Share

Kabanata 3 Remembering the Past

last update Last Updated: 2025-02-09 14:08:11

Hindi maihakbang ni Emerald ang paa papasok ng bahay. Tila nang-uusig ang tingin ni Lucian.

“Linisin mo ang sugat ng asawa mo,” utos ng Tatay Mariano niya habang abala ito sa pagluluto at ang kapatid niyang si Peter.

Napahawak siya sa ulo. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Lucian ang kanyang pamilya.

“Bakit ka nandito? Dapat sa ospital ka nagpunta.”

Inabutan siya ni Tatay Mariano ng first aid kit na hindi niya pinagkaabalahang buksan. Ayaw ni Lucian na hinahawakan niya.

“Linisin mo ang sugat ko,” utos nito.

“Ayoko nga. Hindi ako nurse,” napayuko siya ng maalalang sinampal siya nito ng mapadiin ang paglilinis niya ng sugat nito noon.

Kumurap ang kanyang mga mata. Pilit niyang iwinawaksi ang mga pangit na alaala.

“Umalis ka na,” taboy niya.

“Nagluluto pa si Tatay Mariano. Gusto niyang matikman ko ang luto niya.”

“Tay, hindi basta basta kumakain ng kung ano ang bisita natin. May cook at dietician siya. Nakakahiya sa kanya. Baka sumakit ang tiyan niya, kasalanan pa natin,” baling niya sa amang naghahain sa mesa.

Kaso ay umupo sa maliit na mesa si Lucian at nagsimula na itong kumuha ng pagkaing niluto ng tatay niya. Magtae sana ng hindi na bumalik.

“Tay, pasok na ako sa kwarto. Pagod ako ngayon.”

Pabiling biling siya sa kwarto. Dinig niya ang kwentuhan ng ama at ni Lucian. Mukhang nag-inuman pa ang dalawa. Nakauwi na si Lucian ngunit nanatiling gising ang kanyang diwa at tila siya inililipad ng isip at bumalik sa madilim na nakaraan.

*

Dumating si Lucian mula sa opisina. Sinalubong ito ng masayang ngiti ni Emerald.

“Lucian, ready na ang dinner. Kumain ka na. Niluto ko ang paborito mo.”

Ayaw nitong kasabay siyang kumain kaya, pinapakain muna niya ito at kapag tapos na ay tsaka siya kakain. Ngunit tila walang nadinig ang asawa. Dumeretso ito sa kwarto. Nataranta siya ng madinig niya ang pagtawag nito.

“Pumasok ka ba sa kwarto ko? Nasaan ang pictures namin ni Abby?” nanlilisik ang mga mata nitong tanong.

Limang taon na ang nakakalipas mula ng pumanaw si Abby kaya naisipan niyang alisin na ang mga larawan nito. Pinalitan niya ng larawan nilang dalawa. Gusto sana niyang magsimula na silang muli at kalimutan ang nakaraan. Umaasa siyang darating ang araw na matututunan siyang mahalin ng asawa.

Hawak nito ang mahaba niyang buhok papasok sa kwarto at kinuha ang dalawang picture frame na inilagay niya. Malakas nitong binasag sa harap niya ang mga frames.

“Saan mo nilagay ang larawan namin?” anitong humihigpit ang hawak sa buhok niya.

“Itinapon ko na. Kalimutan mo na si Abby. Andito naman ako.”

Inihagis siya nito palabas ng pinto. Tumama ang kanyang balakang sa gilid ng sofa.

 “Mas importante pa sa buhay mo ang mga alaala ni Abby! Ibalik mo ang mga larawan namin!”

“Sinunog ko na! Patay na si Abby! Kalimutan mo na siya!”

“Oo, alam ko. Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay! Kaya ka nga nandito sa buhay ko para magdusa ka sa kasalanan mo! Hindi ko kailanman makakalimutan ang ginawa mong pagsira sa buhay namin! Kamatayan mo lang ang makakapagpasaya sa akin!”

Tila matalim na espada ang mga katagang lumabas sa bibig ng asawa. Ngunit nakapapagtakang halos wala ng sakit siyang nararamdaman. Manhid na yata siya. Kinaladkad siya nito palabas ng bahay hanggang sa makarating sa labas ng gate. Hindi na din siya nanlaban. Napakadali lamang nitong itulak siya.

