Sandaling napako ang paningin ko sa magkahawak naming kamay ni Diego. "Ako na ang maglalaba. Baka magasgas pa 'yang malambot mong kamay," sabi niya at sinuksok sa bulsa niya ang towel. Napailing ako. "Bahala ka..." nasabi ko na lang, saka binuksan ang pinto. "Salamat Diego," wika ko pa bago sinara ang pinto at patakbong nagpunta sa shop. Ang lakas na talaga kasi ang ulan. Nilingon ko pa ang kotse ni Diego na nasa parking space pa rin. "Maulan na umaga, Vianna May," masiglang bati ni Mang Damian. "Magandang umaga, Mang Damian," nakangiting bati ko sa matanda. "Ano na ang balita kay Gino, Mang Damian?" tanong ko sabay ang pagtiklop ng payong at nilagay iyon sa umbrella stand. "Wala pa rin talaga akong balita sa kan'ya. Alalang-alala na nga ako sa batang 'yon." "Huwag na po kayong mas'yadong mag-alala, Mang Damian." Tapik ko ang balikat niya. "Magandang umaga, po," sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng malambing na boses na bumati sa amin. "Roselyn, magandang umaga," nakang
My entire body shook with anger, irritation, and pain. My eyes welled up with tears. I tried to hold back my sobs as we entered the gate, but I couldn't. Ang sikip ng dibdib ko. "Anak, tahan na." Yakap ako ni Mama, at pareho kaming umiiyak. Bagsak ang mga kamay ko, kahit ang yakapin pabalik si Mama ay hindi ko magawa. She knew that it wasn't Aling Erna's hurtful remarks that made me cry like this, but the memories of my father."Vianna May, Violy! Pumasok na kayo," nag-aalang wika ni Aling Chona. Hindi namin napansin ang pagsunod niya. Sabay niya kaming giniya papasok at inalalayang maka-upo sa sofa. Kaagad din siyang kumuha ng tubig at binigay sa amin iyon. "Salamat Chona," paos ang boses na pasalamat ni Mama. Nasa pagitan nila ako at alam kong nasa akin ang tingin nila. Magkasabay din nilang hinaplos ang umuuga kong likod at balikat. Ilang sandali pa nila akong hinayaang umiyak hanggang sa unti-unti na akong kumalma. Ang malakas na hagulgol kanina ay napalitan nang paghikbi. "
TAONG 2009 cont. Natigil ang pagmunimuni ko nang marinig ang tawanan ng mga kamag-aral ko. Ang saya nilang naglalaro sa pool. Swimming team sila ng school namin. Kasama nila ang kaklase at crush kong si Diego, ang dahilan kung bakit kahit paano sumisilay pa rin ang ngiti sa labi ko. Makita ko lang ang guwapo at namumula niyang mukha, masaya na ako lalo na kung mapasulyap din siya sa kinaroroonan ko. Laking ginhawa ang bigay no'n sa puso ko. Dito ako tumatambay sa pool kapag tapos na ang klase kaya lagi ko siyang napagmamasdan kahit sa malayo lang. Isang sulyap pa kay Diego ang ginawa ko bago tumayo at umalis. Bitbit sa isipan ko ang guwapo niyang mukha at may ngiti pa sa labi. Mabagal akong naglakad pauwi. Kung may ibang mapupuntahan lang sana ako, talagang hindi muna ako uuwi sa bahay. Pero wala dahil ayaw din sa amin ng lola ko. Kung buhay pa siguro ang lolo, buong puso niya akong patutuluyin sa bahay nila. Sa kasamaang palad, pumanaw na siya at ang naiwan ang lola kong walang
TAONG 2009 cont. "Vianna May," humihingal at bakas ang pag-aalala sa mukha ng aming kapitbahay. "Ang Mama mo!" "A-ano po ang nangyari kay Mama?" umiyak kong tanong. Napahigpit ang paghawak sa kamay ni Diego."Sinugod sa ospital! Puntahan mo na siya." Agad kaming sumakay ng taxi pagkasabi ng aming kapitbahay kung saang ospital dinala si Mama. Hindi matigil ang iyak ko habang sakay kami ng taxi. Sinisisi ko ang sarili. Kung hindi ko lang ginawa 'yong kanina, hindi sana nangyari ang ganito. Kung hindi sana ako umalis, may nagawa siguro ako. Naipagtanggol ko man lang sana siya sa hayop kong ama.Hindi pa man tuluyang nakaparada ang taxi, patalon na akong bumaba mula doon at iniwan si Diego. Dumeritso ako sa information, taranta at umiiyak na nagtanong kung nasaan si Mama. Halos hindi ako maintindihan ng naka-usap kong nurse. "Vianna May, kumalma ka muna," rinig kong sabi ni Diego. "Anong pangalan ng Mama mo?" mahinahon niyang tanong. "Vio-violita Meranda," humihikbi kong sagot. "Nas
