Third Person's P.O.V
"I'm going to announce the divorce. Mas importante sa 'kin ang kompanya." ani ni Travis.
Nanlaki ang mata ni Chad. Alam niya na nasaktan ang kaibigan pero hindi pa naman sigurado kung totoo ba ang balita.
"Alam kong wala ka ng tiwala sa 'kin bilang assistant mo pero kahit bilang kaibigan lang Trav, pakinggan mo ang sasabihin ko." ani ni Chad.
Nanatiling tahimik si Travis habang nakakuyom ang kamao. Hindi niya gustong awayin ang kaibigan dahil may naitulong naman ito sa kanita kahit papaano.
"Pagkatapos kong malaman ang nangyari ay kaagad akong nagpadala ng tauhan sa Italya. Ngayon ang itinakda kong oras upang kunin ang nasagap niyang balita. Magaling ang tauhan ko kaya sigurado akong susunod siya sa usapan." buntong hininga bago nagpatuloy sa sasabihin. "Just wait dude para nam
Travis P.O.V"Kung titingnang mabuti, ikaw ang pumatay sa sarili mong anak."Nagmistulang sirang plaka at pabalik-balik ang sinabi ni Chad sa 'kin. Napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba ang ginawa ko dati sa kaniya para iwan niya 'ko? Masyado ba akong mapagmataas sa kaniya?"Kailangan mo ng pumasok. Hindi makakatulong sa inyong dalawa kung hindi mo siya kakausapin."Napabuntong hininga ako at napatingin sa bahay. Kasalukuyan akong nasa sasakyan habang kasama si Chad na kanina pa nagrereklamo dahil gusto niya ng umuwi sa bahay niya."Nahihiya na 'kong kausapin siya. Masyadong masasakit ang mga salitang binitawan ko sa kaniya kanina."Naramdaman ko ang pagtapik nito kaya napabuntong hininga ulit ako. Pakiramdam ko ay wala na 'kong mukhang ihaharap sa kaniya ngayon. Masyadong nakakahiya ang lahat ng pinag
Allyson's P.O.VMaaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Naparami 'ata ang pag-inom ko kagabi kaya ngayon ay parang binibiyak ito. Naisipan kong bumaba muna ng kwarto para kumuha ng tubig. Naubusan kasi ako ng tubig sa kwarto ko."Good morning!"Agad akong napamulat ng mata matapos marinig ang boses ni Travis. Medyo nagulat pa ako nang makitang nakaupo ito sa hapag kainan habang nakangiting nakatingin sa 'kin. Ano na naman kaya ang binabalak nito ngayon?"Morning" kaswal na sagot ko at kumuha ng sariling tubig. May inilagay kasi siyang tubig sa lamesa."Napaaga gising ko kaya nagluto na lang ako ng breakfast." ani nito at napatingin naman ako sa kaniya sabay tango. Wala naman kasi akong maisip na sagot."How are you naman? Sumobra ata sa capacity mo ang nainom mo kagabi." tanong nito.
Allyson's P.O.VNapatingin ako sa labas at hindi ko man lang namalayan na gabi na pala. Masyado akong nagpapakalunod sa trabaho para lang patunayan na karapat dapat ako sa posisyon ko.Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zia na may malaking ngiti. Sa hitsura pa lang niya, alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Pumunta lang 'yan dito kapag mang-aasar sa 'kin."Hi Flare!"Napakunot ang noo ko sa pagkakatawag niya sa 'kin. Minsan lang 'to tumatawag ng Flare sa 'kin. Una, kapag seryoso siya at ikalawa, kapag may nalaman siyang maganda na ako ang dahilan."Anong chismis na naman ang nakuha mo at ganiyan ka makangiti sa 'kin?"Umiling ito sa 'kin. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa aking upuan at hinintay ito na makalapit sa 'kin."Uuwi ka na?"
