Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero blurred ang paningin ko. Ilang beses na binuka at sara ko ang mga mata ko para luminaw pero nanatili na malabo pa rin epekto ng matagal na pagtakip sa mga mata ko. May mga boses akong naririnig mula pa kanina pero hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi ng mga nila. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil nakatali ang dalawang kamay ko sa likuran ng bangko. Napangiwi naman ako nang makaramdam ako nang pangangalay ng braso ko at likod. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Masakit na ang buong katawan ko at nanghihina na ako pero kailangan ko patatagin ang sarili ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbubukas ng pinto kaya yumuko agad ako.
"Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo na hintayin muna nating makasal kami," pabulong na sabi ng isang babae. "Hindi ko na kayang hintayin pa ang araw na 'yon. Ilang taon na ako nagtitiis at hindi ko na kaya na maghintay pa. Alam mo ba na sa tuwing magkasama kayo ay para akong mababaliw kakaisip dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko at hindi ko iyon gusto. Gusto ko siyang suntukin sa tuwing nakikita kong magkadikit kayo. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong masira ang mga plano natin. Kung sinunod lang ni Tito ang sinabi ko hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat," boses ng isang lalaki na familiar sa akin. "Ano na ang gagawin natin ngayon? Ayaw pa rin niya magbigay ng pera?" tanong ng babae. Hindi gumagana ang isip ko sa oras na ito dahil kumikirot ang ulo ko idagdag pa ang pananakit ng buong katawan ko. Nagtaka ako dahil biglang tumahimik ang paligid kaya minulat ko ulit ang mga mata ko at katulad kanina ay ganun pa rin ang paningin ko. Bigla ko naalala ang lahat at nakuyom ko ang mga kamay ko. Papunta kami ng girlfriend ko sa beach house namin sa Batangas para mag-celebrate ng birthday ko. Hindi pa kami nakapasok sa gate ay may mga armado at nakamaskara na mga kalalakihan ang pumapalibot sa sasakyan ko. Nakita kong takot na takot siya at bago ko pa maniubra ang sasakyan ko palayo ay bumukas ang pinto niya. Nakita ko kung paano siya kaladkarin palabas ng sasakyan at agad ako lumabas para kunin siya pero hindi ko na nagawa. Naramdaman ko ang malakas na pag-pukpok ng matigas na bagay sa ulo ko at kasunod noon ay wala na akong matandaan. Yumuko ako at hindi ko mapigilan ang umiyak dahil hindi mawala sa imahe ko ang takot sa mga mata niya. Awang-awa ako sa kanya habang nagpupumiglas siya. Naririnig ko kung paano niya paulit-ulit tawagin ang pangalan ko at humingi ng tulong. Taimtim ako nagdasal para sa kaligtasan naming dalawa. Hindi ako relihiyosong tao pero sa pagkakataon na ito ay humihingi ako ng tulong sa kanya. "Axel, naririnig mo ba ako?" tanong ng isang babae at minulat ko ang mata ko dahil pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko maaninagan ang mukha ng babaeng nasa harap ko pero ilang minuto lang ay naging maliwanag na ang imahe niya. Laking gulat ko ng unang bumungad sa akin ang mukha ni Ellaine. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung may iba pang tao sa kwartong saka ko siya tiningnan. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakita kong kami lang dalawa. Gustong-gusto ko siya yakapin at sabihin na magiging okay lang ang lahat pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Napapikit na lang ako ng haplusin niya ang pisngi ko. "Okay ka lang ba, Hon? Sinaktan ka ba nila? May ginawa ba sila sa'yo?" nagaalala na tanong ko sa kanya. "Okay lang naman ako Hon wala naman silang ginawa sa akin," namumula ang mga mata na tugon niya. "Salamat at okay ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari na hindi maganda sa iyo," tugon ko. Nakatali ang dalawang kamay niya sa harapan. May ilang galos siya sa balikat, braso at hita. Puro grasa ang suot niya na bestida at wala na siyang sapin sa paa. Pinagmasdan ko pa siya ng mabuti at tiningnan mula ulo hanggang paa para makasigurado na okay lang talaga siya. