Share

Never Fall Again to the Heartless Billionaire
Never Fall Again to the Heartless Billionaire
Author: Maria Bonifacia

Kabanata 1 The Devil Husband

last update Last Updated: 2025-02-09 14:05:54

“Masayang hapon! Ano po ang order nila?” ani Emerald nakangiting inangat ang mukha upang pagsilbihan ang sumunod na costumer sa coffee shop.

Napalis ang ngiti niya at tila nag-teleport siya sa impyerno ng makita ang mukha ng asawang si Lucian na dalawang taon niyang hindi nakita.

Bakas ang sindak sa mukha nito. Nakabuka ang bibig nito ngunit walang lumalabas sa bibig.

“E-Eme- Emerald? Ikaw ba ‘yan?”

Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Tila nais matiyak na totoo ba siya o aparisyon lamang. Ibig niyang matawa sa itsura nitong parang nakakita ng multo na apparently totoo naman dahil akala nito ay patay na siya.

“Naaalala mo ba ako? Kilala mo ba ako? Akala ko patay ka na!” bulalas nitong manghang mangha.

Huminga siya ng malalim. Kung hindi lang niya kilala ang masamang ugali ni Lucian Monteverde ay iisipin niyang masaya itong makita siyang muli which is so impossible! Mamumuti ang uwak ngunit never itong matutuwang makita siya.

Magpapanggap ba siyang may amnesia? O hindi kaya ay nababaliw? Itatanggi ba niya na siya ang asawa nito? Papahirapan lang niya ang sarili kapag ginawa niya iyon. Alam niyang kaya nitong ungkatin kung sino siyang talaga. Balik siya sa orihinal na plano sa sandaling magkita sila.

“Ako nga. Emerald Diaz. Walang ng iba at oo naman kilala kita, mahal kong asawa, Lucian Monteverde,” aniyang parang wala lang ngunit tila jelly ang kanyang tuhod sa panlalambot. Muntik niyang palakpakan ang sarili sa galing ng akting.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. “Bakit mo ako niloko?!”

“Sir, may I take your order, please,” aniya ng mapatingin ang katabing cashier.

“Black coffee. Kasing itim ng budhi mo at kasing tapang ng sikmura mong lokohin ako at palabasing patay ka na!” gigil ang boses nito at tiim ang bagang.

Napalingon siya sa paligid. Mabuti na lamang at konti pa ang costumer ng oras na iyon.

“Anything else, sir? Lason?” mahina niyang sabi sa huling salita.

“Oo, para ipapainom ko sa’yo!”

Napansin niyang may nakapila na sa likod nito.

“Sir, maupo po muna kayo at ako mismo ang maghahatid ng order sa table ninyo. Salamat po!” matamis ang ngiti sa labi niya.

Tumalikod siya at mabilis na nagtungo sa banyo. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Binasa niya ng tubig ang mukha. Hindi niya inasahan na makikita niya sa maliit at mahirap na bayan ng San Isidro si Lucian. Isa itong isla na kailangan pang sumakay ng bangka upang marating. Hindi siya nagtatago dahil maliit ang tsansa na makita niya ito. Magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan. Naging sekretarya siya nito at kabisado niya ang mga lugar na pinupuntahan nito. Ngunit hindi siya natatakot. Haharapin niya ito! Patay na si Emerald Diaz na asawa nito!

Tinapik niya ang mukha at pinunasan. Haharapin niya ang dating asawa. Tuwid at buo ang loob na naglakad siya palapit dito dala ang black coffee.

“Enjoy your coffee, sir.”

“Maupo ka, mag-usap tayo.” Madilim ang anyo ni Lucian. Nahagip ng tingin niya ang ilang kababaihang tila mga bulateng inasinan sa kinauupuan at nagpapapansin sa asawa. May nagpipicture pa nga. Hindi niya masisi ang mga ito dahil kung panlabas na anyo lamang ay tunay na napakagwapo nito na may makisig na pangangatawan at magandang tindig. Idagdag pa ang pagiging bilyonaryo. Ngunit kung may time machine lamang siya, hinding hindi siya mag-aaply sa kumpanyang pag-aari nito na naging dahilan na nakilala niya ito.

“Wala tayong dapat pag-usapan,” aniyang nakatayo pa din.

“Baka nakakalimutan mong mag-asawa tayo! At hindi mo ako matatakasan! Hindi ka pa bayad sa napakalaking kasalanan mo! Sumama ka sa akin! O papasabugin ko itong restaurant na ito!”

Nanlilisik ang mga mata nito na tila magbubuga ng bolang apoy anumang oras. Ngunit walang makakalusaw sa puso niyang tila bloke na ng yelo sa Antarctica sa tigas at lamig na hindi niya hahayaang muling madurog.

Sinaklit nito ang pulsuhan niya ng nagtangka siyang tumalikod.

“May problema ba, Em?” anang baritonong tinig ni Cayden, ang kasosyo niya sa negosyo.