"Hindi ka na sana bumalik at nagpakita, Diego. Hindi sana bumalik ang masakit na alaalang 'yon." Para akong tanga na binuhos ang sama ng loob sa dingding na kaharap ko. Hindi ko rin alinta ang malamig na tubig na patuloy na umaagos at bumasa sa katawan ko."Anak, ano ba ang ginawa mo?!" Biglang sulpot ni Mama. In-off niya ang shower, at hinawakan ang mga balikat ko saka pinihit niya ako paharap. Sinalubong ng mga mata ko ang malungkot niyang mga tingin."Alam kong masakit para sa'yo na maalala ang nakaraan. Masakit din sa akin, anak dahil ako ang dahilan kong bakit humantong tayo sa ganoong sitwasyon. Nagpakatanga ako at nagpakabulag sa pagmamahal na hindi na tama!""Sorry, Ma, nang dahil sa akin, bumalik lahat ang alaalang 'yon!" yuko ang kong sabi."Hindi mo kasalanan, Anak, alam natin pareho na darating at darating din ang araw na 'to. Darating ang araw na babalik sa atin ang masakit na alaalang 'yon. Kahit ano pa ang limot na gawin natin," may ngiti sa labi niya, ngunit may luha pa
"Sir Romeo!" atungal ng babaing lasing ang narinig ko, na sumisinok pa. Si Roselyn. Alam kong si Roselyn ang babaing 'yon dahil kahit lasing ay malambing pa rin ang boses. Kaagad akong lumabas mula sa pagkakakubli."Roselyn, anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Hindi ko nagustuhan ang biglang pagsulpot niya rito, lalo't lasing pa siya. Pero hindi ko ipagkakaila na bahagya akong natuwa dahil sakto lang ang pagdating niya. Kung hindi kasi siya dumating ay baka kung saan na humantong ang kapusukan ni Romeo kanina."Via-Vianna May!" atungal na tawag niya sa pangalan ko at niyakap akong bigla."I-iniwan ako ng mga kaibigan ko. Wala akong pera!" kanda-buhol ang dila na sabi niya habang nasa balikat ko ang buong bigat ng niya. "Umayos ka nga, Roselyn!" saway ko.Hindi kasi siya maperme sa pagtayo. Amoy bulok na bayabas pa ang hininga. Kagandang babae, lasingga pala."Kung umuwi ka na sana kanina pa! Hindi mo sana kami na disturbo ng ganito!" singhal ni Romeo, saka dinukot ang cellphone sa b
Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, hanggang sa tumigil nga ito. Romeo couldn't stop cursing and repeatedly punched the steering wheel. "Baliw ka na ba?! Bakit mo inalis ang safety belt mo?!" Isang suntok pa ang ginawa niya at nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin. "Oo, baliw na nga ako! Baliw na ako kakaintindi sa'yo!" Agad na akong lumabas ng kotse at pabagsak na sinara ang pinto. Malaki ang mga hakbang, makalayo lang kay Romeo. Hindi ko na rin alintana ang med'yo madalim na kalsadang tinatahak ko. Gusto ko munang makapag-isip. Ipahinga itong puso ko na wala nang ginawa kung hindi ang magdamdam kay Romeo. Mahal ko siya pero hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko na alam kong anong nangyayari sa kan'ya. Sa bilis at laki ng mga hakbang ko, natapilok pa ako. But I ignored the pain. I took off my shoes and continued walking, kasabay ang panakanakang paglingon, baka sakaling may dumaan na taxi o tricycle at makasakay ako. Pero talagang wala. Malayo-layo na ang nalakbay ko
I can't get Romeo out of my mind. I did nothing but lie down all day, ngunit hindi naman ako makatulog. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Ang sikip ng dibdib ko. Feeling ko nga mauubusan na ako ng hininga.It was late afternoon when I decided to go down. My feet are no longer in pain. I need to get some fresh air. Gusto kong mag-isip. Gusto kong maibsan kahit kaunti man lang ang bigat na nararamdaman ko."Anak, bakit ka nagpilit na bumaba?!" Napasinghal si Mama nang makita akong pababa ng hagdan."Ma, 'wag na po kayong magalit ayos na po ako. Kakabagot na po sa loob ng k'warto," malambing kong sabi." 'Yong paa mo kasi, Anak!" nag-aalala nitong sabi."Ma, nagamot ko na po 'to, napalitan ko na nga ng benda." Pinakita ko pa ang paa ko. "Hayaan niyo na po akong umalis, Ma, please!" paki-usap ko habang yakap siya."Sige na nga, ang kulit mo. Pero tatawag ka agad ha. Para hindi ako kabahan, Anak," bilin niya, habang yakap ko pa rin siya."Opo, Ma, tatawag po ako agad." Isang malutong na hali