VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
"Ano ang binigay mong kapalit, katawan mo?"Katagang binigkas ng Mommy ni Romeo—ang lalaking mahal ko.I fell in love with a man whose social standing was vastly different from mine. Ito ang kapalit, masakit na salita at panglalait. Ni ang ipagtanggol ang sarili hindi ko magawa.Isang hamak na jeweler lang naman kasi ako sa branch ng diamond jewelry shop na pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang Jouel Corp. at si Romeo ang manager ko.Sa loob ng isang buwan na naging kami, ngayon ko lamang nakita at nakilala ang Mommy niya. Ngayon pa mismo sa araw ng aming monthiversary . Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana tinanggap ang regalong bigay ni Romeo. A lovely and expensive necklace, kapalit naman paghamak sa aking pagkatao. I tried to talk to him, ngunit wala akong narinig na salita mula sa kaniya, ni ang lingunin ako hindi niya ginawa. Ang kaninang maganda at masayang simula ng aming araw, nauwi sa iyak at mugtong mga mata. Hindi ko na tinangkang kausapin siya. Hind
Bagong umaga, bagong simula. Ilang minuto na rin akong nakatingin sa cell phone ko nasa ibabaw ng side table, umaasa pa rin kasi ako na mag-ring iyon. Pero wala. Ni text wala rin. Ang sakit pa rin pala, kahit sinabi ko pa na tanggap ko na. Sinanay niya kasi ako. Nasanay ako na laging tunog ng cell phone ang gumigising sa akin tuwing umaga, at boses ni Romeo ang unang naririnig ko. Pero ngayon, maingay na tilaok ng mga manok at kahol ng mga aso ng aming kapitbahay ang gumising sa akin. Lalo tuloy akong tinatamad at nanghihina. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang parte sa katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pero hindi pwede na huminto ang mundo ko. Nasaktan lang naman ako at hindi na paralisa. Kaya tuloy ang buhay kahit puso'y nasasaktan. Matapos maligo at magbihis, humarap ako sa salamin. Muli na naman akong napangiti ng mapait. Paano ba naman kasi, daig ko pa ang nasuntok sa itim at maga ng eye bags. I covered my dark and puffy eye bags with concealer, para hindi naman ako magmu
"A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko. Hawak ko na ang kamay ng taong biglang humablot sa braso ko. Sinubukan kong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Pero halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang mukha niya. Uminit ang buong mukha ko at hindi na magawang magreklamo. Umaapoy kasi sa galit mga mata niya. "R-Romeo..." pabulong at utal kong bigkas sa pangalan niya. "Ano ba dude? Bitiwan mo nga siya!" bulyaw ng lalaki at hinila ang pabalik sa kanya. Nagtagis ang bagang ni Romeo, at hinila ako palapit din sa kaniya. Para akong garter na pighihila ng dalawa. Mga sira-ulo ang mga 'to! "B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko. Buong lakas na hinablot ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Na siya namang dahilan ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa sementong daan. Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako. Nauna pang sugurin ang lalaki na akmang tutulungan sana ako.Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya. "Gago ka!" sikmat nito, kasabay ang pag
"Romeo, what are you doing?" Hindi ka pwede rito. Bumaba ka, before Mama sees you," I grumbled."Hayaan mo na lang ako, Mahal," he said, caressing my cheek. "I just want to fix things between us," he whispered before pressing his lips to mine."Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo, madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama. Nakangiti siyang nagtungo doon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod."Where are you going?" tanong niya at akmang hahawakan ako."Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot. He returned to his seat with a nod and a smile. Parang bata.Kinuha ko ang medical kit from my dresser. Then I returned to Romeo, who was still beaming from ear to ear.I sat quietly next to him, treating his wounds gently. He just keeps on smiling and slowly move his face to mine, lips pouting. Parang tanga rin."Umayos ka nga! Hindi ko magamot ng maayos ang sugat mo!" Magkasalubong ang kilay na saway ko. Diniin ko pa ang