"Tita, nakuha mo na po ba 'yong pinadala ko pong pera?" tanong ko sa kabilang linya.
"Oo Thea nakuha ko na maraming salamat at may pambili na si Papa mo ng mga gamot niya." masayang sagot niya at nakahinga ako ng maluwag. May natanggap si Papa na pension pero hindi iyon sapat para sa kanilang lahat. Nagtitinda ng isda si Tita Liza habang si Papa naman ay nasa bahay lang nagbabantay ng maliit na tindahan. May apat pa akong kapatid na mga nag-aaral kaya kulang na kulang sa kanila. Hindi naman nila ako inobliga na magpadala pero dahil sa sitwasyon nila ay hindi ko sila matiis. "Oo nga po at 'yong matitira naman ay idagdag po ninyo sa gastusin ninyo diyan. Iyong pambayad po ng mga bata sa school sa sunod na linggo ko po ipapadala," sabi ko. "Thea, maraming salamat talaga sa tulong mo. Alam mo naman konti lang ang kita sa palengke kasya lang sa pang araw-araw naming gastusin. Kumikita naman ang tindahan pero paikot lang din. Nahihiya na nga ako sa iyo dahil hindi mo naman obligasyon ang magpadala ng pera sa akin. Imbes na makaipon ka para sa pag-aaral mo ay napupunta pa sa amin," malungkot na tugon niya. "Wala po 'yon Tita basta okay po kayong lahat diyan. Sige po balitaan mo na lang po ako at kamusta mo na lang po ako kay Papa at sa mga bata po," paalam ko. "Sige Thea, maraming salamat ulit. Mag-ingat ka palagi at huwag mo pabayaan ang sarili mo," tugon niya bago nawala sa kabilang linya. Naghiwalay ang magulang ko noong fourth year high school ako. Nalaman kasi ni mama na may ibang pamilya si Papa at ang malala ay may apat siyang anak na pawang mga bata pa. Bago pa man sila naghiwalay ay lagi na sila nag-aaway. Sa Laguna nagtatrabaho si Papa bilang operation manager sa isang pabrika. Every week ay nauwi siya sa Quezon para makasama namin. Masaya naman ang pamilya namin dahil close kami sa mga magulang namin. Hindi rin sila nagkulang sa amin dahil lahat ng pangangailangan namin ay binibigay nila. Hindi na bago sa amin ni Ate ang pagaaway nila dahil lagi naman nila sinasabi na normal lang iyon sa mag-asawa pero habang tumatagal ay mas lumala na. Tuwing gabi ay umiiyak si Mama at minsan naman ay tulala. Tinanong namin siya dahil nag-aalala kami pero hindi naman siya sumasagot kaya wala kaming ideya kung ano ang problema nilang dalawa. Isang araw pag-uwi ko sa bahay galing sa school ay hindi ko naabutan si Mama at Ate. Noong una ay hindi ako nag-isip ng kung ano pero ng napansin ko na bukas ang mga kabinet nila ay doon na ako nag-panic. Tinawagan ko agad si Papa para ipaalam sa kanya ang nakita ko. Sinubukan ko tawagan ang number nila pero hindi ko sila makontak. Gulong-gulo ang isip ko at ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak hanggang dumating si Papa. Takot na takot ako ng mga oras na iyon dahil mag-isa lang ako. Ipinaliwanag ni Papa sa akin ang lahat kung bakit umalis sina Mama. Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat magalit sa taong nanloko sa amin ng matagal na panahon, ang Papa ko o kay Mama at Ate na iniwan ako. Ang dapat masayang araw dahil sa wakas ay nagtapos na ako ay napuno ng lungkot dapat ay silang tatlo ang kasama ko para mag-celebrate pero mag-isa lang ako. Sa mismong araw kasi ng graduation ko ay nanganak ang kinakasama ni Papa at kahit na galit na galit ako ay wala akong magawa. Kalaunan ay natutunan ko na lang tanggapin ang lahat. Nakita ko kung paano nagsumikap si Papa para maitaguyod niya ang pamilya at ang pag-aaral ko. Hindi naging madali ang lahat at nakita kong nahihirapan na si Papa. Magastos ang pag-aaral sa kolehiyo at lumalaki na ang mga bata kaya nagdesisyon ako na