Share

Kabanata 4

Author: nerdy_ugly
last update Huling Na-update: 2025-10-28 15:23:43

Hindi na alam ni Micah kung ano'ng gagawin. Galit ang nakikita niya sa anyo nang kaharap. Paano nalaman nito ang kalagayan niya?

"Ikaw? Pa-paano mo nalaman?" tanging naisatinig niya sa binata.

"You don't have to know, I have my own resources, at balak mo pa talagang itakbo ang anak ko!" batid niyang galit na ito.

Tumayo si Micah at nagmamadaling tinungo ang exit ng private plane. Pero sumalubong sa kanya ang limang lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo. What the heck!

"Sorry Ma'am, kailangan naming sundin ang utos ni Mr. Del Fuego," saad ng isa at mabilis na hinawakan siya nito sa braso.

"Huwag na po kayong pumalag Ma'am dahil hindi na po magbabago ang utos ni sir," ani naman ng isa at hinawakan siya sa isang braso. Napansin ni Micah ang isang itim na limousine, pumasok ang isang nakaitim sa driver seat at ang dalawang nakaitim ay naghintay na maipasok siya sa loob para pagbuksan siya. Hindi niya akalaing mayaman pala ang bwesit na lumapastangan sa kanya.

"Bitawan niyo ako!" sigaw niya. Nagpapadyak siya at pilit na tinatanggal ang mga braso ng mga lalaking nakahawak sa dalawa niyang braso.

"Bitawan ninyo siya," maawtoridad na utos ng baritonong boses, napasulyap si Micah sa binata. Pinukol niya ito nang isang matalim na tingin. Matiim ang titig ng binata sa kanya. Hindi niya ito masisisi aminado naman siyang nagkamali siya sa ginawa pero hindi niya akalaing malalaman nito ang lagay niya. Ngayon niya lang na-confirm na pinasusundan nga siya ng bruho.

"How could you-" hindi na siya pinatapos pa ng binata at sinunggaban agad siya nito nang mariing halik sa mga labi. Nagpapalag si Micah. Mapagparusa ang halik ni Hugo. Galit na galit siya sa dalaga. Halos mabaliw siya ng maamoy ang mabango nitong hininga at matikmang muli ang malalambot nitong mga labi. Ilang gabi na nga bang pinagpantasyahan niyang halikan ito? Damn! He couldn't remember. 

Pinasundan ni Hugo ang dalaga. At nalaman niyang buntis ito. At hindi ipagkakailang anak niya ang ipinagbubuntis nito. At hindi siya makakapayag na lumaking bastardo ang anak niya.

Pilit na itinutulak ni Micah ang binata pero sadyang malakas ito sa kanya. At sa inis niya'y kinagat niya ang pang-ibabang labi nito. Nabitawan siya ng binata sapo ang nagdurugong labi.

"F-ck!" mura ni Hugo, sapo ang nagdurugo niyang labi. "Get her!" utos ni Hugo sa mga lalaking nakaitim at pilit na ipinasok ang dalaga sa loob ng Limo.

Nagwawala si Micah. Patid dito, patid doon, kalmot dito, kalmot doon. Gusto nang sumuko ng mga bodyguards ni Hugo. May lahing sa tigre yata ang babaeng 'to. Ayaw naman nilang diinan ang pagkakahawak dito dahil iyon ang utos ng kanilang amo. Baka daw magkaro'n ito nang pasa, halos maiyak ang dalawang bodyguard dahil masakit ang matatalas at mahahabang kuko nang nagwawalang dalaga. 

May naisip ang isa. Kumuha siya ng panyo at may inilagay doong pampatulog. Itinakip agad nito iyon sa bibig nang nagwawalang dalaga at saka ito dahan-dahang nakatulog.

Napahilot sa sentido si Hugo. Mukhang mahirap makasundo ang ina ng anak niya. Nang malaman niyang nagbunga ng supling ang isang gabing pagniniig nila'y labis siyang natuwa. Magiging ama na siya. At gagawin niya ang lahat para sa anak niya. 

Kilala niya ang pamilyang Montenegro, isa ito sa mga kinikilalang pinakamayamang angkan in terms of business world. Hindi niya akalaing si Micah Montenegro pala ang babaeng nakaniig niya no'ng gabing iyon. Samantalang ang pamilyang kinalakhan ni Hugo ay kilala sa pinakamagaling sa larangan ng Agrikultura. Masasabing mas mayaman sila kaysa mga Montenegro. They own lots of Jewelries, Yacht, Shipping Lines, and etc. Pumapayagpag pa iyon sa iba't ibang bahagi ng bansa. 

