Maraming salamat po sa paghihintay sa updates. Humihingi po ako ng paumanhin dahil walang update ng ilang araw, naospital po ang aking ina. Muli, thanks a lot for your support!
Malamig ang simoy ng hangin, at ang bawat sulok ng reception area ay may halakhakan, musika, at halimuyak ng bulaklak. Sa gitna, masayang naghihiwa ng cake sina Justin at Gab habang pinapalakpakan sila ng mga mahal sa buhay.Kinikilig si Mayumi habang hawak ang kamay ni Cayden.“Grabe! Akala ko hindi na matutuloy ‘to. Pero tingnan mo naman sila parang movie ang ganda ng kasal!” anitong lumapit sa bagong kasal. Kasama nito si Cayden at Lola Mila.“Apo, ipinagdasal ko gabi-gabi na mabuo na ang pamilya mo. Napakasaya kong masaksihan muli ang inyong pag-iisang dibdib,” ani Lola Mila.“Lola Mila, maraming salamat po sa pagtanggap sa akin mula simula,” ani Gab na naluluha.“Apo, unang kita ko palang sa’yo, alam kong ikaw ang tamang babae para kay Justin at hindi ako nagkamali. Tignan mo naman at ikakasal kayong muli at may kasama ng Nathaniel.”Nagyakap silang dalawa.Si Nathaniel ay abala sa photo booth kasama sina Gianna at Mommy Olivia, naka-bowtie pa ito at masayang naglalaro ng confett
Tuloy ang kasal! Ang buong lugar ay tila isang panaginip. Puting rosas at eleganteng bulaklak ang nakapaligid sa altar, may ilaw na banayad at musika ng violin na lumilikha ng isang payapang ambiance. Naka-focus ang lahat kina Gab at Justin na magkaharap na sa altar. Si Gab sa kanyang simple ngunit eleganteng puting gown, si Justin sa black na tuxedo.Ang kanilang mga kamay ay magkahawak, habang ang pari ay nagsimulang magsalita."Ngayong araw ay ipinagkakaloob natin ang ating mga puso at pangako sa isa’t isa, sa harap ng Diyos, ng pamilya, at ng ating mga kaibigan."Tahimik ang lahat, sagrado ang sandaling iyon. Sa likod ng ngiti ni Justin, may isang bahagi sa kanyang isipan ang alerto, nagsusuri at nagmamasid. Kahit pa mahigpit at madaming security personnel. Napansin niyang may dalawang security staff na hindi naka-uniforme ng maayos. Isa sa kanila, kanina pa sumisilip sa gilid ng bulwagan at tila palipat-lipat ng posisyon.Sumulyap siya sa paligid. May lalaking nakabihis waiter na
Bumuo ng team si Justin upang hanapin si Rosie at si Lance na hindi na din niya mahagilap. Bumalik siya sa mansyon. Deretso sa mini bar at nagbukas ng alak. Nagsalin siya sa baso at mabilis na tinungga. Ilang minuto na siyang tulala.“Justin, may problema ba?” ani Gab ng makita siya. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. Buo na ang pasya niyang ipagtapat kay Gab ang natuklasan.“Gab, may kailangan akong sabihin sa’yo. Bago tayo tuluyang magsimulang muli, gusto kong malaman mo ang totoo.”Napapakunot ang noo ang dalaga.“Anong sasabihin mo? Bigla naman akong kinabahan. Masyado kang seryoso.”“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Mangako ka muna na kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin.”Tumango si Gab.“Masyado na tayong madaming pinagdaanan. Madami na tayong pagsubok na nalagpasan. Sa tingin ko, wala tayong hindi kakayanin.”Huminga siya ng malalim bago magsimula.“Noon pa man alam mo na hinahanap ko kung sino ang pumatay sa mommy ko kaya nga
Tahimik ang gabi, ngunit mulat pa rin si Justin. Mag-isa siyang nakaupo sa harap ng isang monitor, paulit-ulit na nire-review ang CCTV footage mula sa safehouse kung saan pansamantalang itinatago si Rosie. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na pigura sa footage. Si Lance! Napakasipag talaga ng kaibigan niya. Hands on ito sa pagtulong sa kaso ng mommy niya.Pinatigil niya ang video sa eksaktong frame na pumasok ang lalaking naka-cap at itim na jacket. Agad niyang pinazoom ang mukha upang matiyak kung si Lance nga. Mahirap ng magtiwala. Ngunit bakit naman pupunta ang kaibigan niya ng ganitong oras?Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan si Lance.“Bro? May problema ba?” bungad nito.“Wala naman. Itatanong ko lang kung nagpunta ka ba sa safehouse kagabi? Kay Rosie? May latest news ba? Baka may naalala siyang iba pang sangkot.”“Ha? Hindi, bro. Bakit ako pupunta doon? Hindi ba sabi mo, ako
Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni
Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sala