tumigil na sa pag-aaral para magtrabaho na lang. Gusto ko rin mamuhay ng mag-isa dahil iyon naman ang pakiramdam ko mula pa noon. Pagkalipas ng isang taon ay nalaman ko na may sakit si Papa kaya umuwi ako ng probinsya para alamin ang kondisyon niya. Masakit para sa isang anak na makitang nasasaktan at nahihirapan ang magulang niya. Mula noon ay kinalimutan ko na ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral. Mula noon ay ginawa ko ang lahat hanggang sa kaya ko para makatulong kay Papa at pamilya niya. "Oh! Bakit parang pinagsakluban ka ng langit diyan?" tanong ni Nikka ng mapansin niyang tulala ako. "Hep! Hep! Yep! Huwag mo ng sagutin dahil knowing ko na kung bakit. Bakit kaya hindi ka sumulat kay Ate Charo o kaya kay Mareng Mel? Para kasing pang-teleserye ang buhay mo Thea sa sobrang drama. Ewan ko ba sa 'yo bakit ba kailangan mo pagurin ang katawang lupa mo para makapag-padala ng pera sa kanila. To think na pinaghirapan mo ang lahat ng iyon kaya dapat naman Ikaw ang makinabang. Okay, naiintindihan ko 'yong part na para kay Tito pero hi and hello pati ba naman lahat ng kailangan nila sa 'yo pa rin. Hindi ko sinasabi na huwag mo sila bigyan o pagdamutan mo sila pero magtira ka naman para sa sarili mo," sermon niya at huminga ako ng malalim. Tutol kasi siya sa ginagawa kong pagtulong sa pamilya ni Papa pero masisisi ba niya ako kung 'yon ang sa palagay kong dapat gawin. Naiintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin pero si Papa na lang ang natitira kong pamilya. Nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya dahil hindi niya ako iniwan at pinabayaan. "Alam mo namang gipit sila hindi ba? Hindi na pwedeng magtrabaho si Papa at hindi naman ganun kalaki ang pensyon natatanggap niya. Hindi rin naman malaki ang kinikita ni Tita Lisa sa palengke at saka maliit pa ang mga kapatid ko. Sino pa ba ang tutulong sa kanila kung hindi ako," paliwanag ko bago humigop ng kape. "Nandoon na ako na gusto mo silang tulungan pero hanggang kailan? Paano naman ang sarili mo?" tanong niya. "Hanggang kaya ko at saka hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko kung makapagsalita ka naman. Okay lang ako at masaya ako na makatulong sa kanila lalo na sa mga kapatid ko," tugon ko at umiling-iling siya. Mula ng nawala si Mama at Ate ay wala na akong naging balita sa kanila. Biglang silang nawala na parang bula at hindi ko alam kung saan sila hahanapin o paano sila kokontakin. Kahit kailan ay hindi nila ako kinontak kaya wala talaga akong idea sa kalagayan nila. Kahit ang mga kamag-anak namin sa side ni Mama at malalapit na kaibigan niya ay wala rin balita sa kanila. Although alam kong advance na ang teknolohiya ngayon at madali na maghanap pero may parte pa rin ng sarili ko na pumipigil na hanapin sila. Naisip ko kasi na bakit ko pa sila hahanapin kung sila mismo hindi nila hinanap. "Stop na natin ang topic na ito kasi alam kong hindi ako mananalo sa 'yo." sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay. "Mukhang wala ka atang raket ngayon," sabi niya habang naglalagay ng sinangag na kanin sa plato. "Wala nga pero inaantay ko 'yong text ni Edu baka kasi may praktis mamaya 'yong banda nila," sagot ko. "Ano naman ang kinalaman mo sa praktis nila?" nagtataka na tanong niya. "Kasi may gig sila na need ng female na vocalist at ang Lola mo ang kinuha nila. Take note bakla malaki ang bigayan kaya go ako," nakangiti na sagot ko. "Eh di wow! Ikaw na ang rakatera ng taon." paismid na tugon niya at natawa ako. "Speaking of Edu, bakit ayaw mo pa siyang sagutin mukhang seryoso naman 'yong tao," sabi niya at