Share

Kabanata 58 Love Hurts

last update Last Updated: 2025-03-25 21:17:33

Tinulungan ni Emerald na makatayo si Cayden ng itulak ni Lucian. Pumagitna siya sa dalawang lalaki bago pa magkainitan.

“Huwag kang mag-alala. Si Cayden ang ama ng ipinagbubuntis ko,” aniyang tinapangan ang boses at humawak sa kamay ng binata. Hindi maaaring malaman ni Lucian na ito ang ama ng bata.

Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Lucian o guni-guni lang niya ang nakitang sakit sa mga mata nito.

“Sigurado ka? Baka ako ang ama ng bata sa tiyan mo!” bulyaw nito.

“Alam ko kung sino ang ama at hindi ikaw. Si Cayden ang tatay,” tila mapait ang lumabas sa kanyang bibig.

“So, may relasyon kayo ng gagong ‘to!?”

Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Hinila siya nito palabas. “Umuwi tayo at mag-usap.”

Hawak ni Cayden ang isa niyang braso upang pumigil.

“Huwag mong pilitin si Em! Bingi ka ba? Ako ang ama ng bata! Nagmamahalan kami!”

“Gago ka, hindi kita kinakausap!” maanghang na sabi ni Lucian.

“Cayden, I can handle this. Tatawagan kita. Kailangan naming mag -usap.”

“Em, sigurado ka? Baka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks much po
goodnovel comment avatar
Bhing
Update pls
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 193 Too Late to Apologize

    Nakamasid si Mayumi habang nag-uusap si Daddy William at si Cayden. Kuhang kuha nito ang kiliti ng ama. Tila nanlalaki ang ulo niya. Hindi naman niya kayang sabihin sa ama na nabuntis lamang siya at wala siyang balak magpakasal. Alam niyang may iniingatang pangalan ang pamilya niya. Bagong dating lang niya, hindi niya magagawang dumihan ang pangalan ng Pamilya Aragon.Gabi na ngunit malakas pa din ang ulan, kumukulog, malamig ang simoy ng hangin.Nakatayo si Cayden sa may bintana, nakatanaw sa ulan. Sa kanyang likuran, abala si Don William sa pagkuha ng mamahaling wine. Naglabas ito ng dalawang baso. Nagsalin ng alak at ibinigay sa kanya ang isang baso.“Hindi ka na makakauwi niyan, hijo. Baka abutan ka pa ng baha sa daan. Dito ka na magpalipas ng gabi.”“Nakakahiya po, Daddy William. Baka makagulo pa ako sa inyo.”“Huwag kang mahiya. Tinuturing na kitang parang anak. At tutal, magiging parte ka na rin ng pamilya, bakit hindi ka dito na matulog?”Sa kabilang bahagi ng sala, tahimik na

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 192 Planning the Wedding

    Tahimik ang paligid. Tanging tikatik ng water fountain mula sa labas ang maririnig. Tila bumagal ang oras sa gitna ng isang rebelasyong hindi inaasahan. Muntik na siyang himatayin sa sinabi ni Cayden. Kumukuha pa lamang siya ng lakas ng loob para ipagtapat sa ama ang kalagayan ay pinangunahan na siya ni Cayden.Napaawang ang labi niya. Lalo siyang nanigas ng akbayan pa ng binata. Kumukulo ang dugo niya. Niyaya sila ng ama na magtungo sa library upang makapag-usap.Sa loob ng library ng mansyon ng Aragon, sa isang antigong mesa sa gitna, nakaupo sina Don William, Mayumi, at Cayden. Nagdala ng tsaa ang kasambahay.Tahimik ang tatlo nang ilang saglit. Si Don William ang unang nagsalita, may mariin ngunit kalmadong tinig.“Gusto kong marinig ang totoo, mula sa inyo. Anong nangyari? Kailan nagsimula ito? Sa totoo lang ay nagulat ako.”Napatingin si Cayden kay Mayumi, na nakayukong pinipigil ang anumang emosyon sa mukha.“May ipagtatapat po ako sa inyo Daddy William,” simula ni CaydenMarah

