“Sir Lucian, may appointment po kayo kay Dr. Mendoza,” anang secretary na si Kiel.
Dumating ang duktor sa kanyang opisina.
“Mr. Monteverde, wala akong makitang mali sa pisikal mong pangangatawan ayon sa test results. Kaya maaaring psychological ang problema ng iyong erectile dysfunction. Pero pwede nating subukan ang treatment o maaaring kumuha ka ng babaeng makakatulong sa’yo. Ang sabi mo ay maayos ang sex life mo noong nabubuhay ang asawa mo kaya posibleng makatulong na kumuha ka ng babaeng kahawig ng asawa mo upang ma-stimulate ang iyong pagkalalaki. O baka may video o larawan ka niya na ---”
“Maraming salamat Dr. Mendoza. Ipapatawag ko na lamang kayo ulit. Sa tingin ko, nakita ko na ang gamot sa sakit ko,” nakangisi niyang sabi.
“Kiel, investigate Emerald Diaz at kung ano ang ginawa niya sa nakalipas na dalawang taon.”
“Sir, dalawang taong na pong patay ang asawa ninyo,” litong sabi ng secretary.
“Nakita ko siya. Palabas lamang niya ang pagkamatay niya para makatakas sa akin. She won’t escape this time.”
“Sir, mas mainam po na hayaan ninyo na lang si Ms. Em. Hindi naman po ninyo siya mahal. Mas madalang kayong galit noong nawala siya.”
“Hindi mo ba nakikita ang punto ko? She’s my cure. She’s so good in bed na mukhang hindi ako maka-move on kaya hindi ako ma-attract sa ibang babae. At isa pa hindi pa siya bayad sa pagpatay kay Abby.”
“Paano kung ayaw na po niyang bumalik?”
“Of course, gagawan ko ng paraan ‘yan. Babalik siya sa akin!” aniyang nabali ang lapis na hawak ng maalala ang galit sa babaeng naging sanhi ng pagkamatay ni Abby, ang kanyang first love at tagapagligtas.
Hindi niya makakalimutan ang araw na nawala si Abby.
“Sir, Lucian, nasa rooftop sina Ms. Abby at Ms. Em. Nag-aaway sila!” humahangos si Kiel. Halos liparin nila ang hagdan makarating lamang sa rooftop. Malamang ay sinabi ni Emerald ang lihim nilang relasyon.
Naabutan niya si Abby at Em na nagpapambuno. May hawak na patalim si Abby.
“Malandi ka! Hindi mo maaagaw si Lucian. Papatayin kita!” hiyaw ng kasintahan. Noon lamang niya nakita si Abby na matindi ang galit.
“Ano bang sinasabi mo! Inutusan mo akong akitin siya! Ikaw ang mahal niya, huminahon ka. Tama na! Mag-usap kayo.”
“Abby, huminahon ka!” aniya ngunit tila bingi ang dalawang babae. Lumapit siya sa dalawa.
Sa sobrang galit ni Abby ay napakalakas nito at naitulak ng malakas si Emerald ngunit nakakapit ito sa bakal na harang. Mabilis ang mga pangyayari at nawalan ng balanse si Abby at tuluyang nahulog sa ikalabinlimang palapag ng gusali. Hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.
Nagsampa siya ng demanda kahit ayaw ng pamilya ni Abby. Ngunit malinaw na self-defense ang nangyari ayon na din sa mga saksi at sa CCTV. Pero hindi niya hahayaang hindi mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kasintahan. Kaya naman pinakasalan niya si Emerald Diaz na kanyang lihim na babae ng dalawang taon na nagbibigay sa kanya ng aliw dahil abala ang girlfriend niya sa fashion shows at career nito as a model. Binayaran niya ito upang ilihim ang kanilang relasyon na purely pisikal lamang.
Magaling itong sekretarya at magaling din sa kama. Masunurin din ito. Kahit kailan ay hindi siya nito binigyan ng sakit ng ulo. Pinapirma niya ito ng kontrata at sinustentuhan upang maging secret lover niya. Hindi niya inaasahang magkakainteres ito sa kayamanan niya at sisirain ang relasyon nila ni Abby.
“Sir Lucian, may problema po sa entries natin sa competition,” bungad ni Luna, ang Head ang Design Department na dahilan upang mabalik siya sa kasalukuyan.
“Ang LM Corporation ay may problema? Kilala ang likha nating footwear hindi lang sa bansa kundi maging sa iba’t ibang parte ng mundo. Anong problema?”
“Sir, the judges want to meet the designer of the shoes.”
“So? Anong problema? Isama bukas ang designers.”
“Sir, gawa po ng isang freelancer ang lahat ng design na nakapasok sa finals. Walang contract at hindi natin official na empleyado. Baka madisqualify po tayo at malaking kahihiyan ang abutin ng kumpanya.”
“Last two years ay tayo ang panalo, nasaan ang mga designer na iyon?”
“Sir, sa nakalipas na dalawang taon ay si Queen M ang lahat ng creator ng nanalong designs.”
“What? Anong silbi ng department mo! Hanapin mo ‘yang si Queen M at papirmahin ng kontrata!”
“Sir, ayaw pong pumirma at maging exclusive employee si Queen M.”
“Offer her a big amount of money. At sinong wala sa katinuan ang tatangging maging parte ng LM Corporation?”
“Sir, hindi po ninyo naiintindihan,” wala ng kulkay ang mukha ng babae.
“Alin ang hindi ko naiintindihan? Luna, nauubos na ang pasensya ko sa’yo! Iharap mo sa akin si Queen M! Ako ang kakausap sa kanya!”
Nanginginig ang labi ng kausap. “Sir, hindi papayag si Queen M na maging empleyado natin.”
“Gawan mo ng paraan ‘yan or you’re fired! Ipapa-ban kita sa industry. Hindi ko hahayaang ang pagkakamali mo ang maging simula ang pagkasira ng reputasyon ng kumpanya!” mabagsik ang anyo niya upang mas takutin ang empleyado.
“Sir, si Queen M ay si Emerald. Buhay pa po siya at natitiyak kong ayaw ninyo siyang makita. Hindi natin siya pwedeng kuhaning empleyado,” naiiyak na sabi ni Luna.
“What a surprise! Talk to her. Kumbinsihin mo siyang muling maging empleyado ng LM Corporation,” aniyang may ngiting tagumpay. Hindi niya inaasahan ang madaling pagpapalik kay Emerald. Kapag nga naman umaayon ang kapalaran.
***
Tumatawag si Luna na sinagot ni Emerald.
“Em, tulungan mo ako,” umiiyak ang kaibigan.
“Bakit? Anong nangyari?”
Ikinuwento ni Luna ang problema. Paano niya papabayaan ang matalik na kaibigan na tumulong sa kanya upang kumita at buhayin ang pamilya. Ito din ang nagbantay sa kanyang sa ospital at nagbayad ng bills. Hindi niya kayang biguin ang kaibigan.
Napabuntunghininga siya.
“Sige, pipirma ako ng kontrata,” matapang niyang sabi. Tiwala siyang kaya niyang pakiharapan ang dating asawa. Wala na siyang kahit anong damdamin para kay Lucian. Kapag walang feelings, hindi na siya maaapektuhan ng presensya nito. Hindi siya nabuhay muli para bumalik sa pagiging tanga!
Malamig ang simoy ng hangin, at ang bawat sulok ng reception area ay may halakhakan, musika, at halimuyak ng bulaklak. Sa gitna, masayang naghihiwa ng cake sina Justin at Gab habang pinapalakpakan sila ng mga mahal sa buhay.Kinikilig si Mayumi habang hawak ang kamay ni Cayden.“Grabe! Akala ko hindi na matutuloy ‘to. Pero tingnan mo naman sila parang movie ang ganda ng kasal!” anitong lumapit sa bagong kasal. Kasama nito si Cayden at Lola Mila.“Apo, ipinagdasal ko gabi-gabi na mabuo na ang pamilya mo. Napakasaya kong masaksihan muli ang inyong pag-iisang dibdib,” ani Lola Mila.“Lola Mila, maraming salamat po sa pagtanggap sa akin mula simula,” ani Gab na naluluha.“Apo, unang kita ko palang sa’yo, alam kong ikaw ang tamang babae para kay Justin at hindi ako nagkamali. Tignan mo naman at ikakasal kayong muli at may kasama ng Nathaniel.”Nagyakap silang dalawa.Si Nathaniel ay abala sa photo booth kasama sina Gianna at Mommy Olivia, naka-bowtie pa ito at masayang naglalaro ng confetti
Tuloy ang kasal! Ang buong lugar ay tila isang panaginip. Puting rosas at eleganteng bulaklak ang nakapaligid sa altar, may ilaw na banayad at musika ng violin na lumilikha ng isang payapang ambiance. Naka-focus ang lahat kina Gab at Justin na magkaharap na sa altar. Si Gab sa kanyang simple ngunit eleganteng puting gown, si Justin sa black na tuxedo.Ang kanilang mga kamay ay magkahawak, habang ang pari ay nagsimulang magsalita."Ngayong araw ay ipinagkakaloob natin ang ating mga puso at pangako sa isa’t isa, sa harap ng Diyos, ng pamilya, at ng ating mga kaibigan."Tahimik ang lahat, sagrado ang sandaling iyon. Sa likod ng ngiti ni Justin, may isang bahagi sa kanyang isipan ang alerto, nagsusuri at nagmamasid. Kahit pa mahigpit at madaming security personnel. Napansin niyang may dalawang security staff na hindi naka-uniforme ng maayos. Isa sa kanila, kanina pa sumisilip sa gilid ng bulwagan at tila palipat-lipat ng posisyon.Sumulyap siya sa paligid. May lalaking nakabihis waiter nak