Allyson's P.O.VLumipas ang ilang araw at naging mas maganda ang pakikitungo ni Travis sa 'kin. Palagi niya akong ipinagluluto ng breakfast at palagi ko rin itong tinatanggihan. Kapag nasa opisina naman ako, ay palagi itong pumupunta sa opisina ko o 'di kaya ay magpapadala ng pagkain. Palagi ko namang ipinapakita sa kaniya na ibinibigay ko sa ibang empleyado ang mga pagkaing dumadating sa 'kin.Alam kong masama ang pagtrato ko sa kaniya pero kailangan ko lang subukan ang pasensya niya."May ipinapabigay si Travis sa 'yo."Napalingon ako sa kapapasok lang na Zia. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng aking opisina dahil kailangan kong magbasa ng maraming reports."Ano na naman 'yan?"Nagkibit balikat siya at lumapit sa 'kin. Ibinaba ko naman ang hawak na folder at sinuri ang dalang kahon ni Zia. Inilapag niya ito sa ak
Allyson's P.O.VNanatiling nakayakap ako sa anak ko. Kinakabahan pa rin ako kahit na maayos siyang nakarating sa Pilipinas. Alam ko na may teacher silang kasama pero masyado kasing malayo ang lugar ng field trip nila. Dati kasi, kalapit lugar lang ng Italya ang field trip nila pero ngayon umabot pa sa asya.Bahagya kong inilayo si Tyler sa 'kin at tiningnan ito ng seryoso. Napansin ko naman kaagad ang mga mata at ilong niya na katulad kay Travis.Tsk. Pati ugali kay Travis pa talaga nagmana."Humingi ka na ba ng tawad kay Tita Zia mo? Nag-aalala rin 'yan sa 'yo."Inginuso ko si Zia na ngayon ay umaarteng hindi makatingin kay Tyrell.Bumuntong hininga ang anak ko at dahan-dahang nilapitan si Zia at hinigit ang damit nito. Masyado kasing matangkad si Zia para sa kaniya."Tita, I'm really sorry sa nagawa ko k
SLIGHT SPG AHEAD!!!Allyson's P.O.VKasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Luigi. Inutusan ko naman si Zia na bantayan kami sa labas. Mabuti na ang sigurado keysa ang mabuking ako at masira ang plano ko."May mga impormasyon akong nalalaman na hindi alam ng ibang tao."Hindi ako sumagot sa kaniya at itinuon ang atensiyon sa aking kamay. Kailangan niya munang sabihin ang gusto niya bago ko siya sagutin."Alam ko, na alam mo kung gaano kahigpit ang asawa mo sa mga taong titiwali sa kaniya kaya medyo malaki ang gagawin kong sakripisyo at asahan mo na malaki rin ang gusto kong kapalit."Tumango ako dito at humilig sa sofa. Like I expected, mukha talaga siyang pera kahit kailan."You know me uncle. Sabihin mo lang ang gusto mo at ibibigay ko ito sa 'yo." Tumawa ito na par
Third Person's P.O.VKasalukuyang nakaenroll si Tyrell si Nord Anglia kung saan may mga nakakasalamuha siyang iba't ibang lahi ng bata. Maaga silang pinauwi kaya nagpasama siya sa yaya niya sa isang pambatang basketball court.Inilibot ni Tyrell ang paningin at halos lahat ng batang nakikita niya ay may kasamang ama. Sinubukang hindi pansinin ni Tyrell ang mga tao pero rinig na rinig niya ang bawat pagtawag ng mga bata sa kanilang mga ama."Daddy!""Help me reach the ring Dad!""Pa, masyadong mabigat ang bola!""Thank you, Dad!"Sa murang edad ay nakaramdam siya ng selos sa ibang bata. Gusto niya ring maranasan ang makipaglaro kasama ang tatay niya."Hoy bata!"Napalingon si Tyrell sa ka
Third Person's P.O.VNanatiling nakayakap si Allyson kay Tyrell. Natatakot siyang magsalita dahil baka mas lalo lamang itong magalit sa ama."Tulog na siya Ally. Dahil mo na siya sa kwarto."Napatingin si Allyson sa kaniyang anak at pagkatapos ay binuhat ito papunta sa sariling kwarto. Dahan-dahan niya itong inilapag upang hindi magising. Inayos niya ang kumot nito bago siya umupo sa tabi ng anak upang titigan ang maamong mukha ng bata. Habang tinititigan niya ito ay biglang bumalik sa kaniyang ala-ala ang nangyari noong nalaman niya na buntis siya kay Tyrell.FlashbackMaluha-luha si Allyson habang nakatingin sa papel na hawak niya. Ang buong akala niya ay wala na siyang anak pero nagulat siya pagkagising na may isang bata pang nabubuhay sa sinapupunan niya at pilit na lumalaban upang mabuhay. Mahirap man paniwalaan pero nagk