Napasulyap si Hugo sa natutulog ng dalaga. Kasalukuyan nilang binabagtas ang daan patungo sa kanyang chopper na inihanda. Dadalhin niya doon si Micah sa Isla Del Fuego na pagmamay-ari mismo ng binata. Tingnan lang niya kung makakatakas pa ito sa kaniya. Hindi pwedeng heto lang ang umangkin sa anak niya. Anak din niya ang dinadala nito. At may karapatan siyang kilalanin siyang ama ng anak niya.

Nang makasakay sila ng chopper, binuhat niya agad ang dalaga. Saka lumipad ang chopper patungo sa islang pagmamay-ari niya. Saka na niya poproblemahin na kontakin ang mga Montenegro. Delikado kung magsasampa ng kasong kidnapping si Micah. Yan ay kung makakatakas ito sa poder niya. He can't allow her to escape hanggang hindi pa nito isisilang ang sanggol. 

***

Nagising si Micah sa sinag ng araw na tumatama sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ramdam niyang masakit ang mga braso at buong katawan niya. Ngunit dagli rin siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kamakailan lang. At napasulyap siya sa manipis niyang tiyan at masuyong hinawakan niya iyon.

Inilibot niya ang tingin. Biglang sumikdo sa kaba ang kaniyang puso. Nasa ibang silid nga siya. Tumayo siya sa kama at tinungo ang bintana para sumilip doon. Ngunit laking gulat ni Micah nang makita niya ang malawak na karagatan. Damn! Saan ba siya dinala nang walang modo na lalaking iyon? Tingin niya'y isa itong private property island.

Inis na tinungo niya ang pintuan at sinubukang buksan iyon pero naka-lock iyon. Mas lalo siyang nanggalaiti sa inis at galit.

"Open this door!" sigaw niya. Pinukpok niya ito nang pinukpok hanggang sa bumukas iyon at sumalubong sa kanya ang mga matang kasing itim ng gabi. Nagtagpo ang mga kilay ni Hugo.

"You!" inis na tugon niya sabay tulak sa dibdib ng binata, ni hindi man lang ito natinag. Palibhasay para itong isang matibay na moog. Seryoso ang anyo nito at nakakatakot. Pero hindi nagpadala si Micah sa takot niya. Ang alam lang niya, galit siya sa pagtrato nito sa kanya na para siya nitong hostage. Ang kapal ng mukha nito upang tratuhin siya nang gano'n. Hindi siya papayag na hindi makaalis sa pesteng lugar na pinagdalhan nito sa kanya. 

"You bear my child, and it's my obligations to take good care for the both of you! At 'wag ka nang magreklamo pa dahil kung hindi mo ito inilihim sa'kin hindi tayo aabot sa ganito. Ikaw ang nagtulak sa'kin na gawin ito sa'yo."

Tumawa ng pagak si Micah. "And do you think anak mo nga talaga siya? Oh come on, you're such a crazy asshole!" singhal ni Micah sa binata. Ang totoo'y nagsisinungaling lang siya dahil sa pagkamuhi sa lalaking nasa harap niya.

Umigting ang panga ni Hugo at marahas niyang hinawakan ang braso ng dalaga, napangiwi ito sa sakit sa ginawa niyang iyon, agad din siyang naalarma at binitawan ito. 

"Hindi ako bobo Ms. Montenegro. At alam kong ako ang ama nang dinadala mo, ako ang naka-una sa'yo kaya 'wag ka nang mag-deny pa! At walang sinumang masusunod dito kundi ako lang! Alagaan mong mabuti ang anak ko. Pakakawalan lang kita dito kung mailuwal mo na ang anak ko and you can go wherever you are!" singhal ni Hugo sa galit na dalaga.

Sa galit ni Micah ay sinampal niya ito nang pagkalakas-lakas. Halos mag-echo iyon sa looban ng malawak na kwarto na kinaroroonan ni Micah.

"And do you think, papayag ako sa gusto mo? Magkakamatayan muna tayo bago mo makuha ang anak ko! Gago!" sigaw ni Micah.

Sapo ni Hugo ang kabilang pisngi. Naalala niyang bigla na hindi pwedeng ma-stress ang dalaga dahil maselan ang pagbubuntis nito. Pinatingnan niya kase sa doktor ang dalaga habang tulog ito kanina.