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 191 Being a Father

    Nanatiling tahimik si Mayumi. Halos hindi humihinga kahit pa alam niyang negative naman ang lalabas dahil pinagawan niya ng paraan sa kapatid. Ito na ang magtutuldok sa pangungulit ni Cayden.Dahan-dahang binuksan ng binata ang sobre. Binasa ang laman. Nanlaki ang mata nito at tila hindi maibuka ang bibig.“Ako, ako ang ama,” anitong halos hindi mapakapaniwala at tila nais tumalon sa tuwa.Napatingin ito sa kanya at nayakap siya ng mahigpit na agad niyang itinulak.“Ako ang ama, magiging daddy na ako!” inulit nito at bakas sa mukha ang saya.Tila hindi niya narinig ang sinabi ni Cayden. Nagtaas siya ng mukha at kinuha ang papel na hawak nito. At natigalgal siyang lumabas ang totoong resulta. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, nanginginig ang kanyang mga kamay. Inilayo niya ang tingin, umiling ng madaming beses. Paano nangyaring hindi napalitan ang resulta?“Gusto ko lang, matapos na. Akala ko kung makita mong hindi ikaw ang ama, titigil ka na. Anyway, kahit ikaw pa ang ama, hindi kita

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 190 Hiding the DNA Result

    Isang tahimik na hapon sa loob ng isang prestihiyosong prenatal diagnostics center. Nasa loob ng consultation room sina Mayumi at Cayden. Magkaharap ngunit tila may pader pa rin sa pagitan nila. Katabi nila si Dr. Santos, isang eksperto sa non-invasive prenatal paternity testing.“Ang test ay ligtas. Kukuha tayo ng kaunting dugo mula kay Mayumi upang makuha ang fetal DNA na nasa kanyang bloodstream. At isang swab sample kay Cayden. Ang resulta ay maaari nating makuha sa loob ng isang linggo,” ani Dr. SantosTumango si Cayden. Hindi nagtanong ngunit tila malamim ang iniisip.“Sigurado ba kayong ligtas ‘to? Dalawang buwan pa lang ang bata,” ani Mayumi na puno ng pag-aalala.“Sigurado pong ligtas, non-invasive. Walang harm sa inyo o sa sanggol. Kaya huwag po kayong mag-alala.”Tumango siya, bagama’t halatang hindi pa rin siya komportable. Sa isang bahagi ng kanyang isip, gusto niyang umatras. Pero mas matimbang ang pagnanais na matapos na ang pangungulit ni Cayden. Tama na siya na lang a

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 189 Admitting His Feelings

    Tahimik si Mayumi. Humigpit ang hawak nito sa bag. Bahagyang nag-angat ng ulo, ngunit hindi pa rin humarap kay Cayden.“Sinagot ko na ang tanong na ‘yan dati pa at alam mo na ang sagot.”“Mayumi, kung ako ang ama, handa akong panagutan ang bata.”Sa gilid ng parking lot, isang itim na kotse ang huminto. Bumaba ang driver, si Justin, seryoso ang mukha.“Let’s go. Tapos ka na? Kailangan mo ng magpahinga,” ani Justin masama ang tingin sa kanya.Tahimik na tumango si Mayumi. Ngunit bago pa sila makapasok sa sasakyan, lumapit si Cayden, hindi maipinta ang mukha.“Sandali, nag-uusap pa kami,” anito.Lumingon si Justin, saglit na tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Madilim ang anyo nito“Wala na kayong dapat pag-usapan. Makulit ka din. Panay ang sunod mo. Dahil ba sa nalaman mong Aragon si Mayumi?”“Mayaman din ako, hindi pera ang habol ko. Baka ikaw ang pera ang habol mo. Tignan mo nga ang kotse mo, biglang mamahalin agad!”“May karapatan ka bang makialam? Pagkatapos ng lahat ng sakit na

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 188 Trying to be Close

    “Opo sir. Kung sasali kayo sa volunteer work, hindi niya kayo mapapaalis basta basta. Madaming tao doon. Tapos maipapakita pa ninyo na magiging mabuting ama kayo.”Napangiti si Cayden. “Magandang ideya, Henry. Hindi ako nagkamali ng pagkuha sa’yo bilang assistant.”“Sir, baka naman, magbigay pa kayo ng all expense vacation. Nakakahiya naman po,” biro nito.Tumawa si Cayden, unang beses sa mahabang panahon. Pero sa kabila ng biro, kita sa mga mata niya ang muling nabubuong pag-asa.“Nga po pala. Heto po ang CCTV footages ng bahay na iniwan ng mag-inang Sally at Naomi.”“Ayokong panoorin at baka makita ko ang kuha ni Mayumi at Justin. Hindi ko kaya. Ikaw na ang manood at tignan kung may makukuhang ebidensya laban sa mag-ina dahil sasampahan ko ng kaso.”Agad tumalima si Henry. Bumalik ito bago mag-uwian. “Sir, wala namang intimate na ginawa sina Mayumi at Justin. May isang footage na pumasok sila sa kwarto ni Aling Sally pero halos dalawang minuto lang.”“Sigurado ka? Patingin nga.”Isi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status