Sa loob ng malawak, elegante at modernong opisina ng Aragon Group of Companies, nakaupo si Justin sa kanyang executive desk, abala sa pag-review ng mga dokumento para sa quarterly board meeting.Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Joshua, ang kanyang loyal at maasahang assistant, dala ang isang folder.“Sir, may dumating pong legal documents mula sa Cruz & Associates Law. Personal daw po itong ipinadala ni Atty. Norberto Cruz.”Napatigil si Justin. Hindi niya inasahan ang pangalang iyon. Ng pinakasikat na abogado sa bansa. Tumayo siya at kinuha ang folder sa kamay ng assistant. Binuksan niya iyon, at habang isa-isang binabasa ang nilalaman, unti-unting namuo ang galit sa kanyang mga mata.“Annulment?”Hindi agad nakasagot si Joshua. Tahimik itong naghihintay ng susunod n autos.“Naunahan pa ako?! Siya ang may kasalanan! Siya ang naglihim, nagtaksil, nagsinungaling, tapos siya ang unang nagsampa?” aniyang nagngangalit ang panga.Hinagis ni Justin ang folder sa lamesa, kumalat ang i
Pumasok si Justin sa kwarto ni Lola Mila. Laking gulat niya nang makita ang batang si Nathaniel na nakaupo sa tabi ng abuela. Kumakain ng crackers ang dalawa.“Ikaw na naman? Teka, nakalimutan kong tanungin ang pangalan mong bata ka.”“My name is Nathaniel. Just call me Nathan. I am four years old. I am a good boy!” anitong tila sasali sa That’s my Boy.Tumayo agad ang bata at tumakbo palapit sa kanya, walang pag-aalinlangan.“Daddy!”Napalingon si Lola Mila sa kanya, halatang gulat din sa narinig. Hindi agad siya nakasagot. Pero hindi rin niya naitulak ang bata nang yakapin siya nito sa bewang.Dama niya ang maliliit na bisig ng bata. Dama rin niya ang pagkalito. Ngunit higit sa lahat, ang lukso ng damdamin na hindi niya maipaliwanag.“Justin… anong ibig sabihin nito? May anak ka?”Hindi siya nakasagot. Napayuko lamang siya habang tinitingnan si Nathaniel.“Lola Mila, siya ang Daddy ko!”Napatingin siya sa matanda. “La, hindi ko alam kung saan galing ang batang ito. Basta na lang ako
Limang taon ang matuling nakalipas. Muling bumalik sa bansa si Gab. Ngunit hindi siya nag-iisa. May kasama siyang apat na taong gulang na batang lalaki na isang genius. Nasa ospital ang amang si Don Antonio Montaban.Ang babaeng dumating ay iba na sa babaeng umalis dahil sa kahihiyan at sakit. Nasa mata pa rin niya ang bakas ng mga sugat ng nakaraan, pero mas matatag siya ngayon. Katabi niya si Nathaniel, maputi, matangos ang ilong, at taglay ang mga matang kilala ng sinumang minsang nakatingin sa mga mata ni Justin Aragon."Mommy, saan na po tayo pupunta?”"Sa ospital muna, anak. May sakit ang lolo mo. Kailangan natin siyang makita.”Nilingon ni Gab ang anak, marahang inayos ang buhok nito na nilaro ng hangin. Isang malalim na buntonghininga ang kanyang pinakawalan bago muling humakbang.May sampung bodyguard sa labas. Sa loob ng kwarto, nakaratay si Antonio Montalban, matanda na ngunit matikas pa din. Sa kanyang tabi ay si Dr. Perez, na agad ngumiti ng makita si Gab."Miss Gab, mabu
“Justin!” tawag ni Gab at patakbong lumapit.Nagulat si Justin. Bago pa siya makalapit, hinarang siya ni Camille.“Wala ka na bang kahihiyan? Ilang beses ka nang nagpakalat ng kasinungalingan. Napakakapal ng mukha mo!”“Huwag kang makialam dito. May kailangan kaming pag-usapan ni Justin,” maanghang niyang sabi.Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya mula kay Camille. Hindi siya agad nakagalaw, ngunit nanginginig sa matinding galit at sakit, gumanti siya ng sampal. Hinawi niya ang babae.“Justin, makinig ka. Mag-usap tayo. Bu--“At bago pa man siya makalapit ng tuluyan, isang malakas na sampal ang ibinigay ni Justin sa kanya. Tila nayanig ang mundo niya. Nanlaki ang kanyang mata.“Wala kang karapatang saktan si Camille! Hindi kita gustong makita pa kahit kailan!”Napahawak siya sa pisngi. Ngunit higit ang sakit sa kanyang puso.“Justin, ilang minuto lang. Gusto ko lang ipaalam na---”“Talagang gagawin mo ang lahat para manatiling nakakapit sa Pamilya Aragon!” harang ni Cami
Nag-aayos ng mga gamit si Gab. Hinihintay na lang niya ang visa at ilang papeles. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Napakapit siya sa gilid ng kama. Hindi pa niya maproseso sa utak ang nararamdaman ay napatayo siya dahil biglang bumaligtad ang kanyang sikmura. Ilang minuto na ay nagsusuka pa din siya at halos tubig na lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.Sinakmal siya ng kilabot. Napaawang ang labi niya ng maisip na hindi siya dinatnan ng buwanang dalaw noong nakaraang buwan!Wala sa plano niya ang mabuntis. Hindi ngayon at hindi kailanman. Tuliro siya at hinilamusan ang mukha. Kailangan niyang makatiyak. Nagpunta siya sa pinakamalapit na clinic. Nanginginig ang katawan niya habang naghihintay ng resulta. Tinawag siya ng duktor at pinapasok sa loob.“Congratulations, misis. You’re two months pregnant,” tila bombang pinasabog ang balita.Tulalang lumabas siya ng clinic. Hindi niya alam ang gagawin. Magsisimula na siya ng panibagong buhay sa piling ng kanyang tatay. Mukhang may ibang plan
“Paano naayos ang kaso? Paano tayo nakalaya? Mabigat ang ebidensya laban sa atin,” tanong ni Gab kay Ryder.“Gab, Gab, hindi mo alam kung gaano kamakapangyarihan ang Kapatiran Mob. May tao tayo sa loob, ‘di ba? Mas mataas pa sa Aragon na ‘yan! At kung kumanta ka at nalaman ng mga pulis ang totoo, malamang hindi ka na sikatan ng araw sa kulungan. Tamang desisyon ang ginawa mo.”Napalingon si Gab sa presinto. Isang bahagi sa kanya ang gustong bumalik. Gusto niyang sabihin kay Justin ang buong katotohanan. Ngunit alam niyang hindi siya nito papaniwalaan. At dapat lang na tapusin na niya ang kahibangan.“Sumakay ka na. May bagong instructions ang Kapatiran Mob. Gusto kang makausap ng lider.”Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan habang papasok sa van, para bang lalong lumayo ang pagitan ng tama at mali. Ngunit wala na siyang pwedeng takbuhan.Bago pa siya tuluyang makapasok ay dumating si Justin. Napaatras siya, tila naubusan ng lakas. Hindi siya makakibo, pero tumitig