Share

Kabanata 39

PARANG KAILAN lang, magkagalit at mayroon pang sama ng loob si Jayden sa Ina.

Parang kailan lang, noong may mga malalaking pader ang nakaharang sa pagitan

nila at ilang taon silang walang komunikasyon sa isa't-isa, nagturingan na

isang estranghero. Ah, mga panahong sinayang nila sa pagtitikisan. At ngayon,

wala ng sinuman ang maaring paghiwalayin sila. Even his own Dad nor Niccolo's

father.

Noong gabing nagkaharap sila muli ng Ina pagkatapos nang napakaraming taon,

ikinuwento nito ang lahat-lahat. Wala itong inilihim sakanya ni isa. Mula sa

kung sino ang tunay nitong mahal, kung paanong pinilit lang na ipakasal ito sa

Ama niyang si Hernando Aran, ang pangbablackmailed dito ni Serafino Villarin.

Kung paano ito hindi magkaundagaga sa paghanap sakanya noong lumayas siya at

pinilit na hagilapin siya.

Malinaw na malinaw pa sa isipan niya ang eksplanasyon ng Ina sakanya at ang

pagsusumamo na patawarin niya ito. " _Anak, maniwala ka. Pinilit kong hanapin

ka. Hindi mo lang alam kung paano ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status