Share

Kabanata 63 Leaving Him for Good

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-28 23:29:42
"Madami tayong pinagsamahan. Ang bilis ng panahon. Lucian, sa kabila ng pait, ang mga araw na kasama kita ay talaga namang naging masaya ang ako. Pero ang lahat ay may hangganan."

"Iiwan mo ba talaga ako? Desidido ka na? Hindi mo tutuparin ang pangako mo?"

Tumango siya. "Hanggang dito na lang tayo." Napahinto silang dalawa sa paglakad. Aabutin pa sana ni Lucian ang mukha niya ngunit umiwas siya.

Mabigat ang paang humakbang siya palayo. Tumulo na nga ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Hindi siya lumingon kahit nadinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Tapos na sila ni Lucian.

Nakabalik siya ng apartment kahit tulala. Nagulat pa siya ng datnan si Cayden na kausap ni Luna.

"Em, kanina pa maghihintay si Cayden. Maiwan ko muna kayo para makapag-usap ng masinsinan."

Umupo siya sa harap ng binata.

"May kailangan ka ba? Gabi na ah," bungad niya.

"Em, nakahanda na ang papeles natin. Mag-migrate tayo sa Australia. May mga kamag anak ako doon."

Bigla siyang naguluhan.

"Teka, bakit biglaa
Maria Bonifacia

Thank you so much po. Wala pong bibitaw at madami pong kapana-panabik na eksenang magaganap!

| 41
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (23)
goodnovel comment avatar
Vima Galleras
mahal niya c Emerald kaso ayaw niyang sabihin
goodnovel comment avatar
Dolly Raza
i buking na si Abby para doble sakit kay Lucian,para maranasa rin niya ang naranasan ni Ems na sakit
goodnovel comment avatar
Salve Santiago
mahal na talaga ni Lucian c em,love hurts but true love finds way for them to be together...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 151 Facing the Monster

    “Ako lang ang magdedesisyon kung tapos na tayo. Bayad ka, huwag mong kalimutan!”“Cayden,” tawag ni Mayumi na nahihirapan na ang kalooban.“Wala ka bang kunsensya? Nakita mong nasa ospital ako tapos iiwan mo ako sa ere? Pera lang ba talaga ang mahalaga sa’yo?! Basta! Hindi tayo maghihiwalay. Tapos ang usapan.”Napayuko siya, nagpipigil ng luha. Gusto niyang sabihin ang totoo. Na may panganib pero hindi niya magawa. Mas malalagay sa panganib ang buhay nito kapag nagkataon.“Hindi ko hahayaan na basta ka na lang umalis. Malaki na ang nagastos ko sa’yo. Pero sige, bibigyan pa kita ng pera. Magkano ang gusto mo? Huwag mo lang akong iwan. Kailangan kita. I mean, ayokong malungkot ang mommy ko kapag bigla kang aalis.”Tahimik lang siya. Nakayuko, nakatayo malapit sa pintuan, tila handa nang lumabas anumang sandali. Gusto na lang niyang tumakbo palayo. Ngunit naninigas naman ang kanyang katawan.“Cayden,” mahina niyang sabing lumapit sa binata, “Hindi mo naiintindihan. May mga bagay akong ka

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 150 Ending the Contract

    Anak nga ba siya ni Nanay Sally? Tila sinuntok ang sikmura niya. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at unti-unting nagbalik ang ilang alaala ng nakaraan noong siya ay bata pa.Maulan na hapon. Sa loob ng maliit na kubo na tinitirhan nila sa baryo, may sira ang bubong at tumutulo sa sahig na kawayan ang tubig. Si Mayumi ay nakaluhod sa sulok, nanginginig sa lamig, habang hawak ang sirang laruan, isang maliit na manikang wala nang braso.Sa gitna ng sala, nakatayo si Nanay Sally, ay hawak na walis sa isang kamay.“Ano’ng sinabi ko sa’yo ha? Sinabi ko na sa’yo, huwag mong gagalawin ang mga laruan ni Naomi at baka masira!” sigaw ng ina, habang ibinabagsak ang walis tambo sa sahig bilang panakot.“Wala kang ginawa kundi manggulo! Puro kamalasan ang dala mo sa buhay ko! Mula ng ipinanganak ka, puro malas na lang ang dumating!”“Pasensya na po, Nay,” umiiyak na sagot niya. “Wala lang po kasi akong laruan, nanghihiram lang po ako---”Isang malakas na palo ang dumapo sa binti niya. Isa. Da

