Share

Kabanata 227 His Best Friend

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-18 12:34:20

Mapusok ang pag-angkin ni Justin sa mga labi ni Gab. Patuloy na bumubuhos ang ulan. Nasa loob pa rin sila ng kubo na tanging saksi sa mainit na sandali. Naramdaman niya ang pagsapo at paghagod ng palad ni Justin sa kanyang dibdib. Napahawak na din ang isa niyang kamay sa biceps ng binata. Tila hindi ito nakuntento kaya ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang basang blouse.

May narinig silang ingay ng sasakyan sa labas. Awtomatikong naghiwalay ang kanilang mga labi kahit tila ayaw nilang maputol ang ginagawa. Nagkatinginan sila, at agad tumayo si Justin upang silipin. Dumating ang isang pick-up truck at bumaba mula rito ang isang lalaking naka-jacket, may bitbit na payong.

“Kian!” bati ni Justin.

Lumapit siya sa likod nito.

“Sino ang dumating?”

Bumungad si Kian, matangkad, may matikas na tindig, at ang ngiti ay may dalang kumpiyansa at sigla. Kaagad nitong niyakap si Justin.

“‘Tol! Pinapunta ako ni Lola Mila at pinahanap kayo ng asawa mo.”

Napalunok siya sa salitang asawa pero hindi na u
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks a lot po
goodnovel comment avatar
Jesse Cejas
hahaha maganda ito miss a na medyo may karibal na c justin ...
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 230 Can’t Admit Being Jealous

    "Pwede kang magsinungaling sa iba pero ibahin mo ako. So, sino 'tong lalaking kasama mo na nakuhanan ka ng camera ng tauhan ko?" anitong inihagis ang isang envelope na may larawan na kuha nila ni Ryder ng sunduin siya sa waiting shed sa bayan.Sukol na siya sa pagsisinungaling."Bakit bigla kayong nawala at hindi nakita ng tauhan ko?" Mapanganib ang tono ni Justin.Hindi maipinta ang mukha niya. Hindi naman niya pwedeng ipagtapat na kasamahan niya sa Kapatiran Mob si Ryder.“Sino ‘to?” singhal nito ng hindi pa din siya nagsasalita.Napalingon siya sa larawan. Saglit siyang natigilan, ngunit mabilis na nag-react. Alam niyang hindi puwedeng malaman ni Justin ang totoo.“Si Ryder. Boyfriend ko… dati,” aniyang may pilit na ngiti sa labi.“Tangna! Ex-boyfriend mo? Kaya ka nagmamadaling umalis, ha? Para makipagkita sa kanya?” anitong hinampas ng dalawang kamay ang manibela.“Nagkataon lang na nagkita kami. Wala naman na kami. Ayokong, ayokong magalit ka kaya hindi ko sinabi.”“Bakit hindi m

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 229 Never Believe Her

    Tahimik na nagmamaneho si Justin pabalik sa farm. Hindi niya maalis sa isipan si Gab.Habang binabagtas niya ang paakyat na kalsada, napansin niya ang isang babae na naglalakad pabalik mula sa kabilang direksyon. Nakasuot ito ng sunhat at summer dress, si Camille.Bumagal ang takbo ng kanyang sasakyan at binuksan ang bintana.“Camille!” tawag niya.Napalingon ito at napangiti. Hindi katulad ng dati niyang matamis na ngiti, ngayon ay medyo matamlay ang bati niya.“Galing lang ako sa kabilang resort. Nakipagkita ako sa mga kaibigan noong gigh school.”“Sasabay ka na pabalik?”“Oo, sabay na ako. Matagal na din tayong hindi nagkakausap.”Pagpasok ni Camille sa sasakyan, may ilang segundong katahimikan. Kapwa sila tahimik, hindi tulad ng dati na palaging may kwento at tawanan sa pagitan nila.“Tahimik ka yata? May nangyari ba?” ani Camille.Umiling siya, ngunit hindi niya ito matingnan ng diretso. Nakadungaw siya sa kalsada habang tahimik na minamaneho ang sasakyan.“Wala naman. Pagod lang