napatingin ako sa kanya. Pinipigilan ko ang tumawa dahil sa sinabi niya. Maling-mali kasi ang pag-aakala niya sa relasyon namin ni Eduard at hindi ko siya masisi kasi kasi kahit ang mga kaibigan ni Eduard ay iyon din ang alam. Madalas ay tinutukso nila kaming dalawa pero tinatawanan lang iyon ni Eduard. Para naman sa akin ay special ang relasyon naming dalawa. "Ano ka ba kaibigan ko lang 'yon at hindi ako ang type niya," tugon ko na parang alanganin at nagtataka na tiningnan niya ako. "Boylet din kasi ang peg niya." natatawa na sabi ko sa sarili. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero masyado kasi siyang misteryoso. Napansin ko kasi ang pagiging metikuloso niya sa lahat ng bagay na daig pa ang isang babae. May naka-one night stand siya at iyon mismo ang nagsabi sa amin na bakla si Eduard dahil wala sa kanilang nangyari at hindi naman niya iyon inamin o tinanggi kaya marami ang nag-iisip kung totoo nga ba o hindi. Kahit na kalat ang balitang iyon sa bar ay marami pa ring babae ang humahanga sa kanya. "Bakit ganyan ang ngiti mo? Oh baka naman ikaw ang inlababo sa kanya at natatakot kang ma-friendzone. Alam mo Thea ang buhay mo ay parang teleserye sa t.v dahil puno ng drama at lahat ng teleserye ay may leading man na tutulong sa iyo makaahon sa kahirapan. Ang lalaki na sasambahin, pahalagahan at mamahalin ka. Iyong tipong ang haba-haba ng hair mo mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel pero take note lang dahil kung may bida syempre may kontrabida din," sabi niya. Hindi ko na napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa kakaibang imagination niya. Tama bang ikumpara niya ang buhay ko sa isang teleserye. Lahat ng tao ay may ups and down kaya hindi lang naman ako ang nakakaranas nito. "Grabe ganyan na ang epekto sa iyo ng kakapanood mo ng mga teleserye sa t.v," natatawa na sabi ko. "Seryoso bakla ganoon na ganoon ang mangyayari sa iyo. Darating siya sa oras na kailangan mo at lalagyan niya ulit ng kulay ang boring mo na buhay. Literal na babaguhin niya ang buhay mo kaya humanda ka," puno ng determinasyon na sabi niya at lalo akong natawa. "Sorry po Direk hindi po ganoon ang mangyayari sa buhay ko kasi wala pa po akong balak na magka-boyfriend. Sa tingin mo ba may oras pa ako para sa ganyan? Hindi ko po priority ang lovelife dahil may mas mahalaga pa po na bagay ang kailangan ko pagtuunan ng pansin. At saka dakilang extra lang po ako Direk at hindi pwedeng maging bida," sakay ko sa kalokohan niya. "Hindi ko kailangan ng leading man na tutulong sa akin dahil kaya ko ang sarili ko. Hinding-hindi ko iaasa sa ibang tao ang kaligayahan ko para lang sa huli ay iwan at masaktan," dagdag ko at umiwas ng tingin. "Bitter ka, girl? Akala ko ba naka-move on na tayo, bakit parang mapait pa sa ampalaya ang panlasa mo? Hindi naman kasi lahat ng lalaki sa mundo ay katulad ng Ex-boyfriend mo kaya pwede ba huwag kang ganyan. Kahit kailan talaga ang boring mo ang lakas mo maka-negatron," nakasimangot na tugon niya. Naka-move naman na talaga ako pero hinding-hindi ko makakalimutan kung paano niya ako sinaktan. Ang akala ko naman ay nahanap ko na ang taong magmamahal sa akin at hindi ako iiwan pero nagkamali ako. Binigay ko sa kanya ang lahat na halos wala na akong tinira sa sarili ko pero hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ay kulang pa rin dahil nakahanap siya ng iba. Masyadong malalim ang sugat na iniwan niya at talagang na trauma ako. "Sabi mo nga halos wala na akong oras sa sarili ko so paano pa kaya ako magkakaroon ng boyfriend, aber? Ayaw kong matulad sa 'yo," natatawa na sabi ko. "Iyon