Bumuo ng team si Justin upang hanapin si Rosie at si Lance na hindi na din niya mahagilap. Bumalik siya sa mansyon. Deretso sa mini bar at nagbukas ng alak. Nagsalin siya sa baso at mabilis na tinungga. Ilang minuto na siyang tulala.“Justin, may problema ba?” ani Gab ng makita siya. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. Buo na ang pasya niyang ipagtapat kay Gab ang natuklasan.“Gab, may kailangan akong sabihin sa’yo. Bago tayo tuluyang magsimulang muli, gusto kong malaman mo ang totoo.”Napapakunot ang noo ang dalaga.“Anong sasabihin mo? Bigla naman akong kinabahan. Masyado kang seryoso.”“Hindi ko alam kung paano sisimulan. Mangako ka muna na kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban natin ang pagmamahalan natin.”Tumango si Gab.“Masyado na tayong madaming pinagdaanan. Madami na tayong pagsubok na nalagpasan. Sa tingin ko, wala tayong hindi kakayanin.”Huminga siya ng malalim bago magsimula.“Noon pa man alam mo na hinahanap ko kung sino ang pumatay sa mommy ko kaya nga
Tahimik ang gabi, ngunit mulat pa rin si Justin. Mag-isa siyang nakaupo sa harap ng isang monitor, paulit-ulit na nire-review ang CCTV footage mula sa safehouse kung saan pansamantalang itinatago si Rosie. Nais niyang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali hanggang sa makita niya ang isang pamilyar na pigura sa footage. Si Lance! Napakasipag talaga ng kaibigan niya. Hands on ito sa pagtulong sa kaso ng mommy niya.Pinatigil niya ang video sa eksaktong frame na pumasok ang lalaking naka-cap at itim na jacket. Agad niyang pinazoom ang mukha upang matiyak kung si Lance nga. Mahirap ng magtiwala. Ngunit bakit naman pupunta ang kaibigan niya ng ganitong oras?Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan si Lance.“Bro? May problema ba?” bungad nito.“Wala naman. Itatanong ko lang kung nagpunta ka ba sa safehouse kagabi? Kay Rosie? May latest news ba? Baka may naalala siyang iba pang sangkot.”“Ha? Hindi, bro. Bakit ako pupunta doon? Hindi ba sabi mo, ako
Tatlong araw bago ang kasal. Pinasyalan nila Gab at Justin ang wedding venue.Ang wedding coordinator ay abalang inaayos ang seating arrangements, habang ang mga staff ay nag-aayos ng mga ilaw, sound system, at wedding arch.Nasa gilid si Justin, hawak ang cellphone ngunit matagal nang nakatitig lamang sa kawalan. Hindi niya namamalayang pinagpappawisan siya ng malapot sa tensyon. Tila bumibigat ang bawat segundo dahil sa lihim na bumabagabag sa kanya.“Sir Justin, okay na po ang final layout. Si Ma’am Gabriella po ay tinutulungan na nina Mommy Olivia at Gianna sa fitting ng bridal gown. Gusto ninyong i-check ang program?” ani Trisha.Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. Napangiti ng pilit, saka tumango.“Sige. Patingin.”Habang iniisa-isa ang detalye ng wedding program, tahimik lang siya. Sa isip niya, umiikot lang ang tanong kung kaya ba niyang ituloy ang kasal gayong alam niyang ang ama ni Gab ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya?Ni hindi na niya namalayan ang paglapit ni
Tumigil ang paghinga ni Gab habang ang lahat ay napasigaw sa kilig. Si Mayumi ay napa-cover ng bibig, si Mommy Olivia at Gianna ay kinikilig, si Lola Mila ay napaluha.Inilabas ni Justin ang isang eleganteng singsing mula sa bulsa.“I want to do this right. Not because we have to, not because of duty, but because I love you. Will you marry me… not just as the mother of our son, but as the love of my life?”Tahimik siya, nangingilid ang luha. Lahat ay naghihintay ng sagot.“Yes. Yes, Justin. I will,” aniyang tinanggap ang singsing at tuluyan ng napaluha.Hiyawan at palakpakan ang buong pamilya. Tumayo si Justin at niyakap siya ng mahigpit.“Justin, I love you, too. I never stop loving you,” aniyang hilam ang mata sa luha.“Napakasaya ko, Gab. Maraming salamat!”Naghalikan sila sa gitna ng palakpakan at kilig ng mga bisita. Si Nathaniel ay yumakap sa gitna nilang dalawa.“Yehey! Happy family!” sigaw ng bibong bata.Lalong lumakas ang palakpakan. Si Lola Mila ay napaiyak sa tuwa.“Ay sala