Napatayo si Lucian at hinarap ang lalaki. “Huwag kang makialam dito! Usapang mag-asa-”

“Huwag kang mag-eskandalo dito. Hintayin mo ako sa parking lot. Magkita tayo at tapusin ang problema,” aniyang hindi na pinatapos sa pagsasalita ang dating asawa. Hinila niya si Cayden palayo at tinanggap ang bulaklak na dala nito. Makulit din ang lalaki kahit ilang beses na niyang sabihang huwag ng magbigay ng bulaklak.

Tila siya susugod sa giyera ng puntahan si Lucian sa parking lot. Nakita niya itong nakasandal sa mamahaling kotse at naninigarilyo. Madalang niya lang itong makitang naninigarilyo noon. Kapag lamang stress o malaki ang problema. Baka naman habit na nito ngayon na wala na siyang pakialam.

Itinapon nito ang upos ng sigarilyo sa basurahan ng makalapit siya. Binuksan nito ang kotse at hinila siya papasok. Binawi niya ang kamay.

“Bumalik ka na sa bahay! Wala akong pakialam kung ano ang ginawa mo sa loob ng dalawang taon pero asawa pa din kita at hindi ka pa bayad sa kasalanan mo!”

“May dalawa kang papamilian. Una, palayain mo ako. Pangalawa, mapabalik sa buhay mo na isa ng bangkay.”

“Napakatapang mo na ah! Sinong ipinagmamalaki mo? Ang lalaki kanina? Kaya ko kayong durugin parehas sa isang pitik lang ng daliri ko.”

“Alam ko ‘yan. Ikaw ba naman ang pinakamayaman sa bansa. Huwag kang mandamay ng ibang tao sa problema nating dalawa.”

“Alam mo palang hindi ka makakalaya sa akin!”

Binuksan niya ang bag at may kinuha sa loob. Inabot ang cable wire.

“Ano ‘to?” kunot ang noong tanong nito.

“Nakikita mo ang CCTV na nakatutok sa atin? Sira ‘yan kaya huwag kang mag-alala. Dahil wala akong planong sumama ng buhay sa’yo, sakalin mo ako gamit ‘yan.”

“Anong pinagsasasabi mo?!” anitong itinapon ang wire sa basurahan.

Hinding hindi siya babalik sa impyernong buhay niya sa piling nito. May kinuha ulit siya sa bag at inilagay sa palad nito.

“Lanseta ‘yan. Mahaba ‘yan. I*****k mo sa leeg ko o sa dibdib. Ilang ulit para sigurado bago mo ako iwan diyan sa gilid.”

Nakita niya ang paglukot ng mukha ni Lucian na tila hindi maarok ang mga sinasabi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 280 Winning Her Back

    Nabuo ang desisyon ni Gab. "Para kay Nathaniel, papayag ako. Pero may mga kondisyon ako na ilalagay natin sa kasulatan para malinaw.”Napatingin si Justin, parang nabuhayan ng loob at kumislap ang mga mata."Anumang kondisyon, Gab. Gagawin ko, basta makasama ko lang si Nathaniel.”"Una, walang biglaang pagpunta sa bahay o eskwelahan niya. Gusto kong maramdaman niyang ligtas siya at hindi nagugulat sa biglaang pagsulpot mo. Ako ang magtatakda kung kailan at saan kayo pwedeng magkita.”"Oo, sige. Walang problema,” anitong tumango agad."Pangalawa, kung may plano kang dalhin siya sa kahit saan, ipagpaalam mo sa akin nang maaga. Hindi puwedeng basta mo lang siya isasama lalo ng walang permiso ko.”"Gab, pangako, magpapaalam ako sa’yo palagi,” anitong itinaas pa ang isang kamay."At panghuli... huwag mo akong kakausapin ng hindi tungkol kay Nathaniel. Ayokong kukulitin mo ako tungkol sa ibang bagay.”Natigilan si Justin. Hindi agad nakasagot."Gab, aaminin ko, umaasa akong ---"“Sshhhhh! Pu

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 279 A Second Chance

    Matindi ang tibok ng puso ni Justin habang nakaabang sa labas ng AM Corporation, tangan ang isang malaking bouquet ng red roses kahit hindi siya sigurado kung tatanggapin ito ni Gab. Lalo na pagkatapos ng pagsuntok niya kay Kian at masakit na salitang binitawan niya, pero determinado siyang humingi ng tawad.Dumating si Gab, suot nito ang corporate attire, maayos ang buhok, ngunit halatang pagod. Napahinto ang dalaga nang makita siya na nakatayo malapit sa sasakyan nito. Nalukot ang mukha nito pagkakita sa kanya.“Wala akong oras para sa drama mo, Justin. Pagod ako kaya please lang, umalis ka na.”“Gab, please. Kausapin mo ako. Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko.”“Alin sa mga ginawa mo noon at ngayon ang inihihingi mo ng tawad?”Lumapit siya at iniabot ang bulaklak.“Alam kong nasaktan kita. Hindi ko dapat sinuntok si Kian. Hindi ko rin dapat pinagdudahan ka. Galit lang ako… sa sarili ko.”Napatingin ito sa bulaklak, pero hindi tinanggap.“Tapos na tayo, Justin. Mag-move on

