(Alina’s POV)
Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Ninong Sebastian. Para akong estudyanteng pinatawag ng principal. Pinagpapawisan ang palad ko kahit malamig ang hangin sa hallway. Hinahawakan ko nang mahigpit ang rosaryo ng tatay ko, pilit na kumukuha ng lakas ng loob. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok ako nang mahina. “Come in,” malamig niyang boses ang sumagot mula sa loob. Binuksan ko ang pinto, at agad akong sinalubong ng amoy ng kahoy at leather. Ang opisina niya ay parang kwadradong gawa sa kapangyarihan, makapal na mesa, mga bookshelf na puno ng libro at dokumento, at malaking bintana na tanaw ang hardin. Nandoon siya, nakaupo sa likod ng mesa, nakasuot pa rin ng puting polo na halos walang gusot. Kahit simpleng nakaupo, ramdam ang bigat ng presensya niya. “Umupo ka,” utos niya, hindi man lang tumingin agad sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa upuang nasa tapat niya. Halos hindi ako makatingin. Sandali siyang tumahimik bago tuluyang ibaba ang hawak na dokumento. At nang tumingin siya sa akin, para bang nadurog ang puso ko sa bigat ng titig niya. “Alina,” panimula niya, mababa at buo ang boses, “mula ngayon, ako na ang magiging guardian mo. Naiintindihan mo ba?” Tumango ako agad. “Opo, Ninong.” “Good. Dahil dito sa bahay na ‘to, may mga bagay kang kailangang sundin.” Kinakabahan akong naghintay. “Una, gaya ng sinabi ko kanina, hindi ka lalabas nang walang pahintulot ko. Hindi dahil gusto kitang ikulong, kundi dahil may mga tao sa labas na maaaring manamantala. Naiintindihan mo ba?” Napayuko ako. “Opo.” “Pangalawa, igagalang mo ang lahat ng tao rito, mula sa mga tauhan hanggang sa mga bisita ko. Ang respeto, hindi mo lang ibinibigay sa akin, kundi sa lahat ng taong konektado sa akin.” Tumango ulit ako. “Pangatlo…” tumigil siya sandali, tapos bahagyang lumambot ang boses, “…aalagaan mo ang sarili mo. Kakain ka nang maayos, mag-aaral ka sa university kung saan kita ilalagay at titigil ka sa pag-iisip na pabigat ka rito. Dahil hindi ka pabigat, Alina. Naiintindihan mo?” Parang may kung anong mainit na gumuhit sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ‘yon mula sa kanya. Buong buhay ko, palagi kong iniisip na pabigat lang ako. “Opo, Ninong,” mahina kong sagot. Sandali siyang tumitig, bago muling sumandal. “May isa pa.” Napatigil ako. Isa pa? “Sayang kung hindi mo tatapusin ang pag-aaral mo. Hindi ba’t gusto mong kumuha ng accountancy?” Nanlaki ang mata ko. “P—po? Paano niyo po nalaman?” Bahagyang kumunot ang noo niya, parang hindi sanay na tinatanong. “I did my homework. Bago kita kinuha rito, pinag-aralan ko ang mga records mo. Magaling ka sa numbers. Hindi ko hahayaang masayang ‘yon.” Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas matatakot. Ibig sabihin ba nito, matagal na niya akong binabantayan kahit hindi ko alam? “Mag-eenroll ka sa susunod na semester,” dagdag niya. “Habang wala pa, pwede kang mag-aral dito, gumamit ng library, at maghanda. May mga tutor na darating dito sa mansion para turuan ka.” Parang nalunok ko ang sarili kong dila. Tutor? Mansion? School? Lahat biglaan. “Pero Ninong…” hindi ko napigilang magsalita, “…baka po masyadong magastos para sa inyo. Ayokong maging—” “Stop.” Malamig ang boses niya, pero hindi mabigat. Mas parang utos na huwag ko nang ituloy ang iniisip ko. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Mahigpit ang panga niya, pero sa likod ng seryosong ekspresyon, nakita kong may bahid ng awa. “Huwag mo nang ulitin na pabigat ka. Dahil simula ngayon, responsibilidad kita. At gagawin ko ang lahat para masiguro ang kinabukasan mo.” Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umiyak sa sinabi niya. Hindi sanay ang puso kong may nag-aalaga sa akin. “Salamat po, Ninong,” mahina kong sabi, halos hindi na lumalabas ang boses ko. Tumango lang siya, tapos muling binuksan ang dokumento sa mesa. “Pwede ka nang umalis.” Tumayo ako agad. Pero bago pa ako makarating sa pinto, narinig kong nagsalita siyang muli. “Alina.” Napalingon ako. Nandoon pa rin siya, busy sa papel na binabasa niya, pero hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi niya. “Kung may problema ka… kahit ano. Sabihin mo agad sa akin. Naiintindihan mo?” Para akong napatigil sa aking narinig. Tumango ako, mahigpit na hawak ang rosaryo sa dibdib. “Opo, Ninong.” At lumabas akong may kakaibang init sa puso, init na halo ng takot, respeto, at isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Pagsara ko ng pinto, saka ko lang pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Kung dati’y iniisip ko na si Ninong Sebastian ang taong kinatatakutan ko, ngayon… hindi ko na alam. Oo, nakakatakot pa rin siya. Oo, mahigpit at malamig. Pero sa likod ng bawat salita niya, may pakiramdam akong ligtas ako. Na kahit hindi ko man siya kilalang lubusan, kaya niyang hawakan ang mundong guguho para sa akin. At doon nagsimula ang tanong sa isip ko. Paano kung unti-unti akong matutong hindi lang matakot sa kanya… kundi kumapit? Bumalik ako sa kwarto ko na parang may malaking batong nakapatong sa dibdib. Hindi mabigat sa masamang paraan—parang mabigat kasi hindi ko alam kung paano tatanggapin na may isang taong ganito kalakas ang hawak sa buhay ko ngayon. Humiga ako sa kama, nakatingin sa kisame. Alina, hindi mo na ito dating buhay. Hindi na ikaw ang batang kinakailangang kumayod mag-isa para may makain. Pero… handa ka ba sa kapalit? Kinagabihan, sabay-sabay kaming naghapunan. Pero dahil wala pa akong gana, ilang subo lang ang nakain ko. Tahimik lang si Ninong, abala sa cellphone habang kumakain. Paminsan-minsan, tinitingnan niya ako—o baka guni-guni ko lang dahil sobrang conscious ako. “Hindi ka ba nagugutom?” tanong niya bigla, hindi inaalis ang tingin sa cellphone. Nagulat ako at muntik mabitawan ang tinidor. “Kumain naman po ako, Ninong.” Umangat ang tingin niya, diretso sa akin. “Hindi sapat ang dalawang subo para sa isang buong araw.” Namula ako sa hiya. “Pasensya na po.” “Hindi mo kailangan mag-sorry. Kainin mo ‘yan.” Wala akong nagawa kundi sundin siya. At sa bawat subo ko, parang nararamdaman ko ang bigat ng tingin niya. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam kong binabantayan niya ako. Pagtapos ng hapunan, dumiretso ako sa kwarto. Naligo ako, nagbihis ng maluwag na pambahay, at humiga. Pero hindi ako mapakali. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya sa opisina. “Huwag mong sabihing pabigat ka rito sa bahay.” “Responsibilidad kita.” “Ako lang ang meron ka.” Bakit gano’n? Dapat ba akong matakot, o dapat ba akong matuwa na may nagmamalasakit sa akin? Humigpit ang hawak ko sa rosaryo. “Tay, anong gagawin ko?” bulong ko. Hindi ko namalayan ang oras. Halos alas-diyes na nang kumatok ang pinto. Napaangat ako agad ng ulo. “Alina,” boses ni Ninong Sebastian. Parang natuyuan ako ng lalamunan. “P—Po?” “Buksan mo ang pinto.” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad siya. Nakapambahay lang din, kulay itim na t-shirt at pantalon. Pero kahit simpleng ayos, nakaka-intimidate pa rin siya. “May iniabot si Marites na gatas kaya ako na ang pumunta para ibigay ito sa iyo. Inumin mo bago ka matulog,” malamig niyang sabi, iniabot ang baso. Kinuha ko iyon, halos nanginginig ang kamay ko. “Salamat po, Ninong Sebastian.” Tumango lang siya at tatalikod na sana nang mapansin niyang nakayapak ako. Saglit siyang napatigil. “Bukas, magpabili ka ng tsinelas na pangbahay. Ayokong giniginaw ka rito.” Napakagat ako sa labi. Hindi ko inaasahan ang simpleng detalye na iyon ay makikita pa niya. “Opo,” mahina kong sagot. Tumango ulit siya bago tuluyang umalis. Naiwan akong nakatayo sa pinto, hawak ang baso ng gatas at ang puso kong hindi mapakali.(Sebastian’s POV)Alam ko ang nangyari kagabi.Alam kong nahalikan ko siya. Hindi iyon aksidente na basta ko nalimutan dahil lasing ako. Oo, lasing ako, pero malinaw pa rin sa akin ang lahat. Ang amoy ng buhok niya, ang gulat sa mga mata niya, ang init ng labi niya laban sa labi ko. At alam kong hindi ko dapat ginawa iyon. Ngayon, habang nakaupo ako sa mesa at nagkakape, pilit kong isinasantabi ang alaala na iyon. Tinitingnan ko si Alina na tahimik na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Hindi siya makatingin nang diretso. Lutang, kinakabahan. At doon ko nakikita ang epekto ng kagabi. Damn it, Sebastian. Bakit mo siya ginulo? She’s twenty-two. Matanda na siya. Hindi na siya bata. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na wala akong ginawang mali, hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko dapat tinitingnan ang inaanak ko nang gano’n. Pinanood ko siyang tahimik na tumayo matapos kumain, parang batang nahuli sa kalokohan. Doon ko lalong napatunayan: hindi n
(Alina’s POV) Pagkatapos ng agahan, nagkulong ako sa library. Kahit anong pilit kong magbasa, hindi ako makapag-concentrate. Parang nakatingin pa rin siya sa akin kahit wala naman siya roon. Bumalik sa isip ko ang halik. Hindi, aksidente lang ‘yon. Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa sarili ko. Pero bakit ba’t parang mas malinaw pa kaysa sa lahat ng librong hawak ko ngayon? Lumipas ang ilang oras, halos tanghali na, at naroon pa rin ako sa parehong mesa. Nakatulala, nakabukas ang isang libro na hindi ko naman talaga binabasa. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto. “Hindi ka ba kakain ng tanghalian?” boses ni Ninong Sebastian ang narinig ko. Muntik na akong mapatalon. “Ah, opo… pupunta na po.” Tumango lang siya. “Huwag kang magpapa-gutom. Mas mahirap mag-isip kung walang laman ang tiyan mo.” At umalis siya na para bang simpleng paalala lang iyon. Pero para sa akin, mas mabigat. Dahil sa likod ng malamig niyang boses, naroon ang kakaibang lambing na ayaw kong maramdaman. Hapon na
Madalas kong puntahan ang library sa mansyon. Doon lang kasi ako nakakaramdam ng kapayapaan. Tahimik, malayo sa bigat ng presensya ni Ninong Sebastian. At totoo lang, nakakatulong din na nalulunod ako sa mga librong iniwan ng kung sinu-sinong henerasyon na nauna sa kanya. Gabi na noon, mga alas-onse. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagpasya akong magbasa. Naka-upo ako sa sofa, may hawak na makapal na libro, at tanging ilaw lang ng desk lamp ang nagbigay liwanag sa paligid. Nasa kalagitnaan ako ng isang page na binabasa ko nang marinig ang marahas na pagbukas ng pinto. Napaangat ako ng ulo. At doon ko siya nakita. Si Ninong Sebastian. Pero iba siya sa nakasanayan ko. Magulo ang buhok, mapupungay ang mata, at halatang lasing na lasing. May bahid ng alak ang hangin, at mabigat ang bawat hakbang niya. “Alina…” mahina niyang tawag, pero parang hindi niya ako nakikita ng malinaw. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko pa nama
