"Romeo, ano'ng ginagawa mo? Hindi ka puwede rito. Bumaba ka before Mama sees you," sita ko sa kanya."Hayaan mo na lang ako, Mahal,” sabi niya, hinaplos ang pisngi ko. "Gusto ko lang ayusin ang lahat sa pagitan nating dalawa," bulong niya bago idinikit ang labi sa labi ko."Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo, madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama.Nakangiti siyang nagtungo roon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod."Saan ka pupunta?" tanong niya at akmang hahawakan ako."Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot.Bumalik siya sa pagkakaupo na may tango at ngiti. Parang bata.Kinuha ko ang medical kit mula sa dresser ko. Pagkatapos ay bumalik ako kay Romeo na nakangiti pa rin hanggang sa tainga.Tahimik akong umupo sa tabi niya at maingat na ginamot ang mga sugat niya. Ngiti lang siya nang ngiti habang dahan-dahang inilalapit ang mukha sa akin, nakanguso pa. Parang tanga rin."Umayos ka nga! Hindi ko magamot n
Baca selengkapnya