“Lumayas ka at huwag kang babalik hanggang hindi mo dala ang mga larawan ni Abby!”

Dinig niya ang kalabog ng gate na bakal. Naupo siya at napasandal sa malamig na poste. Ilang oras na siyang nakayukyok. Naramdaman niya ang ilang malalaking patak ng ulan kasunod ng malakas na kulog at kidlat. Sinubukan niyang kumatok ngunit halos mamaga na ang kamay niya ay hindi siya pinagbuksan ni Lucian.

Basang basa siya sa ulan. Naglalakad siya sa gilid ng kalsada. Hindi na naman bago ang tagpong ito sa kanilang mag-asawa. Sanay na siya sa kalupitan nito. Ngunit iba ang araw na ito. Labis na ang kanyang pagod. Pakiramdam niya ay bumibitaw na siya sa pagkapit sa pagmamahal kay Lucian. Naginginig ang kanyang laman. Natagpuan niya ang sariling tumatawa at umiiyak ng sabay habang yakap ang sarili.

Ilang oras na siyang naglalakad. Nakarating siya sa pinakamalaking tulay sa bayan ng San Marcos. Nakapabigat ng kanyang dibdib. Tila sasabog na ang lahat ng naipong sakit at sama ng loob sa nakalipas na walong taong mula ng maging lihim siyang parausan nito hanggang sa pakasalan siya dala ng matinding galit.

Gusto na niyang palayain ang sarili at si Lucian sa sakim niyang pagmamahal. Binagtas niya ang mahabang tulay. Nasa gitna na siya ng mapatigil siya. Dumukwang siya sa ilog na malakas ang agos. Tila inaanyayahan siya nitong tapusin na ang kanyang problema. May mga bulong siyang nadinig.

Tumutulo ang luha niya na humahalo sa tubig ulan. Naisip niya ang kapatid at amang umaasa sa kanya. May maiiwan naman siyang pera para sa mga ito. Maayos na din ang talyer ng ama. Masyado na siyang pagod. Gusto na niyang magpahinga at tapusin ang lahat.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ang tawag ng asawa sa huling pagkakataon. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti kahit basa ng luha at ulan ang kanyang mukha.

“Nasaan ka?!” bulyaw nito sa kabilang linya.

“Lucian, magiging masaya ka ba kapag namatay na ako?” aniyang tila wala na sa katinuan.

“Umuwi ka na! Bumalik ka dito!”

“Mahal na mahal kita. Hangad ko ang kaligayahan mo. Patawad sa pagkakamaling nagawa ko. Hindi man tayo ang para sa isa’t isa sa buhay na ito. Baka may pag-asa ako sa pag-ibig mo sa susunod na buhay. Sana mapatawad mo na ako. Hangad ko ang kaligayahan mo.”

Hawak niya ang cellphone habang lumuluha at humahakbang sa tulay. Tatapusin na niya ang lahat.

“Paalam, Lucian,” aniyang tumalon sa ilog na rumaragasa ang alon.

Nilamon siya ng dilim. Niyakap siya ng malamig na tubig sa ilalim ng ilog.

Nagising siyang naninikip ang dibdib at hindi makahinga. Tila bangungot ang eksenang iyon na palagi niyang inihihingi ng tawad sa Diyos ng pagkalooban siya ng panibagong buhay. Hindi niya sasayangin ang pangalawang pagkakataon sa maling tao at maling dahilan para mabuhay. Natuto na siya sa pinakamasakit na paraan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 297 Promise of Love (Gab and Justin Love Story Ending)

