Home / Romance / Never Fall Again to the Heartless Billionaire / Kabanata 195 Keep on Pursuing Her

Share

Kabanata 195 Keep on Pursuing Her

last update Last Updated: 2025-05-30 19:13:27

“Sana po ay magustuhan niya ang ginataang bilo-bilo na gawa ko, special ‘to,” nakangiting sabi Cayden.

“Naku, ang swerte ni Ma’am Mayumi, gwapo na, mabait, at sweet pa!” anang isa pang kasambahay.

Nanlaki ang butas ng ilong niya. Hindi lang nila alam ang dinanas niyang hirap sa kamay ng kumag na ‘yan!

Tumikhim siya. Seryosong nagluluto, pawisan, nakafocus habang nilalagyan ng gata ang kaserola si Cayden.

“Anong ginagawa mo at nakikialam ka sa kusina?”

“Ginataang bilo-bilo. Gusto mo daw ito.”

“Ayoko ng kahit anong galing sa’yo!”

Biglang naglayuan ang mga kasambahay na nasa gilid ni Cayden.

“Sir Cayden, ganyan po talaga ang buntis. Mukhang napaglilihian ka ni Ma’am Mayumi,” nadinig niyang bulong ng mayordoma.

“Hintayin mong maluto muna bago mo sabihing ayaw mo. Kasing sarap ko ‘tong niluluto ko.”

Umikot ang mata niya. “Hay, hindi pa man luto, nasusuka na ako. Siguradong hindi ‘yan masarap,” aniyang lumayo dahil naaamoy niya ang mabangong bilo bilo. Naglalaway siya pero hindi niya aamini
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks a lot po sa suporta.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 268 Finding His Father

    Pumasok si Gab sa kwarto, naglalaro si Nathaniel sa sala. Sinilip niya ang ina at ng matiyak na wala na ay kinuha sa bulsa ang papel na sinulatan ng kanyang Tita Gianna. May nakasulat na pangalan, Justin. Walang apelyido. Napakamot siya sa ulo.“Justin lang?”Bumaling siya sa tablet na palaging naka-online. Binuksan ang browser at nag-type ng pangalang Justin.Lumabas ang mga search results, karamihan ay mga singer, celebrity, o international personalities. Wala ang hinahanap niya. Napasimangot siya.“Eh puro Justin Bieber, Justin Tim-ber-la-ke!” aniyang hindi mabigkas ang pangalan.Kinalabit niya si Gianna, na noon ay nasa sala at kausap ulit ang mommy niya.“Tita Gianna…”Lumingon sa kanya ang tiyahin. Pinandilatan siya ng mata kaya naupo siya sa sofa. Nagpaalam na si Gianna sa mommy niya kaya hinabol niya ito.“Oh, bakit Nathan?”Lumapit siya, bitbit ang papel.“’To po oh. Bakit po wala last name? Siya po ba talaga daddy ko? Baka po kasi maling Justin hinahanap ko sa tablet.”Hinil

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 267 The Genius

    Ilang araw matapos ang pag-apruba ng subway project proposal. Nagkaroon ng unang meeting para sa proyekto. Malaki at moderno ang board room. May glass walls, mahahabang LED screen, at nasa gitna ang isang oval table kung saan nakaupo sa magkabilang dulo sina Justin Aragon at Gabriella Belmonte. Kasama nila ang kani-kanilang mga team, engineers, project managers, legal advisers.“Mag-uumpisa na po ang meeting,” ani Pamela.Nagsimula ang presentation. Tumayo si Justin at lumapit sa harap para ipresenta ang updated proposal, may hawak na tablet at may projected slideshow sa screen.“As you can see, the Aragon-designed subway system connects key urban points across ten business districts. Faster commute time, lower carbon emission, and higher economic return over the next 10 years,” ani Justin.Sumulyap ito sa kanya habang nagsasalita.“So, you're saying kaya ninyong i-complete ang unang linya in less than two years? With the current pace of our city's permit process?” aniya.“I’m saying,