(Alina’s POV) Kinakabahan ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Ninong Sebastian. Para akong estudyanteng pinatawag ng principal. Pinagpapawisan ang palad ko kahit malamig ang hangin sa hallway. Hinahawakan ko nang mahigpit ang rosaryo ng tatay ko, pilit na kumukuha ng lakas ng loob. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, kumatok ako nang mahina. “Come in,” malamig niyang boses ang sumagot mula sa loob. Binuksan ko ang pinto, at agad akong sinalubong ng amoy ng kahoy at leather. Ang opisina niya ay parang kwadradong gawa sa kapangyarihan, makapal na mesa, mga bookshelf na puno ng libro at dokumento, at malaking bintana na tanaw ang hardin. Nandoon siya, nakaupo sa likod ng mesa, nakasuot pa rin ng puting polo na halos walang gusot. Kahit simpleng nakaupo, ramdam ang bigat ng presensya niya. “Umupo ka,” utos niya, hindi man lang tumingin agad sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa upuang nasa tapat niya. Halos hindi ako makatingin. Sandali siyang tumahimik bago tuluyang ibaba ang
(Alina's POV) Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Siguro dahil sa pagod, siguro dahil sa luha, o baka dahil sa bigat ng isipin na nagbago na talaga ang buhay ko. Ang alam ko lang, nang imulat ko ang mga mata ko, hindi na kisame ng maliit naming bahay ang nakita ko kundi kisame ng isang kwartong parang galing sa isang magazine. Ang ganda. Mas maganda pa sa mga hotel na napapanood ko lang sa TV. Pero kahit ganoon, parang may kulang. Parang kahit gaano kaganda, hindi ko pa rin matawag na “akin.” Nag-ayos ako, mabilis na naghilamos at nagsuklay. Hindi ko alam kung anong oras ako dapat bumaba. Wala namang nagsabi. At isa pa, hindi ko rin alam kung paano ba makikisalamuha sa mga tauhan dito. Hinawakan ko ang rosaryo ng tatay ko bago ako lumabas ng kwarto. “Samahan mo ako, Tay. Hindi ko kaya mag-isa.” Pagbaba ko sa hagdan, halos matulala ako sa lawak ng sala. Ang daming painting, ang daming mamahaling bagay na parang bawal hawakan. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay may mata na
(Alina’s POV) Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang araw na ito. Tahimik lang ako sa gilid ng kabaong ng tatay ko, hawak ang luma niyang rosaryo na siya ring iniwan niya sa akin bago siya pumanaw. Wala akong kasama. Ni ang nanay ko, hindi man lang nagpakita. Sabi nila, nasa probinsya na raw siya, may bago nang pamilya. Kahit maraming tao sa paligid, pakiramdam ko sobrang nag-iisa ako. Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan. Lahat ay napalingon, pati ako. At doon siya dumating, matikas, naka-itim na amerikana, matangkad at malapad ang balikat. Parang biglang huminto ang oras. Si Ninong Sebastian. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig ang mga kwento tungkol sa kanya—na istrikto, na matapang, na walang inuurungan. Kaya kahit pa siya ang nagbibigay ng pinakamahal na regalo tuwing Pasko, lagi kong iniiwasang lapitan siya. Ngayon, heto siya sa harap ko. Mas lalong nakakatakot kaysa sa alaala ko. Lumapit siya sa ka