupo sa tapat niya si Henry.“Ah, gusto ninyong maging romantic. Iyan ang forte ko!”Tumaas ang kilay niya.“Forte mo talaga, ha?”“Wala ka bang bilib sa akin, sir? Una, maghanda kayo ng dinner, kahit simpleng lutong bahay lang. Ikalawa, ilawan n’yo ng fairy lights ang garden o terrace. Candles. Music, kahit playlist lang na may jazz o old love songs. Perfect na ‘yun pampaganda ng mood sa bembangan!”Tinignan niya ito ng matalim.“Heh!
Niyaya ni Cayden na umuwi si Mayumi. Nagtungo sila sa parking area ng mall. Nakamasid siya sa lalaking ilang beses niyang napansing sumusunod sa kanila sa loob ng mall. Ngunit sa halip na habulin ito, mas pinili niyang manatiling kalmado. Ang kasamang si Mayumi ang mas mahalaga ngayon. Nakahanda siya sa sandaling may sumugod.“Okay ka lang ba? Medyo napagod ka yata. Gusto mo kargahin na kita?” aniyang nakangiti sa dalaga.“Hindi naman. Ang korni mo. Akala mo mapapatawad na kita. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mo sa akin,” irap ni Mayumi.Ngumiti lang siya at binuksan ang pinto para sa dalaga. Maingat niyang inalalayan itong sumakay sa kotse, sabay hila ng seatbelt para isarado ito para sa kanya. Inagaw nito ang seatbelt sa kanya.“Sabi ng mga kasambahay, naglilihi ka daw kaya sobrang sungit mo sa akin. Next time, huwag na tayong lumabas, dadalhan na lang kita ng menu ng buong mall.”“Tumigil ka nga, nakakainis ka. Naiirita ako sa'yo.”Pagkasakay niya sa driver's seat, sinulyapa
“Matagal ng may gusto sa kanya ang matanda kaya ginamit ko siya upang makakuha ng impormasyon at ebidensya. Hindi ko alam na kapatid ko pala siya. Malaki ang pagsisisi ko na nailagay ko siya sa panganib.”Napaatras ng bahagya si Cayden. Naguguluhan at nagugulat siya sa nadidinig.“Pinuno ng malaking sindikato ng droga si Don Manuel. Matagal na naming minamanmanan. Dahil kay Mayumi, nahuli siya sa isang transaksyon. Nabalitaan mo naman sa TV ang nangyari.”“Bakit hindi niya sinabi sa akin ‘to? Delikado ang ginawa niya,” aniyang hindi makapaniwala sa tapang ni Mayumi.“Dahil ayaw ka niyang malagay sa panganib. Kung matatandaan mo, pilit ka niyang pinapalayo kaso makulit ka at sumunod sa kanya. At heto na nga ang masamang balita.”Inabot ni Justin ang file sa kanya. “Nakatakas si Don Manuel.”Nanigas ang panga niya ng maamoy ang panganib.“Karamihan sa mga kasabwat ni Don Manuel ay nahuli, pero siya ang pinakamapanganib. Wala kaming ideya kung nasaan siya ngayon. Ikaw ang kinausap ko dah
“Sana po ay magustuhan niya ang ginataang bilo-bilo na gawa ko, special ‘to,” nakangiting sabi Cayden.“Naku, ang swerte ni Ma’am Mayumi, gwapo na, mabait, at sweet pa!” anang isa pang kasambahay.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Hindi lang nila alam ang dinanas niyang hirap sa kamay ng kumag na ‘yan!Tumikhim siya. Seryosong nagluluto, pawisan, nakafocus habang nilalagyan ng gata ang kaserola si Cayden.“Anong ginagawa mo at nakikialam ka sa kusina?”“Ginataang bilo-bilo. Gusto mo daw ito.”“Ayoko ng kahit anong galing sa’yo!”Biglang naglayuan ang mga kasambahay na nasa gilid ni Cayden.“Sir Cayden, ganyan po talaga ang buntis. Mukhang napaglilihian ka ni Ma’am Mayumi,” nadinig niyang bulong ng mayordoma.“Hintayin mong maluto muna bago mo sabihing ayaw mo. Kasing sarap ko ‘tong niluluto ko.”Umikot ang mata niya. “Hay, hindi pa man luto, nasusuka na ako. Siguradong hindi ‘yan masarap,” aniyang lumayo dahil naaamoy niya ang mabangong bilo bilo. Naglalaway siya pero hindi niya aamini