Maraming salamat po sa pagbabasa, comments, gifts, at gems. Very much appreciated po ang inyong support.
Tahimik at solemn ang paligid. Nasa harap ng altar sina Justin at Camille, habang hawak ng pari ang Bibliya at binibigkas ang mga panalangin ng kasal. Nagsisimula na ang mahalagang bahagi ng seremonya, ang pagbigkas ng mga panata.“Justin Aragon, tinatanggap mo ba si Camille Reyes bilang iyong asawa...”Nakatingin sa altar si Nathaniel at biglang tumakbo papasok sa gitna ng simbahan!Bago pa man siya makasagot, isang malakas na sigaw ang gumambala sa katahimikan.“Nathaniel! Huwag!” aniyang muntik himatayin sa ginawa ng pamangkin.Pero huli na. Sumisigaw na ang bata habang tumatakbo sa gitna ng aisle.“Daddy Justin! Daddy!”Nagulat ang lahat ng bisita. Napahinto ang pari. Lumingon si Justin at doon niya nakita si Nathaniel na patakbong papalapit. Tumigil siya sa gitna ng aisle, humihingal ngunit determinadong makarating sa altar.“Daddy! Huwag ka magpakasal! Hindi siya mommy ko,” anang batang nakakapit sa kanyang hita at umiiyak na.Umugong ang bulungan. Nanlilisik ang mata ni Camille
"Ngayon po?”"Oo. Ang daming post ng fiancée niya sa social media. Bonggang kasalan daw sa simbahan. Baka nga nandoon na siya ngayon.”"Pero, hindi ko pa siya nakakausap. Hindi pa niya alam daddy ko siya.”"Ay nako, Nathaniel. Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin. Dapat mong matutunan ‘yan habang bata ka. Tanggapin mo na lang.”"Tara, Tita Gianna, puntahan natin si daddy, please.”"Anong gusto mong gawin, sumugod tayo sa kasal?! At ano? Sabihin mong anak ka niya?!”“Gusto ko makita si daddy,” pamimilit ni Nathaniel.Natigilan siya sa determinasyon ng pamangkin sa murang edad nito."Hindi mo naiintindihan ang pinapasok mo, Nathaniel. Pero kung talagang gusto mo pa rin, sige. Pupuntahan natin. Pero titignan mo lang, ha? Hindi ka mangugulo doon,” kabadong sabi niya para sa limang milyon."Opo, Tita Gianna.”Sinundo niya si Nathaniel at ginawa ulit ang ginawa niya dati upang maitakas ang pamangkin. Parang kulang ang limang milyon kapag nabuko siya ni Gab. Ti
"Salamat sa tiwala, Kian. Pero kung may dapat makaalam niyan, si Justin ‘yon. Hindi ako. Ayokong maging dahilan ng gulo sa buhay ni Justin. Ayokong makialam,” aniyang buo na ang desisyon.Tumango ang binata tanda ng pang-unawa, bagama’t may lungkot sa mukha."Naiintindihan ko. Siguro kaya ko lang sinabi ‘to, kasi hindi ako mapakali. Pero tama ka. Ayoko na siyang habulin sa mga desisyon niya. Matanda na si Justin. Kung pipikit siya sa mga katotohanan, problema na niya ‘yon.”"Kumain na tayo. Baka kung saan pa tayo dalhin ng usapang ‘to,” aniyang nagsimulang sumubo ng pasta.Nagpakawala muli ng malalim na buntong-hininga si Kian, tila may isa pa itong gustong sabihin."Actually, may isa pa akong dahilan kung bakit kita niyaya ngayon,” anang binatang nakangiti."Naku, Kian. Parang ang dami mong kwento.”Napakamot ito sa batok."Oo nga eh. Eto medyo mas personal ang sasabihin ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako,”"Sige na. Sabihin mo na. Huwag ka ng mahiya.”"May ipapakasal sa akin ang mga
Natapos na ang mahaba at tense na meeting tungkol sa subway project. Isa-isang lumabas ang mga opisyal. Naiwan si Gab sa boardroom upang ayusin ang kanyang laptop at mga dokumento. Habang palabas siya, ay naabutan niya si Justin na nakatayo sa gilid ng lounge area, tila may hinihintay."Gab,” tawag nito.Napalingon siya. Saglit siyang natigilan."Bakit? May gusto ka pa bang linawin tungkol sa project?”"Gusto kitang kausapin… kahit sandali lang.”Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang pumasok sa lounge at isinara ang pinto. Nahulog sa katahimikan ang buong paligid."Congrats, Gab. You handled the meeting well. Magaling ang mga suggestions and insights mo.”"Thanks. You, too. Maganda ang subway project mo. Madaming mamamayan ang makikinabang.”"Hmmm. Malapit na akong ikasal.”Hindi agad siya nakakibo. Tumingin siya sa sahig. Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit mas masakit kapag sa bibig nito galing mismo? Ngumiti at tumango.“Nadinig ko nga, binati ka nila kanina,” aniyang hindi
Sinundo ni Gianna si Nathaniel sa mansyon. Kabado siya sa gagawin. Ipinagpaalam niya si Nathaniel na pupunta sa mall na katabi ng Aragon Towers. Dinala niya ito sa palaruan at sinabihan ang security na hintayin sila sa labas ng playground. May tracker ang bata kaya dinala ni Gianna ang anak ng kaibigan at inilagay ang tracker dito upang hindi malaman na umalis sila. Abot abot ang dasal niya. Sa ngalan ng milyones, tutulungan niya ang pamangkin.Matao at abala ang buong gusali, may mga empleyado na nagmamadaling pumasok at lumalabas, habang sa isang sulok, naroon si Nathaniel, suot ang polo shirt na may cartoon print, at siya na kabado habang hawak ang cellphone. Naka-shades siya at halos itabing ang buhok sa mukha.“Ay, pamangkin, napakahirap netong pinapagawa mo sa akin. Sandali lang tayo dito ah? Tapos, hindi ako pwedeng makita ng daddy mo.”“Salamat po Tita Gianna. Gusto ko lang po siyang makita at magpapakilala po ako tapos uwi na po tayo.”“Basta pag lumabas siya, ikaw na bahala.
Pumasok si Gab sa kwarto, naglalaro si Nathaniel sa sala. Sinilip niya ang ina at ng matiyak na wala na ay kinuha sa bulsa ang papel na sinulatan ng kanyang Tita Gianna. May nakasulat na pangalan, Justin. Walang apelyido. Napakamot siya sa ulo.“Justin lang?”Bumaling siya sa tablet na palaging naka-online. Binuksan ang browser at nag-type ng pangalang Justin.Lumabas ang mga search results, karamihan ay mga singer, celebrity, o international personalities. Wala ang hinahanap niya. Napasimangot siya.“Eh puro Justin Bieber, Justin Tim-ber-la-ke!” aniyang hindi mabigkas ang pangalan.Kinalabit niya si Gianna, na noon ay nasa sala at kausap ulit ang mommy niya.“Tita Gianna…”Lumingon sa kanya ang tiyahin. Pinandilatan siya ng mata kaya naupo siya sa sofa. Nagpaalam na si Gianna sa mommy niya kaya hinabol niya ito.“Oh, bakit Nathan?”Lumapit siya, bitbit ang papel.“’To po oh. Bakit po wala last name? Siya po ba talaga daddy ko? Baka po kasi maling Justin hinahanap ko sa tablet.”Hinil