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 266 Officially Over

    Maaliwalas ang araw sa labas, ngunit tila kabaligtaran nito ang damdaming bumabalot sa puso ni Gab. Nakatitig siya sa papel sa kanyang harapan, tila wala sa sarili. Marahang bumukas ang pinto at pumasok si Pamela, hawak ang isang brown envelope.“Ma’am, dumating na po ang annulment papers. Galing sa korte. Effective immediately.”Nakatingin lang siya habang iniaabot ni Pamela ang envelope. Tahimik niyang kinuha iyon. Alam na niya kung ano ang laman, ang opisyal na annulment papers nila ni Justin. Opisyal ng tapos ang kanilang ugnayan.Binuksan niya ang sobre at binasa ang mga dokumento. Sa ibaba ng huling pahina, malinaw ang pirma nilang dalawa. Sa isang pirma natapos ang lahat.Tumayo siya at nilapitan ang bintana ng opisina. Sa labas, makikita ang abalang lungsod, mga taong hindi niya kilala, patuloy ang ikot ng mundo. Pero sa loob niya, may isang bahagi ang tuluyang huminto.Hindi siya malungkot. Hindi rin siya masaya. Isang tahimik na pagtanggap ang bumalot sa kanyang katauhan. Al

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 265 It’s Over

    Nasa loob ng opisina si Justin, nakaayos ang mesa, ngunit tila hindi mapakali habang hawak ang mga dokumento ng annulment. Katabi niya si Joshua na naghihintay ng utos niya.“Sigurado ka na ba, Sir? Once na mapirmahan mo ito… tapos na po ang lahat.”“Kailangang magdesisyon ng tama. Bubuo ako ng pamilya kasama si Camille at ang anak namin.”Tila may nais itanong si Joshua, ngunit pinili nitong manahimik. Pinirmahan na niya ang bawat pahina ng annulment papers. Mabigat ang bawat lagda, pero bakas ang halo halong emosyon sa kanyang mga mata.“Ibigay mo kay Gab ang kalahating bilyon bilang kompensasyon.”“Sir, wala namang hinihingi ang dating asawa ninyo.”“Ito ang huling bagay na ibibigay ko para sa kanya. We’re over.”Binalik niya ang ballpen sa ibabaw ng dokumento. Dumiretso siya sa bar sa sulok ng opisina at nagsalin ng alak sa baso at mabilis na tinungga ang laman.“Sir, totoo po ba ang kumakalat na tsismis na ikakasal na kayo?”Muli siyang uminom ng alak, saka tumango.“Oras na para

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 264 Making a Decision

    “Mag-usap tayo,” ani Justin na hawak ang kamay ni Gab na agad niyang binawi.“Wala tayong dapat pag-usapan unless tungkol sa annulment natin ang sasabihin mo,” aniyang pinagsalikop ang dalawang braso sa dibdib.“Anong ginagawa mo dito? Sa lugar ng mga kagaya nila Donya Mercedez at paano ka naging CEO ng AM Corporation? That company was built by a mysterious man na wala pang nakakakita kahit sino tapos ikaw ang CEO ngayon? That’s impossible!”“May problema ba kung ako na ang CEO?” aniyang tumaas ang kilay.“Ano ginawa mo, Gab? Nakabingwit ka ng matandang mayaman? Ganyan ka ba kagaling mang-akit para sa posisyon? Anong kapalit ng posisyong ‘yan? Katawan mo? Tandaan mong may asawa kang tao.”Napalingon si Gab, unti-unting naniningkit ang mga mata, ngunit pinipigilan ang sariling sumigaw. Malumanay ngunit matalim ang kanyang sagot.“Wala kang karapatang insultuhin ako, Justin. Malinis ang kunsensya ko.”“Talaga? Eh ‘yung matandang kasama mo sa restaurant casino? Kaya pala matapos nating m

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 263 Meeting the New CEO

    Matapos nilang itulak ang kariton palayo sa lugar ng kaguluhan, pansamantalang nagpahinga sina Justin at Don Antonio sa isang maliit na upuang kahoy. Napansin ni Justin ang kalumaan at kabigatan ng kariton.“'Tay, matagal ninyo na po bang ginagamit ‘tong kariton? Ang bigat nito, lalo na kung malayo ang bahay ninyo.”“Matagal na, iho. Limang taon na rin. Pero mas okay na ‘to kaysa wala. Basta may pangtawid gutom.”“Hindi po pwedeng ganito na lang kayo palagi. May edad na kayo. Nasaan po ang mga anak ninyo?”Bumunot si Justin ng makapal na pera mula sa kanyang wallet at iniabot kay Don Antonio. Nagulat ang matanda.“Ano 'to, iho?” kunwaring nangingilid ang luha ng matanda.“Pambili po ninyo ng maayos na bike, mas magaan at ligtas. Kung maaari pa, paayos ninyo na rin ang ibang gamit. Huwag po ninyong tanggihan. Hindi ito limos. Pagkilala ito sa kabutihan ng taong marangal ang hanapbuhay.”Pilit niyang pinipigilan ang ngiti, ngunit bakas sa mata ang tuwa.“Napakabuti mong bata… Hindi ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status