Thank you so much po sa walang sawang suporta. Godbless po!
Nakahanda na papasok si Lucian sa opisina. “Em, tinatamad akong pumasok.”Natatawang inayos ni Emerald ng kurbata nito. “Ayusin mo muna ang mga problema tapos ay tsaka ka magpahinga. Bawal tamarin”Napatitig siya sa gwapong mukha nito na nakasimangot. “Ayusin mo ang mukha mo,” aniyang hinawakan ang dalawang pisngi nito. Dinmapian niya ito ng halik sa labi.Hindi pa siya makahanap ng timing upang kausapin ng masinsinan si Lucian at ipaliwanag dito ang lahat ng nangyari pati na ang problema sa kalusugan ng kanilang anak. Ayaw muna niya makadagdag sa bigat ng dalahin nito.“Teka, tulog pa ba si Zoey?” Nakita niya ang kislap sa mga mata nito.“Oo, mamaya pa gising noon.”Pagkasabi ay sinunggaban siya ng halik nito sa labi. “Hoy! Ma-le-late ka na,” aniya ng magsimulang maglikot ang kamay nito sa kanyang katawan.Ngunit tila ito bingi at sarap na sarap sa paglaplap sa labi niya.“Quickie lang ‘to. Please, I need you now,” anitong muling lumapat ang labi sa kanya na mas mapusok at maalab.In
Minabuti ni Emerald na puntahan si Lucian sa LM Corporation at ipagtapat ang katotohanang anak nito si Zoey. Hindi ito umuwi ng dalawang araw dahil sa mansyon daw muna ito mananatili upang bantayan si Lolo Fernando at kausapin si Donya Leticia. May pampamilyang problema daw itong inaayos.Kagabi ay hindi maganda ang pakiramdam ni Zoey, dinala niya ito sa ospital ngayong umaga at iniwan kay Luna. Kailangan na nilang pag-usapan ni Lucian tungkol sa kalagayan ng anak.Walang pasabi ang punta niya kaya inawat siya ng staff ni Lucian. Naabutan niya itong nakatingin sa tablet na hawak ni Kiel. Tila ito nakakita ng multo ng makita siya.“Anong ginagawa mo dito?” malamig ang boses ni Lucian. Tila ibang tao ito.“Lucian, pwede ba kitang makausap? Sandali lang, importante ‘to,” aniyang kumakabog ang dibdib habang hawak ang isang maliit na envelop na naglalaman ng birth certificate ni Zoey at nakalagay na ito ang ama.“Sabihin mo na ngayon. Busy ako. Akala ko ang hindi ko pag-uwi sa villa ay mali
Kinuha ni Emerald ang cellphone kay Zoey at pasimpleng in-off. “Anak, busy si Daddy Lucian sa business kaya hindi ka niya mapupuntahan. Andito naman si mommy.”Tumango ang bata tanda ng pag-unawa.Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Cayden. “Em, bakit hindi mo ako tinawagan? Alam mong tutulungan kita kahit ano ang mangyari.”Napatingin siya sa kasama nitong babae, maganda ito at bata pa. Nakatirintas ng dalawa ang buhok at naka-puting t-shirt at shorts.“Nga pala si Mayumi, baka kailangan mo ng katuwang sa pag-aasikaso kay Zoey.”“Hello, Ate Emerald, ako si Mayumi, ang future wife ni Boss Cayden.”Nagsalubong ang kilay niya sa pakilala ng babae lalo na ng makita ang inis sa mukha ni Cayden.“Shut up! Kaya ka nandito ay para tumulong hindi mambuwisit.”Hinila niya si Cayden sa isang sulok. “Sino ‘yang kasama mo? Mukhang may gatas pa sa labi.”“Bente tres na ‘yan.”“Girlfriend mo?” panunukso niya.“Pwede ba, hindi ko papatulan ‘yan at hindi kita ipagpapalit sa kagaya niyan.”“Uy, Boss
