Share

Kabanata 2

MALAKAS na inilapag niya ang kopita ng alak sa mesa. Hinanap ng mata niya ang

bartender. "One more tequila, please." Aniya. Ngunit nanatiling nakatayo

lamang ito. "But Mam, nakailang shots na po—" She cut his words by raising her

hand. "Just get my tequila!" Bahagyang tumaas na ang boses niya.

Mukhang nahintakutan naman ang bartender kaya mabilis na tumalima. Mapait na

napangiti siya. Pare-parehas lang ang mga lalaki, no doubt of it. Mabait lang

kapag may kailangan, ngunit kapag sawa na ito? Huh! They will drop you like a

hot potato, like a trash. Ilang sandali pa'y bumalik ulit ito at tahimik na

inilagay sa harapan niya ang tequila, walang pangingiming nilagok niya iyon.

Hindi na niya mabilang kung nakailang baso na siya. Basta ang alam niya,

kailangan niya maglabas ng sama ng loob ngayon din mismo. Dahil kung hindi,

baka... sumabog na siya sa sobrang pait at hinanakit na nararamdaman niya.

Hindi niya namalayan ang paghagulpos ng mainit na likido mula sa mata niya.

Napatingin siya sa dance floor, nasa isang sikat na bar siya ngayon sa Makati.

Doon siya dinala ng pagmamaneho niya. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng

lugar. Maraming nagkakasiyahan na tila mga walang problema sa mundo. Mariin

siyang napalunok. Pakiramdaman niya'y may nakabara sa lalamunan niya. Yumuko

siya at pinahid iyon. Hindi, hindi siya talunan! Hinding hindi siya iiyak.

She's not a loser. She's a stone.

Pero hindi niya kayang lokohin ang sarili, tila may sariling buhay ang luha na

patuloy sa pag-agos kahit ano mang pagpigil niya. Muli, naalala niya noong

excited siyang umuwi ng Pilipinas dahil naririto ang ex-boyfriend niyang si

Tyler. Sa Atlanta talaga siya nakabased dahil sa trabaho niya. She was a

former office clerk at Clothing Company back then. Nakilala niya si Tyler

dahil modelo ito ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya. Tumagal ng tatlong

taon ang relasyon nila ng huli at nagbalak pa sila na lumagay sa tahimik.

Three years! And because of that incident everything messed up.

Tandang tanda niya pa noon, _pinauwi ng manager nila si Tyler sa Pilipinas

dahil may gaganapin itong clothing event sa Makati. Gaya niya, Pilipino rin

ang binata. Matagal na nawala ang kasintahan, almost 3 weeks. Samantalang one

week lamang ang event na iyon, ngunit pinagwalang bahala niya iyon. Tumatawag

at nagtetext pa rin naman ang katipan. Malapit na ang fourth anniversary nila

kaya hindi na siya makapaghintay. Miss na miss na niya ang nobyo. So she did

the most convenient thing to do— follow and surprise him._

_Maybe Tyler was just too busy with his schedules kaya natagalan ito. When she

already arrived at Philippines, hindi muna siya nagpakita sa Ama dahil alam

niyang kukulitin lang siya nito na huwag nang umalis. She did all her best to

avoid her Dad. Dumaretso siya sa Condo unit ni Tyler sa Pasig. Alam naman niya

ito dahil ilang beses na rin siyang nakapunta sa pad nito tuwing umuuwi sila

sa Pilipinas. Ito lang ang tanging bahay ng binata bukod sa bahay nito sa

probinsya. Kaya naman agad siyang dumaretso roon. Nagpaganda pa siya ng todo

at ginawan ito ng cordon bleau -- paborito kasi nito iyon. Nasa pintuan na

siya ng makarinig siya nang kakaibang ingay. She may be a naive, ngunit hindi

naman siya mangmang para hindi maintindihan kung anong klaseng 'ingay' iyon.

Malakas na ang hinala niya, pero tila sadyang impokrita siya at nais pa

masaksihan mismo ng dalawa niyang mata kung ano 'bang milagrong nangyayari sa

loob ng kuwarto ng kasintahan._

_She wants to surpise him but things changed, at siya pa ang nasupresa!

Bumalik lang siya ng Pilipinas just to find out na niloloko lang siya nito_

_._ _Pakiramdam niya tila namanhid ang buong sistema at kalamnan niya. Tanging

malutong at mag-asawang sampal ang binigay niya sa lalaki._

_"This slap? It's not enough for you to know what I'm feeling right now! You

betrayed me, Tyler. You betrayed me! Ito ang huli kong sasabihin sa'yo, hindi

kana makakahanap pa ng babaeng tulad ko, ang seseryosohin at mamahalin ka."

And there, she left him hanging. Kung may mali man sakanilang dalawa, si Tyler

'yun at hindi siya. Sinumpa niya sa sarili na hindi na siya muling

magpapakatanga para sa isang lalaki. Minsan na siyang nagmahal at hindi niya

hahayaang masaktan pa siya muli. Never._

Dahil sa insidenteng iyon, nawala na ang prinsipyo niyang Denise as prim and

proper. Lubos siyang nasaktan ay hirap siyang iahon ang sarili. Nalamatan na

ang tiwala niya at ngayon, naniniwala na siyang walang sinumang lalaki ang

seseryosohin siya. Maybe, kung modernang babae rin siya tulad ng kalaguyo

niyo, hindi niya mararanasan ang ganitong sakit. She composed and change

herself. This time, she'll make sure that no one could hurt her again. Love is

a game. It's a play. It's a love game.

Kung makikita lamang ni Tyler kung ano ang itsura niya ngayon, sigurado siyang

magsisisi ito sa ginawang pag-iwan sakanya. Well no one can blame her, people

changed. Nasugatan at nagkaroon na ng lamat ang puso niya. At hindi na niya

kayang sumugal muli at magtiwala.

Nag-iba na ang pananaw niya sa pag-ibig. She don't want any commitment, no

string attached ika nga. Ayaw na niya ng sakit sa ulo. She want to have a

normal life. Gusto niya ng freedom – na ngayon niya lang nagawa, since first,

she had been a good daughter and loyal girlfriend. Masarap rin pala sa

pakiramdam iyong walang pumipigil saiyo. And now, at the age of 27 years old,

masasabi niyang ngayon niya lang ito nagawa sa tanang ng buhay niya, ang

magsuot ng modernang damit, high heels, bar hopping at mag make-up.

Bakit nga ba hindi niya naisip noon na magsuot ng mga _in_ na damit? Ginawa

iyon para suotin at hindi para idisplay sa mall. High heels, nasanay siya sa

black leather close shoe na required sa opisina, but this time she had to let

go and show her nails! And lastly, ang mag-ayos ng sarili. Marami ang

nagsasabi na maganda siya at matagal na niyang alam na may ibubuga ang itsura

niya, pero noon ay wala siyang pakialam. Dahil kay Tyler lang naman niya gusto

maging maganda.

Pero ngayon niya nalaman na kalokohan iyon. Ang likas na mapula pula niyang

buhok na laging nakatali at bun style ngayon ay nakalugay na. And her heavy

eye glasses? Tinapon na niya iyon. Contact lense na ang gamit niya.

Masyado niya na palang itinago ang sarili sa baul this past few years. At

ngayon, this is the real Denise. The true Denise Lauren McBride the hot,

gorgeous lady at sisiguraduhin niyang walang sinuman ang mananakit sakanya.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status