“Ah, ayaw mo niyan at madugo. Madudumihan ang magara mong damit. Heto, last na. Lisensyadong baril ‘yan. Sa ulo mo ako barilin. Dalawa o talong bala para sure,” aniyang kinuha ang baril sa loob ng bag.
“Baliw ka ba?” litong tanong ni Lucian.
“Oo! Putang ina! Matagal na akong baliw! Nagpakamatay ako pero nabuhay pa din! Kaya ngayon, ikaw na ang pumatay sa akin para matapos na ang lahat!” aniyang naghihisterya na.
“Hindi ko magagawa ‘yan! Hindi ako kriminal na kagaya mo!”
“Iutos mo sa iba kung hindi mo kaya!” bulyaw niya. Huminga siya ng malalim. Hindi niya dapat ipakita na nawawalan siya ng kontrol.
“Kung hindi mo ako kayang patayin, pabayaan mo na ako!”
“Kasal pa din tayo! At hindi ko hahayaang maging masaya ka lalo sa piling ng iba! Subukan mo lang dumihan ang pangalan ng mga Monteverde.”
“Kasal? Walang nakakaalam na kasal tayo. Maliban sa pamilya mo, at sa mayor na nagkasal, at sa tattoo artist na inutusan mong isulat ang pangalan mo sa dibdib ko!”
“Huminahon ka at mag-usap tayo ng maayos!”
Huminga siya ng ilang beses. Mariing pumikit at dumilat. May kinuha ulit sa bag.
“Heto ang calling card. Andyan ang address at bagong number ko. Message mo lang ako kapag handa ka ng iligpit ako. Isang text mo lang, darating ako.”
“Napupuno na ako sa drama mo! Umuwi na tayo!”
“Umuwi? Bingi ka ba? Hindi ka nakikinig. Hindi ako sasama sa’yo kahit kailan! Actually, hindi ko din makita ang punto mo para pabalikin pa ako. Okay na, hindi ba? Akala mo patay na ako na gusto mong mangyari. Wala ka ng problema, bakit papabalikin mo pa ako?”
“Hindi ka pa bayad sa kasalanan mo!” anitong hinihila na naman siya papasok ng kotse.
“Dalawang taong utusan at parausan. Limang taong asawang minaltrato mo at ng pamilya mo. Pitong taon! Hindi pa ba sapat?”
“You killed Abby!”
“Hindi ko pinatay si Abby! Inutusan niya akong akitin ka para magkaroon siya ng dahilan na iwan ka dahil may iba na siyang mahal. Nagulat na lang ako na gusto niya akong patayin at ihulog sa rooftop. Kitang kita sa CCTV na siya ang humila sa akin at tumulak. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko! Nadulas ang paa niya. Siya ang naghulog sa sarili niya.”
“Huwag mong dumihan ang pangalan ni Abby! Sinungaling ka!”
Napailing siya. “Bakit ba nagpapaliwanag na naman ako! Bahala ka sa buhay mo. Ngayon, tigilan mo na ako. Gusto ko ng tuluyang makalaya sa’yo!”
“You’re nothing without me! Kaya kong alisin ang anumang meron ka ngayon!”
“Wala akong pakialam sa yaman mo! Gusto ko lang ng peace of mind.”
Basag ang tinig niya ngunit agad niyang pinatatag ang dibdib.
Hiniklas nito ang kanyang blouse na suot. Napigtas ang mga butones at kumalat sa semento. Tumambad ang maputi niyang dibdib at ang tattoo na ipinagawa nito sa araw ng kanilang kasal. Nakita niya ang ngiting demonyo sa mukha ni Lucian ng makita ang pangalan nito sa kanyang dibdib na may kasamang broken heart. Gusto niya ito muling binyagan at gawing Lucifer ang pangalan!
“See? You’re mine! Ni hindi mo nga ipinaalis. Ibig sabihin, gustong gusto mo pa ding maging asawa ko!”
“Bakit ko buburahin? This tattoo reminded me of my greatest pain and suffering.”
And my greatest love. Pero hindi na lumabas sa bibig niya ang huling mga salita.
“Ang dami mong sinasabi, umuwi na tayo!”
Nagpumiglas siya. Biglang may humawak sa braso ni Lucian. Dahilan upang mabitawan siya nito.
“Kuya pengeng barya,” anang matandang pulubi na madalas niyang abutan ng pagkain.
Nakahanap siya ng pagkakataon upang tumakbo. “Magtext ka lang kapag ready ka ng patayin ako!” hiyaw niya.
Hinihingal siya ng makabalik sa loob ng coffee shop.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Cayden.
Tumango siya. “Hindi ko akalain na makikita ko ang siraulo kong asawa dito.”
“Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?”
“Hindi na, I can handle him.”
Bumalik siya sa pagtulong sa coffee. Nagpasalamat siya at hindi na niya natanaw si Lucian. Sana ay huwag na niya itong makita. Nananahimik na ang kanyang buhay kasama ang ama at kapatid.