"Importante sa'kin ang kalusugan ng anak ko, kaya please... calm down. I need you to stay calm Ms. Montenegro kung gusto mong maging malusog ang anak..... natin," malumanay na saad ni Hugo, biglang nagtaka si Micah sa reaksiyon ng binata, bigla itong huminahon. Mahina lang ang pagkakasabi nito sa huling salita pero narinig pa rin iyon ni Micah. Inaalala siguro nito ang kapakanan ng anak nila. Nila? Damn no! Anak niya lang ang bata! Siya lang ang kikilalaning magulang nito. 

"Concern ka? Really?" sarkastikong tugon ni Micah.

"Sa anak ko, pero sa'yo wala," diretsang tugon ni Hugo sa dalaga, pilit pinapakalma ni Hugo ang sarili. 

Umirap lang si Micah sa binata. At mabilis na naglakad palayo kay Hugo. Inis, galit at pagkamuhi ang naramdaman ngayon ni Micah, hindi pwedeng malaman ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya, lalo na ang mama Thalia niya, may sakit ito sa puso at baka atakehin pa ito. Gustuhin man niyang makontak ang mga magulang but she can't. Matanda na ang kaniyang ina't ama. Hindi siya pwedeng magbigay nang problema sa mga ito. Napaisip siya kay Ate Levi niya, hindi rin pwede at baka mahalata ng Kuya Mike niya at baka gulo lang ang mangyari. Ano nga ba ang dapat niyang gawin. Aminado siyang hindi basta-bastang tao ang ama ng anak niya. 

Pansin niya ang napakagandang bahay, at malawak ito. She could say that the place has it's privacy, the peaceful setting, uninterrupted views, and being surrounded by nature, pansin niyang walang kapitbahay dahil nag-iisa lang itong nakatayo sa isang island. At dinala pa talaga siya ng hudyo sa isang isla. Sinigurado talaga nitong wala siyang takas. The hell that man! Gusto niyang magwala at sumigaw sa inis sa lalaking 'yon. Napaisip bigla si Micah, ilang ulit na ba silang pinagtagpo nito? Ni hindi niya alam ang pangalan ng tatay ng anak niya. Well, she don't care!  

May nakita siyang isang kawaksi na naghahanda ng kaniyang pagkain. Napalingon ito sa kanya pagdaka'y ngumiti nang makita siya. Ni hindi niya ito nginitian, sabihin nang suplada siya pero wala siyang pakialam, naiirita siya.

"Ma'am, kumain na po kayo," saad nito sa kanya at iminuwestra ang mga masustansiyang pagkain na dapat niyang kainin. Napangiwi lang siya nang makita ang sinigang na baboy, hindi niya gusto ang amoy. Napatakip siya sa kaniyang ilong.

Napaupo si Micah sa upuan habang tinatakpan niya ang ilong. Inutusan niya ang kawaksi na alisin ang sinigang na baboy na dati'y paborito niya. Kinuha niya lang ang isang mansanas at yun ang nilantakan niya at isinawsaw sa butter. Kumunot ang noo ng kawaksi. Pero saglit lang iyon, marahil ay narealize nitong buntis nga pala ang babae. 

Tinungo ni Hugo ang hapag-kainan para kumain ng agahan, at nadatnan niya doon si Micah na nilalantakan ang mansanas. Umupo siya sa katapat nitong upuan. Napansin ni Hugo na biglang tumayo ang dalaga sabay takip sa ilong nito. Pagdaka'y napatakip sa bibig, akmang gustong sumuka. Nagmamadaling nilapitan ito ni Hugo para sana alalayan papunta sa sink. Ngunit nang makalapit na siya dito'y, humawak ang dalaga sa kaniya at sa dibdib niya pa talaga sinuka ang dumi nito. The heck this woman!

"F-ck!" mura ni Hugo sabay ngiwi.

At saka nawalan ng malay si Micah. Mabuti na lang at nasalo agad siya ni Hugo. Halos hindi magkandatuto ang binata. Inutusan niya agad ang mga tauhan na ipatawag ang doktor para ipasuri ang dalaga.

Maingat na inilapag niya sa malambot na kama si Micah. Dahil basa ng suka ang damit ni Hugo, hinubad niya ito agad, halos masuka din siya sa hindi kanais-nais na amoy. Nang mapansin niyang basa din ang damit ng dalaga, wala siyang choice kundi ang bihisan ito. Ano pa bang itatago nito, e, nakita na niya iyon lahat. Ang problema lang talaga niya'y, nagagalit at nagwawala ang alaga niya. Damn! Iba talaga ang dating ng babaeng ito sa kanya. Sobrang pagpipigil rin ang tiniis ni Hugo. Hindi siya pwedeng umalis sa isla at baka makatakas pa ang mataray na Montenegro.

