Dear lovely readers, thank you very much po sa pagbabasa sa lahat ng books ko. I really appreciate your support! Godbless po!
"Salamat sa tiwala, Kian. Pero kung may dapat makaalam niyan, si Justin ‘yon. Hindi ako. Ayokong maging dahilan ng gulo sa buhay ni Justin. Ayokong makialam,” aniyang buo na ang desisyon.Tumango ang binata tanda ng pang-unawa, bagama’t may lungkot sa mukha."Naiintindihan ko. Siguro kaya ko lang sinabi ‘to, kasi hindi ako mapakali. Pero tama ka. Ayoko na siyang habulin sa mga desisyon niya. Matanda na si Justin. Kung pipikit siya sa mga katotohanan, problema na niya ‘yon.”"Kumain na tayo. Baka kung saan pa tayo dalhin ng usapang ‘to,” aniyang nagsimulang sumubo ng pasta.Nagpakawala muli ng malalim na buntong-hininga si Kian, tila may isa pa itong gustong sabihin."Actually, may isa pa akong dahilan kung bakit kita niyaya ngayon,” anang binatang nakangiti."Naku, Kian. Parang ang dami mong kwento.”Napakamot ito sa batok."Oo nga eh. Eto medyo mas personal ang sasabihin ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako,”"Sige na. Sabihin mo na. Huwag ka ng mahiya.”"May ipapakasal sa akin ang mga
Natapos na ang mahaba at tense na meeting tungkol sa subway project. Isa-isang lumabas ang mga opisyal. Naiwan si Gab sa boardroom upang ayusin ang kanyang laptop at mga dokumento. Habang palabas siya, ay naabutan niya si Justin na nakatayo sa gilid ng lounge area, tila may hinihintay."Gab,” tawag nito.Napalingon siya. Saglit siyang natigilan."Bakit? May gusto ka pa bang linawin tungkol sa project?”"Gusto kitang kausapin… kahit sandali lang.”Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang pumasok sa lounge at isinara ang pinto. Nahulog sa katahimikan ang buong paligid."Congrats, Gab. You handled the meeting well. Magaling ang mga suggestions and insights mo.”"Thanks. You, too. Maganda ang subway project mo. Madaming mamamayan ang makikinabang.”"Hmmm. Malapit na akong ikasal.”Hindi agad siya nakakibo. Tumingin siya sa sahig. Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit mas masakit kapag sa bibig nito galing mismo? Ngumiti at tumango.“Nadinig ko nga, binati ka nila kanina,” aniyang hindi
Sinundo ni Gianna si Nathaniel sa mansyon. Kabado siya sa gagawin. Ipinagpaalam niya si Nathaniel na pupunta sa mall na katabi ng Aragon Towers. Dinala niya ito sa palaruan at sinabihan ang security na hintayin sila sa labas ng playground. May tracker ang bata kaya dinala ni Gianna ang anak ng kaibigan at inilagay ang tracker dito upang hindi malaman na umalis sila. Abot abot ang dasal niya. Sa ngalan ng milyones, tutulungan niya ang pamangkin.Matao at abala ang buong gusali, may mga empleyado na nagmamadaling pumasok at lumalabas, habang sa isang sulok, naroon si Nathaniel, suot ang polo shirt na may cartoon print, at siya na kabado habang hawak ang cellphone. Naka-shades siya at halos itabing ang buhok sa mukha.“Ay, pamangkin, napakahirap netong pinapagawa mo sa akin. Sandali lang tayo dito ah? Tapos, hindi ako pwedeng makita ng daddy mo.”“Salamat po Tita Gianna. Gusto ko lang po siyang makita at magpapakilala po ako tapos uwi na po tayo.”“Basta pag lumabas siya, ikaw na bahala.
Pumasok si Gab sa kwarto, naglalaro si Nathaniel sa sala. Sinilip niya ang ina at ng matiyak na wala na ay kinuha sa bulsa ang papel na sinulatan ng kanyang Tita Gianna. May nakasulat na pangalan, Justin. Walang apelyido. Napakamot siya sa ulo.“Justin lang?”Bumaling siya sa tablet na palaging naka-online. Binuksan ang browser at nag-type ng pangalang Justin.Lumabas ang mga search results, karamihan ay mga singer, celebrity, o international personalities. Wala ang hinahanap niya. Napasimangot siya.“Eh puro Justin Bieber, Justin Tim-ber-la-ke!” aniyang hindi mabigkas ang pangalan.Kinalabit niya si Gianna, na noon ay nasa sala at kausap ulit ang mommy niya.“Tita Gianna…”Lumingon sa kanya ang tiyahin. Pinandilatan siya ng mata kaya naupo siya sa sofa. Nagpaalam na si Gianna sa mommy niya kaya hinabol niya ito.“Oh, bakit Nathan?”Lumapit siya, bitbit ang papel.“’To po oh. Bakit po wala last name? Siya po ba talaga daddy ko? Baka po kasi maling Justin hinahanap ko sa tablet.”Hinil
Ilang araw matapos ang pag-apruba ng subway project proposal. Nagkaroon ng unang meeting para sa proyekto. Malaki at moderno ang board room. May glass walls, mahahabang LED screen, at nasa gitna ang isang oval table kung saan nakaupo sa magkabilang dulo sina Justin Aragon at Gabriella Belmonte. Kasama nila ang kani-kanilang mga team, engineers, project managers, legal advisers.“Mag-uumpisa na po ang meeting,” ani Pamela.Nagsimula ang presentation. Tumayo si Justin at lumapit sa harap para ipresenta ang updated proposal, may hawak na tablet at may projected slideshow sa screen.“As you can see, the Aragon-designed subway system connects key urban points across ten business districts. Faster commute time, lower carbon emission, and higher economic return over the next 10 years,” ani Justin.Sumulyap ito sa kanya habang nagsasalita.“So, you're saying kaya ninyong i-complete ang unang linya in less than two years? With the current pace of our city's permit process?” aniya.“I’m saying,
Maaliwalas ang araw sa labas, ngunit tila kabaligtaran nito ang damdaming bumabalot sa puso ni Gab. Nakatitig siya sa papel sa kanyang harapan, tila wala sa sarili. Marahang bumukas ang pinto at pumasok si Pamela, hawak ang isang brown envelope.“Ma’am, dumating na po ang annulment papers. Galing sa korte. Effective immediately.”Nakatingin lang siya habang iniaabot ni Pamela ang envelope. Tahimik niyang kinuha iyon. Alam na niya kung ano ang laman, ang opisyal na annulment papers nila ni Justin. Opisyal ng tapos ang kanilang ugnayan.Binuksan niya ang sobre at binasa ang mga dokumento. Sa ibaba ng huling pahina, malinaw ang pirma nilang dalawa. Sa isang pirma natapos ang lahat.Tumayo siya at nilapitan ang bintana ng opisina. Sa labas, makikita ang abalang lungsod, mga taong hindi niya kilala, patuloy ang ikot ng mundo. Pero sa loob niya, may isang bahagi ang tuluyang huminto.Hindi siya malungkot. Hindi rin siya masaya. Isang tahimik na pagtanggap ang bumalot sa kanyang katauhan. Al