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para protektahan siya. "Hon, kailangan mo sabihin sa Papa mo na ibigay na niya ang hinihingi ng mga kidnappers. Pakiusapan mo siya na ibigay na lang para Hindi na tayo mapahamak. Kung hindi raw nila makukuha ang gusto nila ay papatayin nila tayo. Please Axel ayoko pa mamatay," pakiusap niya sa akin habang lumuluha. Hanggang sa huli pala ay nagmamatigas pa rin si Papa sa hinihingi ng mga holdappers. Hindi na ako magtataka dahil mas mahalaga talaga sa kanya ang pera higit pa sa kahit anong bagay pero iba na ngayon. Kung ako lang ay walang problema sa akin pero hindi ko hahayaan na mapahamak ang mahal ko. "Sige kakausapin ko siya Ella pipilitin ko siya na gawin kung ano ang gusto nila. Sabihin mo sa kanila na tawagan na ngayon si Papa at kakausapin ko siya. Huwag kang mag-alala Hon maliligtas tayo hindi ko hahayaang mangyari iyon dahil may mga pangarap pa tayo. I love you so much," sabi ko para mapanatag ang loob niya. "I love you too," tugon niya. Ilang minuto lang ay pumasok ang mga nakamaskara na lalaki at sapilitang kinuha si Ellaine. Sumisigaw siya at nagpupumiglas habang nilalabas ng kwarto. Sinigawan ko sila pero hindi nila ako pinapansin pinilit ko rin makawala sa pagkakatali ko. Kung kinakailangan na isuko ko ang share ko sa kumpanya ay gagawin ko para lang maligtas kami. May pumasok na dalawang lalaki at nilagyan ulit ng takip ang mga mata ko. Narinig ko ang pag-ring ng phone at ilang sandali lang ay narinig ko na ang boses ni Papa. "Pa, nakikiusap ako sa iyo ibigay mo na ang hinihingi nila dahil hawak din nila si Ella. Kahit 'yong share ko ang ibigay mo sa kanila wala na akong pakialam doon dahil ang mahalaga ay maligtas ko si Ella. Nakikiusap ako Papa, hindi ko kakayanin na mawala sa akin si Ella," naiiyak na pakiusap ko kay Papa at narinig ko ang buntong hininga niya. "You know I can't do that. Axel just hang in there and I'll save you don't worry son," sagot niya at lalo akong nakaramdam ng galit para sa kanya. "God Damnit! Just give them the fucking money!" sigaw ko. "Okay Axel." tugon niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. "Magbibigay din naman pala pinatagal pa," natatawa na sabi ng lalaki nakatayo sa tagiliran ko at tumawa rin ang iba pa niyang kasama. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod-sunod na putukan narinig ko mula sa labas. Si Ellaine agad ang pumasok sa isip ko at sinubukan ko kumawala sa kinauupuan ko. Dahil naka-blindfold pa rin ako kaya hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa paligid ko pero naririnig kong nagkakagulo na. Napasigaw na lang ako ng maramdaman ko ang matalas na bagay na bumaon sa tagiliran ko pati na rin sa balikat ko. Napabalikwas ako ng bangon at agad na tumingin sa paligid. Pawis na pawis ako at habol ko ang hininga. Yumuko ako at kinuyom ko ang mga kamay ko. Isa na namang masamang panaginip. Dalawang taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari dahil sariwa pa sa alaala ko. Kahit gusto ko ng kalimutan ang nakaraan ay hindi ko magawa dahil na rin sa mga panaginip ko na paulit-ulit. "Damn you, Ellaine!" galit na sabi ko. Bumangon ako para pumunta sa banyo at pagkatapos kong maghilamos ay diretso ako sa bar para kumuha ng maiinom na alak. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong gabi dahil mula noon ay lagi na lang ako nanaginip . Kahit anong gamot ang inumin ko ay walang epekto tanging alak lang ang nakatulong sa akin. Hindi na ako kumuha ng baso at diretsong ininom ang alak mula sa bote. Sanay na ako sa lasa ng alak kaya hindi ko na nalalasahan ang pait. Naalala kong nagising na lang ako sa isang ospital. May bandage ang balikat ko at puno ng sugat ang iba't ibang parte ng katawan ko lalo na sa parte ng tiyan. Base sa paliwanag ng Doctor ay may tama ako ng bala sa may balikat at mga malalalim na saksak rin ako. Kinuwento sa akin ni Jay ang lahat ng nangyari pagkagising ko kahit pa nga may alinlangan siya. Wala na kasi akong matandaan pagkatapos kong makausap si Papa sa telepono dahil nagkagulo na. Halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko na mag-kasabwat pala si Ellaine at ang stepbrother kong si Eric. Matagal na palang may relasyon ang dalawa bago ko pa siya nakilala at ang sakit dahil planado nilang dalawa ang lahat mula pa sa umpisa. Although magkasing-edad `kami ni Eric ay hindi kami naging close. Pagkatapos mamatay ni Mama ay nag-asawa ulit si Papa at si Eric ang anak ng bagong naging Asawa ni Papa. Noong una ay hindi ako makapaniwala na magagawa ni Ellaine 'yon sa akin dahil naramdaman ko na mahal niya ako sa loob ng ilang taon na pagsasama