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 149 Mission Started

    “Humawak ka!” sigaw ni Cayden, kasabay ng isang biglang liko at kabig ng manibela. Naramdaman ni Mayumi ang mahigpit nitong yakap upang protektahan ang kanyang katawan sa posibleng impact ng pagbangga.Kasunod ang pagliparan ng mga ibon, ang langitngit ng gulong sa semento, at ang dagundong ng bakal sa lupa. Sa isang iglap, lumipad ang sasakyan pababa, bumangga sa mga tanim na palay, at bumulusok sa gitna ng luntiang bukirin. May ilang basag na salamin, pero salamat sa siksik na taniman at putik, bumagal ang bagsak ng kotse.Ilang saglit ang katahimikan. Naririnig lamang ang mabilis nilang paghinga. Eratiko ang tibok ng kanilang mga puso.“Mayumi, ayos ka lang?” hingal ni Cayden, habang sinusuri siya at labis ang pag-aalala.Tumango siya, nanginginig ang katawan at hindi makapasalita. “Oo... okay lang ako. Ikaw?”Napatingin siya sa binata at nakita ang pag-agos ng dugo sa ulo nito. Nahindik siya lalo ng nawalan ito ng malay.“Cayden, Cayden, gumising ka,” nanginginig niyang tawag. Tum

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 148 Choosing Love

    Natigilan si Mayumi. “Mommy Cecil, patawarin po ninyo ako,” aniyang nanginginig ang katawan. Hiyang hiya siya sa matandang naging napakabuti sa kanya. Hindi na niya napigil ang sariling mapaiyak.Hinila siya ni Mommy Cecil sa likod ng mansyon. “Hindi ako galit.”“Hindi po kayo galit?” aniyang nanlaki ang mata.“Oo, nasaktan ako sa pagsisinungaling ninyo at pagpapanggap na magkasintahan. Pero kasalanan ko din kung bakit humantong sa ganitong desisyon si Cayden. Pinagtutulakan ko na siyang mag-asawa. Nag-aalala akong tumanda siyang mag-isa dahil sa paghahanap sa batang babaeng nagligtas sa kanya noon. I'm worried for my son.”“Pasensya na po…” aniyang yukong yuko ang ulo. Iniisip din niya ang galit ni Cayden sa sandaling malaman nitong alam na ng mommy nito ang totoo. Natitiyak niyang papalayasin na siya sa mansyon.Tahimik si Mommy Cecil ng ilang segundo, saka muling nagsalita, diretso na tila sinusukat ang damdamin niya.“Kung hindi totoo ang relasyon ninyo, edi ayusin natin. I’ll give

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 147 Discovering the Truth

    “Sige payag na akong maging impomante. Pero bigyan mo ng proteksyon si Cayden,” hiling ni Mayumi.“Wow, mahal mo nga ang lalaking iyon. Biruin mo, ikaw ang malalagay sa panganib, kaligtasan niya ang iniisip mo. Huwag kang mag-alala, maglalagay ako ng taong magbabantay sa kanya.”“Hindi ito alam ni Cayden,” mahina niyang sabi. “Ayokong malaman niya. Hindi ko siya kayang ilagay sa alanganin.”“Lihim nating gagawin ito. Pero Mayumi…” Hinawakan ni Justin ang kamay niya saglit. “Pwedeng mapahamak ka dito. Siguradong sigurado ka ba?”Huminga siya nang malalim.“Kung kailangan kong ilagay ang sarili ko sa panganib para sa kaligtasan ni Cayden… Oo. Gagawin ko.”“Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo, ng pamilya mo at ni Cayden.”Tumango siya. “Ano ang plano?” aniyang puno ng determinasyon ang tinig. Gagawin niya ito para sa kaligtasan ni Cayden at para sa kalayaan niya.***Hapon na ng makabalik si Mayumi. Wala pa naman si Cayden. Tiyak niyang mamaya pa ang uwi nito mula sa