"Kumusta na siya, Dr.?" tanong ni Hugo sa doktor.

"She's fine, inatake lang siya ng kaniyang morning sickness, iwasan mong ma-stress siya dahil hindi iyon nakakabuti sa pagbubuntis niya, and make sure na napapainom mo siya ng vitamins," saad ng doktor kay Hugo.

Tumango lang si Hugo at saka sumenyas sa isa niyang tauhan na ihatid na ang doktora. Napasulyap siya sa natutulog na dalaga. Bakit nga ba napakataray nito sa kanya?

Nakatingin lang siya sa maamong mukha ng dalaga. She was really beautiful. Singkit ang mga mata nito, mapupulang labi, her pointed nose are perfectly fit her features. Her skin was flawless. Kung hindi lang sana nito itinago na nagdadalang tao ito sa anak niya'y malamang hindi sila aabot sa ganitong sitwasyon. He was amazed by the beauty in front of him. Para sa kanya sa tanang buhay niya ngayon lang siya naka-encounter ng isang babaeng matapang pero napaka-inosente ng mukha. He could say that, this girl really catch his whole attention. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ningas NG Atraksyon   Special Ending

    Sa Montenegro Coast idinaos ang kasal nina Hugo at Micah. Beach wedding. Napuno ng press at media ang kasalang iyon. Inilathala pa iyon sa mga magazines, newspapers at sa mga sikat na tabloids. Pati na rin sa news break ng mga telebisyon. As usual, piling bisita lang ang mga nandoon sa kasalan.Napangiti sina Hugo at Micah nang sabihin ng Judge na, 'you may kiss the bride,' napasulyap sila sa judge at mabilis ang kilos ni Hugo. Tangan na nito ang malalambot na labi ng asawa. Nagtagal yata ang halikan ng fifteen minutes. Kung hindi pumalahaw nang iyak si Meriam hindi na siguro matatapos ang halikan nilang iyon. Walang choice si Micah kundi ang lapitan ang anak. Paniguradong basa ang diaper nito.Mula kay Lily kinuha niya si Meriam, hindi pa rin kase ito tumitigil sa pag-iyak. Nang tingnan niya ang diaper nito, hindi nga siya nagkakamali. Ibinigay niya ito kay Hugo saka siya kumindat sa asawa. No choice si Hugo kundi palitan ng diaper si Meriam. Nagtawanan ang mga bisita. "Papa!" Halos

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 29

    Wala si Hugo sa tabi niya nang magising si Micah. Kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib. Napabalikwas siya nang bangon. Napangiwi siya nang maramdaman ang pananakit ng buong katawan. Oo nga pala, pinagod siya ng husto ng asawa.Dahan-dahan siyang tumayo. Damn it! Nanginginig ang binti niya. Napaupo siya uli sa malambot na kama. Nasaan na nga ba si Hugo? Sumigaw siya, nagbabakasakaling marinig siya ni Lily which is impossible, dahil soundproof ang kwarto nila. Hindi siya makatayo ng maayos. Halatang nanlalanta ang kanyang katawan sa sobrang pagod. Hindi niya mapigilang mapangiti at magbalik-tanaw sa pangyayari kagabi. That was so amazing! Hindi niya akalaing gagawin ni Hugo sa kanya ang pangbibitin na iyon.Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa doon si Lily. May dala itong tray na may lamang pagkain. Lihim siyang nanghinayang, akala niya si Hugo. "Morning, inutusan nga pala ako ni sir Hugo na dalhan ka rito ng pagkain, nasa garden sila nina Moises at Meriam," nakangiting t