“Lumayas ka! Hindi namin kailangan ang tulong mo,” ani Emerald na kumakabog ang didbib dahil hindi pa lumalabas ang duktor sa kwarto ni Zoey. Baka kung ano ang mangyari sa anak. Nasa bibig nito ang kamay. Halatang pinipigil ang mapaiyak.Pinagsusuntok siya ni Emerald nang hindi siya tumitinag hanggang sa wala siyang nagawa kundi ang umalis. Bumalik siya sa kotse.“Sir Lucian, bakit po hindi ninyo ipagtapat kay Ms. Em ang nangyayaring pananakot at pagbabanta sa buhay nilang mag-ina kaya kayo lumayo?” sabi ni Kiel habang nagmamaneho.“Pansamantala lamang ang ganitong sitwasyon. Mas malalagay sila sa panganib kapag may alam sila. Mainam ng layuan ko mula sila. Nakita mo ang dala kong panganib, mas lumala ang lagay ni Zoey ng dumalaw ako,” aniyang may pait sa tinig.“May tauhan na po tayo sa koob ng ospital para ireport ang lagay ni Zoey.”“Get all her medical records. Gusto kong malaman kung ano ang sakit ng bata.”Bumalik siya sa LM Corporation at nakasalubong si Elton sa hallway. Nakata
Nagmamadaling sumugod si Lucian sa opisina ni Don Mateo at sinugod ito ng suntok.“Nasaan si Emerald? Kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Kakalimutan kong naging ama ko kayo! Tang-ina, ako na lang! Nag-usap na tayo!”Inawat ng dalawang bodyguards ang nagwawalang si Lucian. “Gago! Wala akong alam sa sinasabi mo! Mag-ingat ka sa pagbibintang mo!” kalmado ngunit may tensyon sa tinig ng matanda.“Huwag ka ng magmaang-maangan pa! Ibalik mo sa akin si Emerald!” aniyang nagdidilim na ang paningin.“Hindi ko alam kung nasaan ang babaeng kinababaliwan mo! Wala akong kinalaman sa pagkawala ng babae mong 'yan! Wag mo akong pagbintangan sa kasalanang hindi ko ginawa!” anitong malakas ang boses.Nagwala siya mula sa pagkakahawak ng bodyguards. Pinitsarahan niya ang ama. “Ikaw lang ang may motibo! Hindi ako nakikipaglaro sa inyo. Kapag may nangyaring hindi maganda kay Emerald, lulusawin ko lahat ng negosyo mo. Bubulukin din kita sa kulungang hayup ka!” aniyang tila torong manunuwag at hindi
“Nagkakamali ka, paghihiganti ang dahilan kung bakit siya lumalapit sa akin! Maniwala ka! Siya mismo ang nagsabi sa akin. Nakipag break na siya. Kahit kailan ay hindi niya ako minahal,” ani Emerald na pilit kinukumbinsi si Abby na tila isa ng baliw.“Bobo ka o manhid?! Mahal na mahal ka niya kahit noon pa!”“Abby, ikaw ang mahal ni Lucian.”“He never loved me, akala lang niya ako ang nagligtas sa kanya kaya naging magaan ang loob niya sa akin. Hindi niya alam, ikaw ang babaeng tanga na sumagip sa kanya!”“Abby, makinig ka. Si Lucian mismo ang nakipaghiwalay---"“Ginawa niya ‘yon dahil tinakot siya ni Don Mateo. May tatlong duktor na nagpunta sa ospital upang saktan ang anak mo sa sandaling hindi siya sumunod. Are you happy now? Natupad na ang ilusyon mong mahalin ka ni Lucian Monteverde pero sad to say hindi na kayo magkikitang muli. Papatayin muna kita! Kahit bangkay mo ay hindi na niya makikita.”Nagsisikip ang dibdib niya sa takot at sa maaaring sapitin sa kamay ni Abby.“Maawa ka
Isang malamig at malamlam na silid ang kinaroroonan ni Lucian habang binabantayan ni Emerald. Naririnig ang tunog ng heart monitor.Nasa ICU si Lucian, may benda sa dibdib, duguan ang sugat na tinamaan ng bala. Nakaupo siya sa tabi ng kama, nanginginig at halos hindi makahinga sa pag-iyak, hawak-hawak ang kamay ng lalaking pinakamamahal.Gumalaw ang kamay nito.“Lucian!” aniyang napamulagat. Nagmamadaling tinawag niya ang nurse at duktor.“Gumising ka. Lumaban ka. Huwag mo kaming iiwan,” aniyang nanginginig ang tinig habang humahagulgol.Humina ang tunog ng heart monitor. May emergency buzz. Biglang nagmadali ang mga doktor at nars. Hinila siya palabas ng kwarto.Ang heart monitor ay biglang naging flatline. Tumigil ang mundo niya. Tila siya pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang mga doktor ay agad na kumilos, nagbigay ng CPR at defibrillator.Nakita niyang umangat ng bahagya ang katawan ni Lucian dahil sa gamit ng duktor na makina. Wala pa ring tibok ang puso nito. Napakabigat ng kaloob