na nga ang point ko bakla puro ka raket para sa kanila paano naman ang lovelife mo? Anong katulad ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at nakangiti na umiling ako. "Gusto ko lang na magkaroon ka ng special someone na magpapasaya sa 'yo," sabi niya. "Magpapasaya, magpapaiyak, magpapaasa at higit sa lahat ay masasaktan saka iiwan. Iyon ba ang gusto mo?" tanong ko pagkatapos ko ubusin ang kape ko. "Ano ka ba syempre kasama lahat iyon kapag nagmahal ka. Normal lang ang lahat ng 'yon pero mas matimbang nga lang 'yong masaya. Sabi nga nila hindi mo masasabing nagmamahal ka kung hindi ka nasasaktan. Ang sarap kaya mainlove," katwiran niya. "Ewan ko sa 'yo para kang ewan. Baliw na baliw ka mainlove pero kapag nasaktan ka naman halos isumpa mo na ang lahat ng lalaki. Basta ako ayoko ko pa ulit dahil marami pa akong dapat unahin kaysa diyan sa love na 'yan, okay." sabi ko at inismiran niya ako. Iba kasi mainlove si Nikka bigay ang lahat pero naawa ako sa kanya kapag iniiwan siya. Madali siya ma-attach sa isang tao at madali rin siya mainlove. Kahit anong payo ko sa kanya ay hindi niya ako pinapakinggan. Kahit na ilang beses na siya nabigo sa pag-ibig ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Sa totoo lang ay naiinggit ako sa kanya dahil kaya pa niya ulit magmahal sa kabila ng lahat. "Ibig sabihin may chance na mainlove ka pa rin." paglilinaw niya. Kung talagang darating ang panahon na magmamahal ako ay hindi ko naman 'yon pipigilan. Gusto ko rin naman maramdaman ulit kung paano ang mahalin at pahahalagahan. Alam ko naman at naranasan ko ang tinutukoy niya kaso sa ngayon ay hindi ako naghahanap pero umaasa ako na may tao nga na para sa akin. "Korek!' natatawa na sagot ko para matapos na ang usapan. "Huwag kang mag-alala Thea, nararamdaman kong darating na siya. Nakikita ko na magiging masaya ka ulit katulad noon. Stay foot ka lang pinsan," puno ng kumpinyansa na sabi niya habang nasa sintido ang mga daliri at nakapikit. "Grabe, hindi ko alam na manghuhula ka na rin pala ngayon," natatawa na sabi ko at sinenyasan niya ako na huwag maingay. "Hay naku, natuluyan na talaga ata ang pinsan ko," bulong ko habang pinagmamasdan siya."What do you think Babe?" tanong ko habang inaayos ang suot ko.Ngayon ang schedule ng interview ko at halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang kaba. Tinawagan ko pa si Nikka para magpatulong kung ano ang maganda na susuotin ko kasi gusto ko magbigay ng magandang impresyon. Sa mga pinasahan ko ng resume ito pa lang ang tumawag para sa interview kaya naman ganoon na lang ang tuwa ko. Magkahalong excitement, kaba at kaunting takot ang nararamdaman ko mula pa kahapon. Kahit alam kong hindi sang-ayon si Axel sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi naman niya ako pinagbawalan o pinigilan. "Babe, okay na ba Ito?" tanong ko at hinintay ko ang reaksyon niya."Babe," malambing na tawag ko sa kanya at hindi pa rin siya nagpatinag."Axel Maverick Rodriguez!" tawag ko sa kanya pero mas malakas at may diin. Tiningnan niya ako at sinenyasan ko siya na tingnan muna ako. Binaba niya ang binabasa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti na umikot pa ako para mas makita