namin kaya mahirap paniwalaan na kaya niya akong saktan. Namatay sa engkwentro si Ellaine samantalang nasa Rehabilitation center naman si Eric dahil nalaman na lulong pala siya sa ipinagbabawal na gamot noong panahong 'yon. Gusto ko siya makita sa kulungan para pagdusahan niya ang mga ginawa sa akin pero mas pinili ni Papa na ipasok sa Rehabilitation. Nagmakaawa kasi ang Mama niya na bigyan pa ng isang pagkakataon at pumayag si Papa. Galit na galit ako sa naging desisyon ni Papa at hindi ko iyon matanggap. Doon na ako tuluyang namuhi sa kanya dahil mas pinahalagahan pa niya ang kalagayan ng ibang tao kaysa sa akin. Pinamukha lang niya sa akin na wala akong halaga sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mga taong mahal ko ang nanakit sa akin. Si Papa at si Ellaine ang mga taong nagbigay ng malaking sugat sa puso ko. Sinubukan ni Papa na kausapin ako pero wala siyang narinig mula sa akin dahil una pa lang Hindi na niya in alam muna ang opinyon ko. Paglabas ko ng ospital pagkalipas ng ilang buwan ay pumunta ako ng ibang bansa para doon magpagaling. Pagbalik ko naman ay umalis na ako sa bahay namin para bumukod. Hindi ako umalis sa kumpanya dahil gusto ko ipakita sa kanya na kaya kong higitan lahat ng ginawa niya. "Damn you!" galit na sigaw ko at straight ko na ininom ang laman ng bote. Naikwento rin sa akin kung paano ako nakarating sa hospital. Base kay Jay ay may isang babae ang nagdala sa akin sa hospital at hindi agad umalis hanggang walang kamag-anak na pumunta. Nagawa rin niya na mag-donate ng dugo nang malaman na kailangan ko para sa operasyon. Sabi pa ni Jay pagdating niya sa ospital ay tanging pambayad lang sa taxi ang hinihingi ng dalaga at umalis na agad ito. Hindi ito nag-iwan ng pangalan o kahit anong impormasyon ng tanungin niya sa mga nurse. Ang sabi ng mga nurse ay nakita raw ako ng dalaga sa isang eskinita na duguan. Natakot daw siguro ang dalaga na magbigay ng impormasyon dahil ayaw masangkot. Sinubukan din siya tingnan sa CCTV pero hindi malinaw dahil sa suot niya na jacket na may hood. Hindi na rin nila matandaan ang itsura dahil sa pagmamadali ng babae at dahil sa dami na rin ng tao. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya mahanap para makapagpasalamat. Useless ang pag-hire ko ng mga investigator dahil hindi malinaw ang mga detalye ng hinahanap ko. May mga pagkakataon napapanaginipan ko ang tagpong 'yon pero malabo ang mukha niya. Dahil sa insidente ay nagkaroon ako ng trauma at ang epekto noon ay nahihirapan ako tandaan ang mukha ng mga taong kinakausap ko. Ang paliwanag ng Si Jay lang ang may alam Kung may malinaw man sa aking alaala iyon ay ang boses niya pati na rin ang amoy niya. Weird pero iyon lang ang tanging palatandaan ko sa kanya. Paano ko hahanapin ang isang tao kung iyon lang ang alam ko sa kanya. Natatandaan ko na sinabi ng mga doktor na kung medyo natagalan pa ako nadala sa hospital ay malamang daw na mag-fifty fifty ako o ma-comatose and worst mamatay. Sa dami kasi ng tinamo ko ay naubusan na ako ng dugo. "Who are you? How will I find you?" desperado na tanong ko bago inumin ang alak at pumikit. Gusto ko lang naman bayaran ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob kahit kanino. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit gusto ko siya makita ulit. Ang bigat kasi sa kalooban ko na hindi makilala ang taong dahilan kung bakit buhay pa ako. "That would be the last and it will never happen to me again. I won't let anyone hurt me and betray me again." pangako ko sa sarili at inubos ko na ang laman ng bote.Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni
"Good morning Babe!" narinig ko na bati ni Axel mula sa likuran ko at saglit ako napalingon."Good morning din Babe!" nakangiti na tugon ko. Mas lumapad pa ang pagkakangiti ko ng naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at nanoot sa ilong ko ang pamilyar na amoy niya. Pinatong niya ang baba sa balikat ko at ipinagpatuloy ko lang ang pagluluto ko ng almusal namin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa may leeg ko."Smells good," bulong niya at gusto kong matawa dahil alam kong iba ang tinutukoy niya.Kahit na lagi kaming magkasama hindi ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan sa mga ginagawa niya sa akin. Halos bumaon na ang ilong niya sa leeg ko at naramdaman ko ang munting mga halik niya sa leeg pati na rin sa balikat ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya napalunok ako at huminga ng malalim para kontrolin ang sarili ko. Naramdaman ko na mas hinigpitan pa niya ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Ilang sandali ay luto na ang fried rice