Bumalik si Emerald sa kwarto ni Lucian matapos ang lab tests. Natulala siya sa sunod sunod na pagsubok na dumarating. Ngunit sa kabila ng lahat alam niyang hindi siya papabayaan ng Diyos.“Em, humiga ka sa tabi ko. Baka sobrang stress ka na,” ani Lucian ng makita siyang namumutla.Pinilit niyang ngumiti. Magulo ang takbo ng kanyang isip.“Em, pwede akong sumailalim sa tests baka mag-match kami ni Zoey. Kinausap ko si Dr. Alvarez. Kaya huwag ka ng mag-alala.”“Lucian, hindi ka pa lubusang magaling.”“Kaya ko. Kailangan ako ni Zoey. Sana lang ay perfect match.”“Magdasal tayo. Alam mo, lahat ng hiniling ko ibinigay ni Lord. Magtiwala tayo sa kanya,” aniyang naluluha.Pumasok ang duktor sa kwarto ni Lucian. Hawak nito ang envelope ng lab results niya.“Congratulations Mr. and Mrs. Monteverde. You're pregnant,” sabi ni Dr. Alvarez.Napatingin siya kay Lucian, nanlaki ang mata niya. Natulala siya at hindi makapaniwala.“P-po? Sigurado po ba kayo?”“Yes. We ran all the tests. You're about ei
Si Thesa Ramirez ang dumating, ang head ng Marketing Department. Kilala sa buong kumpanya bilang matalino at matapang.Tumayo si Cayden mula sa kanyang upuan, kalmado ang kilos, pero tiningnan agad si Mayumi sa gilid ng mata.“What’s the problem, Thesa?” tanong nito. Napakagat labi siya sa malaking katangahan.“Heto, Sir Cayden,” sabay pakita ni Thesa ng tablet. “This email was sent to one of our VIP partners. It has the wrong sales figures, the wrong product list, and worst of all, a wrong sign-off with a typo that says Much lust, Mayumi instead of Much trust! Que Horror!”Namutla si Mayumi. “Lagot,” bulong niya. Parang gusto niyang maglaho na lang at kainin ng lupa.“Hindi lang ito nakakahiya, Sir Cayden. This puts our image at risk! The client literally called me asking if we hired an intern to run our corporate correspondence!” dagdag ni Thesa, habang halatang pinipigilan ang sarili na huwag lumipad ang tablet sa ulo ni Mayumi.“Pa-pasensya na, hindi ko si-sinasadya,” nauutal niya
“Makinig ka. Pulis ako. Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Sumama ka sa amin.”Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki. May kasama itong naka-unipormeng pulis. Isinakay siya sa puting van. Labis ang kabog ng kanyang dibdib.“Huwag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan. Kanina, nakita ko ang walang pag-aalinlangan mo sa pagtulong sa nangangailangan. Kaya naman may iaalok kami sa’yo.”Hinubad ng lalaki ang suot na jacket, ipinakita ang isang markang hindi karaniwang badge, kulay itim at pilak na may nakaukit na letrang SFU: Secret Force Unit.Nanlaki ang mata niya.“Gobyerno kami,” patuloy ni Justin. “Lihim kaming yunit na tumutugis sa mga malalaking sindikato. Isa sa mga target namin si Don Manuel.”Napalunok siya sa narinig. “Bakit ako? Wala akong kakayahan sa ganyan. Oo matulungin ako sa nangangailangan dahil alam ko ang pakiramdam ng walang malalapitan. Pero hindi ko kayang banggain si Don Manuel,” mahina niyang sabi.“May koneksyon ka sa kanya. Kailangan namin ng mata at tenga