Paglabas niya ng café at nag-abang ng tricycle upang makauwi na ay may pumaradang magarang sasakyan. Mukhang kilala niya ang may-ari kaya mabilis ang kanyang hakbang. Ibinaba nito ang salamin.
“Sumakay ka na o ihahagis kita sa loob ng kotse?”
“Hindi ako sasakay sa’yo! Baka kung ano pa ang gawin mo sa akin!”
“Isa, dalawa,”
May nakita siyang eskinita at mabilis siyang tumakbo. Tignan lang niya kung makasunod pa ito sa kanya!
Kaso ay nakita siya nito at hinabol. Ngunit hindi siya papatalo sa bilis ng takbo niya! Idagdag pa na kabisado niya ang lugar.
Hinihingal siyang sumandal sa nakasaradong tindahan. Madilim ang bahaging iyon. Teka, mukhang napadpad na siya sa dulo ng daungan. Balitang madaming illegal na gawin dito.
At heto na nga, may tatlong lalaking humarang sa kanya.
“Miss, ang ganda mo naman para mag-isa. Samahan ka namin,” sabi ng isa.
“Boss, makinis at maputi. Jackpot tayo dito!”
“Lumayo kayo sa akin! Sisigaw ako!”
Sabay sabay siyang dinamba ng tatlong lalaki. Napaupo at napayuko na lamang siya.
Ngunit hindi sumayad ang palad ng mga ito sa katawan niya. Pag-angat niya ng paningin ay nakikipagsuntukan na si Lucian. Black belter nga pala ang dating asawa. Mabilis siyang tumakbo upang iligtas ang sarili sa mga rapist at higit sa lahat kay Lucian. Alam niyang kaya nitong patumbahin ang tatlong lalaki.
Agad siyang pumara ng tricycle at walang lingong iniwan ang dating asawa. Umaandar na ang sasakyan at bigla siyang nakunsensya. Baka may patalim o armas ang mga lalaki. Pero may bodyguard tiyak na kasama si Lucian na tutulong dito. Si Lucian Monteverde lang naman ang pinakamayamang negosyante sa bansa.
Nagmamadali siyang pumasok sa bahay upang magpahinga. Nakakapagod ang araw na ito, pisikal lalo ang emosyonal.
Pagbukas niya ng pinto ay muntik siyang matumba. Napahawak siya sa hamba ng pinto. Nakaupo si Lucian sa sala nila.
Nanlilisik ang mga mata nito. May bakas ng dugo ang gilid ng labi nito at gasgas sa kamao.
Hindi gumalaw si Gab at parang walang narinig. Ngunit mahigpit ang yakap ni Justin, at dama niya ang sinseridad sa boses nito. Subalit hindi siya sumagot.Sa halip na mapahiya, ngumiti lamang si Justin. Hinaplos nito ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.“Okay lang. Hindi ko kailangan ng sagot mo ngayon. I’m willing to wait.”Isiniksik niya ang katawan sa dibdib ng binata. Dahan-dahang hinagod ni Justin ang buhok niya. Niyakap siya ng mahigpit.Kinabukasan sa dining area ng mansyon. Maliwanag ang paligid, tila kasabay ng sikat ng araw ang bagong simula sa pagitan nina Gab, Justin, at Nathaniel. Nasa gitna ng lamesa ang masaganang almusal, sinangag, itlog, tapa, pancakes, at prutas na inihanda ni Justin.“Yehey! Kumpleto tayo! Kumpleto tayo!” ani Nathaniel.Nagsasayaw-sayaw pa ito habang papunta sa dining table.Nakangiting napapailing siya habang inaayos ang kutsara at tinidor.“Anak, baka madapa ka niyan.”“Super saya ng anak ko, ah!” ani Justin habang nagsasalin ng gatas sa baso
Nauna si Gab na magbaba ng tingin. Muntik na naman siyang mahipnotismo ni Justin.Nagmamadali siyang humiga sa kama habang pinagmamasdan si Justin na umupo sa sofa at itinutuwid ang katawan at pilit pinagkakasya sa sofa.Nakahiga na silang parehas. Tahimik ang gabi. Si Nathaniel ay nasa gitnang bahagi ng kama, mahimbing ang tulog habang si Justin ay nakahiga sa maliit na sofa sa tabi ng bintana, naka-cross legs at pilit na inaabot ang kumot.“Bakit ang liit ng sofa sa kwarto mo?” reklamo nito.Wala siyang imik, nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone at pinipilit huwag tumawa.“Alam mo, kung tutuusin mas safe kung tabi-tabi tayong tatlo. Para kung may mangyaring hindi maganda, isang iglap lang, masusunggaban ko agad kayo,” ani Justin na nagparinig habang nag-iinat.“Nice try, Justin.”“Hindi, totoo. Tactical positioning ang tawag dyan.”“Kaya mong matulog diyan. Ikaw ang nagpumilit magbantay sa amin.”Biglang may kalabog na tunog. Napatayo siya sa gulat at nakita niyang nas