Pinilit ko tanggalin sa isip ko lahat ng mga narinig ko sa banyo kanina. Ilang beses naman na pinaalala sa akin ni Nikka na may maririnig talaga ako na hindi maganda tungkol sa amin ni Axel kaya dapat ihanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang nasa isip at sinasabi nila ay opinyon nila iyon. Ayoko masira ang gabing ito at gusto ko lang na mag-enjoy kami ni Axel dahil ito ang unang pagkakataon na pinakilala niya ako sa lahat. Hindi ko naramdaman na kinakahiya niya ako kapag pinapakilala niya ako. Hangga't maari ay ayoko na mag-aalala si Axel at makadagdag pa sa isipin niya. "Nasaan po si Axel?" tanong ko kay Ms. Sales pagbalik ko sa table namin pagkatapos ko siya hanapin sa paligid.Hindi ko namalayan na matagal pala ako nawala. Nagtaka ako ng hindi ko siya makita sa pwesto namin kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Hinanap ko rin ang Papa ni Axel at nakita ko siya na may kausap sa hindi kalayuan kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Ramdam ko kasi ang tensyon sa
Habang ipinapakilala ako ni Axel sa mga staff ng foundation ay ramdam kong nakasunod ang mga mata ni Charmaine sa amin. Hindi talaga umalis sa tabi ko si Axel at halos ayaw na niya bitawan ang isang kamay ko. Napansin ko na pasimpleng umiiwas si Axel sa dalaga kaya kahit paano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman ko kanina. Tuwang-tuwa ako sa mga beneficiary ng foundation lalo na sa mga bata na halatang malapit na malapit kay Axel. Sobrang dami ng natulungan ng foundation at bakas sa mga mukha nila ang saya. Bukod kasi sa medical assistance ay binibigyan din ng scholarship ang mga bata para makapag-aral at ang iba naman ay binigyan ng trabaho sa kumpanya. Nakakatuwa isipin na ang iba sa mga staff ay mga nakapagtapos sa tulong ng foundation at ngayon ay sila naman ang tumutulong sa iba. "Sana Althea ay makabisita ka rin sa amin para naman makita mo ang foundation. Matutuwa rin ang mga bata na makasama ka nila," sabi ni Ms. Sales ang in-charge sa foundation at napatingin ako kay Ax
"Where here, Babe!" narinig ko na sabi ni Axel at napatingin ako sa kanya.Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa Hotel. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga palad ko sa sobrang kaba. Sumisikip din ang dibdib ko at ang bilis ng tibok nang puso ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."Babe," kinuha niya ang dalawang kamay ko saka pinisil iyon at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko."I understand if you don't want to go. We can just go back and forget this -"Okay lang ako Babe. Kinakabahan lang ako kasi ngayon lang ako makaka-attend sa ganitong event bilang guest," putol ko sa sinasabi niya at nag-aalala na tiningnan niya ako."Okay lang talaga ako Babe," nakangiti na sabi ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko."Huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa tabi m
"Huwag na kayo ako tumuloy?" puno ng alanganin na tanong ko habang nakatingin sa salamin at tiningnan ako nang masama ni Nikka.Gusto niyang makasigurado na okay ang itsura ko kaya nagpumilit siya na pumunta sa bahay habang inaayusan ako. Siya rin ang naghanap ng mag-ayos sa akin at pumayag naman si Axel. Sa tingin pa nga ni Axel ay magandang ideya iyon. Kaya ko naman mag-ayos pero gusto ni Nikka na maging perfect ang kalalabasan. Hindi ko tuloy Alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa ginawa niya."Gusto mong kalbuhin ko ang kilay mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at huminga ako nang malalim.Kakaalis lang ng mga kaibigan niya na nag-ayos sa akin. Tinanong ko siya kung magkano pero sinabi niya na si Axel na ang nagbayad. Sobrang galing nila at talagang napaka-professional nila. Kagabi pa talaga ako hindi mapakali pero pinipilit ko iyon itago kay Axel dahil aam ko na totohanin niya ang sinabi niya na hindi siya pupunta kung hindi ako sasama. Nabanggit sa akin ni Mr. Jay ku
Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni