Share

Chapter 1

Allyson's P.O.V

"Maawa ka layuan mo na 'ko." rinig kong sigaw ni auntie Almira habang nakatayo ito sa tulay. Kitang-kita ko ang takot sa mukha nito habang nakatingin sa papalapit na Travis.

Naguguluhan ako sa nangyayari pero pinilit kong sumigaw at lapitan ito upang pigilan siya sa pagpapakamatay.

"Auntie Almira! Don't leave me!" sigaw ko dito pero unti-unti siyang humakbang malapit sa parte na walang mahahawakan.

Pinilit ko itong abutin pero tuluyan na siyang tumalon sa tulay. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang panoorin siyang bumagsak sa dagat habang pilit na tinatawag ang pangalan niya.

Tiningnan ko si Travis at kitang-kita ko ang nakakatakot na ngisi nito habang nakatingin sa akin.

"Ally! Ally!"

Napamulat ako ng mata matapos marinig ang aking pangalan.

"Uminom ka muna ng tubig." saad ni Zia habang inaabot ang tubig na agad ko namang tinanggap.

Napatingin ako sa aking gilid at agad kong naramdaman ang galit matapos makita ang mukha ni Travis. Sa pitong taong lumipas wala akong natanggap na tulong galing sa kaniya at ngayong buwan ay nalaman ko na lang na isa na siyang sikat na CEO sa kompanyang sumira sa akin.

Tiningnan ko ang ibabang parte ng newspaper at nakita ko ang balita tungkol kay Auntie Almira na hanggang ngayon ay comatose pa rin dahil sa huling naging proyekto nito na kung saan ay may kinalaman si Travis.

"I have some fresh news from you Flare." napatingin ako kay Zia dahil sa sinabi niya at itinuro niya ang laptop na nasa harapan ko kaya binuksan ko ito at mas lalong nadagdagan ang galit ko nang makitang lahat sila ay walang pake sa ginawa nila sa akin.

"Just on time, Mr. Travis Tan and Sofia Romero were spotted entering a hotel together last night. Three years ago there are also speculations that they are dating. Does it mean that they are going to announce their en--."

Hindi ko na natapos ang balita dahil baka maitapon ko ang laptop sa inis.

"Are you sure you're going to take their offer?" tanong ni Zia at sa nakikita ko nag-aalala siya sa'kin.

"Si Auntie Almira na lang ang taong pinagkakatiwalaan ko maliban sa'yo at ngayong comatose siya, kailangan kong malaman ang dahilan at tanging si Travis lang ang daan ko upang malaman ang katotohanan." desidido kong sagot sa kaniya.

"We lack some evidence Ally kaya hindi pa rin natin masasabi na si Travis nga ang dahilan ng pagiging comatose ni Auntie Almira." sagot nito sa akin kaya napatayo ako upang lumipat sa sala.

"Wala na akong ibang maisip na tao maliban kay Travis. Siya lang naman ang makikinabang kapag nakuha niya ang factory ni Auntie at isa pa sinabi sa'kin ni Iris na pabalik-balik daw si Travis upang bilhin ang factory ni Auntie." sagot ko dito.

Umupo naman ito sa akin na tila may malalim na iniisip.

"Travis did everything he can para lang mahire ka niya sa Soul Empire dahil hindi niya alam na ikaw ang sikat na critic na si Flare. He's still your---."

"He's my husband who sent me abroad that why I need to take back what's mine Zia. My husband and my money needs me." sagot ko dito habang nakatingin sa litrato ni Travis.

"Okay. I'll book you a flight today since there will be a party tomorrow and I'm sure Travis and Sofia will be there." napatango ako sa sinabi ni Zia pero agad din na napatigil at tiningan siya.

"Please speak Filipino language if you want to come with me." napatawa naman siya at nagpaalam para kumuha ng ticket.

FAST FORWARD (PHILIPPINES)

"Binilhan kita ng sasakyan para may magamit ka naman mamaya." saad ni Zia at iniabot sa akin ang susi ng sasakyan.

Pinindot ko ang alarm ng kotse at tumambad sa akin ang kalalabas lang na model ng Ferrari.

"Sabi ko naman sa'yo na huwag kang gagastos para sa---."

"Pera mo ang ginastos ko kaya ayos lang." saad nito at nagpaalam na mauuna siya para hindi kami mahalata.

Napailing na lang ako habang papasok sa kotse. Tingnan lang natin kung hindi sila magulat sa muli kong pagbabalik.

Travis P.O.V

Mula sa aking kinauupuan ay kitang-kita ko ang nakakumpol na empleyado habang pilit na pinapababa si Luigi. May plano raw itong magpakamatay kapag hindi ako nagpakita.

"Sabihin mo kay Travis na magpapakamatay ako kapag hindi siya nagpakita ngayon!" sigaw nito ay natakot naman ang ibang empleyado.

Tiningnan kong mabuti si Luigi at sa nakikita ko wala naman talaga siyang planong tumalon.

"Let's go Chad. Some idiot needs to learn his lesson." saad ko sa sekretarya ko at naunang lumabas upang puntahan si Uncle.

"Go jump!" sigaw ko kay Luigi at napatingin naman silang lahat sa akin.

"Mr. Tan." bati ng mga guwardiya at agad nagbigay daan para makalapit ako kay Luigi.

"S-Sa wakas nandito ka na T-Travis!" putol-putol na saad nito.

"Akala ko ba tatalon ka? Pumunta pa naman ako dito para panuorin ang pagtalon mo." seryosong saad ko habang nakatingin ng diretso sa kaniya.

"Ibibigay mo ang shares ko o tatalon talaga ako dito." banta nito sa akin na alam ko namang hindi niya kaya.

Iniabot ni Chad ang dala nitong folder na agad ko namang kinuha at ipinakita kay Luigi.

"Gusto mo ng shares 'di ba? Bababa ka o isasama ko ang papeles na ito sa pagtalon mo?" banta ko sa kaniya at kita ko naman ang takot sa mukha nito.

"Ayos lang naman sa'kin kung tatalon ka. One, two--."

Kaagad itong bumaba at lumapit sa akin kaya itinapon ko ang papeles na hawak ko. Kitang-kita ko kung gaano niya kagustong makuha ang shares niya na wala naman akong planong ibigay sa kaniya.

Pinulot niya ito at inisa-isang basahin. Alam ko na ang magiging reaksiyon niya pero gusto ko lang makita kung ano ang gagawin niya.

"Wala kang awa Travis! Huwag kang mag-alala sinabi ko na ang lahat ng nalalaman ko tungkol kay Almira sa board kaya matatanggal ka!" sigaw nito at akmang susugurin ako pero napigilan siya ng mga pulis.

"Okay." sagot ko dito at tinalikuran siya.

Chad's P.O.V

Umalis na si Travis matapos ang eksena kaya ako na lang ang naiwan sa rooftop para tingnan si Luigi na hawak-hawak ng mga pulis.

"Please Chad, kausapin mo naman si Travis. Uncle niya ko kaya dapat bigyan niya ako ng ikalawang pagkakataon." saad nito at lumuhod sa harapan ko.

Napangisi naman ako sa sinabi niyang pagkakataon.

"I'm not sorry to say this pero hindi nagbibigay ng second chance si Travis. Sabihin mo na lang sa pulis lahat at baka maawa pa sila sa'yo." sagot ko dito at sinundan si Travis.

"The party is about to start Mr. Tan." saad ko dito at napatango naman siya.

Allyson's P.O.V

Kanina pa ako nakarating pero sinadya kong hintayin ang pagpasok ni Sofia dahil gusto kong makita ang ngiti niya bago ang sakuna.

Ilang minuto ang lumipas at hindi naman ako nabigo sa aking paghihintay dahil bumaba ito sa kaniyang sasakyan habang suot-suot ang isa sa mga damit na dinisenyo ko na sinadya kong isuot ngayon.Pinauna ko itong pumasok bago ko siya sinundan.

"You're now a supermodel now Miss Sofia, can you share us your future plans?"

"Where is Mr. Tan? We thought magkasama kayo ngayon sa red carpet."

Napapangiti ako sa mga tanong para kay Sofia. Paano na lang kaya kapag tuluyan ko ng nakuha ang mag bagay na para talaga sa'kin? Dapat sabihin ko kay Zia na maghanda ng maraming media dahil magiging top news ang idolo nila.

Kinuha ko ang marker na iniabot sa akin at agad na lumapit sa kinatatayuan ni Sofia upang pumirma.

"Hi sis!" mahinang bulong ko at napatingin naman siya sa akin. Saglit itong nagulat at ngumiti ng peke sa akin.

"Why are you here?" mahinang bulong niya habang nakangiti pa rin sa media.

"Ofcourse, my husband is here and I know that you're here to see your brother" sagot ko dito at humarap na rin sa camera.

"Sofia who is this girl beside you?"

"Why are you wearing the same dress?"

Napangiti ako sa kanilang mga tanong at saglit na binalingan ng tingin si Sofia.

"Answer properly sis." bilin ko sa kaniya at naunang pumasok sa loob.

Ramdam na ramdam ko naman ang pagsunod nito sa akin kaya dinalian ko ang paglalakad para magkaroon kami ng pribadong pag-uusap.

"Who told you to come back?" agad na tanong nito matapos kaming makarating sa harap ng elevator.

"I'm back since my husband said so and I don't think I should inform you about it." sagot ko dito at pinindot ang elevator at pagkatapos ay hinarap siya. Halata sa mukha niya ang inis.

"Travis? How come? He--."

"I'm still his wife, Sofia. Hindi naman pwedeng ipamigay ko ang asawa ko sa ibang babae at isa pa siya naman ang may gustong umuwi ako sa Pilipinas." putol ko sa sasabihin niya at nagulat naman ito kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"I know how hardworking you are sis but now that I'm back, I can support Travis in every way possible."

Napangisi ito sa aking sinabi na tila may nasabi akong mali.

"Did you forget that you're the one who embarassed Travis and got the company in trouble seven years ago?"

Saglit kong tinapik ang balikat nito at nginitian siya na alam kong ikagagalit niya.

"Siya na mismo ang nagsabi na I can do everything I want so I think it doesn't matter anymore and ofcourse he love me so much."

"Shame on you!" sigaw nito at akmang sasampalin ako pero nahawakan ko ang kamay nito.

"I'm not the old Allyson na palagi mong sinasampal, Sofia. I'm way better than you know and I'm here to take back what's mine. Stay safe sis." banta ko dito at pumasok sa elevator.

Maingat ang bawat kilos ko at baka mahalata nila ang gagawin ko.

"I'm sorry." saad ng waitress na nakabangga sa akin.

Nginitian ko ito at kinindatan.

"Where is the comfort room?"

"Just go straight and turn left." saad nito kaya nagpasalamat ako at tinalikuran ito pero bago pa 'ko tuluyang humakbang ay may iniabot ito sa'kin na agad ko namang tinanggap.

Dali-dali kong tinungo ang kwarto ko sa hotel na 'to at kaagad na isinuot ang uniform ng staff upang isagawa ang aking plano. Tulak-tulak ko ang cart na naglalaman ng iba't ibang panlinis ng kwarto. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang kwarto ni Sofia dahil palagi kong pinababantayan ang bawat kilos niya.

"You only have five minutes to complete your task." paalala ni Zia mula sa earpiece na suot ko.

"I'm already here. I'll start immediately." sagot ko dito at agad na pumasok sa kwarto.

Travis P.O.V

Tulad ng palagi kong nakasanayan, maraming media ang naghihintay sa pagdating ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis.

Puno ng sigawan ang mga tao na tila isa akong modelo pero hindi ko naman sila masisisi kung napagkakamalan akong modelo.

"Please head first Mr. Tan. I'll wait for you in the lobby."  saad ni Chad kaya iniwan ko na ito at dumaan sa shortcut para makaiwas sa maraming tao.

"Kailan pa siya nakabalik?"

"Kahit kailan talaga ang angas ni Mr. Tan."

"Balita ko dapat magkasama sila ni Sofia. "

"Fiance niya na ata si Sofia."

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa wine corner. Ito lang naman talaga ang pinunta ko dito dahil wala naman akong planong makisalamuha sa mga tao.

"Hi, Travis." bati ng isang babae at humawak sa braso ko.

Kung 'di lang talaga masisira ang imahe ko sa publiko, malamang sa malamang naitulak ko na ang babaeng 'to.

"Who the hell are you?" seryosong tanong ko habang diretso ang tingin sa mga taong nag-iinuman.

"I'm the girl you love the most Travis. How come you forget about me?" sagot nito kaya hindi ko ito pinansin at basta-basta na lang iniwan.

Pinili kong makihalubilo sa mga taong may mataas na posisyon sa industriyang kinabibilangan ko dahil kailangan ko ng maraming koneksiyon upang mapalago ang Soul Empire.

"It's a nice pleasure seeing you here, Mr. Tan." saad ni Mr. Cuevas kasama ang asawa nito.

"I just realize that I need to socialize a little bit." sagot ko dito at uminom ng kaunting wine.

"I bet you came here alone Mr. Tan." komento naman ng asawa nito.

"I don't need a pair to be able to socialize Mrs. Cuevas." magalang na sagot ko dito at halata namang natahimik siya.

"As usual, you're still the cold-blooded Travis Tan." komento ni Mr. Sy, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Papa.

"Ofcourse tito, I don't need to change myself just to please anyone." nakangiting saad ko dito at natawa naman siya habang tinatapik ang balikat ko.

"Travis help me! Help me Trav!"

Lahat kami ay napalingon sa gawi ni Sofia kaya agad ko itong nilapitan.

"What are you doing?" tanong ko sa lalaking pilit na yumayakap kay Sofia. Tinawag ko na rin ang mga guards upang kunin ang lalaki.

"I love you Sofia! Please marry me!" sigaw ng batang lalaki at pilit na lumalapit kay Sofia pero mabuti na lang at nahawakan siya ng mga guwardiya.

"Take him away!" utos ko sa mga guwardiya na agad naman nilang sinunod.

Inayos ko ang aking damit at sinuri si Sofia.

"I'll tell Chad to escort you in your room." suhestiyon ko dito pero agad niyang hinawakan ang braso ko.

"I'm so scared Mr. Tan. Baka hindi lang siya nag-iisa dito." nagmamakaawang saad nito kaya napakunot ang noo ko.

"Where's Anna?" tukoy ko sa assistant nito.

"She went to the rest room. I'm really scared Trav." sagot niya kaya napabuga ako ng hangin.

"Fine, let's go." saad ko at lumabas sa hall kasama si Sofia.

Sofia's P.O.V

Kanina pa talaga ako naiinis sa presensiya ni Allyson kahit na hindi ko siya mahanap.

Hindi naman ako natatakot sa banta niya dahil sigurado ako na tulad ng nangyari dati wala pa rin siyang laban sa'kin.

"What should I do Miss Sofia?" tanong ng assistant ko habang suot ang uniform ng staff ng hotel.

"Maghanap ka ng lalaking pwede mong bayaran upang lapitan at yakapin ako." sagot ko dito at agad naman siyang tumango.

"Ito nga po pala ang inutos niyo sa'kin." saad nito at iniabot sa akin ang puting kapsula. Tumango lang ako dito at umalis na siya.

Mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko si Travis habang seryosong umiinom ng wine kasama ang iba't ibang negosyante.

I don't think I can't seduce Travis.

"Sofia! My love Sofia!"

Agad akong napaayos ng tayo matapos marinig ang nakakarinding boses.

Hindi ko naman inaasahang ganito ang mahahanap ng assistant ko. Napasobra ata sa acting ang isang 'to o talagang may sayad 'to sa utak.

"Let go of me!" sigaw ko dito habang pilit na kumakawala sa pilit na yakap nito.

So gross!

"Travis help me! Help me Trav!"  sigaw ko upang makuha ang atensiyon ni Travis. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad naman itong lumapit sa amin.

Tulad nga ng inaasahan ko, napuno ng bulongan ang paligid.

"What are you doing?" sigaw nito sa lalaking pilit na lumalapit sa akin.

"I love you Sofia! Please marry me!" sigaw naman ng nerd na lalaki at pilit na lumalapit sa akin pero nadampot na siya ng mga guwardiya.

"Take him away!"

That guy really looks creepy at all. Nakalimutan ko atang sabihin kay Anna na iwasan ang nerdy na lalaki.

"I'll tell Chad to escort you in your room."

Kaagad na napukaw ang atensiyon ko at kumapit sa braso ni Travis. Hindi ako papayag na walang mangyari sa amin ni Travis ngayon. I won't let Ally win this game, never!

"I'm so scared Mr. Tan. Baka hindi lang siya nag-iisa dito." saad ko dito at pasimpleng ipinakita ang maliit na galos sa aking braso.

Napakunot ang noo nito na tila hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.

"Where's Anna?" tanong nito habang pinasadahan ako ng tingin.

"She went to the rest room. I'm really scared Trav."

nagmamakaawa kong sagot dito.

Ofcourse, pinauwi ko na si Anna para hindi na ako magkaroon pa ng problema. Kayang-kaya ko namang akitin si Travis gamit ang katawan ko.

"Fine, let's go." saad nito kaya napangiti ako.

I'm not sorry sis but you lose again.

"Where's your room?" tanong nito at kinuha ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

Tsk, pakipot.

"7th floor, room 867." sagot ko dito at inayos ang gown ko.

Isa pa tong damit na'to. Hindi man lang chineck ni Anna kung limited edition ang damit na 'to. Hindi ko pa naman gustong may kapareha ako lalong lalo na kung ang hampaslupang Allyson lang naman ang makakapareha ko.

"Please stay still  or else you'll develop another injury. I don't want to take another responsibility." masungit na saad nito pero mas lalo lang akong napangiti.

"Don't worry Trav, I'll only fall for you." sagot ko dito pero hindi niya ko pinansin.

Well, hindi naman ako nagmamadali. I can wait until we reach my room.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status