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 228 Heaven and Earth

    Bahagyang ngumiti si Kian ngunit seryoso ang tono ng pananalita.“Kung sakaling wala naman talaga kayong dalawa. Ngayon pa lang magsasabi na ako sa’yo na kapag natapos ang usapan ninyo, manliligaw ako. Pero kung sasabihin mong mahal mo siya, sabihin mo lang, para di ako makialam. Siyempre, magkaibigan tayo.”Tahimik si Justin. Hindi siya sumagot agad. Uminom siya ng beer, ngunit hindi maikubli ang tila nanlalamig na kamay sa hawak niyang baso.“Bro, gulo lang 'yang si Gab. Magugulo lang ang tahimik mong buhay. Masyadong pasaway. Maniwala ka, sobrang tigas ng ulo. Ikaw CEO ka, mahihirapan kang tiyak, ako ngang pulis nahihirapan siyang kontrolin,” aniya upang sirain ang loob ng kaibigan.“Well, willing akong magulo ang tahimik kong mundo. Iba ang dating sa akin ni Gab,” ani Kian na hindi niya nagustuhan.“Bro, kahit hindi ko type si Gab. Pero kaibigan na din ang turing ko sa kanya. Hindi ba at may ipapakasal sa’yo ang mga magulang mo? Baka naman masaktan lang siya,” aniya ng maalala ang

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 227 His Best Friend

    Mapusok ang pag-angkin ni Justin sa mga labi ni Gab. Patuloy na bumubuhos ang ulan. Nasa loob pa rin sila ng kubo na tanging saksi sa mainit na sandali. Naramdaman niya ang pagsapo at paghagod ng palad ni Justin sa kanyang dibdib. Napahawak na din ang isa niyang kamay sa biceps ng binata. Tila hindi ito nakuntento kaya ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang basang blouse.May narinig silang ingay ng sasakyan sa labas. Awtomatikong naghiwalay ang kanilang mga labi kahit tila ayaw nilang maputol ang ginagawa. Nagkatinginan sila, at agad tumayo si Justin upang silipin. Dumating ang isang pick-up truck at bumaba mula rito ang isang lalaking naka-jacket, may bitbit na payong.“Kian!” bati ni Justin.Lumapit siya sa likod nito.“Sino ang dumating?”Bumungad si Kian, matangkad, may matikas na tindig, at ang ngiti ay may dalang kumpiyansa at sigla. Kaagad nitong niyakap si Justin.“‘Tol! Pinapunta ako ni Lola Mila at pinahanap kayo ng asawa mo.”Napalunok siya sa salitang asawa pero hindi na u

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 226 First Kiss

    Ramdam ni Gab ang matigas na muscle ni Justin sa kanyang likuran. Napasandal na lamang siya ng tuluyan. She felt so secured lalo at hawak siya nito sa beywang. Medyo malayo na pala ang nararating nila ng hindi nila napapansin.Bumuhos ang ulan sa gitna ng pagbalik nilang sakay ng kabayo. Medyo naging balisa ang kabayo sa lakas ng ulan, kulog at kidlat kaya minabuti ni Justin na huminto.Mabilis silang tumakbo papasok sa isang maliit at lumang kubo sa gitna ng taniman matapos maitali sa malaking puno ang kabayo. Maingay ang patak ng ulan sa bubong na pawid, at medyo madilim ang paligid. Basang-basa ang kanilang damit, napasulyap siya sa damit ni Justin na bakat ang katawan nito. Nanlaki nag mata niya ng mag-alis ito ng pang-itaas. Perfect body dahil sa trabaho nito bilang pulis.Nagsimula na din siyang mag-alis ng butones ng damit. Tutal ay bakat naman ang katawan niya kaya parang wala din siyang suot.“Hey! Anong ginagawa mo?” sita ni Justin.“Mag-aalis ng damit para patutyuin, bakit?”

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 225 Bonding Moments

    Pinili ni Gab na maging mahinahon. “Masarap kausap si Lola Mila kaya madalas kaming magkwentuhan. Dami niyang kwento lalo noong bata ka pa.”“Huwag mong ibahin ang usapan. Sinumbong mo si Camille kay Lola Mila, tama? Ayaw mo siyang nagpupunta dito dahil nasasapawan ka.”“Wala akong isinusumbong. Napansin lang ni Lola Mila na masyado ng epal ‘yang ex-girlfriend mo,” matalas niyang sabi.“Watch your mouth, ayoko ng pinagsasalitaan mo ng hindi maganda si Camille. Tigilan mo ang pagsisipsip sa pamilya ko. Hindi ka magtatagal dito.”Tumayo si Justin at tumungo sa hardin.Natulala na naman siya sa pag-iisip tungkol sa kasunduan nila ni Justin, sa misyon niya, at sa mga damdaming unti-unti niyang hindi na kayang itanggi.Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Naputol ang kanyang pag-iisip. Pagtingin niya sa screen, si Nanay Olivia.Napalalim siya ng buntong-hininga bago sinagot. Natitiyak niyang may kailangan ito. Hindi naman siya naaalala nito kapag walang hihingin.“Hello, Nay?”“Anak,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status