Mabilis ang kilos ng hindi kilalang lalaki. Inabot ang kahon kay Gab ng hindi nagsasalita. Nagtaka siya sa itsura ng kahon, mukhang mamahalin pero may kakaibang kaba sa dibdib niya.“Sino ang nagpadala?” aniyang hinabol ng tanaw ang lalaking mabilis na sumakay sa motorsiklong walang plate number. Paano nakapasok ang delivery sa compound nila?Pinagmasdan ni Gab ang kahon na mabigat.“Teka, baka kung ano ang laman niyan,” ani Justin na kinuha ang box.Dahan-dahan niya itong binuksan habang pinapalayo muna si Nathaniel at sinenyasan ang yaya nito.“Nathaniel, umakyat ka muna sa kwarto mo. Laruin mo na muna ‘yung bago mong kotse. Mommy will follow.”“Opo, Mommy.”Pagkaalis ni Nathaniel, binuksan ni Gab ang kahon na hawak ni Justin.Isang masangsang na amoy ang bumungad. Nasa loob ang isang patay na manok na may gilit sa leeg, umaagos ang dugo nito sa box. May papel na nakalagay sa ibabaw nito na nanginginig ang kamay na kinuha niya.“Hindi mo kami matatakasan, Athena. Alam na namin kung
Pag-alis ni Lance ay dumating si Gab. Agad na tumayo si Justin ng makita ang dalagang mukhang mainit ang ulo."Gab? Bakit naparito ka?” aniyang halos mautal."Kailangan nating mag-usap,” deretsong sabi niya.Pumasok siya, hindi na hinintay ang paanyaya. Umupo siya sa visitor's chair sa harap ng mesa habang si Justin ay nanatiling nakatayo, pinagmamasdan siya.“Ano ang gusto mong sabihin? Makikinig ako.”"Justin, kung ayaw mong ituloy ang kasal, kung ginagawa mo lang ‘to dahil tinakot ka ng daddy ko, pwede kang umatras.”Tumitig si Justin sa kanya, seryoso. Hindi ito agad nagsalita. Lumapit sa harap ang lalaki. Yumuko, at tumukod ang dalawang kamay nito sa mesa, palapit sa kanya. Halos magdikit ang mukha nila."Hindi ako aatras, Gab. I wanted to marry you again. Gusto kong mabuo ang pamilya natin.”"Look, alam kong napipilitan ka lang. Tutulungan kitang magtago para hindi ka habulin ng daddy ko.”"Oo, pinuwersa ng daddy mo ang sitwasyon. Pero hindi ang nararamdaman ko.”Tumayo siya dah
"Anong kabalastugang ito, Aragon?!” bulyaw ni Don Antonio.Nagulat si Gab, napabalikwas sa pagkakahiga. Mabilis ding bumangon si Justin, ngunit huli na. Kasunod ng matanda ang limang tauhan, pawang may malalaking katawan na tila bouncer sa club.“Dad! Nagkakamali po kayo. Hindi ito ang iniisip n’yo!”“Tumahimik ka, Gabriella! Hindi ko hahayaang maagrabyado ka!”Lumapit si Justin sa matandang tila torong manunuwag, kalmado ngunit may kaba sa dibdib.“Don Antonio, please, hindi ko po sinamantala ang anak ninyo. Wala pong masamang intensyon sa ---”"Bugbugin 'yan!” utos ni Don Antonio sa mga tauhan.Agad nagsilapitan ang mga ito at pinagtulungan si Justin. Tumumba ito, sinuntok, at tinadyakan. Si Gab ay napasigaw sa takot. Kilala niya ang ama. Malambot lamang ang puso nito sa kanila ni Nathaniel. Ngunit walang awa ito sa ibang tao lalo sa kalaban. Baka mapatay nito si Justin!"Tama na po!”Ngunit hindi alintana ni Don Antonio ang pakiusap niya. Naglabas ito ng isang baril mula sa loob ng
Dumating ang inorder na pagkain ni Justin. Isang napakasarap na dinner at may wine pang naka-serve.“Tara, let’s eat,” yaya ng binata.Nagulat siya ng hindi tumanggi si Gab. Una nilang tinikman ang wine. Masarap at mas lamang ang tamis kaysa pait. Parang relasyon nila. Sa kabila ng pait, mas lamang pa din ang tamis na dulot ng kanilang pagsasama. Napansin niyang napadalas ang tungga ng dalaga.“Teka, baka malasing ka tapos kung ano ang gawin mo sa akin. Alam mo namang hindi kita tatanggihan,” biro niya.Inirapan siya nito at sinimulang tikman ang soup.“Masarap ‘tong soup,” anitong naubos ang nasa lagayan.Inabot niya ang isa pa. “Special daw ang soup na ‘yan, heto pa.”“There’s something sa soup. It’s addictive. Napakasarap.”Napatungga ito ulit ng alak hanggang sa namumula na ang pisngi nito at mukhang hilo na.“Okay ka lang Gab?” anitong napansin ang pagbabago sa babae.Tumayo ito at tila balisang hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Tila nauuhaw itong muling uminom ng alak at nagl