"You will be mine," nakangiti na sabi ko paglabas ko ng office ni Axel.Ang lalaki na katulad ni Axel ay mas paiiralin ang isip kaysa ang puso niya. Nakita ko ang mga award at certificate sa office niya at patunay iyon kung gaano siya ka dedicated sa trabaho niya. Normal lang na tanggihan at itulak niya ako ngayon pero hindi ako basta-basta susuko. Instead na ma-discourage sa pakikitungo niya sa akin mas na challenge pa ako na makuha siya."Hello, My Dear! How did it go?" tanong ni Mom pag-sagot ko sa tawag niya.Kagagaling ko lang sa office ni Axel at halatang hindi niya inaasahan ang pagpunta ko. Alam ko naman na ayaw niya ako makita pero kumpiyansa ako na magbabago rin ang isip niya. Naisipan ko na puntahan siya para makita ko ang kumpanya niya at higit sa lahat ay makita rin siya. Sinubukan ko siya tawagan after ng una naming pagkikita pero hindi naman siya sumasagot. Gusto ko na mas makilala niya ako at ganun din ako sa kanya. Bago pa kami magkita alam ko na ang mga plano ni Dad
"Mahal na mahal kita Axel," pabulong na Sabi Niya ng maghiwalay ang labi namin.Hinaplos ko ang pisngi niya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Hindi ako magsasawa na titigan siya dahil sa mga mata niya nakita ko ang future ko. Noon sinumpa ko na hindi ko na hahayaan ang sarili ko na magtiwala at umasa pero dahil kay Althea nagbago ang lahat. Hinalikan ko muna siya sa noo, pisngi saka sa labi na buong puso naman niya tinugon. Pinatong niya ang dalawang kamay sa balikat ko at naramdaman ko ang mga daliri niya sa buhok ko. Nilagay ko ang isang kamay ko sa bewang niya at pinisil iyon dahilan para mas lumapit ang katawan niya sa akin. Ang isang kamay ko naman ay nasa batok niya para mas mapalalimin ang halik. Hindi nga nagtagal ay lumalalim at mapusok na ang halik na pinagsaluhan namin. Dahan-dahan ko pinasok ang kamay ko sa loob ng blouse niya at hinaplos ang likod niya dahilan para mapaungol siya. "I'll make sure you will feel how deep, hard and out of this world my love for you,"
Tiningnan ko si Althea at napangiti ako nang makita kong nakapikit ang mga mata niya. Hindi sana ako papayag ng magpaalam siya kanina na lalabas kasama ang mga co-workers niya pero naisip ko na baka iyon na ang huling pagkakataon na makasama niya ang mga kaibigan niya sa trabaho. Nang sabihin niya kung saan sila pupunta ay tinawagan ko agad ang owner ng bar na kaibigan namin ni Patrick. Alam kong magtataka siya kaya expected ko na tatawagan niya ako. Nasa meeting ako ng tawagan niya ako kaya nag-excuse muna ako sa client para makausap siya dahil buong araw ako hindi nakapag-reply sa mga message niya kanina. Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na ako sa bar kung saan nandoon sina Althea at naghihintay sa akin si Patrick. Gustong-gusto ko siya lapitan kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Hinayaan ko lang siya matulog hanggang makarating kami sa bahay. Dumaan muna kami sa isang drive thru dahil siguradong maghahanap siya ng pagkain mamaya. Kadalasan kasi kapag nakakainom siya ay naghah
"Saan tayo mamaya Althea?" tanong ni Tin-tin habang naglalakad kami papunta sa elevator at napatingin ako sa kanya.Katatapos lang namin kumain ng lunch sa cafeteria. Ang bilis ng panahon at hindi ko namalayan na isang buwan na pala ang lumipas mula noong nagpasa ako ng resignation letter ko. Hindi naman ako nahihirapan na i-turn over ang trabaho ko sa kapalit ko bagong graduate lang siya at madali siya turuan. Sa lumipas na buwan ay naging ka-close ko na ang mga kasama ko sa trabaho kaya kahit paano ay mabigat sa loob ko na umalis lalo na at okay naman ang trabaho ko. Nagpasa na ako ng resume at naghihintay na lang ako ng tawag. Kumpiyansa naman ako na makakahanap din ako ng trabaho sa lalong madaling panahon. Kailangan ko makahanap agad ng trabaho dahil ayoko isipin ng Papa ni Axel na pabigat ako sa anak niya. "Oo nga dapat lang na magpa-inom ka para mag-celebrate tayo dahil iiwan mo na kami," sabi naman ni DJ at natawa ako dahil sumang-ayon ang iba pa naming kasama."Masaya kayo d