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 146 Hardest Decision

    Bubuka pa lang ang bibig niya upang sabihing mahal na mahal niya si Cayden nang madinig nila ang boses ni Mommy Cecil.“Oh, anak!” masiglang bati ni Mommy Cecil habang niyayakap si Cayden. “Ang aga mo. Hindi mo talaga kayang mawalay ng matagal kay Mayumi, ha. Ganyan talaga kapag mahal na mahal.”Tahimik si Cayden. Wala pa ring reaksyon mula sa halik at pag-amin kanina ni Mayumi.“Mom, may pasalubong din ako sa’yo,” sagot niya at inabot ang isa pang bag sa ina.Tumayo sa tabi niya si Mommy Cecil at tumingin sa paligid. “Cayden, I’m not getting any younger. At itong si Mayumi alam kong mahal ka.”“Mom --”“Magpakasal na kayo,” putol nito sa sasabihin ni Cayden, mariing mariin. “Bakit papatagalin pa? Doon din naman ang tungo noon. Bigyan ninyo ako ng apo.”Huminga nang malalim si Cayden. “Ma, huwag nating madaliin. Marami pa akong kailangang ayusin sa kumpanya. Business decisions. Expansion. At si Mayumi, pangarap niyang makapag-aral sa ibang bansa. Ayokong hindi niya matupad ang pangara

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 145 Unrequited Love

    Nasa labas si Mayumi, hawak ang cellphone, habang si Cayden ay nasa banyo at naliligo. Tatawagan niya si Don Manuel. Buong maghapon nasa conference si Cayden kaya may oras siyang makipagkita sa matanda upang magbayad ng utang.“Don Manuel, magandang tanghali po,” bungad niya sa telepono.“Mahal kong Mayumi sa wakas nakaalala ka din. Akala ko’y hindi ka na tatawag. Muntik na kitang ipahanap.”“Pasensya na po. Nagkasunod-sunod lang po ang nangyari. Pero handa na po akong tumupad sa usapan. May isang milyong piso na po akong dala. Makikipagkita ako ngayon.”“Isang milyon? Iyon lang?”“May interes pa po ba ang isang milyon? Magkano po?” kinakabahan niyang tanong.“Saan ka kumukuha ng pera? Ayokong isipin na pinagtataksilan mo ako sa boss mo. Pinagkakatiwalaan kitang ako ang mauuna sa batang katawan mo.”Tila napagot ang ugat sa utak niya. Hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin.“Ayoko ng pera mo.”“Po? Ano po ang ibig ninyong sabihin?”“Hindi ko kailangan ng isang milyon. Ikaw ang k

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 144 Sharing One Bed

    “Nagsalita na ang lalaking nahuling kasabwat. Pinangalanan niya kung sino ang utak ng plano,” sabi ni Justin.“Sino?” ani Mayuming mahina ang tinig.Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Si Cayden ay tila napahawak sa likod ng batok nito. Si Justin naman ay diretso ang tingin kay Mayumi.“Si Thesa Ramirez.”Sandaling katahimikan. Namutla siya. Hindi niya inasahang ang munting iringan sa opisina ay hahantong sa kidnapping.“Gusto niyang mawala ka sa landas niya,” matalim ang tono ni Justin.Hinawakan ni Justin ang kanyang balikat. Si Cayden ay nanatili sa gilid, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili.“Mayumi, magbabayad si Thesa. Pinangako ko sa sarili kong hindi na ‘to mauulit. Huwag kang matakot. Nandito ako. Ipaghihiganti kita,” anito sa mapanganib na tono.Paglabas ng ospital ay nagtungo sila sa kumpanya. Nasa isang pribadong kwarto sina Cayden, Mayumi, Justin, dalawang pulis, at ang Head ang HR Department. Si Cayden ay seryoso, habang si Justin ay nakabantay. Pumasok si Thesa, naka-

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 143 Returning the Favor

    “Mayumi,” bulong ni Cayden. Hindi makapaniwalang nakasampa sa ibabaw si Mayumi sa kidnapper na duguan ang mukha at halos walang malay. May hawak na tubo ang dalaga at may bahid ng dugo ang kamay.Napatingin si Mayumi sa kanila tsaka lamang binitawan ang bakal na tila nanghihina, nangingilid ang luha sa mata ngunit bakas ang tapang.“Akala ko hindi ninyo ako makikita,” aniyang pilit na tumayo.Nilapitan siya ni Justin, agad na pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Si Cayden naman ay tahimik lang, hindi makapaniwala.“Sinampal niya ako,” bulong ni Mayumi habang nanginginig. “Akala ko katapusan ko na.”Napasugod siya ng yakap kay Cayden.“Paano mo nagawang itumba ang isang lalaking matangkad at mas malaki sa’yo? Hindi ka ba nasaktan?” tanong nitong nakahagod sa likod niya.“Lumaki ako sa kalye kaya hindi ako takot ipagtanggol ang sarili ko.”Isinuot ni Cayden ang coat sa kanya at isinakay siya sa sasakyan upang madala sa ospital.Nasa isang private room siya ngayon at nakahiga, ma

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status