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 278 Wrong Accusation

    “Hello, Nathaniel!” masiglang bungad ni Justin.“Daddy, nasa loob ako ng CR. Hiram ko cellphone ni Yaya.”“Anak, gagawin ko ang lahat para makita at makasama ka.”“Daddy, sasabihin ko po house namin. Pero secret lang po natin.”“Promise. Secret lang natin,” aniyang nabuhayan ng loob.“Sa likod po restaurant na kinainan namin, may bahay na nakapakataas bakod. Doon po kami nakatira. Aabangan po kita mamaya 8PM.”“Talaga, anak? Sige pupuntahan kita.”“Opo, gusto ko din po kayo makita, pero sa likod po kayo dadaan may small door, ako po mag-open.”“Okay, anak. Salamat sa tiwala. I love you, Nathaniel,” aniyang natuwa ng alam na kung saan nakatira ang mag-ina.“I love you too, Daddy. See you soon! Huwag mo po awayin si mommy ko.”“Oo anak,” aniyang natawa sa bilin ng anak.Nag-end ang tawag. Napasandal siya sa upuan, hawak ang cellphone. Mixed emotions, galit kay Gab at pananabik sa anak.Wala siyang inaksayang oras. Agad niyang pinuntahan ang bahay nila Gab. Nasa loob siya ng kotse bago pa

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 277 Legal Action

    Matapos ang isang tahimik at awkward na hapunan na pinilit ni Justin, papalabas na sina Gab at Nathaniel mula sa lobby. Hawak nito sa kamay ang anak na tila antok na.Humahabol siya sa hakbang, may bitbit siyang paper bag na may lamang takeout.“Gab, ihahatid ko na kayo. Late na rin. Delikado sa labas,” aniyang ang pakay ay malaman kung saan nakatira ang mag-ina.“Justin, makakauwi kami. Ayan lang ang bahay—” agad itong napatigil.“Huwag mo kaming sundan. Please lang, leave us alone.”“Gab, wala akong ibang balak kundi siguraduhin lang na safe kayong makauwi.”“No need. We’re safe,” anitong ibinaba ang tingin, saka muling hinawakan si Nathaniel sa kamay at inakay papasok sa kotse.“Bye, Daddy…” anang paslit.“Bye, anak. See you again!” aniyang pinasigla ang boses.Hinatid niya ng tanaw ang kotseng paalis. Pagliko sa kanto ay agad siyang pumasok sa sasakyan upang sumunod.Tahimik na sinusundan niya ang sinasakyan nina Gab. Makalipas ang ilang kanto, napansin niyang na dumaan ang kotse s

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 276 Courting His Ex-Wife

    Malamlam ang ilaw sa kwarto ni Justin, nakahiga siya sa kama, hawak pa rin ang cellphone. Hindi mapakali at magulo ang isip. Hindi niya mahanap ang peysbuk ni Gab. Hindi niya makita. Mukhang na-block na siya. Napabuntunghininga siya. Kailangan niyang makaisip ng paraan para mapalambot ang puso nito.Nang biglang tumunog ang cellphone niya, unknown number. Napakunot ang noo niya. Hindi niya inaasahang ang tawag mula kay Nathaniel.“Hello, daddy!” masiglang bungad nito.“Hello, Nathaniel! Buti nakatawag ka,” aniyang nabuhayan ng loob ng madinig ang boses ng anak.“Nanghiram po ako ng cellphone kay Yaya kasi kinuha ni Mommy ang tablet ko. Parang galit po siya sa’yo.”Napalunok siya at hindi agad makasagot.“Anak, may hindi lang kami pagkakaintindihan ng Mommy mo. Pero ayusin ni Daddy ‘yan.”“Bakit po kayo away? Dahil po sa akin?”Napakagat-labi siya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman.“Hindi anak. Wala kang kinalaman sa hindi namin pagkakaunawaan ng mommy mo.”“Daddy, makipagbati k

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 275 Make Her Fall Again

    Nakaupo si Justin sa isang leather couch ng bahay niya habang may hawak na folder na may lamang paternity legal options. Tahimik ang paligid. Dumating si Lance mula sa kusina, dala ang dalawang bote ng beer. Umupo ito sa tapat niya.“Bakit kailangang umabot sa korte ang issue ninyo?” ani Lance habang iniaabot ang isang bote sa kanya.“Hindi na ito basta legal issue, Lance. Anak ko si Nathaniel. Ilang taon siyang lumaki na wala ako. Ngayon na may pagkakataon ako, hindi ko hahayaang mawala uli siya.”“Legal options? Paternity case? DNA test?”Tumango-tango siya habang tumitikim ng beer.“Bro, hindi ba parang masyado kang nagmamadali? Pag-isipan mo munang mabuti. Tandaan mo hindi na ang dating Gab ang kalaban mo. Maimpluwensya na din siya,” ani Lance.“Anong gusto mong gawin ko? Umupo lang at maghintay? Hindi niya ako bibigyan ng karapatan sa bata kahit gustuhin ko man. Ipinagtabuyan na nga ako,” himutok niya.“May karapatan ka bilang ama. Pero huwag mong simulan ang laban sa korte. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status