Hiyang hiya si Mayumi kay Mommy Cecil ng nagawa niyang utangan ito ng pera. Ngunit kailangan niyang kapalan ang mukha."Magkano, hija?" medyo nagulat ngunit kalmadong tanong nito."Isang milyon po.”"Isang milyon? Para saan, Mayumi?”"Ipambabayad ko po ng utang ng nanay ko,” aniyang nagpipigil ng luha.Tahimik ulit si Mommy Cecil. Malalim na nag-iisip."Ibigay mo sa akin ang detalye ng bank mo at ipapadala ko ang isang milyon.”“Talaga po? Papahiramin ninyo ako? Maraming salamat po. Pasensya na po kayo. Babayaran ko din po.”Tila anghel ang tingin niya sa Donya at parang nabunutan ng tinik ang kanyang dibdib.“Anak ang turing ko sa’yo, Mayumi. Magsabi ka lang kapag may problema ka at nakahanda akong tumulong.”Napayakap siya sa matandang naging napakabait sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang makabawi dito.***Nakaupo si Mommy Cecil sa mahogany desk, may hawak na checkbook at cellphone. Katatapos lang nitong tawagan ang accountant upang ayusin ang transfer ng pera. May kumatok sa pi
Marahang umalis si Mayumi sa kama. Humiga siya sa sofa. Yumaman lang siya tapos ang problema niya sa buhay. Ayaw na siyang bigyan ni Cayden ng isang milyon. Tila lumobo ang utak niya kakaisip.Maagang gumising si Mayumi para maghanda ng agahan. Naglagay siya ng tatlong tasa ng kape sa mesa. Gunawa niya ang kape gamit ang coffee maker. Nagtrabaho syang barista sa sikat na coffee shop sa lugar nila kaya masarap ang timpla niya.Maya-maya pa'y bumaba si Mommy Cecil na nakangiti sa kanya. Napatingin siya sa matanda. Kung hindi siya bibigyan ng pera ni Cayden baka pwede siyang humiram sa Donya. Ngunit nakaramdam siya ng hiya. May ilang araw pa naman siya para maghagilap ng pera."Aba, Mayumi! Ang sipag mo talaga. Napakapalad naman ng anak ko sa'yo.""Naku, Mommy Cecil, maliit na bagay lang po ito. Si Cayden po kasi, pagod palagi sa trabaho kaya gusto ko po siyang pagsilbihan,” aniyang pilit pinapasigla ang boses.Sakto namang lumabas si Cayden mula sa kwarto. Bagong paligo ito at talaga na
Bumangon si Cayden at pumasok sa banyo upang maligo. Hinintay ni Mayumi ang paglabas nito. May hinanap siya sa bag at nakita niya maliit na bote ng langis at kumuha siya ng isang tuwalya."Cayden, gusto mo bang i-masahe ko ang likod mo? Parang pagod ka kasi."Lumingon si Cayden, at sa halip na ngumiti, napakunot ang noo."Kahit anong gawin mo ay hindi kita papahiramin ng pera.”Napaatras si Mayumi, kita sa mukha ang pagkabigla at medyo nasaktan kahit sanay naman siyang minamaltrato ng nanay at kapatid."Hindi kita pipiliting bigyan ako ng pera. Gusto lang kitang tulungang gumaan ang katawan mo,” aniyang napayuko."Gusto kong magpahinga. Umalis ka diyan.”Maingat ang mga hakbang niya, hawak pa rin ang maliit na bote ng langis."Alam kong pagod ka. Mas marerelax ka at makakatulog kapag minasahe kita,” mahinahong sabi niya.Hindi umimik si Cayden. Bumuntong-hininga lang siya, pero hindi umalis. Dahan-dahan siyang lumapit at naupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang bote ng langis at pina
“Maliwanag ang sinabi ng nanay mo. Sumama ka na sa akin ng wala ng problema,” sabi ni Don Manuel. “Nakikiusap ako na bigyan ninyo pa ako ng konting palugit. Babayaran ko ang isang milyon.”“Isang linggo. Kapag hindi mo ako nabayaran, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo,” anitong umalis na.Dumating na ang kanyang sundo. Hindi maiwasang mapaluha ni Mayumi habang sakay ng kotse. Kailangan niyang maglabas ng isang milyon sa isang linggo. Si Cayden ang pag-asa niya. Sinabihan niya ang driver na gusto niyang puntahan sa opisina ang binata.Namangha siya sa napakataas na gusali sa kanyang harapan. Parang gusto na niyang umatras kaso ay kailangan na niyang makausap si Cayden.Inihakbang niya ang mga paa papasok. Abalang-abala ang reception area. Simple ang damit niya pero maayos naman. Naka-smile siya at excited. Namangha siya sa disenyo ng loob ng building. Sobrang yaman pala talaga ni Cayden. Napadaan siya sa tila exhibit ng mga mall na pag-aari ng Villamor Realty Corporation.Lumapi