    Malamig ang simoy ng hangin, at ang bawat sulok ng reception area ay may halakhakan, musika, at halimuyak ng bulaklak. Sa gitna, masayang naghihiwa ng cake sina Justin at Gab habang pinapalakpakan sila ng mga mahal sa buhay.Kinikilig si Mayumi habang hawak ang kamay ni Cayden.“Grabe! Akala ko hindi na matutuloy ‘to. Pero tingnan mo naman sila parang movie ang ganda ng kasal!” anitong lumapit sa bagong kasal. Kasama nito si Cayden at Lola Mila.“Apo, ipinagdasal ko gabi-gabi na mabuo na ang pamilya mo. Napakasaya kong masaksihan muli ang inyong pag-iisang dibdib,” ani Lola Mila.“Lola Mila, maraming salamat po sa pagtanggap sa akin mula simula,” ani Gab na naluluha.“Apo, unang kita ko palang sa’yo, alam kong ikaw ang tamang babae para kay Justin at hindi ako nagkamali. Tignan mo naman at ikakasal kayong muli at may kasama ng Nathaniel.”Nagyakap silang dalawa.Si Nathaniel ay abala sa photo booth kasama sina Gianna at Mommy Olivia, naka-bowtie pa ito at masayang naglalaro ng confetti

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 296 Nothing Can Stop

    Tuloy ang kasal! Ang buong lugar ay tila isang panaginip. Puting rosas at eleganteng bulaklak ang nakapaligid sa altar, may ilaw na banayad at musika ng violin na lumilikha ng isang payapang ambiance. Naka-focus ang lahat kina Gab at Justin na magkaharap na sa altar. Si Gab sa kanyang simple ngunit eleganteng puting gown, si Justin sa black na tuxedo.Ang kanilang mga kamay ay magkahawak, habang ang pari ay nagsimulang magsalita."Ngayong araw ay ipinagkakaloob natin ang ating mga puso at pangako sa isa’t isa, sa harap ng Diyos, ng pamilya, at ng ating mga kaibigan."Tahimik ang lahat, sagrado ang sandaling iyon. Sa likod ng ngiti ni Justin, may isang bahagi sa kanyang isipan ang alerto, nagsusuri at nagmamasid. Kahit pa mahigpit at madaming security personnel. Napansin niyang may dalawang security staff na hindi naka-uniforme ng maayos. Isa sa kanila, kanina pa sumisilip sa gilid ng bulwagan at tila palipat-lipat ng posisyon.Sumulyap siya sa paligid. May lalaking nakabihis waiter nak

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 295 Truth Shall Prevail

    Bumuo ng team si Justin upang hanapin si Rosie at si Lance na hindi na din niya mahagilap. Bumalik siya sa mansyon. Deretso sa mini bar at nagbukas ng alak. Nagsalin siya sa baso at mabilis na tinungga. Ilang minuto na siyang tulala.“Justin, may problema ba?” ani Gab ng makita siya. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. Buo na ang pasya niyang ipagtapat kay Gab ang natuklasan.“Gab, may kailangan akong sabihin sa’yo. Bago tayo tuluyang magsimulang muli, gusto kong malaman mo ang totoo.”Napapakunot ang noo ang dalaga.“Anong sasabihin mo? Bigla naman akong kinabahan. Masyado kang seryoso.”“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Mangako ka muna na kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin.”Tumango si Gab.“Masyado na tayong madaming pinagdaanan. Madami na tayong pagsubok na nalagpasan. Sa tingin ko, wala tayong hindi kakayanin.”Huminga siya ng malalim bago magsimula.“Noon pa man alam mo na hinahanap ko kung sino ang pumatay sa mommy ko kaya nga

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 294 Betrayal from a Friend

    Tahimik ang gabi, ngunit mulat pa rin si Justin. Mag-isa siyang nakaupo sa harap ng isang monitor, paulit-ulit na nire-review ang CCTV footage mula sa safehouse kung saan pansamantalang itinatago si Rosie. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na pigura sa footage. Si Lance! Napakasipag talaga ng kaibigan niya. Hands on ito sa pagtulong sa kaso ng mommy niya.Pinatigil niya ang video sa eksaktong frame na pumasok ang lalaking naka-cap at itim na jacket. Agad niyang pinazoom ang mukha upang matiyak kung si Lance nga. Mahirap ng magtiwala. Ngunit bakit naman pupunta ang kaibigan niya ng ganitong oras?Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan si Lance.“Bro? May problema ba?” bungad nito.“Wala naman. Itatanong ko lang kung nagpunta ka ba sa safehouse kagabi? Kay Rosie? May latest news ba? Baka may naalala siyang iba pang sangkot.”“Ha? Hindi, bro. Bakit ako pupunta doon? Hindi ba sabi mo, ako

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 293 The Evil Plan

    Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 292 Life is Short

    Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status