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 28

    Matuling lumipas ang mga araw naging abala si Micah kasama si Lily sa pag-aalaga ng kanyang kambal na sina Moises at Meriam. Mahirap palang mag-alaga ng kambal naisip niya. Ang anak niyang si Meriam ay kunting basa lang ng diaper nito ay papalahaw na nang iyak. Napangiti siya sa kaartehan ng kanyang prinsesa. Saka ito kinumuyos ng halik. Tumigil ito sa pag-iyak at pagdakay ngumisi. Biglang naglaho ang pagod ni Micah. Si Moises naman ay abala sa paglalaro na kasalukuyang nasa crib nito. Tahimik lang ito. Umiiyak lang ito kung gusto nang dumede. Si Lily ang nag-aalaga sa kanyang kambal 'pag busy siya sa pagpapalakad sa boutique. Lihim siyang nagpasalamat dahil maganda ang takbo ng kanilang negosyo dito sa Paris. Through on-line lang ang ginagawa ni Micah sa pagpapalakad ng boutique. Binabasa niya ang mga isini-send na mga emails galing sa mga managers patungkol sa mga sales at ipini-forward niya kay Mateo. "Micah, ma-may bisita ka," medyo nauutal na tugon ni Lily sa kanya. Kumunot a

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 27

    Lumipas ang ilang araw, naging masaya ang pamilya Montenegro. Lalo na ang mag-asawang Montenegro na sina Marco at Thalia. Sa wakas nakita na rin nila ang nawawalang anak. Ipinaliwanag lahat ni Micah ang mga bagay na hindi makakasama sa ina, kumbaga iyong mga tagpo na positive. Matanda na rin ang kaniyang ina't ama.Napayakap sa kanya ang halos mga binata na niyang mga pamangkin na sina Lucas, Mateo, Israel, Isaac, David at ang sutil at cute niyang pamangkin na si Rebecca na siyang nag-mana sa ganda ng ina nitong si Levi. May nangyaring family dinner sa mansion ng Montenegro. Napuno ng galak, halakhakan, asaran, kwentuhan at kulitan ang hapag-kainan. Hindi naman nagtagal sina Mike at Levi kasama ng mga bata sa bahay nina Mr. and Mrs. Montenegro at naisipan na rin nilang umuwi. Kinabukasan nagpaalam si Micah sa mga magulang na mananatili muna siya sa Montenegro Coast. Sakay ng chopper ay kumaway siya sa mga ito. She need some space. Gusto niya munang mapag-isa ulit. Paano nga ba niya

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 26

    Abut-abot ang kaba ng dalawang magkaibigan. Humigpit ang hawak ni Micah sa kamay ni Lily na tila ba doon siya kumukuha ng lakas. Napasulyap si Lily sa kanya at saka ngumiti na tila ba sinasabi ng ngiti nito na tatagan niya ang kalooban. "Kaya mo 'to, ngayon ka pa ba maduduwag? Nandito lang ako sa likod mo Micah, kung anuman ang magiging kahinanatnan nito, sabi mo nga hindi ba, ilagak natin ang lahat ng problema sa Dios?" napangiti si Lily at saka niyakap ng buong higpit ang kaibigan."Salamat sa paalala Lily, samahan nawa tayo ng Dios. Hangad ko lang na man na mabuo ang pamilya ko, makasama ang lalaking mahal ko, umaasa akong mapatawad niya rin ako. Tulad nang pagpapatawad na nakita ko kina Kuya Mike at Ate Levi," muli'y hindi napigilan ni Micah ang mga luhang kusang tumulo sa kanyang mga mata.Makalipas ang ilang oras ay nakarating sila sa lugar na pag-landingan ng chopper. Bumaba agad sila at saka naglakad sa may unahan para pumara ng taxi. Ilang minuto rin ang itinagal nila bago s

  • Ningas NG Atraksyon   Kabanata 25

    Nakabalot ang mukha ni Micah habang nakahiga sa kanyang malambot na kama, isinagawa ang operation sa Isla Montenegro. Bumalikwas siya ng bangon, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Oo nga pala, ibinalik na ang dati niyang mukha."Ang sabi ng surgeon mo, babalik sila mamaya para tanggalin iyang nakabalot sa mukha mo. Micah, masaya ako para sa'yo," saad ni Aling Paz at saka hinawakan ang kanyang isang kamay. Humigpit ang yakap ni Micah sa matanda at saka siya dahan-dahang yumakap dito. Sa kabila nang lahat ng nangyari sa kanyang buhay, unti-unti nang naibabalik sa kanya ang lahat. Handa na siyang humarap kay Hugo at sabihin dito ang katotohanan. Handa na nga ba siya? O ang isip lang niya ang nagsasabing handa na siya? "Ma'am, handa na po ang breakfast ninyo," ani ng isang kawaksi at saka yumuko para magbigay galang sa kanya. Tumango lang si Micah at saka dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama at nilapitan si Aling Paz para akayin ito. "PASENSIYA na po kayo sir, pero mataga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status