Inawat ni Mayumi ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi siya dapat sensitive dahil trabaho ang pinasok niya at walang namilit sa kanya. Hindi naman permanente ang sitwasyon niya.Nanatiling nakapasok ang malaking ari ni Cayden sa kanyang hiyas. Mukhang hanggang madaling araw na naman ang gusto nito. Hindi siya nagkamali at kumakadyot itong muli. Maya mga pinagawa pa itong posisyon sa kanya na tila sila nag-eexperiment.Kinabukasan ay araw na ng pag-uwi nila. Napuyat siya sa magdamag na pag-angkin nito sa kanya. Plano niyang tulugan lang ito sa byahe para na din makaiwas.Nakauwi na sila sa mansyon. Binaba niya ang bitbit na bag habang si Cayden ay agad na nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Sinalubong sila ni Mommy Cecil.“Kumusta? Nag-enjoy ba kayo?” anang Donya na niyakap silang dalawa.Mabilis ang kamay ni Cayden na umakbay sa kanyang balikat.“Yes, mom. Sobrang saya namin.”“Opo, sobrang nag-enjoy po kami lalo po ang anak ninyo. Salamat po.”“Naku, sana naman ay magkaapo na
Mabilis na naglayo at nag-ayos sila Mayumi at Cayden. Hinintay nilang lumagpas ang mga kabataan ngunit tumambay ang mga ito sa mismong harap nila. Hinala siya ng binata pabalik ng villa. Halos kaladkarin siya nito sa pagmamadali.Paglapat ng pinto ay agad nitong nilaplap ang kanyang labi. Para itong teenager na atat na atat. Ipinagdidiinan nito ang ari sa kanyang puson.Sunod-sunod na katok ang nadinig nila.“Sir, Ma’am! Pasensya na po, pero kailangan kayong lumipat ng villa. May problema po sa plumbing system ng inyong banyo. May leak na at baka lumala,” anang staff sa labas.Napalitan ng pagkadismaya ang pagnanasa sa mukha ni Cayden. Napakamot ito sa batok, habang siya ay napabuntong-hininga.Matapos ang abalang paglilipat ng villa, halos isang oras ding nag-ayos sina Cayden at Mayumi sa bagong silid na malayo sa una nilang tinuluyan. Mas maluwag, may jacuzzi sa balkonahe, at tanaw ang paglubog ng araw. Sa wakas, tila nagbabalik na ang kilig at kasabikan sa pagitan nila."Mas magand
Nagulat si Mayumi sa pagdating ni Cayden nahulog pa nga ang cellphone niyang hawak. Tiningnan niya ang binata na mukhang galit pa din.“Kausap mo na naman si Mike. Kanina pa kita pinagmamasdan. Lumayo ka pa talaga para makipag-usap sa hardinerong ‘yon.”“Hindi si Mike ang kausap ko.”“Oh, talaga? Sino pa ba ang tatawagan mo nang palihim?”“Nanay ko ‘yon!”“Naku, hindi mo ako maloloko. Last warning ko na ‘to. Stay away from him or from any man! Bayad na kita!”“Oo na, sa’yong sa’yo ako sa loob ng talong buwan. Actually, dalawang buwan at dalawang linggo na lang pala.”“Well, it’s me who will decide kung hanggang kailan ka sa buhay ko. Pwede ngang any time i-terminate ko ang usapan natin o pwede ko din extend kung gusto ko.”“Cayden, sumunod tayo sa usapan. May mga plano din ako sa buhay ko at wala akong planong magtagal.”Sandaling katahimikan. “Bakit? May usapan na kayo ng hardinero mo?”Nawalan siya ng kibo at iniwan ang lalaki upang maglakad sa dalampasigan.***Tahimik na naglalaka